Share

054

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2025-04-01 19:46:52

"ARE YOU excited, Nonoy?" tanong ni Champagne habang lulan sila ng sasakyan ni Grayson at nagmamaneho ito. Hindi nga alam ni Naomi kung bakit mayaman naman sila Grayson pero wala itong personal driver dahil palaging ito ang nagmamaneho ng sasakyan nito.

"O-opo, ate Champagne," masayang sabi nito bitbit ang isang laruan na robot na binili pa ni Grayson para rito. Kanina pa ngang excited si Nonoy dahil pupunta sila ngayon sa paraalan kung saan nag-aaral si Champagne para i-enroll si Nonoy sa isang special class for people with special needs.

"Salamat talaga, Grayson at Champagne huh, sa lahat ng ginagawa ninyo para kay Nonoy," masayang sabi niya.

Simula kasi nang tumira sila sa mansyon ng mga Alcantara, ang dami na nilang nagawa para kay Nonoy at utay-utay nagbabago ang pananaw ng kapatid niya pagdating sa pagmumuhay sa labas kasama ang ibang tao. Masasabi niyang natutunan na ni Nonoy na masanay sa labas at masaya siya dahil hindi na lang ang silid at bahay ang magiging lugar para rito.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku Naomi sinabi na ata ni Owen na ex wife ka nya
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hala may asawa na ata c Ashley
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • After Divorce: I Married A Stranger    129

    "NONOY, tell me ginawa mo ba iyon kay Kalus?" tanong ni Naomi nang makabalik sila sa silid nito habang hawak niya ito sa balikat.Napapikit siya at nasapo ang noo nang tumango si Nonoy. Napabuntong-hininga siya. Nasaan pa kasi si Moning? Bakit hindi nito nabantayan ang kapatid niya?"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya dahil naniniwala siyang hindi iyon gagawin ng kapatid niya ng walang dahilan. Kilala niya si Nonoy at hindi ito bayolenteng bata katulad ng sinasabi ni Levie.Kinuha nito ang paborito nitong laruan at pinakita sa kaniya. "H-hindi siya mabait kay Nonoy, eh. S-sinira niya ang paborito kong laruan," sumbong nito.Natigilan siya at kinuha ang sirang laruan. Putol na ang braso at binti ng robot na paborito nitong laruan na binili pa ni Grayson para sa kapatid niya."S-sinira ni Kalus ang laruan mo?" hindi makapaniwalang tanong niya dahil base sa hitsura ni Kalus, hindi nito gagawin ang bagay na iyon.Tumango ito. "T-tinapakan niya ang laruan ni Nonoy at hinampas niya sa lupa.

  • After Divorce: I Married A Stranger    128

    TAHIMIK LANG si Naomi habang masayang nag-uusap ang lahat tungkol sa mga kwento ni Ashley tungkol kay Kalus. Masaya ang lahat, tumatawa, at ramdam ang mainit na pagtanggap ng pamilya sa kanilang dalawa. Iba sa nararamdaman niya, pakiramdam niya'y outcast siya, nawala bigla sa picture at hindi napapansin. Ok lang naman sa kaniya kaya lang, hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng lungkot dahil biglang nagbago ang lahat sa kaniya sa pagdating ni Ashley at Kalus."Napakulit mo rin palang bata," masayang sabi ni Christopher na katabi ni Levie. Katabi naman niya si Grayson at si Nonoy. Katabi ni Grayson si Kalus at Ashley. Sa harap naman nila, sila Owen at Ivy ang naroon. "Hindi ko akalaing sa murang edad mo na iyan matatakot silang lahat sa iyo.""I've taught him to be brave enough to protect himself dahil wala maman kaming ibang aasahan," nakangiti pero may lungkot na sabi ni Ashley."Well, kita namin kung paano mo napalaki ng maayos at mabuting bata si Kalus and I'm so happy and proud d

