(Continuation of chapter 19)
Lizabeth's POV
Madami na ang naganap sa nakalipas na trenta minutos. Mayroong mas piniling tumungga ng alak at ang iba naman na mahina ang alcoholic tolerance ay mas piniling gawin ang dare. May mahihirap, may madali, at mayroon ding nakakadiri.
"Okay, it's your turn Allyson," wika ni Andrea na nasa tabi ni Allyson. Umayos naman ng upo si Allyson at saka nakangiting tumingin dito.
Maging ako ay naghihintay sa ipapagawa sa kanya.
"I dare you to seduce Kenzo."
Lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Andrea at napatingin sa akin si Lloyd, ay mali, silang lahat pala mismo ay nakatingin na sa akin ngayon.
Humarap sa direksyon namin si Allyson na may kakaibang ngiti sa mga labi. Pakiramdam ko ay gusto kong silaban sa bonfire si Andrea dahil sa dare niya kay Allyson. Grabe harap-harapan talaga?
Lizabeth's POV Ramdam ko ang pagtibok ng kanyang puso habang nakayakap siya sa akin at maging ang iniinom nilang alak ay naaamoy ko mula sa kanyang bibig. Hindi ako makagalaw, hindi makaimik, at hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman. Hindi pa man nagtatagal ng ilang segundo ang pagkakayakap niya sa akin ay nagulat ang lahat nang bigla siyang hilain ni Kenzo at binigyan siya nito ng malakas na suntok sa pisnge. "Kenzo!" Napatakbo si Lloyd papunta kay Kenzo at saka niya ito niyakap sa likod upang pigilan itong saktan ang kanyang kapatid. Kaagad akong tumayo at pinuntahan si Luis. Dumudugo ang labi niya at mukhang pumutok ito. "Wow! So you're going to defend him, huh?" wika ni Ken. "Bro, calm down—" "Don't touch me, Pineda!" Naputol ang sasabihin ni Lloyd nang bigla siyang sinigawan
(Continuation of chapter 20) Lizabeth's POV Nakarating ako sa madilim na parte ng resort at doon ko na ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Ang t*nga ko. Sobrang t*nga ko. "Argh!" Halos mabasag na ang boses ko dahil sa lakas ng pagsigaw ko sa kawalan. Pero on the other side, ano ba itong nararamdaman ko? Nagseselos ba 'ko? Pero bakit? Wala naman akong karapatan 'di ba? Hindi naman kami tunay na kasal pero f*ck this life! May karapatan naman siguro akong masaktan 'di ba? May damdamin din naman ako. Napaupo na lamang ako sa buhangin dahil pakiramdam ko ay nanghihina na 'ko. Tuloy lamang ako sa pag-iyak na ani mo'y hindi nauubos ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Matapos ang mahabang sakit at kirot sa dibdib ko ay sa wakas nailabas ko na din. Nami-miss ko na sila Mama, Ate Lucy, Irene, Weslynn, at Kevin. Gusto ko na lang bumalik sa dati kong
Lizabeth's POV Nandito na kami ngayong lahat sa labas ng hotel at naririto na din ang mga van na sasakyan namin pauwi. Si Kenzo ay nasa loob pa din ng hotel at siguro'y pababa na din dala ang mga bagahe namin. Syempre may kasalanan pa siya sa akin kaya pinabayaan ko siya doong mahirapan. Nakasuot na ako ngayon ng pink sando, maong na short, sandals, at saka sunglasses. Nakalugay naman ang wig ko at heto ako't nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang dagat sa huling pagkakataon. "Bakit mag-isa ka dito?" Bigla na lamang sumulpot si Luis sa aking tabi. Nang makita ko siya ay kaagad akong dumistansya at baka makita na naman kami ni Kenzo. Mag-aalburoto na naman siya panigurado. "Kasi wala akong kasama," pamimilosopo ko naman. Natawa siya sa sinagot ko ngunit nanatili akong nakatingin sa kawalan kaysa bigyan siya ng pansin. Simula nang tapus
