Beranda / Romance / Addicted to Professor Yugi (Book 1) / 005 The Distracting Thought

Share

005 The Distracting Thought

Penulis: zeharilim
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-31 04:26:19

Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.

Gusto niyang umiyak.

Magwala.

Magreklamo.

Tumanggi.

Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay bigo siya. Hindi niya magawa hindi dahil sa natatakot siya o may utang na loob siya bagkus ay nasisigurado niya na wala rin siyang mapapala. Kilalang-kilala niya si Mr. Marquez at parehong-pareho sila ng ugali ng anak nitong si Elyan.

Hindi ito marunong tumanggap ng salitang hindi at tila ba lahat ng gusto nito ay kailangang masunod.

"Family of brats!" Iling niya at kulang nalang ay ibagsak ang hawak niyang pinggan. "Sa dinami-rami ng pwede niyang atasan na maging tutor ng mahadera niyang anak, bakit ako pa? Lintik na 'yan! Kailangang ako pa talaga ang mag-adjust!"

Gigil niyang binitawan ang hinuhugasan niyang pinggan ganoon din ang hawak niyang sponge. Ikinuyom niya ang kanyang dalawang kamao kasunod niyon ay napapikit siya.

Kung tutuusin ay hindi lang naman ang pagpapantasya niya sa dalaga ang iniintindi niya kundi ang extra rin niyang trabaho sa university. He's been self-supporting himself simula nang ipagtabuyan siya ng kanyang ama at hindi siya makakabalik sa kanilang pamilya kung hindi niya mapapatunayan ang kanyang sarili sa kanila.

Maya-maya ay naputol ang kanyang pananahimik nang may tumapik sa kanyang balikat. Agad siyang napalingon at doon ay nakatayo sa kanyang likuran si Aki - ang kanyang boardmate at isa ring Professor mula sa kabilang university.

"Ba't nakabusangot ka dyan? Ang aga-aga, mukhang masama yata 'yang timpla mo?" anito at inilapag ang pinagkainan nito sa lababo. "Wag mong sabihin na may nakasagutan ka na namang estudyante sa university niyo? Naku, Yugi! Wag mong hintayin na tuluyang may magreklamo sa 'yo dahil dyan sa ginagawa mo."

Pagak siyang natawa at padabog na dinampot ang inilapag nitong pinggan.

"Aba't mas gugustuhin ko pang may makasagutan kaysa naman..." Umiling siya at hindi kalaunan ay tinapunan ng tingin ang binata. "Hindi ba't kilala mo si Mr. Marquez?"

"Yeah!" tugon nito at hindi kalaunan ay nagkasalubong ang dalawang kilay. "Wag mong sabihing siya ang nakasagutan mo? Naku, kapag nagkataon ay malaking problema 'yang kahaharapin mo!"

"Hindi!" Tanggi niya habang abala na sa pagbabanlaw ng mga pinggan. "Nabanggit ko sa 'yo na bumagsak ang anak niyang si Elyan sa subject ko, hindi ba? Kahapon ay kinausap niya ako tungkol doon at ang sabi niya ay gusto niya akong i-hire bilang tutor ng anak niya."

Nanatiling walang imik si Aki bagkus ay tumango lamang ito.

Yugi took a deep breath. "Bukod sa pagiging tutor ay gusto rin niyang turuan ko ang anak niya kung paano magpatakbo ng negosyo. Sasahuran daw niya ako ng triple sa salary na natatanggap ko bilang Professor sa university. Other than that, mayroon pa siyang ibibigay sa 'king mga benepisyo basta ba wala akong ibang extra job na aasikasuhin kundi ang pagiging tutor ko kay Elyan."

Hindi sumagot si Aki. Hinihintay niya itong magsalita o magbigay ng opinyon nito ngunit tulala lamang itong hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa kanya.

Kaya naman sa mga sandaling iyon ay dismayado siyang napailing sa tinuran na iyon ng kaibigan. Imbes na makipagtitigan dito at tumunganga ay napagdesisyunan niyang tuluyan nang tapusin ang kanyang pinagkakaabalahan. Not long after he wiped his hands with dry towel, nakita niya ang unti-unting pagguhit ng nakakalokong-ngiti sa mga labi nito.

