Share

Chapter 97.2

last update Last Updated: 2025-05-21 03:08:47

SA NARINIG AY hindi napigilan ni Rohi na pagmasdan pang mabuti ang mukha ni Daviana. Unti-unti niyang tinanggal ang hawak niya sa magkabila nitong balikat. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Daviana ang malalim na buntong-hininga.

“Mom,—”

“Hindi ako nagsisinungaling, Viana. Maging akong na ina mo ay nagulat sa pinagsasabi mo doon kanina sa loob. Kita mo ngang wala akong ibang sinabi, tama lang iyon anak. Kapag alam mong tama ka, huwag kang magpapatalo kahit kanino.”

Hinarap na ni Daviana si Rohi. Nakangiti pa rin ang kanyang labi at maging ang kanyang mga mata.

“Bakit ka pala narito?” pagbabago na niya ng topic, hindi niya inaasahan na pupunta ang lalaki doon dahil naroon siya.

“Narinig ko lang sa assistant ni Daddy na makikipagkita sila ni Tita Carol sa iyo, pumunta ako just in case na hindi mo kayang e-handle ang anumang sasabihin nila. Kumbaga, support mo ako na mukha namang hindi mo naman kailangan.”

Mayabang na lumapad pa ang ngiti ni Daviana habang nakatingin pa rin sa mukha ni R
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (32)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls....
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls....
goodnovel comment avatar
Hernandez Ellaremueljames Micamarcmatthew
wla pa din updates ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 103.1

    NAMEYWANG NA SI Daviana matapos na lingunin ang silid ni Rohi kung nasaan ang talipandas na si Keefer. Napabangon naman si Rohi sa kanyang hinihigaan nang makita niya ang reaction ng babae sa gitna ng dilim. Iyong hitsura nito ay nakahandang manugod ng kanyang kalaban. “Humanda talaga siya sa akin, kakaladkarin ko siya palabas ng kwarto mo!” Nahawakan na ni Rohi ang isang braso ni Daviana bago pa man makapunta si Daviana ng silid ng kaibigan ng lalaki. Puno ng pagtatakang nilingon na ni Daviana ang lalaki na umiiling ang ulo. “Hayaan mo na. Tulog na iyon.” “Kahit na! Eh ‘di sana tabi na lang kayo.” “Ayoko siyang katabi. Maingay iyong matulog. Bukod sa nagsasalita ay humihilik din.” Napuno pa ng pagtataka si Daviana. Bakit hindi niya kasi ito itaboy? Ganun naman pala. “Ganun? Ang lala pala niya. Gusto mo bang matulog sa tabi ko?” walang pakundangang offer niya na bigla na lang lumabas sa kanyang bibig, “Ang liit ng sofa para sa’yo. Ni hindi ka rin makaunat.”Anong masama doon?

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 102.3

    HINDI NA NAGKOMENTO pa si Daviana sa sinabi ng ina. Masyado ng matanda ang ina at alam na nito ang tamang gawin. Isa pa, dapat ay hindi niya rin hinahadlangan kung ano ang gusto nito eh.“Hindi pa naman ako nakakapagpasya, gaya ng sinabi ko. After all, things at home have not been dealt with yet.” ani pa ni Nida na nababasa na ang bumabahang katanungan ng kanyang anak. “Okay, Mommy.” “Tita, napag-usapan po namin ni Viana na lilipat siya sa hotel suite ko.” sabad ni Rohi nang makita ang bahagyang pagbigat sa pagitan ng mag-ina, mabuti na iyong sabihin na niya rin iyon.Napalingon na si Nida sa anak. Hindi makapaniwala na agad mapapapayag sa nais niya si Rohi. “Okay lang po ba iyon sa inyo?” Naburo na ang mga mata ni Nida at Daviana kay Rohi. Alam na iyon ng ina, pero heto si Rohi at magalang na nagpapaalam pa rin sa kanya. Bagay na lalo pang minahal ni Daviana na ugali nito. “Oo naman. You are already an engaged couple. Natural lang na tumira na kayo sa loob ng iisang bahay. Bilan

