Share

Chapter 1

Chapter 1

Dinidisiplina din ako ng Mama ko at ng mga tao sa paligid ko pero never in my life may nag paramdam sa'kin na basura ako, This is the fucking first time! 

Kanina ko pa pinipigilan 'yong sarili kong magwala dito sa CR, amoy na amoy parin sa damit ko 'yong punyetang toyo ng hudas na 'yon.

Hindi ako pala-mura pero putangina mo Clyde, humanda ka sa'kin.

Mabuti nalang at may dala akong extra pair of clothes, dahil kung hindi magkaklase akong amoy adobo. I wore a white T-shirt, maong pants and my sneakers. Bahala na. 

At pagkaminamalas ka nga naman, napuruhan pa ang white jeans ko at mukhang hindi na matatanggal ang mantsa ng toyo dito. 

"Argh!!" Napasigaw nalang ako sa sobrang gigil sa hayop na 'yon. Padabog kong binato sa locker ang gamit ko, wala akong balak dalhin sa room 'yang damit na inadobo nung hayop na 'yon.

Binuksan ko ang bag ko at nagsimulang magspray ng perfume sa wrist ko, baka sakaling hindi na ako amoy toyo. Habang busy akong nagmumura sa isip ko, hindi ko namalayan na may nabunggo ako.

"Hala, I'm sorry" I said habang tinutulungan ko siya sa pagpulot ng nalaglag niyang papel— Wait hindi to normal na papel kasi.. May heart? love letters? 

"No, It's okay." He smiled at me, napatitig ako sa mukha niya. Pantay pantay at mapuputing ngipin ang sumalubong sa'kin, at nakangiti siya na parang wala ng bukas. 

"Thank you!" He said

"Do... Do I know you?" I asked, he's quite familiar to me. Nakita ko na ba siya?

He just raised his eyebrows na parang nang-aasar.

I continue, "Familiar ka kasi.." pilit kong inaalala ang mukha niya, sure akong nakita ko na siya. 

Kanina ko pa iniisip kung sino ba talaga siya, natigil nalang ako sa pag-iisip ng may inabot siya sa'king panyo. 

"Pinagpapawisan ka." Sabi niya habang hawak hawak parin ang panyo. He chuckled, "sige na tanggapin mo na. By the way, I'm Xavier" He offered his hand at tinanggap ko naman agad 'yon. Choosy pa ba? Papabols na 'to oh! 

"Frankie Amber but you can call me Amber" I smiled

"Would you mind if I call you Love?" 

"H-ha?!" 

He laughed, for god sake! 'Yong tawa niya parang musika na ang sarap sarap niya—este ang sarap pakinggan. 

"I'm asking if I can call you Frankie? I like it more than Amber" he said, parang mas gusto ko 'yong isa niyang tanong. Hmp! 

"Mas okay kung love..." bulong ko pero mukhang narinig niya. 

"Hmm?" He asked, Joke lang 'di pala niya narinig. 

"Nothing" I looked at the love-uh-letters. "Admirers?" I asked him. 

He laughed, "Yeah, You know I like talking to you but I really need to go Frankie, see you around" He winked at umalis na siyang tuluyan. 

What the fvck?! Did I just found my first crush? Ang gwapo at ang bait pa! But he's really familiar hindi ko alam pero alam kong nakita ko na siya. Naputol naman ang pag-iisip ko ng may nagsalita sa tabi ko. 

"Hey!!" Si Cha pala, "Why are you talking to Xavier?! I'm jealous na ha!" She asked me. 

"You know him?!" I asked her and she nodded, parang lahat siguro ng tao dito sa buong campus kilala niya. Siguro pati butiki at ipis alam niya din ang background. 

"Don't tell me hindi mo siya kilala?" Umiling ako para sabihin sa kaniya na hindi. "Girllll, wala ba kayong television sa Rizal?" she just rolled her eyes at hinila ako, "Tara na malelate na tayo" 

Problema nito?

— 

The class went well, lunch time na. I really hope wala ng gumambala sa'king masamang elemento sa pagkain ko. Nilapitan ko si Cha para ayain kasabay kasi wala naman akong ibang kilala dito. 

"Cha, sabay tayo lunch" Pangungulit ko sa kaniya. 

She nodded at lumapit sa'kin at inakbayan ako. 

"Let's go, baka mapagtripan ka nanaman ni Clyde" She laughed at naglakad na kami palabas ng classroom.

Sa awa ng tadhana, wala namang naglakas loob lutuin ako paglabas ko ng classroom. Hindi na pwede dahil wala na akong extra clothes, baka umuwi ako ng amoy handaan. 

