āļŦāđ‰āļ­āļ‡āļŠāļĄāļļāļ”
āļ„āđ‰āļ™āļŦāļē

āđāļŠāļĢāđŒ

Chapter 30.1

āļœāļđāđ‰āđ€āļ‚āļĩāļĒāļ™: Purple Moonlight
last update āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ”: 2024-09-28 18:15:33

NAPAMULAGAT SI WARREN sa tinuran ng Ginang na ngayon lang niya naranasan. Sa unang pagkakataon kasi ay hindi niya inaasahan na pipigilan siya ng Ginang na makita at makausap niya si Daviana. Hindi na mapigilan ni Warren na makaramdam ng matinding pagkahiya ngunit nilunok na lang niya ang pride. Gusto niyang makausap si Daviana dahil sobrang nag-aalala siya sa expression ng mukha nito kanina.

“Tita, mabilis lang naman po. Pagbigyan niyo na ako. Medyo nag-aalala lang po ako sa kanya ehâ€Ķ”

“Hayaan mo siyang mapag-isa, magiging maayos din ang pakiramdam niya kahit na hindi ka niya makita at hindi mo siya makita, Warren.” mariing giit pa rin ng Ginang na desidido ng huwag payagan ang lalaking magtungo sa silid ng kanyang anak, iyon lang ang magagawa niya na matino para kay Daviana upang hindi na nito mas maramdaman na pinagkakaisahan siya. “Matanda na kayo kaya kailangan niyo ng matutong maging matatag dahil kapag nagka-edad pa kayo, hindi lang iyan ang ibabato ng mundo sa inyong harap.” ma
āļ­āđˆāļēāļ™āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āđ€āļĨāđˆāļĄāļ™āļĩāđ‰āļ•āđˆāļ­āđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩ
āļŠāđāļāļ™āļĢāļŦāļąāļŠāđ€āļžāļ·āđˆāļ­āļ”āļēāļ§āļ™āđŒāđ‚āļŦāļĨāļ”āđāļ­āļ›
āļšāļ—āļ—āļĩāđˆāļ–āļđāļāļĨāđ‡āļ­āļ

āļšāļ—āļ—āļĩāđˆāđ€āļāļĩāđˆāļĒāļ§āļ‚āđ‰āļ­āļ‡

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 30.2

    NATULALA SI DAVIANA saglit sa kisame ng kanyang silid bago pa siya dahan-dahang bumangon at bumaba ng kama. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi at mamalagi dito kapag ganitong bakasyon. Maingay. Walang kapayapaan. Hindi nababalot ng pagmamahal ang kanilang bahay. Tatlo na nga lang sila, wala pang pagmamahal na namamagitan sa kanilang pamilya. Iisang anak na nga lang siya hindi pa nila mabigay ang peace of mind na hinihiling niya at ang atensyon na kailangan niya.“Hays, heto na naman po kami sa walang katapusang bangayan nila mula umaga hanggang gabi.”Walang saplot ang paa ay itinulak niya ang pintuan pabukas at dahan-dahang lumakad sa banda na malapit sa may hagdan, ngunit hindi siya tuluyang bumaba doon. Gusto lang niyang mas maging malinaw sa pandinig niya ng ugat ng kanilang pagtatalo kahit na alam na niya naman kung saan iyon nagsimula. Mula sa bandang iyon ay narinig niya ang walang katapusan na mga sumbatan nila sa ibaba ng hagdanan.“Nagpunta dito si Warren kagab

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2024-09-28
  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 30.3

    HINDI MAKATULOG NANG maayos si Daviana nang gabing iyon. Pabiling-biling siya sa kanyang higaan. Hindi mawala sa kanyang isipan ang imahe ni Rohi na nakita niya kanina. Hindi niya rin lubos maisip kung paano ginugol ng binata ang Bagong Taon ng siya lang mag-isa sa loob ng malaking bahay nila na tanging kadiliman ang yumayakap. Kung siya iyon, paniguradong hindi niya ito kakayaning gawin mag-isa. “Ang tibay niya naman, kaya niyang mag-celebrate nang siya langâ€Ķ”Umagang-umaga pa lang ng araw ng New Year ay nagkaroon na naman ng pagtatalo ang mga magulang ni Daviana. Iyon ang gumising sa dalaga pagdilat pa lang ng kanyang mga mata. Nang hindi na niya makayanan at sobrang naririndi na siya ay palihim siyang nagtungo ng kusina. Pinilit ang sarili na huwag gumawa ng anumang ingay o kaluskos upang hindi mapansin ng mga ito. Palihim niyang kinuha sa refrigerator ang ilan sa kanilang mga nilutong ng ulam ng mga katulong nang nagdaang gabi. Kumuha rin siya ng iba nilang handa na alam niyang h

