My Unfaithful Fiancee

My Unfaithful Fiancee

last updateÚltima actualización : 2026-10-16
Por:  JC CRUZActualizado ahora
Idioma: Filipino
goodnovel16goodnovel
No hay suficientes calificaciones
6Capítulos
13vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Sabay na inihanda ni Adrian Zamora at Sophia ang papalapit nilang kasal. Sa araw kung kailan ginanap ang kanilang rehearsal. May natuklasan si Sophia tungkol kay Adrian na ikinadurog ng kaniyang puso. At isang paghihiganti na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Hanggang saan aabot ang pagmamahalan nina Sophia at Adrian? Abangan.

Ver más

Capítulo 1

Chapter 1

Sophia’s POV

Excited ako sa kasal namin ni Adrian. Mga bata pa lang kami pangarap ko na siya ang mapangasawa ko. Malapit na magkaibigan ang mga pamilya namin. Kaya hindi na rin ako tumanggi ng sinabi sa akin ni Daddy na ikakasal kaming dalawa. Wala rin akong naging pagtutol sa arrange marriage na ginawa ng mga magulang namin. At ngayon ang unang araw ng paghahanda sa kasal. Mabuti pang puntahan ko muna siya sa opisina niya para sabay na kaming pumunta sa simbahan para sa rehearsal. 

Nandito na ko sa harap ng building ng company niya. 

"Good morning po Ma'am Sophia." Agad na mainit na pagbati sa akin ng mga guard ng building. Hindi ko na nagawang batiin ang lahat at tuloy-tuloy akong dumiretso sa elevator. Pagpasok ko sa elevator ay nakasabay ko sa ang secretary ni Adrian — si Chloe Ramirez. 

"Wow ang ganda naman ng bride to be ni Sir Adrian." agad na pangbobola niya sa akin. 

"Salamat Sis, nagpunta ako dito dahil gusto ko sanang sabay na kami pumunta sa simbahan para sa rehearsal ng kasal namin," masaya kong tugon. 

Bukod sa Secretary siya ni Adrian ay magkababata din kami ni Chloe pero hindi ko masasabi na close kami sa isa't-isa. Batchmate din kami simula high school hanggang college. 

"So ready ka na ba maging Mrs. Sophia Zamora?" tanong niya. 

"Syempre naman Sis, alam mo naman noong mga bata pa lang tayo gusto ko na siya. Kaya kung meron man akong gustong pakasalan, walang iba kundi siya lang." Nang sinabi ko ‘yon napansin ko na bigla siyang natahimik at naging seryoso sa itsura niya. 

"Ga-ganun ba? Masaya ako para sa inyo."  Sambit niya na parang may halong pag-aalangan ngunit hindi ko na ‘yon pinansin dahil baka nahihiya pa rin siya na kausapin ako ng casual sa kabila ng magiging asawa na ako ng boss niya.

Nang makarating na kami sa floor kung nasaan ang opisina ni Adrian, ay agad akong nagtungo sa dulong pintuan kung nasaan ang main office niya. Samantalang si Chloe ay naiwan sa table malapit sa pintuan ng office ni Adrian dahil doon ang pwesto ng trabaho niya bilang secretary.

Pagpasok ko ay nakita ko si Adrian na may kausap na isang lalaki. Ito ay ang kanyang ama, si Don Alejandro Zamora, ang may-ari ng company at matalik na kaibigan ni daddy.

"Oh Sophia, mabuti dumating ka na. At sabay na kayo ng fiancee mo magpunta ng simbahan para maplantsa na ng maayos ang seremonya ng kasal niyo." Sunod-sunod na sabi ng future in-law ko. 

"Opo Uncle, kaya po ako nandito para sabay na po kami." Agad ko namang tugon na may halong hiya at saya. 

"Anong Uncle? Dapat Daddy na rin ang itawag mo sa akin dahil ilang araw na lang ang hihintayin ay magiging anak na rin kita,” sabay ngiti niya. “Siya nga pala anak, kamusta naman si Roberto at Rebecca? matagal din kaming hindi nagkita buhat ng bumalik ako galing ibang bansa,” pagkamusta ni dad. 

“Okay naman po si daddy. Medyo busy din po siya sa pagpapatakbo ng company namin," magalang kong sagot. 

"Ah ganun ba? Oh siya, mauna na muna ako sa inyo. May dadaanan muna akong importanteng meeting bago ako sumunod sa simbahan mamaya." Pagpapaalam na si Uncle este si Dad pala.

Samantalang ay tahimik naman si Adrian sa ginagawa niya sa harap ng laptop niya. 

"Hon malapit ka na ba matapos diyan?" malambing kong tanong. 

"Saglit na lang ‘to, Hon. Kailangan ko lang i-finalized lahat ng gagawin tapos bahala na ‘yong secretary ko sa mga ibang gagawin," mahinahon niyang sagot.

"Excited na ko sa nalalapit na kasal natin. Ganun ka rin ba?" Dagdag ko.