Dumiretso na kami ng cafeteria at umorder lang ako ng fries and coke, wala ako sa mood kumain ng heavy meal. Salad naman ang inorder ni Cha, diet nga si gaga. 

"Ang unhealthy mo namannn!" Pagrereklamo niya, inirapan ko lang siya. Ano naman?!

My body, My rules! 

Nagkukwentuhan naman kami ni Cha about sa last prof namin na masungit, panot naman! Natatawa nalang kami kasi kamukha niya si Mr. Lopart sa Handy man. Natigil kami sa pagtatawanan ng may tumabi sa upuan ko. Pag angat ko ng tingin halos mabulunan ako sa kinakain ko. 

"Hi Frankie!" Ngumiti siya ng malapad, "Can I sit here?" Nagtanong pa siya eh, nakaupo na nga siya. 

"May choice pa ba ako?" Pantataray ko sa kanya pero sa totoo lang gusto ko na siyang halikan. 

He chuckled, "Cute" He smiled at naningkit nanaman ang mata niya, pinisil niya ang pisngi ko. 

"Frankie?! Who's that?" Cha asked, hindi pala niya alam full name ko. 

"Frankie Amber Celestial, at your service" I said na para bang isa akong impleyado ng fast food chain. 

"Gross" She said that made us laughed, bakit parang ang awkward ng atmosphere? 

I just rolled my eyes para hindi halata, Cha coughed that caught our attention. Tinawanan lang namin siya dahil mukha siyang nabulunan kakakain ng damo. Inabutan ko siya ng coke pero mabilis niyang tinanggihan at kinuha ang bottled water niya sa tabi. 

Hindi ko alam kung may sayad ba ako o epekto 'to ng toyo pero aliw na aliw ako sa mukha ni Cha habang nabubulunan. Naputol naman ang pag-uusap namin ng may demonyong umupo sa tabi ko. 

Napapikit nalang ako sa Inis na nararamdaman ko. Ang position namin, Si Xavier—ako—Clyde at nasa harapan ko naman si Cha. 

Mabilis na nagtingginan sa'min lahat ng estudyante sa cafeteria, katabi ko lang naman ang dalawang heartthrob sa school na ito. 

Tinaasan naman ako ng kilay ni Cha na parang naguguluhan, malamang andito siya kasi andito si Cha.

"What? Bestfriend ka diba? Paalisin mo nga 'to! Napapaso ako sa init ng demonyong 'to!" Singhal ko kay Cha at mabuti nalang sumunod siya. 

"What brought you here?" Cha asked him and he just shrugged. Baliw ampota.

Tiningnan ko naman si Xavier na sa tingin ko nakakaramdam ng galit ko. Nakatingin lang siya ng seryoso kay Clyde pero nung nakita niya akong nakatingin sa kaniya, He just smiled. 

"Bakit ba ang init?!" I looked at him "Ah! may demonyo kasi!" Pagpaparinig ko sa kaniya habang nagpapapaypay gamit ang kamay ko. 

"Maybe because I'm hot" ampota—ang yabang. 

"What the hell are you doing here?" I asked him, baka hindi ako makapagtimpi gawin ko siyang adobo dito. 

"Uh? Eating?" He said, halos mangalaiti na ako sa galit. 

"Kumalma ka d'yan." Xavier said, tinaasan ko naman siya ng kilay. 

"Napipi mo na 'yang lata ng coke" at tiningnan ko ang coke ko..

oh no fvcking way! Not my coke! 

"Here, sa'yo nalang" He gave me his coke. I smiled at him. Naniniwala kasi ako sa masabihan na,

'A way to a women's heart is through giving her a softdrinks' 

pero pagkaminamalas ka nga naman, Kinuha lang naman ng hudas sa tabi ko ang coke at mabilisang tinungga.

"Anak ng—" Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nakatitig lang ako pero sa loob loob ko, lunod na lunod na siya sa malulutong kong mura. 

Ayoko nang magsayang ng laway kakamura sa hudas na 'to, kung pwede ko naman hiniling na sana mamatay na siya. Agad-agad ganon! 

"Thanks" Ngumiti pa siya na para bang nasa commercial siya ng toothpaste. Tumayo na siya at akmang aalis na pero hinila niya ako patayo. 

"What the fck?! Ano bang Problema mo?!" I asked him, Isa nalang talaga paglalamayan na you bukas. 

"I'm sorry I forgot" He said and he put his hand on my waist, palapit na ng palapit ang mukha niya sa'kin. 

What the hell? Bakit hindi ako lumalaban. 

Gusto kong basagin ang mukha niya, Wala siyang karapatan hawakan ako! 

And then....

He kissed me...

"Bye, Love" He winked and left me speechless 

What an actual fuck?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status