Hanggang sa hindi nagtagal ay narinig niya ang malulutong na hagalpak nito na naging dahilan ng pagsasalubong ng kanyang dalawang kilay.

"Problema mo? May nakakatawa?" iritable niyang anas at pumwesto sa may dinner table.

Sinundan siya ng kaibigan habang hindi pa rin matigil sa katatawa nito.

"Akalain mo! Iyong babaeng pinakainiiwas-iwasan mo magmula pa noong pumasok sa university, ngayon ay magagawa mo nang harapin ng malapitan. Paniguradong hindi magiging maganda ang epekto sa 'yo ng paglalapit niyong dalawa. A tutor and a student? What would happen if you were both alone in one room?" Hagikhik niya.

Hindi nakasagot si Yugi sa pahayag na iyon ni Aki.

Pilit siyang napangiti kasunod niyon ay ang paghugot niya ng isang malalim na buntung-hininga. Sa kanyang pag-iling ay ang pagtulak niya kay Aki na naging dahilan ng kamuntikanan nitong pagkahulog mula sa kinauupuan nito.

"Come on, grump!" pagpapatuloy nito sabay suntok sa kanyang braso. "Pareho nating alam kung ano ang magiging epekto sa 'yo kapag tuluyan kayong nagkalapit ni Elyan. But you have to think about it. Malaking pera ang sasahurin mo kapag naging tutor ka niya. With this job mas malaki ang maiipon mo kumpara naman sa iba pang trabaho mo na barya-barya lang ang sinasahod mo."

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

Sa katunayan ay tama naman ang binata. Naisip na rin niya ang tungkol sa bagay na iyon at malaki nga ang maitutulong niyon sa kanya. It's been five years since his father disowned him dahil sa naging argumento nila sa isang bagay na gusto ng kanyang ama para sa kanya.

He wants to see his family, at ayaw niyang tumagal pa ang mga sandaling malayo siya sa mga ito.

Muli ay nagsalita si Aki na ikinabaling niya ng tingin dito.

"Besides, being Elyan's tutor doesn't only mean money...if you know what I mean," nakangisi niyang sambit na ikinaangat ng kilay ko. "Kapag napalapit ka sa kanya, malaki ang chance mo na..."

"Shut the fuck up, Aki!" bulalas niya sabay tayo niya mula sa kanyang kinauupuan. "Shut up that nonsense! Hinding-hindi ko gagawin kung ano man 'yang iniisip mo. Pinagkatiwalaan ako ni Mr. Marquez at paninindigan ko ang pagtitiwala niyang 'yon."

Pagak itong natawa at hindi kalaunan ay muling sinuntok sa braso ang kaibigan.

"As if!" Sabay tayo mula sa kinauupuan nito at nagtungo sa sala. "Malay natin, sa inyong dalawa, hindi lang pala ikaw. We don't know, maybe she's also fantasizing about you - just like any other students would."

Matapos ang mga sandaling iyon ay tuluyan na ring nag-ayos si Yugi upang magtungo sa bahay ng mga Marquez. Kabado siya dahil bukod sa wala roon ang mag-asawa ay paniguradong si Elyan ang unang-una niyang makakaharap. Sa halos isa't-kalahating taon na pagsusungit niya at hindi niya pagpansin sa dalaga, ngayon ay mawawalan na nang saysay iyon.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya nang buksan nito ang pinto.

Agad na bumungad sa kanya ang living room ng mga Marquez kung saan ay napaliligiran ng mga potted plants at flowers. Sa pader naman ay nakasabit ang framed pictures ni Elyan ganoon din ang mga magulang nito. Mayroon ding mga diploma at ilang mga mahahalagang dokumento na importante sa pamilya Marquez.

Everything around the room ay organisado.

Sobrang linis at malayong-malayo sa tinitirahan nilang apartment ni Aki. Panigurado siya bukod sa kanilang pamilya ay mayroon pang katulong ang mga ito. After all, afford naman ng pamilya Marquez ang mag-hire ng katulong kahit na dalawa o tatlo pa iyan.

