Code Name: ROSIE (DLV NEW GEN SERIES 1)

Code Name: ROSIE (DLV NEW GEN SERIES 1)

last updateHuling Na-update : 2026-10-22
By:  CALLIEYAH JULYIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
19views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

“ANAK NI NINONG GOVERNOR”(NINONG MAYOR and NINONG GOVERNOR COLLABORATION) Simple lang ang pangarap ni Alliyah Rose Dela Vega. Ang mamuhay ng simple at tahimik. Pero dahil sa isang hindi inaasahan na pangyayari ay magbabago ang lahat sa kanya. Bigla siyang papasok sa mundo na kakaiba. Ang mundo ng mga agent. Ginawa niya ang lahat para lang makapasok sa organisasyon at nagtagumpay naman siya.Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay makikilala niya ang isang lalaki. Ang lalaking hindi niya nakakasundo at ito ay ang undercover police agent na si Alden Rocky Alcantaria. Maraming bagay ang hindi nila napagkakasunduan sa trabaho. May mabubuo kaya na pagmamahal? O mananatili na lang sila na parang aso at pusa na laging nag-aaway?

view more

Kabanata 1

C-1

ALLIYAH ROSE

“Rosie, may bago kang misyon,” sabi sa akin ng boss ko.

“Bago? Pero hindi pa naman ako tapos sa misyon ko ngayon,” sagot ko sa kanya dahil feeling ng isang ito ay tapos na ako.

“I know, pero kasi kailangan ka doon. They need you there.”

“Ako, kailangan? Bakit?”

“Ikaw lang kasi ang–”

“Boss, alam mo na hindi ako nag-iiwan ng trabaho. Hayaan mo akong tapusin ko ang trabaho ko, let finish this one,” putol ko sa sasabihin pa niya.

“Hindi na ba kita mapipilit?” tanong niya sa akin at inirapan ko siya dahil ang kulit niya talaga.

“Okay, hindi na kita pipilitin,” sabi pa niya at sumuko na rin.

“Pag-usapan natin sa susunod once na natapos na ako,” sabi ko kay Boss Vryan.

“Tapusin mo na kasi agad,” natatawa na sabi niya.

“Gusto mo ba na unahin na kitang tapusin?” tanong ko sa kanya.

“Ito naman, nagbibiro lang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ka mabiro. Kaya wala kang boyfriend dahil ang sungit mo,” sabi niya sa akin.

“Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko,” sabi ko pa sa kanya.

“May pinsan akong single, baka gusto mong makipagdate sa kanya. Single rin at walang sabit. Walang problema. Pareho kayong workaholic, malay mo kayo pala ang para sa isa’t isa.”

“Kung katulad mo lang naman na pangit ay ‘wag na,” panlalait ko sa kanya kahit hindi naman totoo para lang tigilan niya ako.

“Grabe ka naman sa akin. Gwapo naman ako ah. Pero mas gwapo ‘yon.”

“Wala akong pakialam. ‘Wag mo ng ipilit dahil hindi ako natutuwa sa ‘yo. Lalayasan kita kapag–”

“Ito naman, nagbibiro lang naman ako high blood ka na agad. Palibhasa, walang nagpapakilig sa ‘yo,” sabi pa niya sa akin at tumayo na ako.

“I don’t need one,” sabi ko sa kanya.

Inayos ko na rin ang bag ko. Pinasok ko ang mga gamit ko. Wala naman kasi akong gagawin pa dito sa office niya. Kung hindi pa ako aalis ay sure ako na aasarin at aasarin lang niya ako. Baka mapikon pa ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko na patulan siya kahit pa alam ko sa sarili ko na boss ko siya.

“Alis na ako,” sabi ko sa kanya.

“Ayaw mo ba talagang hintayin ang pinsan ko?”

“Tsk! Tigilan mo ako,” sabi ko at lumabas na ako sa office niya.

Binabati ako ng mga juniors kahit alam nila na hindi ko naman sila babatiin pabalik. Hindi lang talaga ako sanay na makipag-usap sa iba. Mas gusto ko nga na gawin ang misyon ko ng mag-isa. Mabuti na lang at payag naman ang Big boss ko. Boss ko si Sir Vryan pero hindi siya ang pinakamataas sa lahat. 