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2024-10-01
  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 31.1

    BATA PA LANG ay marunong ng lumangoy si Daviana, ngunit hindi naman sobrang galing na swimmer. Malakas lang ang loob niya nang dahil sa pagkataranta kung kaya naman sinubukan niyang lumangoy upang sagipin lang si Rohi na sigurado siyang nasa ilalim ng tubig. At dahil kakapalit lang ng taon iyon ay malamig pa ang tubig sa ilog kahit na mainit ang sikat ng araw. Nanggaling ang panahon sa taglamig. Walang pag-aalinlangang inilubog niya ng paulit-ulit ang katawan sa tubig, hindi alintana ang ginaw.“Rohi?!” sisinghap-singhap siyang panaka-nakang umaahon ang mukha habang hinahanap ang katawan ng lalaki. “Ano ba? Nasaan ka? Rohi?!” kawag-kawag niya pa ng dalawang kamay sa tubig.Hindi na gaanong malinaw ang alaala sa parteng iyon ni Daviana. Hindi niya nga alam kung paano niya nagawang malibot ang paligid ng ilog upang hanapin lang katawan ni Rohi, o gaano niya katagal hinanap ang lalaki bago niya ito natagpuan na tila wala ng buhay. Nang makita niya ito ay walang pakundangan niyang hinila

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2024-10-02
  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 31.2

    PAKIRAMDAM NI DAVIANA ay may kung anong nakabara na sa kanyang lalamunan. Nahihirapan na siyang huminga. Ganunpaman ay kailangan niyang sampalin ito ng katotohanan kahit na alam niyang hindi naman siya nito papakinggan. Palalagpasin lang nito sa kabilang tainga ang lahat ng sinasabi niya.“Kailangan mong mabuhay! Kailangan mong lumaban para makita mo ang mga mangyayari sa hinaharap. Kailangan mong makatapos ng pag-aaral, saka kailangan mong maranasan na tumanda, Rohi!”Hinila ni Daviana ang collar ng kanyang damit na parang sinasakal na siya. Ipinakita niya sa lalaki na kailangan niyang seryosohin ang kanyang mga pinagsasabi. Hindi niya pwedeng kitlin ang sariling buhay.“Huwag mo akong takutin ulit, Rohi ng ganito. Please lang? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo pero hindi naman habang panahon ay nariyan ka lang. Habang buhay na nakasadlak. Ikaw ang huhubog ng hinaharap na gusto mo. Magiging maayos din ang lahat. Maniwala ka lang sa akin, maghintay ka pa ng ilang panahon. Nagma

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2024-10-03
  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 31.3

    SERYOSO ANG MUKHANG pumasok si Rohi sa opisina ng mga Gonzales. Nang nagdaang araw ay ibinigay na ni Rohi sa kanyang ama ang plano tungkol sa pormal na pagtatatag ng isang artificial intelligence research and development department. Binigyan siya ni Welvin ng sagot at inaprubahan ito bago magtanghali ng araw na iyon kung kaya naman kinailangan siyang magtungo doon. Sa nakalipas na dalawang taon mula noong dinala ng binata ang kanyang team sa kumpanya, ang mga pangunahing proyekto na natapos ay naging mga benchmark sa kanilang industriya. Walang nagkuwestiyon sa kanyang pananaw at kakayahang tinataglay. Isang buwan na rin ang nakalilipas magmula nang maging opisyal siyang direktor ng departamento ng produktong iyon sa pamamagitan ng panloob na kompetisyon. Gayunpaman, sa labas ng trabaho, ang daming chismis patungkol sa kanya na ang karamihan ay galing sa mga empleyadong mayroong inggit na nabubuhay sa kanilang katawan. Hindi lingid sa kanila ang pagiging anak niya sa labas na pangunah