Hindi kalaunan ay naputol ang mga sandaling iyon nang marinig niyang tumikhim si Elyan. Dali-daling napadpad ang kanyang tingin sa suot nitong damit kung saan ay kita ang makinis nitong binti ganoon din ang litaw nitong cleavage. Sa pangalawang pagkakataon ay nag-angat siya ng tingin at minabuting salubungin ang mga titig ng dalaga.

"You've mentioned earlier na may pinag-usapan kayo ni Papa kahapon," anas nito sabay sara ng pinto. "Sinabi mo rin na gusto niyang iparating sa 'kin 'yon. What is it about? Tungkol ba sa pagbagsak ko sa subject mo? It is, isn't it?"

He nodded. "Oo. Tungkol nga doon. But other than that, meron pang iba."

"Ano 'yon?" napaalumbaba nitong tanong.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Yugi sa tinuran na iyon ng dalaga. Bagamat hindi man siya direktang nakatingin sa nakalitaw nitong cleavage ay tila ba pakiramdam niya ay binuhusan siya ng bagong kulo na tubig sa mga sandaling iyon.

Ngunit kahit ganoon pa man ay sinubukan niyang panatilihing kalmado ang kanyang sarili.

"He asked me to tutor you," sagot niya na ikinabilog ng mga mata ni Elyan. "Actually, isa ring dahilan kung bakit gusto kitang makausap at kung bakit ako nagpunta rito ay dahil marami tayong kailangang pag-usapan tungkol sa bagay na 'yon."

"Tutor?" gulat nitong sambit. "Tutor! You're going to be my..."

Umangat ang dalawang kilay ni Yugi at tumango. "It's Mr. Yal's order. Pero bukod sa pagiging tutor mo ay mayroon pa akong ibang papel na kailangang gampanan. Knowing that you're the heiress of the Marquez family, kailangan mong matutuhan ang lahat ng bagay tungkol sa kompanya niyo lalong-lalo na ang patakbuhin 'to. So whether you like it or not-"

"There's no way na tatanggihan ko ang opportunity na 'to!" putol ni Elyan na ikinahinto ni Yugi. "You are one of the best professors in the university and other than that, tuturuan mo rin ako na i-manage ang kompanya namin. Who's going to say no to that?"

Hindi nakaimik si Yugi bagkus ay tumango lamang siya bilang pagsang-ayon.

Maya-maya ay napatitig siya kay Elyan na kung tutuusin ay inaasahan niyang tatanggi sa magiging setup nila. He knows how she hates studying especially when it comes to business, pero ngayon ay tila ba nabuhay ang natutulog nitong dugo.

Sa puntong iyon ay napaisip tuloy siya lalong-lalo na sa mga binitawang salita ni Aki kanina.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   006 Who's That Girl?

    Tatlong araw na mahigit simula nang magkausap sina Elyan at Professor Yugi. Matapos ang pag-uusap na iyon ay pareho na silang naging abala sa kaniya-kaniya nilang mga gawain sa university. Ang professor ay busy sa pag-aasikaso at pag-aayos para sa gaganaping acquiantance party habang ang dalaga naman ay abala sa drama project nito kasama ang ilang mga kaklase nito. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makalimutan ni Elyan ang mga sandaling magkaharap sila ng professor. Bagamat noon pa man ay sinusungitan na siya nito, she had never seen him that irritated. Bukod pa roon ay hindi nito magawang salubungin ang kanyang mga titig at hindi rin nito magawang ituon ang buong atensyon nito sa kanya. Pansin din niya ang paulit-ulit na pag-iwas nito ng tingin sa tuwing kinakausap niya ito ng masinsinan. Honestly, she hates people not looking at her in the eye when they talk to her. Pero sa kaso ng professor ay tila ba mas ikinatutuwa pa niya ang pag-iwas nito sa kanya sa kada

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   005 The Distracting Thought

    Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez. Gusto niyang umiyak. Magwala. Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay bigo siya. Hindi niya magawa hindi dahil sa natatakot siya o may utang na loob siya bagkus ay nasisigurado niya na wala rin siyang mapapala. Kilalang-kilala niya si Mr. Marquez at parehong-pareho sila ng ugali ng anak nitong si Elyan.Hindi ito marunong tumanggap ng salitang hindi at tila ba lahat ng gusto nito ay kailangang masunod. "Family of brats!" Iling niya at kulang nalang ay ibagsak ang hawak niyang pinggan. "Sa dinami-rami ng pwede niyang atasan na maging tutor ng mahadera niyang anak, bakit ako pa? Lintik na 'yan! Kailangang ako pa talaga ang mag-adjust!"Gigil niyang binitawan ang hinuhugasan niyang pinggan ganoon din ang hawak niyang sponge. Ikinuyom niya ang kanyang dalawang kamao kasunod niyon