  • After Divorce: I Married A Stranger    127

    "N-NAOMI, can we talk?"Lumingon si Naomi at nakita niya si Ashley habang nasa terrace siya ng mansyon, nakatayo sa gilid niyon. Seryoso lang ang mukha niya, maging si Ashley."I-I really wanna say sorry kung naging dahilan ako ng mga hindi pagkakaunawaan sa pamilya ninyo," simula nito nang lumapit sa kaniya. "Wala akong ibang intensyon, Naomi kung 'di mas maintindihan ni Kalus ang pagkatao niya at mabuo siya because he always wanted to have a father at gusto kong ibigay iyon sa kaniya lalo't alam kong nasa tamang edad na siya to understand everything."Ngumiti siya dahil naiintindihan naman niya si Ashley at wala siyang masamang pakiramdam para rito."No, don't say sorry Ashley dahil naiintindihan kita bilang ina at alam kong para iyon kay Kalus at walang problema sa akin iyon. Karapatan ng batang makilala niya ang tunay niyang ama at hindi ko iyon hahadlangan.""Still, alam kong sa pagpasok namin ng anak ko sa pamilya ninyo, nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan kaya nagi-guilty ako

  • After Divorce: I Married A Stranger    126

    "L-LOLA MARINA, h-hindi po totoo iyon," pagtanggi ni Naomi. Tiningnan niya ito na bakas ang pagtanggi at lungkot sa kaniyang mukha. Masakit para sa kaniya na pagbintangan ng bagay na alam niyang hindi niya kayang gawin. "Naomi, tell us the truth dahil may ebedensiya na sa harap mo," ani Levie na kunyari pang malungkot at disappointed sa kaniya. "I-I thought you're different from those girls na pera lang ang habol kay Grayson." "Tita Levie, stop lying! Alam mong hindi ko ginawa ang sinasabi mo!" Hindi niya napigilang taasan ng boses si Levie na mas kinagulat ng mga naroon. "S-sinisigawan niya ako," sabi ni Levei na hindi makapaniwala. "Naomi, remember who you're talking with, don't raise your voice on her," saway ni lola Marina. "Naomi, I'm sorry pero lately I'm so disappointed with you," malungkot na sabi ni Christopher. "You make things more complicated and always make trouble in the family." Nakagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng mga luhang sunod-sunod na pumatak mula sa

  • After Divorce: I Married A Stranger    125

    KINAUMAGAHAN, nagising si Naomi na wala na si Grayson sa tabi niya. Baka nasa kompanya na ito. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili nagpasiya siyang lumabas ng silid para pumunta ng kusina at maghanda ng almusal niya. Pababa pa lang siya ng hagdan, narinig na niya ang masayang tawanan mula sa living room. Napakunot noo siya sa pagtataka. Nang makarating siya sa living room, natigilan siya nang makitang nandoon si Ashley at ang anak nito. Masayang nag-uusap si Christopher, Levie, lola Marina at Ashley habang nasa tabi ni lola Marina si Kalus. Kita niya kung gaano kasaya ang mga ito sa pagdating ng mag-ina. Nakaramdam siya ng kirot. Maiitsapwera na nga ba siya sa pagdating nila? "Ashley, hija napag-isipan mo na ba ang alok kong tumira muna kayo ni Kalus sa mansyon?" kapagkuwa'y seryosong sabi ni lola Marina. "I want to spend more time with Kalus." Natigilan si Ashley at hindi agad nakasagot. Kita niya sa mukha nito ang pagtutol pero tila nalulungkot din ito para kay lola Marina. "Ashl

  • After Divorce: I Married A Stranger    124

    "I-I'M SORRY!" ani Grayson nang makapasok sila sa silid. Hinarap niya ito at ngumisi kahit ang totoo, hindi niya alam ang nararamdaman.Umiling siya at saglit na pumikit. Humalukipkip siya. "Don't say sorry, Grayson. Wala kang kasalanan at kung iniisip mo ang nararamdaman ko, ok ako at hindi mo kailangang isipin iyon dahil ok lang sa akin kung may anak ka kay Ashley. Hindi ako magagalit at kung gusto mong makasama si Kalus, hindi ko iyon hahadlangan." Lumapit siya rito at sinapo ang pisngi, saka marahan iyong hinimas. "Anak mo pa rin si Kalus, Grayson at alam kong kailangan ka ng bata. Don't mind me, I'm ok." Ngumiti siya para iparamdam dito na totoong ok lang sa kaniya iyon.Tiningnan siya nito sa mga mata. "H-hindi ko alam, Naomi. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang ama ng bata? Paano ako makakasigurado na anak ko nga si Kalus?" kapagkuwa'y sabi nito.Napakunot ang noo niya. "Pinagdududahan mo ba si Ashley?""Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. I-I was shocked at kahi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status