MasukHindi man niya aminin ngunit labis ang pagkahumaling ni Elyan kay Professor Yugi. Kung tutuusin ay tuwang-tuwa siya sa tuwing rinig niya ang inis at inggit ng mga kaibigan niya sa tuwing sinasabi ng mga ito na sana ay Professor nalang din nila ito - kahit sa isang subject lang.
Well, hindi siya proud na bumagsak siya sa isa niyang subject pero masaya siya dahil buong taon na naman niyang makakaharap at makikita ang Professor.
Sa katunayan kasi ay naka-assign ang Professor sa first year college department. Doon siya itinalaga na magturo. Kung minsan ay nagsa-subtitute ito sa third year department at fourth year department. At kapag nangyari iyon ay hindi magkandaugaga ang mga estudyante. Todo ang pakikinig nila sa Professor dahil bukod sa napakagaling nitong magturo ay hindi maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan.
Sa tuwing nakatayo nga ito sa harapan ng klase ay lihim nalang na napapakagat-labi si Elyan. Nakatutok ang kanyang mga mata sa maskulado nitong mga bisig. Ang dibdib nito na malapad ang kaha. Ang mukha nito na parang nililok ng isang magaling na sculpturist. At habang tumatagal ay bumababa ang kanyang mga tingin sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Every time that happens, napapalunok na lamang si Elyan.
Sang-ayon siya kay Jessica. Katulad ng kaibigan niya ay gusto niyang tanggalin ang suot nitong shirt at nang makita niya kung ano ang itinatago nito sa ilalim niyon.
Oo maraming nagkakagustong lalaki sa kanya at karamihan sa mga iyon ay gusto rin niya. Gwapo sila at katulad ni Professor Yugi ay maskulado sila, makisig, at balita niya na magaling sa kama. Pero sa lahat ng mga lalaking nakasalamuha niya at nagustuhan niya ay kakaiba ang Professor.
Ang lakas ng tama niya rito.
Unang pagkakataong nakita niya ito ay noong naglilinis ito ng gym floor noong first year sila. Nakasuot ito ng sando lang at simpleng maong pants. Doon niya nakita na totoo ang hula ng karamihan na muscular ang pangangatawan nito.
He's hot, and damn, he's hotter when he's sweaty.
Ngayon ay nasa loob sila ng library at sa puntong iyon ay sobrang lapit niya sa Professor. Lihim siyang napapatingin dito. Suot nito ang salamin nito at seryosong nagche-check ng mga test papers. Wala siyang pakialam kung ano ang nakuha niya sa kanilang exam, basta ang gusto niya ay mapalapit dito.
Maya-maya ay napasandal ito sa kinauupuan nito at bahagyang napapikit. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang biglang mabaling ang tingin nito sa kanila. Hindi tulad kanina ay tahimik na sila ngayon.
Mabuti nalang talaga at nagawa niyang takpan ang bibig ni Jessica. Alam niya kasi kung ano ang sasabihin nito.
"Alam kong sarap na sarap ka sa tuwing tinititigan mo siya."
Ugh!
Ayaw niyang aminin pero hindi niya mapigilan ang kanyang sariling maramdaman ang init ng kanyang sistema sa tuwing nakatitig sa Professor.
"Ano nga bang pakiramdam na makasama siya kahit isang saglit lang?" aniya sa kanyang sarili. "Ano ang pakiramdam na mahaplos ang bawat parte ng katawan niya? Am I going to feel satisfied sa oras na mangyari 'yon? O baka naman hahanap-hanapin ko pa?"
Napailing siya at napaalumbaba.
Kasabay ng pagbaling niya ng tingin sa Professor ay naabutan niya itong nakatitig sa kanya. Agad itong nag-iwas ng tingin kasunod niyon ay nakita niya ang pagkurba ng ngisi sa dulo ng labi nito.
"Anyway, nabalitaan mo na ba?" ani Lorea sabay siko sa kanya.