(Continuation of chapter 21) Lizabeth's POV "Wow! Saan ka naman nanggaling, ha? Bakit ang dami mong pasalubong?" tanong ni Weslynn habang kumakain ng binili ko para sa kanilang tatlo. Sila Irene at Kevin naman ay abala sa pagsusukat ng damit. Nandito kami ngayon muli sa bahay nila Irene dahil tinawagan ko sila kanina. "Oo nga, ang sabi ni Teacher may sakit ka daw? Tapos ngayon may dala kang ganito," saad naman ni Kevin. "Ah, eh. Wala, m-may nagbigay lang sa akin na kakilala ko na galing sa Boracay noong nakaraan. Ang sabi niya bigyan ko daw mga kaibigan ko saka sila Mama." Napakagat ako sa labi ko dahil sa pagsisinungaling ko sa kanila. "Gano'n? Pakisabi salamat, nga pala. Anong oras tayo pupunta sa inyo?" tanong ni Irene at saka sila sabay na umupo ni Kevin sa harap namin ni Weslynn. "Ang sabi ko kay Ate kahit mamayang hapon n
Lizabeth's POV "Aish! Ano ba 'yan?! Project, project, puro na lang project! Gusto ba talaga nilang matapos ang school year na 'to na nakikita tayong nahihirapan?!" wika ni Weslynn na halos mayupi na ang gunting sa higpit ng pagkakahawak habang nandito kami ngayon sa gym at nagtutulungan sa group project namin. "Hey, Weslynn, relax," saad naman ni Irene na kalmado lamang na naggugupit ng colored paper. "'Di bale sana kung magte-teacher tayong lahat, 'di ba? Para naman maibalik natin sa mga estudyante 'yong hirap kaso hindi!" saad muli ni Weslynn at itinaktak ang glue sa isang papel at mukhang doon niya binubuhos ang galit niya. Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ni Irene. "Part naman ng life natin ang mahirapan. Kaya tiis-tiis lang kayo." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Kevin. "Basta magkakasama tayo, kaya natin 'to. 'Wag kayong mawalan ng lakas ng loob
(Continuation of chapter 22) Lizabeth's POV "Welcome sa show ko, Mr. and Mrs. Navarro. Grabe, napaka ingay ng pangalan niyo sa mundo ng showbiz at social media. So, naisip kong gawin ang interview na 'to para sa mga fans niyo na gusto pa kayong makilala," wika ng bakla na kung hindi ako nagkakamali ay si Vince Ganda. "Masaya din po kami ng asawa ko na na-invite kami sa show na ito," tugon naman ni Kenzo at talagang hinawakan pa ang kamay ko. Lihim namang napaikot ang mata ko. Ang plastic talaga, grabe. "So, marami nang nakakakilala sayo, Kenzo. Kaya ngayon, si Mrs. Navarro muna ang i-interview-hin ko, curious din kasi ang mga taga-hanga ng love team niyo about sayo, Liza." Ngumiti naman ako bilang tugon pero ang totoo ay binabanas ako sa pagkakahawak ng kamay ni Ken sa akin. "First question, saan ka originally nakatira?"
Lizabeth's POV "Saan ka ba nagpunta kahapon? Bigla ka na lang nawala akala namin na-kidnap ka na," wika ni Kevin habang sabay-sabay kaming naglalakad na apat papaakyat sa hagdan. "Oo nga, ang akala tuloy ng prof natin nag-cutting class ka," saad naman ni Weslynn. "And you also didn't reply to my text," naiiritang banggit ni Irene. Nagpakawala ako ng buntong hininga at saka tumigil sa paglalakad. Nakatingin lamang silang tatlo sa 'kin at hinihintay ang paliwanag ko sa mga sinabi. "First of all, hindi ako nag-cutting class. Second, hindi ako na-kidnap. Third, hindi ako nakapag-reply sayo, Irene dahil naubusan ako ng load. At ang sagot sa tanong na kung saan ako nagpunta, bigla kasi akong nahilo kaya naisipan kong umuwi na lang muna." "Sinong kasama mo?" tanong ni Weslynn. "W-wala," pagsisinungaling ko naman. &nbs
(Continuation of chapter 23) Lizabeth's POV Habang papalapit ako nang papalapit sa kanyang silid ay doon na nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ang sunod-sunod na ungol. "Hmm... yes." "Oh..." Nang makarating sa harap ng pinto ay nanginginig pa ang mga kamay ko habang inaabot ang seradura ng pinto. Pinagdadasal ko na sana ay mali ang hinala ko. Pinihit ko na ang pintuan at saka ako sumilip sa maliit na siwang nito. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang isang babaeng walang saplot at nakapatong sa ibabaw ni Kenzo na kapwa wala ding suot na kahit ano. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan. "Mga hayop kayo!" Doon na sila parehong napatigil sa ginagawang milagro at saka napatingin sa direksyon ko. Mahigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao habang nanginginig