Bigla siyang natigil sa pagtatype at natahimik ng saglit bago siya tumingin sa akin. 

"Of course." Tanging sagot niya na may halong ngiting hindi ko alam kung ano ang pakiramdam. 

"Ang mabuti pa magrelax ka muna habang tinatapos ko ‘tong ginagawa ko para mamaya sa simbahan may lakas ka sa mga gagawin natin." Muli siyang bumalik sa ginagawa niya sa laptop niya.

Bilang respeto wala akong ibang nagawa kundi ang makinig sa kaniya. 

Ilang sandali pa ay natapos na sya sa ginagawa niya at agad na tumayo sa upuan niya. 

"Ready, Hon?" excited niyang tanong. 

"Let’s go." Masaya kong sambit sa kanya at kinuha ko ang bag ko sa couch at sabay kaming lumabas ng opisina niya. 

Sa labas ay nakita namin si Chloe na abala sa trabaho. 

"Ms. Ramirez, ikaw na bahala sa mga files na isa-submit mo sa mga client natin. Send ko na lang sa email mo para mabilis," utos ni Adrian kay Chloe. 

"Ah sige po Sir, ako na po ang bahala sa lahat. Goodluck po sa inyo ni Ma'am Sophia. And .... Advance best wishes po sa inyo," masayang pagbati niya sa amin. 

Umalis na kami sa opisina at dumiretso sa basement kung saan naka-park ang sasakyan ni Adrian. Nakapasok na kami ng sasakyan at nagdrive na siya  papunta kami ng simbahan para sa rehearsal ng wedding ceremony.

Fast Forward

Nakarating na kami ni Adrian sa simbahan at naroon na rin ang lahat ng kasama sa entourage. Ando’n na rin ang mga magulang namin, mga malalapit na kaibigan na masayang nagkakamustahan.

Sa hindi kalayuan ay narinig namin ang sigaw ng isang boses ng lalaki. 

"Andiyan na ‘yong couple of the year!" agad naman na naglingunan sa amin ang mga tao. 

Ang lalaking sumigaw ay ang pilyong kaibigan ni Adrian na si Jess Lucero,  isang bar owner at bestfriend ni Adrian. Siya din ang pinili bilang maging Bestman sa kasal namin. 

"Kahit kailan talaga Jess ikaw ‘yong starter ng kalokohan kahit nasa loob tayo ng simbahan," pabirong sermon ni Adrian sa kaniya. 

"Bakit naman kasi ngayon lang kayo? Kanina pa kami nandito lahat at kayo na lang ang hinihintay. Don't tell me inuna nyo na ‘yong honeymoon." Pilyo talaga ‘to. 

Kahit nasa simbahan kami nagagawa pa rin niyang magbiro ng gano'n. Pero aminin ko namula din ako sa sinabi niya. 

"May tamang oras para diyan, kaya mas mabuting magsimula na tayo," lakas loob kong pagsingit sa usapan nila. At nagsimula na kami sa rehearsal ng kasal.

Pagkatapos namin sa practice ay nagsimula na rin mag-uwian ang iba. Si Adrian ay kakwentuhan si Jess sa gilid ng altar. Samantalang lumapit naman ako sa mga magulang ko. 

"Oh Iha, sasabay ka na ba sa amin?" tanong sa akin ni Mommy. 

“Opo nakapagpaalam na rin po ako kay Adrian na sasabay ako sa inyo," sabay ngiti ko.

“Sige ipapakuha ko sa driver ‘yong sasakyan para makauwi na tayo. Eh si Adrian?" agad na tanong ni Daddy. 

“May dadaanan pa daw po siya sa office niya kaya pinauna na ako. Pwede niyo po ba ako ihatid sa Ospital? May bibisitahin lang po sana akong kaibigan." Hindi ako nag-alangan sa request kong ito. Mabuti na lang ay hindi sila tumanggi.

Palabas na kami ng simbahan nang mapansin ko ang isang babae na nakaluhod sa pinaka likurang upuan na tila ay nagdarasal. Umagaw siya ng atensyon ko dahil kilala ko ang lahat ng nasa simbahan during ng practice at sigurado ako na hindi siya kasali. Pero sabagay tapos naman na ‘yong practice kaya siguro ibang tao lang ‘yon na dumalaw para magsimba.

Si Adrian at Jess naman ay sumunod na rin sa amin paglabas. "Hon, uuwi na ba kayo?" tanong ni Adrian sa akin. 

"Yes Hon, sasabay na ko kay Mom and Dad tsaka dadaan din ako sa hospital. Ibibigay ko lang ‘tong Wedding Invitation kay Mark para makadalo din siya sa kasal natin." Super honest kong sagot sa Fiancee ko. Wala rin naman dahilan para magsinungaling.

"Okay, pero tawagan mo agad ako pagnakauwi ka na. Huwag ka masyadong magtagal do’n," seryoso at nakangiting tugon niya. Pero deep inside ramdam ko na na may mapait sa ngiti niya.

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sin comentarios
6 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status