"Ang alin?" tanong niya sabay lingon sa kaibigan. "Maganda ako? May bago ba?"
Pagak na natawa ito. "Everyone knows that. Pero hindi 'yon. Nandito raw ang papa mo. Nasa opisina ng Dean. Naku, baka nabalitaan niya 'yong ginawa mong kabulastugan don sa isang junior student. Malilintikan ka na naman niyan."
She raised her eyebrows. "Wala akong pakialam. Aba! Ikaw ba? Kung babastusin ka, tatanggapin mo nalang? Hindi ka ba lalaban? Subukan niyang magsumbong at baka ako mismo ang magbibitin sa kanya ng patiwarik."
"Hoy! Tumigil ka nga!" Saway sa kanya ni Jessica sabay nguso sa Professor.
Hindi kalaunan ay nagsalita si Professor Yugi.
"There's a difference between bullying and toleration." Nagbaling ito ng tingin sa kanila. Matapos niyon ay tinitigan si Elyan. "Kung ano man ang ginawa ng lalaking 'yon sa kaibigan niyo, sapat lang na ipaalam niya kung ano ang tama sa hindi. Kahit sino sa inyo, wag lang umabot sa pagtitiwarik."
Sa sinabing iyon ng Professor ay agad silang nagkatinginan. Ramdam ni Elyan ang agad na pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa tinuran nito.
Lalo lang nadaragdagan ang dahilan ng pagkahumaling niya rito. Bukod sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan ay hindi maitatanggi ang pagiging mabuting professor nito sa mga estudyante nito.
"Kung pwede ko lang siyang sunggaban at...kanina ko pa ginawa," anas niya sa kanyang sarili.
"Well said, sir. Tatandaan namin 'yan," sambit ni Malea.
Tumango ito.
Di kalaunan ay napatingin ito sa kanyang wrist watch at humugot ng isang malalim na hininga. Kasabay ng pagsilid nito ng ballpen nito sa kanyang bag ay ang agad na pag-aayos nito ng mga test papers na nagkalat sa lamesa. Tumayo ito mula sa kinauupuan nito at mula roon ay napatitig si Elyan, ganon din ng kanyang mga kaibigan, sa Professor.
He removed his eyeglasses kung saan ay agad niyang naramdaman ang pinong pagkurot ni Lorea sa kanyang tagiliran. Gusto niyang mapasigaw sa sakit ng pagkakakurot ng kaibigan pero abala ang kanyang mga mata na nakatitig sa Professor.
Nag-iinit ang kanyang mga pisngi at kulang nalang ay hilahin si Professor Yugi papunta sa kung saan ay silang dalawa lang ang nandoon.
He's hot!
Pero maya-maya ay tuluyan na rin nitong nilisan ang library habang si Elyan at ang kanyang mga kaibigan ay panay ang sunod ng tingin sa Professor.
"Gosh! I'm wet down there, I'm telling you," bulong sa kanila ni Jessica.
Natawa sila sa sinabing iyon ng dalaga.
"Bakit ba kasi ang gwapo ng Professor na 'yon?" nakangusong sambit ni Malea. "Do you think he's good in bed?"
"Good?" Iling ni Jessica. "I think he's wild!"
"Paano mo naman nasabi? Naikama mo na ba siya?" kunot-noong tanong ni Elyan.
"Kapag nangyari 'yon, hindi ko na siya pakakawalan pa," sagot ni Jessica. "Pero hula lang naman. Sa tingin niyo, average lang ang alam ng lalaking 'yon pagdating sa mga ganong bagay? I doubt it. He's muscular, and I bet down there, too."
Agad silang naghagikhikan sa sinabing iyon ni Jessica. Napailing si Elyan at hindi magkamayaw ang kanyang sikmura sa narinig na iyon mula sa kaibigan. Sabagay kahit pati siya ay hindi matigil-tigil sa pag-i-imagine kung ano nga bang klaseng lalaki si Professor Yugi pagdating sa kama. He's still 30 years old, and that was still considered young.