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 102.2

    KULANG ANG SALITANG halos lumuwa ang mga mata at mahulog ang panga upang ilarawan ang pagkagulat ni Keefer sa matapang na sinabing iyon ni Daviana sa kanyang harapan. Nilingon na niya ang babae na may nagtatagong ngisi sa likod ng mga mata niya. Hindi siya makapaniwala.“Ah, plano mo palang dito na ulit tumira kaya pala tinatanong mo ako kung bakit ako narito.” bakas ang iritasyon sa kanyang boses habang sinasabi niya iyon at nakatingin pa rin sa babae.“Bakit hindi? Fiancee ako ng nakatira dito.” tugon pa ni Daviana na kinapalan na ang mukha niya, “Dati nga tumira na ako dito, ngayon pa ba na kasal na lang ang kulang sa aming dalawa ay hindi ko iyon kayang gawin? Masama rin bang magtanong ako? Syempre, maiilang ako sa’yo di ba?” Natutop ni Keefer ang kanyang bibig. Iba ang naging kahulugan ng sinabi ni Daviana sa kanya na kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa. Ibig bang sabihin ay seryoso na talaga ang babae? Saka bakit ba ang tanong nito? Huwag niyang sabihin na natikman na r

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 102.1

    SI ROHI NA ang kusang kumabig kay Daviana upang palalimin pa ang halikan na ginagawa nila, ngunit naudlot lang iyon nang biglang dumating si Keefer. Mabilis silang naghiwalay nang bumungad ito. Hindi man lang siya kumatok na nagawang makapasok na parang tagaroon lang. Habang tahimik na nililingon ni Daviana ang dalawa na nakaupo sa sofa ay bigla niyang naalala na hindi pa niya nagagawang e-finalized kay Rohi ang plano niyang pagtira sa hotel suite na iyon. Naaasar ng tiningnan niya si Keefer na para bang tagaroon lang kung makaasta. Kahit kailan talaga ay hadlang ito sa kanya. Tumayo si Rohi at bumalik na ng kanyang silid nang tumunog ang cellphone nito, naiwan silang dalawa ni Keefer sa sala na panay ang palitan ng kakaibang tingin.“Bakit ka ba dito nakatira?” Alam na ni Daviana ang dahilan, nabanggit na iyon ni Rohi ngunit gusto niya pa itong kausapin. Mula sa kanyang hawak na cellphone ay inilipat ni Keefer ang paningin sa babaeng nagsalita.“Ano sa tingin mo ang dahilan?” “Mag

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 101.3

    NILINGON NA NIYA si Rohi na agad naman nagtama ang paningin sa kanya. Titig na titig ito hindi sa mukha niya bagkus ay sa hawak niyang cellphone. She didn't understand the look in his eyes. Was he asking her to hang up the phone quickly? Nais ba nitong sabihin na patayin na niya ang walang kwentang tawag na iyon dahil mukhang wala na ‘ring silbi ang usap nila ni Warren?“Problema niyo na iyon. Wala na akong pakialam. Kung siya ang pinili mo ng araw na iyon, dapat naisip mo ang magiging balik noon sa’yo. Iyon dapat ang maintindihan mo na hindi porket lagi kitang inuunawa, ay palaging naririyan pa rin ako at maghihintay sa’yo upang tuparin ang kasunduan natin. Hindi na tayo kagaya ng dati, Warren. It is impossible to be like when we were little, and I will no longer maintain a superficial friendship with you.” bigay diin pa ni Daviana, tutal naroon na rin naman sila sa usaping iyon ay lulubusin na niya. “Dito na natin ‘to tapusin. Ito na ang huling sasagutin ko ang tawag mo, dahil gaya

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 101.2

    SA LOOB NG Hotel ay inip na umahon si Daviana sa kanyang kinauupuan nang makitang walang reply si Warren sa kanyang pinadalang message. Batid niyang mababasa iyon ng lalaki kaagad. Nang makitang wala pa rin ay binitawan na niya ang cellphone at hinanap kung nasaan si Rohi. Natagpuan niya ito sa loob ng kanyang silid, sa harap ng kanyang computer. Abala ang mga matang nakatuun sa screen na abalang may binabasa. Bukas man ang pintuan ay minabuti ni Daviana na kumatok pa rin upang ipaalam na naroon siya. Nilingon naman siya agad ni Rohi. “Nagtra-trabaho ka ba?” “Di ba major ka sa english?” Tumango lang doon si Daviana na humakbang na papalapit sa kanya. Nakisilip na rin sa screen. Nagbabasa lang naman si Rohi ng mga english emails niya. May hiring daw umano sila dito. Ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng pansin sa babae, kundi ang larawan ni Rohi na ibang-iba sa hitsura ngayon. Kagalang-galang ito sa picture pero iba ang aura sa personal. Muli pang sinulyapan ni Daviana ang mukha ni Rohi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status