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2024-10-04
  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 32.1

    SA NABASANG CHAT mula kay Daviana ay agad ng napatayo si Rohi. Rumihistro sa kanyang mukha ang kakaibang kaba. Weird man pakinggan pero batid niyang may ibang laman ang sinasabi ni Daviana ngayon sa chat sa kanya. Napakurap na ang mga mata ni Rohi nang makita niyang biglang ini-unsent iyon ng dalaga, mas lalo pa siya ritong nabahala. Biglang dumilim na ang mukha niya na biglang naging balisa. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Keefer na nasa harapan pa rin niya at matamang nakatingin sa kanya. “Anong meron? Sino ang nag-chat?”Ipinilig ni Rohi ang kanyang ulo. Ayaw ipaalam sa kaibigan kung sino iyon dahil tiyak na marami itong tanong. Nasa inbox pa rin ng chat nila ni Daviana ang mga mata ng binata. Humigpit ang kanyang hawak sa cellphone. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mag-alala kay Daviana.“Wala...”Nag-sink in na sa utak niya kung tungkol saan ang tinatanong ni Daviana. Bigla siyang mas nataranta. Naiintindihan niya na dahil biglang sumagi sa isip niya ang tungkol s

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2024-10-06
  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 32.2

    NAPAHILAMOS NA SA kanyang mukha si Daviana. Gulong-gulo na sa gagawin niya.“Rohi—”“Tinanong mo ako sa chat kung ano ang pakiramdam kapag tumalon pababa. Kung malaya baâ€Ķ” ilang segundo itong nag-paused dahilan upang kumabog na ang puso ng dalaga, “Malamig. Nakakatakot dahil hindi ako marunong noong lumangoy. Iyon ang pakiramdam ko noon, Daviana kaya huwag mo ng subukin pa kahit na magaling ka pang lumangoy. Naiintindihan mo ako? Huwag mo akong gagayahin noon.”Mariing itinikom ni Daviana ang bibig. Ni isang salita ay walang namutawi sa kanya. Dama niya ang pagiging concern sa boses nito.“Kahit na kaya ko ng lumangoy hindi ko na iyon ulit gagawin ngayon dahil alam kong mag-aalala ka. Kaya habang hindi mo pa ginagawa iyon gusto na kitang agad na hawakan para hindi mo ito maranasan. Ayaw kong maranasan mo ang tagpong iyon.”Sa narinig, animo parang mabubulunan si Daviana sa kanyang sariling laway. Gustong-gusto ng kanyang pandinig ang mga salitang sinabi ng binata. Hindi lang iyon gust

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2024-10-07
  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 33.1

    SA LITANYANG IYON ng dalaga ay kapwa natigilan si Rohi at Warren na parang parehong nakarinig ng bagay na nagpagulatantang sa kanilang dalawa. Para kay Rohi, bago iyon sa kanyang pandinig. Ito ang unang pagkakataon na nagawa siyang tawagin ng dalaga sa mismong harapan ni Warren. Ni hindi kababakasan ng takot ang mukha. Para naman kay Warren, pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat sa harap-harapang ginawa ng kanyang kaibigan. Isang kalapastanganan iyon sa kanya. Talagang tinawag ni Viana si Rohi sa pangalan upang kunin ang atensyon niya? Kailan pa sila naging magkaibigan at nag-uusap nang ganito? Ni hindi niya inaasahang may contact pa rin silang dalawa hanggang ngayon. Isa pa, alam ni Daviana kung ano sa buhay niya si Rohi. Mortal na kaaway niya ito simula ng mga bata pa lang sila. Kung kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa iyon sa kanya ng dalaga. Naghihiganti ba ito sa kanyang mga kasalanang nagawa? “Vianaâ€Ķ” Hindi siya pinansin ni Daviana na dire-diretso n

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2024-10-09

āļšāļ—āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ”

