LOGINAkala ko, ang pinakamasakit na pagtataksil ay manggaling sa taong pinakamamahal ko. Hindi ko alam na mas masakit pala kapag pati ang matalik mong kaibigan ay kasabwat niya. Matapos akong lokohin ng fiancé kong si Rodrigo at best friend kong si Macy, namatay ako sa isang aksidente. Ngunit sa halip na tuluyang mawala, nagising ako sa katawan ni Chloe Mayer—ang bida sa isang tragic romance novel na minsan ko nang nabasa. Pamilyar ang lahat. Mayroon din siyang taksil na fiancé at best friend. Ngunit ang mas nakakagulat, ang ama mismo ng babaeng umagaw sa nobyo niya ang lalaking napangasawa niya na si Michael Anderson. Isang mayaman, biyudo, at limampu't apat na taong gulang na lalaking dalawampu't limang taon ang tanda sa kaniya. Sa orihinal na kwento, nagsimula ang kanilang pagsasama bilang paghihiganti. Ngunit nauwi iyon sa isang tunay na pagmamahalan, hanggang sa mapaslang si Chloe sa sabwatan ng kaniyang mga kaaway. Naiwan si Michael na wasak ang puso hanggang sa tuluyan ding mamatay dahil sa matinding pangungulila. Ngunit hindi ako ang dating Chloe Mayer. Alam ko ang magiging kapalaran namin, at hindi ko hahayaang maulit ang trahedya. Kung kailangan kong pakisamahan ang ama ng babaeng umagaw sa dati kong nobyo, gagawin ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang sa paghihiganti iikot ang aming pagsasama. “You stole my man. Now, your old man is mine. And this time, I'll make sure the happy ending will be ours.”
View More“Chloe? Can you hear me?”Isang malalim at kalmadong boses ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing.Mabigat ang aking mga talukap nang pilit kong imulat ang mga mata. Una kong nasilayan ang puting kisame, kasunod ang malalabong hugis ng mga ilaw at kagamitan sa paligid.“Hey, sweetheart. How are you feeling?”Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa pinagmulan ng boses.May isang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko. Mas matanda siya sa akin, ngunit hindi maikakailang gwapo pa rin. Matangkad at matikas ang pangangatawan, maayos ang tindig, at may bahagyang uban sa kaniyang buhok na lalong nagdagdag sa kaniyang personalidad. Nakasuot siya ng mamahaling relo at simpleng ngunit halatang de-kalidad na damit. Mukha siyang mayaman. Hindi lamang basta may pera, kundi isang taong sanay igalang at sundin.“Are you feeling dizzy? Does your head hurt?”Napatitig lamang ako sa kaniya. Sino siya?“Uhm…”Bahagya siyang yumuko upang mas makita ang mukha ko.“Take your time, sweetheart. The doctor
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa aking nasaksihan.Gising na si Rodrigo.Dalawang buwan akong naghintay. Dalawang buwan akong nagdasal, umiyak, at nagmakaawang bigyan siya ng pagkakataong magising. At ngayon, narito siya.Ngunit bakit hindi ako ang unang taong nasa tabi niya? Hindi man lang ba niya hiniling ang aking presensya? ‘Di ba niya naisipang ipaalam sa akin ang paggising niya?Bakit nauna pa sa akin si Macy?“We need to talk.”Inaasahan ko nang gugustuhin niyang balikan muna kung saang punto kami huling nahinto. Gayunpaman, hindi ko na nagawang isipan pa ito nang lubusan at ‘di ko rin napigilang hawakan ang kaniyang mukha. Nangingilid na naman ang luha ko habang sinusuri ang bawat bahagi nito.“Thank God! Akala ko… akala ko hindi ka na magigising!”Sinubukan ko siyang yakapit ngunit hindi niya agad ginantihan ang yakap ko. Sa halip, bahagya siyang umiwas at napatingin kay Macy.Doon ko napansin ang kakaibang kilos nila. Parang may alam silang hindi ko ala
“Some patients regain consciousness within days or weeks, while others may take several months. It depends on the extent of the brain injury and how the patient responds to treatment.”“Several months?” halos pabulong na ulit ni Tita Elena. Napailing siya at napahawak sa braso ng doktor.“May posibilidad din pong…” nag-aalangang dagdag ng doktor, “Baka hindi na rin po siya magising. Ipagdasal na lang po natin ang recovery ng pasyente.”“Hindi… Bata pa ang anak ko, Dok. Marami pa siyang pangarap. Ikakasal na nga sila…” Napatingin siya sa akin. “Dapat ikakasal na sila.”Tuluyan na siyang napahagulgol.Hindi ko na rin napigilang mapaluhod sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.Ilang linggo na lamang at ikakasal na kami. Ilang buwan naming pinaghandaan ang araw na iyon. May napili na kaming simbahan, reception venue, at maging ang kulay ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal.Naalala ko pa kung paano siya ngumiti nang una naming pag-usapan ang ma
“Hello, Chloe? Malapit na ako diyan. Please, wait for me… I want to talk it over in person.”Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa aking fiancé na si Rodrigo bago niya tuluyang ibaba ang tawag matapos ang panibago naming pagtatalo.Dalawang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Noong una, pataasan pa kami ng pride. Pero kahit noong ilang beses na niyang sinubukang makipag-ayos, hindi ko pa rin siya pinapansin.Nagsimula ang lahat nang mapansin kong madalas silang magkasama ng best friend kong si Macy. Ilang beses ko silang nakitang magkasamang kumakain, nagkikita pagkatapos ng trabaho, at tila may itinatagong sikreto sa akin.Noong una, hindi ko iyon pinansin. Matagal nang magkakilala sina Rodrigo at Macy, at alam kong malapit sila sa isa't isa. Ngunit nang mapansin kong palagi siyang umiiwas kapag tinatanong ko kung saan siya nanggaling, unti-unting nabuo sa isip ko ang posibilidad na may iba na siya.Hindi naman ako dating ganito.Sa totoo lang, hindi ako ‘yong tipo ng babae


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.