Motorsiklo ko ang gamit ko kaya naman inayos ko na ang helmet ko. 

“Aalis ka na ba?” nakangiti na tanong sa akin ng isang agent na ka-batch ko pero nakatingin lang ako sa kanya.

“Sabi ko nga, aalis ka na,” sabi niya sa akin.

“Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na. Marami akong trabaho na kailangang tapusin,” sabi ko sa kanya.

“Wala, wala naman,” sabi pa niya sa akin.

“Okay,” sabi ko at sumakay na ako sa motorsiklo ko.

Palabas na ako sa gate nang bigla na lang may humarang sa daraanan ko. Binusinahan ko pero parang walang naririnig ang driver. Umatras ako at bumwelo ako para paliparin ang motorsiklo ko para makadaan lang ako. Wala akong time para makipagtalo. Hindi ako sanay sa gano’n. Mas gusto ko lang na gawin ang trabaho ko.

Nang tuluyang lumapat ang gulong ng motorsiklo ko sa lupa ay narinig ko ang malakas niyang pagbusina. Hindi ko na lang siya pinansin pa at wala rin akong balak na alamin kung sino man siya. Ngayon ko pa lang nakita ang sasakyan na ‘yon kaya sa tingin ko ay bisita siya ng boss ko. Bahala na siya, wala naman akong ginawa. Ako na nga ang gumawa ng paraan para lang makadaan ako dahil gumarang siya sa daan.

Mabilis akong magpatakbo ng motorsiklo ko. Pero kahit na mabilis ay sinisigurado ko na wala akong masasaktan at hindi rin ako masasaktan. Baka paluin ako ng mommy ko at hindi na ako payagan sa mga ginagawa ko. 

Nang makarating ako sa bahay na nirerentahan ko ay kaagad kong tinawagan ang mommy ko.

“Baby, hindi ka pa rin ba tapos sa work mo?” tanong niya sa akin.

“Hindi pa po, mom. May mga naka-abang pa na gagawin ko.”

“Miss na miss na kita, baby.”

“Miss you too, mom. Pangako ko, kapag may bakasyon ako ay uuwi agad ako,” sabi ko sa kanya.

“Okay, baby. Take care of yourself at ‘wag kang magpapagutom,” sabi niya sa akin.

“Yes, mom. Kumakain po ako sa tamang oras.”

“Dapat lang, mag-aasawa ka pa,” sabi niya sa akin at ngumiti lang ako. Nagpaalam na ako dahil kailangan ko ng pumasok sa trabaho ko. 

Kapag nagtagal pa kaming mag-usap ng mommy ko ay baka umiyak na naman siya. Ganito siya lagi, gusto niya na mag-asawa ako. Ni boyfriend nga ay ayaw ko. Asawa pa kaya, masyado na talaga siyang nagmamadali na magka-apo. Gusto pa talaga niyang mauna ako sa mga kuya ko. Nag-eenjoy ako sa work ko. Masaya ako dito at nakakagala pa ako. May pera ang pamilya ko, kaya kong gumala sa kahit saan kung gugustuhin ko. Pero gusto ko na magtrabaho at magwaldas ng pera para sa mga gusto kong gawin. 

After kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako para pumasok sa trabaho ko. Nagtatrabaho ako sa isang bar dahil parte ito ng misyon ko. Nagcocommute lang ako lagi dahil ayaw ko naman na may maghinala sa akin. Nang makarating na ako sa trabaho ko ay pumasok na agad ako. Pero nagulat na lang ako dahil..

“Walang lalabas! Hulihin niyo silang lahat!” sigaw ng isang lalaki na nakasuot ng sumbrero na sa tingin ko ay pulis.

“Damn it!” napamura ako ng wala sa oras dahil wrong timing naman ang pagpasok ko.

Nagmamadali akong lumabas ng bigla na lang may humawak sa kamay ko.

“Tatakas ka?”

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status