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 91.3

    HINDI GUMALAW SA kinatatayuan niya si Daviana na nanatili ang malamlam na tingin sa nasa harapang si Rohi. Gusto niyang sundin ang suggestion nito ngunit pinigilan niya doon ang kanyang sarili. Pinagmasdan pa siya ni Rohi nang tahimik na may nase-sense na kakaiba kung bakit ganun na lang ang hitsura ni Daviana. Hindi mapigilan ng lalaki na punahin kung gaano kaganda ni Daviana sa kanyang suot na damit. Dangan lang at ayaw niyang purihin ito nang tahasan at sa malakas na tinig dahil paniguradong iiyak siya dahil sa ibayong sakit lang din ang dulot nito sa kanya. Hindi na nakaligtas sa kanyang mga mata ang emosyon ng pagiging desperado sa mga mata ng babae niyang kaharap. Pinatay na niya ang apoy ng sigarilyo at itinapon na iyon sa basurahan. Mabagal ng humakbang palapit kay Daviana. Gusto na niyang tanggalin ang suot na coat at ibigay sa babae dahil nakita niyang nangangatal na ang labi nito sa lamig.“Anong nangyari, Viana?”“Biglang nawala sa hotel na ito si Warren, mukhang pinuntaha

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 91.2

    ILANG SANDALI PA ang lumipas at umahon na si Daviana sa sofa at mabagal na lumabas na ng dressing room na walang sinuman ang nagbibigay sa kanya ng atensyon. Busy ang lahat sa kanilang ginagawa kung kaya naman nagawa niyang makalabas nang walang sinuman ang nakakakita. Puno ng pananantiya ang hakbang niya sa hallway, tumitingin-tingin sa paligid kahit na kahibangan kung makikita niya doon si Warren. Hindi alam ni Daviana kung saan siya papunta. Gusto niyang lumabas na ng hotel kung kaya naman pumanaog siya kung nasaan ang banquet hall na puno na ng mga bisita. Kung dadaan siya doon, agaw pansin ang kanyang suot na damit. Paniguradong makikilala siya sa isang lingon lang nila.‘Punyeta ka talaga, Warren! Ipapahiya mo ba talaga ako? Bakit mo ako iniwan dito? Tatakas ka rin lang naman pala!’Namumutla pa rin ang kanyang mukha. Sa halip na dumiretso at ituloy ang kanyang paglalakad, muli siyang umikot upang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi siya pwedeng lumabas. Dinala siya ng kany

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 91.1

    HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.“Hindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!” problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. “Mabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!” baling na nito sa kanyang asawa.“Ano ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?” baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. “Hindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.” hindi na niya sinabi pa ang pan

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 90.3

    MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.“Oo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.” Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 90.2

    HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka naâ€Ķ” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engagedâ€Ķ” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 90.1

    GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional todayâ€Ķalam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 89.3

    ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 89.2

    SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 89.1

    IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th

āļŠāļģāļĢāļ§āļˆāđāļĨāļ°āļ­āđˆāļēāļ™āļ™āļ§āļ™āļīāļĒāļēāļĒāļ”āļĩāđ† āđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩ
āđ€āļ‚āđ‰āļēāļ–āļķāļ‡āļ™āļ§āļ™āļīāļĒāļēāļĒāļ”āļĩāđ† āļˆāļģāļ™āļ§āļ™āļĄāļēāļāđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩāļšāļ™āđāļ­āļ› GoodNovel āļ”āļēāļ§āļ™āđŒāđ‚āļŦāļĨāļ”āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āļ—āļĩāđˆāļ„āļļāļ“āļŠāļ­āļšāđāļĨāļ°āļ­āđˆāļēāļ™āđ„āļ”āđ‰āļ—āļļāļāļ—āļĩāđˆāļ—āļļāļāđ€āļ§āļĨāļē
āļ­āđˆāļēāļ™āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āļŸāļĢāļĩāļšāļ™āđāļ­āļ›
āļŠāđāļāļ™āļĢāļŦāļąāļŠāđ€āļžāļ·āđˆāļ­āļ­āđˆāļēāļ™āļšāļ™āđāļ­āļ›
DMCA.com Protection Status