Masuk
Papunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig niya ang head cheerleader.
"Okay. Let's do it again. One, two, three!" sigaw nito kung saan ay muli nilang inulit ang kanilang ginawang formation kanina. Napasandal si Yugi sa pader ng hallway na kinatatayuan niya at tulalang nakatitig sa head cheerleader. That's Elyan Marquez. Anak ng isa sa co-founder ng University na pinapasukan niya. A pretty young lady, yet a brat and a bully. Pero kahit ganoon pa man ay hindi maalis ni Yugi kung gaano siya aliw na aliw sa tuwing pinapanood niya ang dalaga. Ang kikinis ng mga hita nito, malulusog ang mga dibdib nito at higit sa lahat ay mapupula ang mga labi nito. Maya-maya ay nabulabog ang pananahimik niya nang marinig niya ang grupo ng mga maiingay na mga first year na dumaan sa hallway. "Nandyan po pala kayo, sir," pagsisimula ng isa. "Ang ingay mo kasi, Abner," litanya naman ng isa. Nagsalita si Yugi. "Saan ba kayo pupunta? Bakit para kayong mga manok na putak ng putak?" Napakamot ang isa na may hawak na libro. "Gagawa po ng project dyan sa gym para sa theater club namin." "Iyon naman pala. Bakit kailangang mag-ingay?" taas-kilay niyang anas at bumuntung-hininga. "Sige na. Dumiretso na kayo ron sa loob bago ko pa kayo dalhin sa Dean's office." Matapos ay nagpatuloy na ang mga ito papasok sa loob ng gym habang si Yugi naman ay dumiretso na patungong second floor. "Prof. Yugi, nakasimangot ka na naman," natatawang sambit ni Prof. Loreal na nasa librarian corner. "Ano na namang ginawa ng mga magagaling mong estudyante?" "Hay naku! Wag niyo nalang tanungin dahil araw-araw ay pare-pareho lang naman ang trip ng mga 'yan," walang gana niyang sagot. Natawa ang dalawang Professor. Natawa din siya kasunod niyon ay ang pag-upo niya sa bakanteng upuan malapit sa bintana. "Siyangapala, 10:30 na," ani Prof. Jack. "May klase na kami. Wish us luck." Tumango siya at di kalaunan ay tuluyan na ngang nagsialisan ang mga ito.Akmang sisimulan niya na ang pagche-check ng mga bitbit niyang test papers ay natigil siya nang marinig niya ang halakhakan mula sa gym.
It's Elyan and the rest of her friends. Tapos na ang kanilang practice at nagkukwentuhan na ang mga ito. Mula roon ay tanaw niya ang dalaga. Napangiti siya nang makita niya ang matamis nitong mga ngiti. Pero di kalaunan ay natigil na lamang siya nang tanggalin nito ang hoodie nito. Sa puntong iyon ay nakasuot na lamang ito ng sando kung saan ay lumitaw ang cleavage nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin at muling itinuon iyon sa mga test papers."You've got to stop it, Yugi," bulong niya sa sarili. "Good morning, sir," bati ng isang estudyante na kapapasok pa lamang sa loob ng library. "Meron daw po pala kayong meeting mamaya with Mr. Marquez. Pinapasabi ni Prof. Eduardo." Tumango siya. "Sige. Anong oras daw? May sinabi ba?" "Mamayang ala-una daw ho," sagot nito. "Thank you," aniya na ikinangiti lang ng estudyante at di kalaunan ay nagpatuloy na rin patungo sa kabilang lamesa. Bukod sa pagiging Math Professor ay isa ring maituturing na heartthrob ng campus si Yugi. Makisig, gwapo at siya ang pinakabata sa lahat ng Professor sa University. He's in his early 30s, young and wild, ika nga ng ilang mga estudyante na lubos ang admiration sa kanya. Ang ilan sa kanila ay walang pakundangang umaamin sa kanya na may gusto sila sa kanya.Pero sa lahat ng iyon ay tanging si Elyan lamang ang nakakuha ng kanyang atensyon.
Actually, every guy in the university likes her. Hindi na kataka-taka kung bakit pati siya ay naaakit sa dalaga. Maya-maya ay bahagya siyang natigil nang bumukas ang pinto ng library.Iniluwa niyon si Elyan kasama ang mga kaibigan nito. Sa puntong iyon ay nakabihis na ang mga ito ng school attire habang hawak nila ang kanilang mga libro.
"Bakit ba kasi hindi mo pagbigyan si Jerome? Gwapo, mayaman at higit sa lahat...alam mo na!" anas ng isa sa kaibigan nito na agad na ikinanuot-noo ni Yugi.
