Share

084

Author: Totoy
last update Last Updated: 2025-04-25 21:30:39
"WHERE WE going, Grayson?" tanong ni Naomi habang seryoso itong nagmamaneho at hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin.

"Somewhere where you can find your soul, Naomi," makahulugan nitong sabi.

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Malalaman mo rin kung saan tayo pupunta. It's a big part of you, of your past at alam kong matagal mo ng tinatanong ang bagay na iyon and now it's the time, Naomi."

Tiningnan lang niya si Grayson. Gusto pa niyang magtanong pero mukhang hindi naman siya nito sasagutin ng diretso kaya nanahimik na lang siya. Saan kaya siya nito dadalhin na malaking parte ng nakaraan niya? Hindi niya alam kung ma-e-excite siya o kakabahan, halo-halo ang emosyong nararamdaman niya.

Habang tahimik at seryosong nagmamaneho si Grayson, mataman niya itong tinitigan at habang tumatagal she's enjoying the view ng hindi niya namamalayan. Napakagwapo nito at tila ba anghel na bumaba mula sa langit. Bahagyang may pagka-fierce pero hindi ito ang tipong katatakutan, in fact,
Totoy

pasensiya po sa walang update kagabi. sobrang napagod po sa work at sobrang antok kaya nakatulog na pala ako habang nagsusulat at nagising na ng 3 am, papasok na ulit. huhuhu. salamat po sa pag-unawa. enjoy

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
malamang c Ivy or c Levie ang may pakana ng aksidente ni Naomi
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorce: I Married A Stranger    126

    "L-LOLA MARINA, h-hindi po totoo iyon," pagtanggi ni Naomi. Tiningnan niya ito na bakas ang pagtanggi at lungkot sa kaniyang mukha. Masakit para sa kaniya na pagbintangan ng bagay na alam niyang hindi niya kayang gawin. "Naomi, tell us the truth dahil may ebedensiya na sa harap mo," ani Levie na kunyari pang malungkot at disappointed sa kaniya. "I-I thought you're different from those girls na pera lang ang habol kay Grayson." "Tita Levie, stop lying! Alam mong hindi ko ginawa ang sinasabi mo!" Hindi niya napigilang taasan ng boses si Levie na mas kinagulat ng mga naroon. "S-sinisigawan niya ako," sabi ni Levei na hindi makapaniwala. "Naomi, remember who you're talking with, don't raise your voice on her," saway ni lola Marina. "Naomi, I'm sorry pero lately I'm so disappointed with you," malungkot na sabi ni Christopher. "You make things more complicated and always make trouble in the family." Nakagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng mga luhang sunod-sunod na pumatak mula sa

  • After Divorce: I Married A Stranger    125

    KINAUMAGAHAN, nagising si Naomi na wala na si Grayson sa tabi niya. Baka nasa kompanya na ito. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili nagpasiya siyang lumabas ng silid para pumunta ng kusina at maghanda ng almusal niya. Pababa pa lang siya ng hagdan, narinig na niya ang masayang tawanan mula sa living room. Napakunot noo siya sa pagtataka. Nang makarating siya sa living room, natigilan siya nang makitang nandoon si Ashley at ang anak nito. Masayang nag-uusap si Christopher, Levie, lola Marina at Ashley habang nasa tabi ni lola Marina si Kalus. Kita niya kung gaano kasaya ang mga ito sa pagdating ng mag-ina. Nakaramdam siya ng kirot. Maiitsapwera na nga ba siya sa pagdating nila? "Ashley, hija napag-isipan mo na ba ang alok kong tumira muna kayo ni Kalus sa mansyon?" kapagkuwa'y seryosong sabi ni lola Marina. "I want to spend more time with Kalus." Natigilan si Ashley at hindi agad nakasagot. Kita niya sa mukha nito ang pagtutol pero tila nalulungkot din ito para kay lola Marina. "Ashl