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   004 The Unexpected Visitor

    Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan.Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siyang makapagtapos.But then, hindi niya sinunod ang gusto ng kanyang ama. Ayaw kasi niyang mapagod siya at mas lalong ayaw niyang bigyan ang sarili niya ng sakit ng ulo o di kaya ay stress.Dahilan niya ay hindi naman ang ama niya ang mapapagod kundi siya at isa pa, may mga susunod pa namang semester. Ganoon din ang ginawa ng pinsan niya noong nasa college ito at kung tutuusin ay mas madali raw iyon dahil kakaunti ang klase na pinapasukan nito.Sumandal siya sa kanyang headboard at kunot-noong napahalukipkip. Muli na naman kasi niyang napanaginipan si Professor Yugi. Kung tutuusin ay gabi-gabi nalang, inis nga siya dahil alam niya na ang mga panaginip na iyon ay malabong mangyari.Isang malali

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   003 The Tutor

    Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito. Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Bagamat buhay na buhay ang naging usapan nila sa kanilang naging meeting kanina ay hindi niya pa rin maalis sa kanyang isip si Elyan. His body was present, but his mind was totally absent during their conference. Hanggang sa puntong iyon ay hindi niya makalimutan ang pagsasalubong nila ng tingin ng dalaga at hindi niya makalimutan kung paano siya nito titigan.Napahilamos siya sa kanyang mukha.Inis na inis siya sa kanyang sarili kung bakit hindi niya magawang labanan ang kanyang pagpapantasya sa dalaga. Kung tutuusin ay hindi dapat dahil estudyante niya ito at anak ito ng co-founder ng university na siya mismong nagpasok sa kanya sa kanyang trabaho ngayon.He's supposed to be a professor, not a creep.Sumandal s

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   002 The Hot Professor

    Hindi man niya aminin ngunit labis ang pagkahumaling ni Elyan kay Professor Yugi. Kung tutuusin ay tuwang-tuwa siya sa tuwing rinig niya ang inis at inggit ng mga kaibigan niya sa tuwing sinasabi ng mga ito na sana ay Professor nalang din nila ito - kahit sa isang subject lang.Well, hindi siya proud na bumagsak siya sa isa niyang subject pero masaya siya dahil buong taon na naman niyang makakaharap at makikita ang Professor.Sa katunayan kasi ay naka-assign ang Professor sa first year college department. Doon siya itinalaga na magturo. Kung minsan ay nagsa-subtitute ito sa third year department at fourth year department. At kapag nangyari iyon ay hindi magkandaugaga ang mga estudyante. Todo ang pakikinig nila sa Professor dahil bukod sa napakagaling nitong magturo ay hindi maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan.Sa tuwing nakatayo nga ito sa harapan ng klase ay lihim nalang na napapakagat-labi si Elyan. Nakatutok ang kanyang mga mata sa maskulado nitong mga bisig. Ang dibdib nito n

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   001 The Sexy Cheerleader

    Papunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig niya ang head cheerleader. "Okay. Let's do it again. One, two, three!" sigaw nito kung saan ay muli nilang inulit ang kanilang ginawang formation kanina. Napasandal si Yugi sa pader ng hallway na kinatatayuan niya at tulalang nakatitig sa head cheerleader. That's Elyan Marquez. Anak ng isa sa co-founder ng University na pinapasukan niya. A pretty young lady, yet a brat and a bully. Pero kahit ganoon pa man ay hindi maalis ni Yugi kung gaano siya aliw na aliw sa tuwing pinapanood niya ang dalaga. Ang kikinis ng mga hita nito, malulusog ang mga dibdib nito at higit sa lahat ay mapupula ang mga labi nito. "Sino ba namang hindi?" anas niya sa sarili. Maya-maya ay nabulabog ang pananahimik

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status