Pagak na natawa ang dalaga. "No way na papatulan ko ang lalaking 'yon. Di ko siya type." "But come on, sis!" sambit ng isa na nakasuot ng turtle neck blouse. "He's a real deal. Galing sa mayamang pamilya. Di ba, iyon naman ang gusto ng pamilya mo?" "At ano susundin ko sila?" taas-kilay nitong anas. "Ayaw ko nga at kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Di ko nga siya type!" Nagpatuloy pa ang usapan na iyon ni Elyan at ng kanyang mga kaibigan. Di kalaunan ay napatikhim si Yugi na naging dahilan ng pagtigil nila sa pagkukwentuhan at pagbaling nila ng tingin sa kanya. "This is a library, not a park," aniya na hindi man lang tumitingin sa kanila. Sumagot ang isa. "Si, sir pogi pala, sorry." Kunot-noong nagbaling ng tingin si Yugi sa kanila. "Ganyan ba kayo makipag-usap sa Professor niyo?" Akmang magsasalita nang muli ito ay sumabat si Elyan. "Sorry, sir. Bastos lang talaga ang bunganga ng babaeng 'to." Napamaang ang kaibigan nito sa sinabing iyon ng dalaga. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo. At ipaalala mo sa kanya na hindi ako katulad ninyong estudyante." Tumango ito. "Of course, sir." Matapos niyon ay ibinalik na muli ni Yugi ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Ngunit hindi kalaunan ay natigil siya sa pangalawang pagkakataon nang marinig niya ang bulungan ng mga ito. "Gosh! I want to rip his shirt and lick him all over!" anas ng isa na kulot ang buhok. "He's so hot! Damn!" Natawa ang isa at napakagat-labi. "I wish isa siya sa mga Professor ko. Ang swerte ng mga first year at ang swerte ni Elyan. Kainis! Ikaw ba, Elyan? What do you think about him?" "Anong ibig mong sabihin?" "Come on!" ani ng isa na siyang tumawag kay Yugi na pogi. "Kaibigan ka namin at kilalang-kilala ka namin. Don't deny it. Alam kong sar-" Naputol ang sasabihin nito nang agad na tinakpan ni Elyan ang bibig nito. Agad namang napalingon si Yugi sa kanila at buntung-hiningang napatitig sa dalaga. Hindi niya alam kung matutuwa siya na hindi niya narinig ang sasabihing iyon ng kaibigan ni Elyan o maiinis siya dahil hindi niya narinig kung ano nga ba iyon.Gusto niyang malaman kung ano ang tingin sa kanya ng dalaga. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nito sa tuwing nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya.
"Where's Yugi and Lester?" tanong ni Nicole kay Kaliya. "Hindi ba't napag-usapan natin kanina na we're going to have a picnic? Ngayon nga lang ulit tayo magba-bonding tapos wala na naman silang dalawa!"Natawa si Queen. "Wag niyo nang pagtakhan ang dalawang 'yon! Hindi ba't ganon na talaga sila? Sigurado ako na nag-iinuman na naman ang mga 'yon."Sumimangot si Nicole at di kalaunan ay tinapunan ng tingin si Elyan."Wala bang sinabi sa 'yo si Yugi? Anything at all?" tanong nito na ikinabaling sa kanya ng dalaga. "Is he going out with Lester? Or di kaya may pinapagawa sa kanya si Tito Arnulfo? Anything like that?"Umiling siya. "Wala eh. Nang magkasalubong naman kami sa kusina kanina, ang sabi niya, sina Kaliya at Talia na lang daw ang maglilibot sa akin sa hacienda. Hindi rin niya sinabi kung may pupuntahan ba siya o kung may gagawin siya."Napabuga ng hangin si Nicole sa pahayag niyang iyon habang sina Queen, Kaliya at Tali
Isang oras pa lamang ang nagdaan ngunit pakiramdam ni Elyan ay inabot na siya ng limang oras sa pakikipag-usap sa pamilya ng nobyo. Ngunit hindi tulad kanina ay hindi na siya kinakabahan pa. Sa ngayon, taas-noo na siyang nakikipagharapan sa kanila.Tama si Yugi sa mga sinabi nito tungkol sa mga tiyahin nito. Tama rin ang binata na kayang-kaya niya sila."I must say," anas ni Bella, "marunong pumili ng babae 'tong si Yugi. At first, ang akala ko ay hindi ko magugustuhan si Elyan. But it turns out, she's way better than I expected."Sumabat si Christine. "Not just better, but beyond the standards. Marunong pala ang batang 'to—marunong makipagsabayan at marunong makihalubilo sa mga tulad nating…alam niyo na!""Just say it, Tita," wika ni Nicole. "Halos ayaw niyo pang banggitin. Pare-pareho naman tayong aware na lahat kayo ay maldita."Nahagalpakan silang lahat sa sinabing iyon ni Nicole habang ang ina naman nitong
