tapos ang ang bakasyon, back to reality na ulit tayong lahat. ingat po kayo palagi. God bless everyone! hope you guys enjoyed the vacation 🫶 thank you!
"N-NAOMI, can we talk?"Lumingon si Naomi at nakita niya si Ashley habang nasa terrace siya ng mansyon, nakatayo sa gilid niyon. Seryoso lang ang mukha niya, maging si Ashley."I-I really wanna say sorry kung naging dahilan ako ng mga hindi pagkakaunawaan sa pamilya ninyo," simula nito nang lumapit sa kaniya. "Wala akong ibang intensyon, Naomi kung 'di mas maintindihan ni Kalus ang pagkatao niya at mabuo siya because he always wanted to have a father at gusto kong ibigay iyon sa kaniya lalo't alam kong nasa tamang edad na siya to understand everything."Ngumiti siya dahil naiintindihan naman niya si Ashley at wala siyang masamang pakiramdam para rito."No, don't say sorry Ashley dahil naiintindihan kita bilang ina at alam kong para iyon kay Kalus at walang problema sa akin iyon. Karapatan ng batang makilala niya ang tunay niyang ama at hindi ko iyon hahadlangan.""Still, alam kong sa pagpasok namin ng anak ko sa pamilya ninyo, nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan kaya nagi-guilty ako
"L-LOLA MARINA, h-hindi po totoo iyon," pagtanggi ni Naomi. Tiningnan niya ito na bakas ang pagtanggi at lungkot sa kaniyang mukha. Masakit para sa kaniya na pagbintangan ng bagay na alam niyang hindi niya kayang gawin. "Naomi, tell us the truth dahil may ebedensiya na sa harap mo," ani Levie na kunyari pang malungkot at disappointed sa kaniya. "I-I thought you're different from those girls na pera lang ang habol kay Grayson." "Tita Levie, stop lying! Alam mong hindi ko ginawa ang sinasabi mo!" Hindi niya napigilang taasan ng boses si Levie na mas kinagulat ng mga naroon. "S-sinisigawan niya ako," sabi ni Levei na hindi makapaniwala. "Naomi, remember who you're talking with, don't raise your voice on her," saway ni lola Marina. "Naomi, I'm sorry pero lately I'm so disappointed with you," malungkot na sabi ni Christopher. "You make things more complicated and always make trouble in the family." Nakagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng mga luhang sunod-sunod na pumatak mula sa
KINAUMAGAHAN, nagising si Naomi na wala na si Grayson sa tabi niya. Baka nasa kompanya na ito. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili nagpasiya siyang lumabas ng silid para pumunta ng kusina at maghanda ng almusal niya. Pababa pa lang siya ng hagdan, narinig na niya ang masayang tawanan mula sa living room. Napakunot noo siya sa pagtataka. Nang makarating siya sa living room, natigilan siya nang makitang nandoon si Ashley at ang anak nito. Masayang nag-uusap si Christopher, Levie, lola Marina at Ashley habang nasa tabi ni lola Marina si Kalus. Kita niya kung gaano kasaya ang mga ito sa pagdating ng mag-ina. Nakaramdam siya ng kirot. Maiitsapwera na nga ba siya sa pagdating nila? "Ashley, hija napag-isipan mo na ba ang alok kong tumira muna kayo ni Kalus sa mansyon?" kapagkuwa'y seryosong sabi ni lola Marina. "I want to spend more time with Kalus." Natigilan si Ashley at hindi agad nakasagot. Kita niya sa mukha nito ang pagtutol pero tila nalulungkot din ito para kay lola Marina. "Ashl
"I-I'M SORRY!" ani Grayson nang makapasok sila sa silid. Hinarap niya ito at ngumisi kahit ang totoo, hindi niya alam ang nararamdaman.Umiling siya at saglit na pumikit. Humalukipkip siya. "Don't say sorry, Grayson. Wala kang kasalanan at kung iniisip mo ang nararamdaman ko, ok ako at hindi mo kailangang isipin iyon dahil ok lang sa akin kung may anak ka kay Ashley. Hindi ako magagalit at kung gusto mong makasama si Kalus, hindi ko iyon hahadlangan." Lumapit siya rito at sinapo ang pisngi, saka marahan iyong hinimas. "Anak mo pa rin si Kalus, Grayson at alam kong kailangan ka ng bata. Don't mind me, I'm ok." Ngumiti siya para iparamdam dito na totoong ok lang sa kaniya iyon.Tiningnan siya nito sa mga mata. "H-hindi ko alam, Naomi. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang ama ng bata? Paano ako makakasigurado na anak ko nga si Kalus?" kapagkuwa'y sabi nito.Napakunot ang noo niya. "Pinagdududahan mo ba si Ashley?""Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. I-I was shocked at kahi
"ANAK MO si Kalus, Grayson," pagkompirma ng babae. Hindi alam ni Naomi ang mararamdaman niya sa narinig. Parang nabingi siya. May anak si Grayson kay Ashley? Kumurap siya habang nakatingin lang sa naguguluhang mukha ni Grayson. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "Nang magpasiya akong iwan ka six years ago, I was pregnant at dahil sa matinding galit at sama ng loob ko sa iyo, nagpasiya akong ilihim iyon dahil hindi mo deserve na malaman ang tungkol sa bata dahil sa lahat ng masasakit na salitang sinabi mo sa akin noon. I-I was so broke that time at dumating sa puntong gusto kong ipalaglag ang bata pero naisip kong siya na lang ang mayroon ako at mali ang gagawin ko." Bakas ang labis na lungkot sa mukha nito dahil sa sinabi. Kita niya ang simpatiya ng lahat. Tiningnan niya ang inosenteng babae. Maganda ito, napakaamo ng mukha. Kamukha nito ang batang katabi na sa palagay niya'y lima o anim na taong gulang na. Pamilyar sa kaniya ang mukha ng mag-ina, parang nakita na niya ito sa
LUMABAS NA ng silid si Naomi at pagdating niya sa lobby ng resort, wala na sila roon. Marahil nasa kotse na ang karamihan dahil ngayong araw na ang balik nila sa Maynila. Hindi nga nila alam kung nag-enjoy ba ang lahat o mas napagod at na-stress sa mga eksena ni Ivy. Ito ang sumira ng bakasyon nila at sana nga hindi na lang ito sumama dahil mas magiging masaya sana ang bakasyon ng pamilya. "Ow! Hi, my dear friend." Lumingon si Naomi sa likod niya at nakita niya si Ivy na nakangiti sa kaniya habang dala ang isang handy bag. Seryoso niya itong tiningnan. Kapag naalala niya ang lahat ng ginawa nito, nagagalit siya at gusto niya itong sampalin ng paulit-ulit. "Have you enjoyed the show?" tanong nito at mas lumapit pa sa kaniya. Kita ang saya sa mukha nito dahil nagtagumpay itong baliktarin ang katotohanan. Matalim niya itong tiningnan. "Hayop ka, Ivy! Sa tingin mo ba hahayaan kita sa lahat ng gusto mong gawin. Hindi na ako si Naomi na kilala mo, marunong na akong lumaban at makipaglar