  • After Divorce: I Married A Stranger    124

    "I-I'M SORRY!" ani Grayson nang makapasok sila sa silid. Hinarap niya ito at ngumisi kahit ang totoo, hindi niya alam ang nararamdaman.Umiling siya at saglit na pumikit. Humalukipkip siya. "Don't say sorry, Grayson. Wala kang kasalanan at kung iniisip mo ang nararamdaman ko, ok ako at hindi mo kailangang isipin iyon dahil ok lang sa akin kung may anak ka kay Ashley. Hindi ako magagalit at kung gusto mong makasama si Kalus, hindi ko iyon hahadlangan." Lumapit siya rito at sinapo ang pisngi, saka marahan iyong hinimas. "Anak mo pa rin si Kalus, Grayson at alam kong kailangan ka ng bata. Don't mind me, I'm ok." Ngumiti siya para iparamdam dito na totoong ok lang sa kaniya iyon.Tiningnan siya nito sa mga mata. "H-hindi ko alam, Naomi. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang ama ng bata? Paano ako makakasigurado na anak ko nga si Kalus?" kapagkuwa'y sabi nito.Napakunot ang noo niya. "Pinagdududahan mo ba si Ashley?""Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. I-I was shocked at kahi

  • After Divorce: I Married A Stranger    123

    "ANAK MO si Kalus, Grayson," pagkompirma ng babae. Hindi alam ni Naomi ang mararamdaman niya sa narinig. Parang nabingi siya. May anak si Grayson kay Ashley? Kumurap siya habang nakatingin lang sa naguguluhang mukha ni Grayson. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "Nang magpasiya akong iwan ka six years ago, I was pregnant at dahil sa matinding galit at sama ng loob ko sa iyo, nagpasiya akong ilihim iyon dahil hindi mo deserve na malaman ang tungkol sa bata dahil sa lahat ng masasakit na salitang sinabi mo sa akin noon. I-I was so broke that time at dumating sa puntong gusto kong ipalaglag ang bata pero naisip kong siya na lang ang mayroon ako at mali ang gagawin ko." Bakas ang labis na lungkot sa mukha nito dahil sa sinabi. Kita niya ang simpatiya ng lahat. Tiningnan niya ang inosenteng babae. Maganda ito, napakaamo ng mukha. Kamukha nito ang batang katabi na sa palagay niya'y lima o anim na taong gulang na. Pamilyar sa kaniya ang mukha ng mag-ina, parang nakita na niya ito sa

  • After Divorce: I Married A Stranger    122

    LUMABAS NA ng silid si Naomi at pagdating niya sa lobby ng resort, wala na sila roon. Marahil nasa kotse na ang karamihan dahil ngayong araw na ang balik nila sa Maynila. Hindi nga nila alam kung nag-enjoy ba ang lahat o mas napagod at na-stress sa mga eksena ni Ivy. Ito ang sumira ng bakasyon nila at sana nga hindi na lang ito sumama dahil mas magiging masaya sana ang bakasyon ng pamilya. "Ow! Hi, my dear friend." Lumingon si Naomi sa likod niya at nakita niya si Ivy na nakangiti sa kaniya habang dala ang isang handy bag. Seryoso niya itong tiningnan. Kapag naalala niya ang lahat ng ginawa nito, nagagalit siya at gusto niya itong sampalin ng paulit-ulit. "Have you enjoyed the show?" tanong nito at mas lumapit pa sa kaniya. Kita ang saya sa mukha nito dahil nagtagumpay itong baliktarin ang katotohanan. Matalim niya itong tiningnan. "Hayop ka, Ivy! Sa tingin mo ba hahayaan kita sa lahat ng gusto mong gawin. Hindi na ako si Naomi na kilala mo, marunong na akong lumaban at makipaglar

  • After Divorce: I Married A Stranger    121

    "TELL, TOTOO bang ginawa mo iyon kay Nonoy, Ivy?" hindi makapaniwalang tanong ni Owen kay Ivy nang makabalik ang dalawa sa sariling silid. Seryoso nitong hinarap ang nobyo. "Oo, ginawa ko iyon, Owen. What do you want me to do, hayaang malamangan ng babaeng iyon? Matagal na akong nagtitimpi sa kaniya. Gusto ko lang ipakita sa kaniya ang kaya kong gawin. Tinatakot ko lang siya and look, she's so scared." Natawa ito na tila na-satisfy sa ginawa. "F*ck, Ivy! Hinayaan kitang gawin ang gusto mo kay Naomi pero wala sa usapan nating idamay mo ang inosenteng bata. Takot na takot si Nonoy, Ivy." Bakas ang galit sa mga salitang binitawan ni Owen. Hindi lang iyon ang una at alam ni Owen ang kayang gawin ng nobya. Kahit gusto niyang mawala sa landas nila si Naomi, hindi kaya ng konsensiya niya na madamay ang inosenteng katulad ni Nonoy. Kumunot ang noo ni Ivy at mataman siyang tinitigan. "Don't tell me, lumalambot ka na sa magkapatid? Are you still in love with her kaya pinagtatanggol mo sila?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status