Agad na nag-iwas ng tingin si Jessica matapos niyang sabihin ang totoo kay Aki. Kabado siya sa mga sandaling iyon at tila ba pakiramdam niya ay mayroong mga nagtatakbuhang kabayo sa kanyang sikmura.Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao lalo na nang makita niya ang reaksiyon ng binata. Kung tutuusin, gusto niyang tumakbo at lisanin ang silid ngunit kahit paano ay gusto pa rin niyang marinig ang sasabihin ng nobyo.But not long after that, natigilan siya nang hinawakan ni Aki ang kanyang mga kamay. Nag-angat siya ng tingin sa binata kung saan ay blangko ang mga mata nitong nakipagtitigan sa kanya.Aki kissed her forehead, and a smile tugged on the corner of his lips.He reached for the nightstand. Maya-maya ay hinila niya ang pinakailalim na drawer niyon at mula roon ay inilabas niya ang pregnancy test. Sa puntong iyon ay napansin niya ang agarang pagsasalubong ng dalawang kilay ni Jessica.Kinuha nito iyon mula sa kanyan
"Sa tingin niyo ba…magkakaayos pa sina Elyan at Jessica?" nakasimangot na tanong ni Malea. "Hindi naman sa umaasa ako pero nakakamiss lang kasi 'yong samahan natin. I want us all to be together again."Nagkatinginan sina Arthur at Lorea sa tanong na iyon ng dalaga.Si Arthur ang nagsalita, "Sa tingin ko, hindi na ulit mangyayari 'yon. I know that's not what you want to hear right now. Pero 'yon ang totoo. Kilala ko si Elyan at malabong mangyaring mapatawad pa niya si Jessica.""He's right," dagdag naman ni Lorea. "We know well kung anong klaseng kaibigan si Elyan. Siya na rin mismo ang nagsabi na kung sinuman ang tumarantado sa kanya ay hinding-hindi niya mapapatawad."Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Malea kasunod niyon ay lumagok siya ng tubig mula sa kanyang baso.Sa mga sandaling iyon ay nasa karinderya sila sa labas ng university. It's lunchtime. Bagama't pareho silang inis na inis kay Arthur ay
"What's up?" tanong ni Yugi kay Kaliya pagbaba niya sa hagdan. "Anong meron? May problema ba?"Hindi sumagot si Kaliya, bagkus ay hinila lamang nito ang nakatatandang kapatid patungo sa labas. Mula roon ay bumungad kay Yugi ang kapatid nitong si Talia na nag-iihaw ng barbecue. Nandoon din ang pinsan nilang si Queen, ang bunsong anak ng kanilang tiyahin na si Bella.Mula sa di kalayuan ay natanaw ni Yugi si Elyan na abalang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga magulang at sa iba pa nilang kamag-anak.Lihim siyang napangiti.Ngunit hindi rin naman nagtagal ay agad ding naudlot ang mga sandaling iyon nang maramdaman niyang may kumurot sa kanyang tagiliran. Tinapunan niya ng tingin ang kanyang kapatid na si Kaliya na nakaguhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi."Tama nga ang sinabi ni Ate Ara," tila ba kinikilig nitong saad. "In love na in love ka nga kay Ate Elyan! Kung makatitig ka parang akala mo, lalayasan ka!""We sa
Nabulabog ang tahimik na pagtulog ni Vivian nang marinig niya ang ingay mula sa labas. Napabalikwas siya ng bangon, ngunit ilang saglit pa lamang ay natigil siya nang mapagtanto niya na wala pala siya sa kanyang kuwarto.She examined the room only to find out that it was Lester's room."Paano ako napunta rito?" tanong niya sa kanyang loob-loob. "Last time I remember, doon ako natulog sa guest room sa tabi ng kwarto nina Yugi at Elyan. What am I doing here? Did I sleepwalk?"Umiling siya at kalaunan ay napasapo siya sa kanyang ulo.Ngunit maya-maya ay nahinto rin siya kaagad nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Mula roon ay lumabas si Lester na nakasuot lamang ng boxer shorts. Tila ba katatapos pa lamang nitong maligo dahil basa pa ang buhok nito.Hindi nagtagal ay isinabit nito ang hawak nitong tuwalya sa likod ng pinto at naglakad patungo sa kama. Sa pag-upo nito roon ay blangko ang reaksiyon nito nang tinapunan ng tingin si Vivian na napapalunok lamang sa mga sandaling iy
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Inabot lamang ng ilang minuto ang pagmamaneho ni Yugi bago niya tuluyang maiuwi si Elyan sa bahay nito. Kung tutuusin ay may usapan sila ng kanyang mga kasamahan na matapos ang event ay didretso sila sa paborito nilang coffeeshop. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli silang magkaroon ng bond
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito.Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Napahilamos siya sa kan