"To be honest, sigurado kami na wala kaming pag-asang mapalapit sa kanya," maya-maya'y ani Malea na naging dahilan ng pagbalik niya sa kanyang ulirat. "But you, Elyan, meron."
She paused for a moment. "What do you mean?"
"Tama si Malea," sang-ayon ni Jessica. "Parte si Professor Yugi ng faculty ng University at malapit siya sa papa mo. Malay mo dumating ang pagkakataon na magkalapit kayong dalawa dahil na rin sa koneksyon niya kay Mr. Marquez."
Napailing si Elyan. "At paano naman mangyayari 'yon? Alam niyo naman kung gaano kailap 'yang si-"
"Mailap," natatawang anas ni Lorea. "Mailap pero mapanganib. Yan ang tandaan niyo."
Hindi nakasagot si Elyan bagkus ay tinaasan siya ng balahibo sa batok sa sinabing iyon ni Lorea. Well, kilala niya ang kaibigan niya at mula pa man noong high school sila ay marami na itong naka-encounter na lalaki. Kumbinsido siya na kung ano man ang opinyon nito tungkol kay Professor Yugi ay tiyak na walang labis at walang kulang iyon.
"Kaya kung ako sa'yo, Elyan," ani Jessica, "kapag nagkataon na magkalapit kayong dalawa, wag ka ng umatras pa. Magpakita ka na kaagad ng motibo. Kung kailangan mong maging wild, maging wild ka."
"Jessica!" napamaang na sambit ni Elyan sabay tulak sa dalaga.
Agad silang naghagikgikan sa sinabing iyon ni Jessica.
Sa kabilang banda naman ay hindi magawang maalis ni Elyan sa kanyang isip ang sinabing iyon ng kanyang kaibigan. Paano nga ba kung dumating ang pagkakataon na magkalapit silang dalawa ng Professor dahil sa kanyang papa? Anong gagawin niya? Gagawin ba niya ang advice ni Jessica?
Will she give in sa nararamdaman niya?
Lihim siyang napailing at napangiti. Kung dumating man ang pagkakataong iyon ay paniguradong ikatutuwa niya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari pero alam niyang hindi niya mapipigilan ang kanyang sariling tuluyang mahulog sa pagkahumaling sa Professor.
Tatlong araw na mahigit simula nang magkausap sina Elyan at Professor Yugi. Matapos ang pag-uusap na iyon ay pareho na silang naging abala sa kaniya-kaniya nilang mga gawain sa university. Ang professor ay busy sa pag-aasikaso at pag-aayos para sa gaganaping acquiantance party habang ang dalaga naman ay abala sa drama project nito kasama ang ilang mga kaklase nito. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makalimutan ni Elyan ang mga sandaling magkaharap sila ng professor. Bagamat noon pa man ay sinusungitan na siya nito, she had never seen him that irritated. Bukod pa roon ay hindi nito magawang salubungin ang kanyang mga titig at hindi rin nito magawang ituon ang buong atensyon nito sa kanya. Pansin din niya ang paulit-ulit na pag-iwas nito ng tingin sa tuwing kinakausap niya ito ng masinsinan. Honestly, she hates people not looking at her in the eye when they talk to her. Pero sa kaso ng professor ay tila ba mas ikinatutuwa pa niya ang pag-iwas nito sa kanya sa kada
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez. Gusto niyang umiyak. Magwala. Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay bigo siya. Hindi niya magawa hindi dahil sa natatakot siya o may utang na loob siya bagkus ay nasisigurado niya na wala rin siyang mapapala. Kilalang-kilala niya si Mr. Marquez at parehong-pareho sila ng ugali ng anak nitong si Elyan.Hindi ito marunong tumanggap ng salitang hindi at tila ba lahat ng gusto nito ay kailangang masunod. "Family of brats!" Iling niya at kulang nalang ay ibagsak ang hawak niyang pinggan. "Sa dinami-rami ng pwede niyang atasan na maging tutor ng mahadera niyang anak, bakit ako pa? Lintik na 'yan! Kailangang ako pa talaga ang mag-adjust!"Gigil niyang binitawan ang hinuhugasan niyang pinggan ganoon din ang hawak niyang sponge. Ikinuyom niya ang kanyang dalawang kamao kasunod niyon
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan.Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siyang makapagtapos.But then, hindi niya sinunod ang gusto ng kanyang ama. Ayaw kasi niyang mapagod siya at mas lalong ayaw niyang bigyan ang sarili niya ng sakit ng ulo o di kaya ay stress.Dahilan niya ay hindi naman ang ama niya ang mapapagod kundi siya at isa pa, may mga susunod pa namang semester. Ganoon din ang ginawa ng pinsan niya noong nasa college ito at kung tutuusin ay mas madali raw iyon dahil kakaunti ang klase na pinapasukan nito.Sumandal siya sa kanyang headboard at kunot-noong napahalukipkip. Muli na naman kasi niyang napanaginipan si Professor Yugi. Kung tutuusin ay gabi-gabi nalang, inis nga siya dahil alam niya na ang mga panaginip na iyon ay malabong mangyari.Isang malali
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito. Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Bagamat buhay na buhay ang naging usapan nila sa kanilang naging meeting kanina ay hindi niya pa rin maalis sa kanyang isip si Elyan. His body was present, but his mind was totally absent during their conference. Hanggang sa puntong iyon ay hindi niya makalimutan ang pagsasalubong nila ng tingin ng dalaga at hindi niya makalimutan kung paano siya nito titigan.Napahilamos siya sa kanyang mukha.Inis na inis siya sa kanyang sarili kung bakit hindi niya magawang labanan ang kanyang pagpapantasya sa dalaga. Kung tutuusin ay hindi dapat dahil estudyante niya ito at anak ito ng co-founder ng university na siya mismong nagpasok sa kanya sa kanyang trabaho ngayon.He's supposed to be a professor, not a creep.Sumandal s
Hindi man niya aminin ngunit labis ang pagkahumaling ni Elyan kay Professor Yugi. Kung tutuusin ay tuwang-tuwa siya sa tuwing rinig niya ang inis at inggit ng mga kaibigan niya sa tuwing sinasabi ng mga ito na sana ay Professor nalang din nila ito - kahit sa isang subject lang.Well, hindi siya proud na bumagsak siya sa isa niyang subject pero masaya siya dahil buong taon na naman niyang makakaharap at makikita ang Professor.Sa katunayan kasi ay naka-assign ang Professor sa first year college department. Doon siya itinalaga na magturo. Kung minsan ay nagsa-subtitute ito sa third year department at fourth year department. At kapag nangyari iyon ay hindi magkandaugaga ang mga estudyante. Todo ang pakikinig nila sa Professor dahil bukod sa napakagaling nitong magturo ay hindi maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan.Sa tuwing nakatayo nga ito sa harapan ng klase ay lihim nalang na napapakagat-labi si Elyan. Nakatutok ang kanyang mga mata sa maskulado nitong mga bisig. Ang dibdib nito n
Papunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig niya ang head cheerleader. "Okay. Let's do it again. One, two, three!" sigaw nito kung saan ay muli nilang inulit ang kanilang ginawang formation kanina. Napasandal si Yugi sa pader ng hallway na kinatatayuan niya at tulalang nakatitig sa head cheerleader. That's Elyan Marquez. Anak ng isa sa co-founder ng University na pinapasukan niya. A pretty young lady, yet a brat and a bully. Pero kahit ganoon pa man ay hindi maalis ni Yugi kung gaano siya aliw na aliw sa tuwing pinapanood niya ang dalaga. Ang kikinis ng mga hita nito, malulusog ang mga dibdib nito at higit sa lahat ay mapupula ang mga labi nito. "Sino ba namang hindi?" anas niya sa sarili. Maya-maya ay nabulabog ang pananahimik







