salamat sa suporta ninyo. huwag sana kayong bibitaw. ingat po palagi. God bless everyone!
"NARARAMDAMAN kong may pinaplano na si Naomi laban sa amin, Rovert at tinutulungan siya ni Jack at Martin. Alam mong hindi tayo pwedeng mabuko dahil masisira ang lahat ng plano natin sa mga Alcantara.""Kailangan pa ba nating hintayin na may malaman siya? Sigurado akong kapag nalaman niyang Magkasabwat tayo, masisira ang lahat. Gagawin ni Naomi ang lahat para lang patunayang inosente siya at para patunayang kami ang may masamang intensyon. Hindi na natin pwedeng hintayin na makulong siya dahil siguradong aapila ang kampo niya sa tulong ni Martin at kung makulong man siya habang dinidinig ang kaso, sigurado akong makakalabas din siya agad at makakagawa ng paraan."Natigilan si Christopher at hindi makapaniwala matapos nitong marinig ang isang record audio na si-nend sa kaniya ng hindi niya kilalang numero. Nasa hospital ito kasama si Grayson at Vincent. Conversation iyon ni Levie at Rovert, kung saan patunay na mayroon silang ugnayan sa isa't isa. Hindi naman na nagulat si Grayson dahi
NIYAKAP NI MARTIN si Naomi nang makalabas sila sa hospital. Kanina pang hindi niya maawat ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa matinding sakit at galit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Masyado ng maraming pasakit at pahirap ang pinaranas sa kaniya ng mga taong iyon at panahon na para sila naman ang maghirap."I know it's really hard for you, Naomi! Nararamdaman ko ang malalim na sugat diyan sa puso mo, ang matinding pangungulila at pagmamahal para sa iyong anak at alam kong balang araw, magkikita rin kayo at magiging ina ka para sa kaniya," marahan at masuyong sabi nito habang marahang hinahaplos ang kaniyang likod. "Hindi tayo titigil hanggat hindi mo nakakasama ang iyong anak at maging si Nonoy."Mariing siyang pumikit. "Isa lang ang gusto ko, Martin ang gumanti sa kanilang lahat!" madiing sabi niya."Naniniwala akong makukuha mo ang hustisyang para sa iyo, Naomi at sasamahan kitang gumanti sa kanilang lahat dahil nandito lang ako palagi sa tabi mo, nagbabantay, nag-aalalay
Patuloy itong nagkunyaring walang alam. "A-ano bang sinasabi mo? H-hindi nga kita kilala! I don't even remember when or where we met dahil ngayon lang kita nakita kaya anong sinasabi mo? At s-sinong Ivy—""Stop lying!" Umalingawngaw sa buong silid ang galit na galit niyang boses. Binitawan niya si Rian at siya naman ang lumapit kay Maraia. Agad niyang hinawakan ang kwelyo ng damit sa loob ng doctor's uniform na suot nito. "Hindi ka na makakapagsinungalin sa akin dahil alam ko na ang totoo, Doctor Maria at sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo sa akin at sa anak ko!" madiin niyang sabi, nakakatakot ang mga tingin niya."W-what are you doing? Let me go! H-hindi ko alam ang sinasabi mo kaya bitawan mo ako!" Hinawakan nito ang braso niya at pilit inaalis sa kwelyo nito pero mas hinigpitan niya ang hawak roon."B-bitawan mo—""Shut up!" sigaw niya kay Rian nang hahawakan sana siya nito. Ngumisi siya. "At ano sa tingin mo, habang buhay mong maitatago ang ginawa mo nang araw na iyon?
MATAPOS malaman ni Martin kung sinong doctor at nurse ang nag-asikaso kay Naomi nang maaksidente siya, agad silang pumunta sa hospital para harapin ang mga ito. Mabuti na lang at may koneksyon si Martin at Jack sa hospital kaya nagkaroon sila ng access sa information nang araw na ma-hospital siya.Alam nilang binayaran ni Ivy ang doctor at ibang nurse para magsinungalin ang mga ito na patay na ang anak niya at palitan ng isang patay na sanggol para palabasing namatay ang anak niya sa aksidente.Nakarating sila sa nurse station ng hospital."Hi, miss can we talk to nurse Rian," bungad Martin at ngumiti pa. Ang pangalang binanggit nito ay ang isa sa mga nurse na kasama ng doctor sa operating room."A-ako po si nurse Rian, bakit po?""Pwede mo ba kaming dalhin kay Doc. Maraia?" tanong ni Martin habang tahimik lang siya sa tabi nito kahit gusto na niyang magsalita at ipakita rito kung gaano siya kagalit sa ginawa nila sa kaniya."Kay Doc. Maraia po? Bakit po ano pong kailangan ninyo kay D
"WHAT? P-paanong nangyari iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Martin nang sabihin ni Naomi rito ang lahat ng nalaman niya mula kay lola Marina. Kasalukuyan silang pauwi ng mansyon mula sa hospital"I-ibig mo bang sabihin na buhay ang anak mo kay Owen at tinatago ito ni Ivy?" Naguguluhan din siya at hindi siya makapaniwala pero nanggaling mismo iyon kay Lola Marina at hindi ito nagsisinungalin. Tumango siya. "M-Martin, h-hanapin natin ang anak ko! Please, tulungan mo akong makita at makuha siya," pagmamakaawa niya.Hindi agad ito nakasagot habang naguguluhan pa rin dahil hindi nito maisip kung paano iyon nangyari. "Kung totoo ngang buhay ang anak mo at kinuha ni Ivy, sigurado akong hanggang ngayon hawak niya ang bata. Paano kung kasama si Owen sa plano niya at alam nito ang tungkol sa anak ninyo?"Napaisip siya dahil may posibilidad na totoo ang sinabi nito. Maaring alam ni Owen ang tungkol doon. Bigla siyang nakaramdam ng matinding bigat at lungkot sa kalooban niya, pangungulila at
PATULOY sa pag-iyak si Naomi habang nasa tabi lang niya si Martin at nakaalalay sa kaniya habang hindi man mapakali si Grayson. Paroon at parito ito sa harap ng ICU ng hospital, naghihintay sa paglabas ng doctor. "F*ck!" anito at malakas na pinalo ng palad nito ang matigas ng pader. "Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila kay lola Marina," puno ng galit na sabi nito. Nanlilisik ang mga mata, nakakatakot.Gusto niyang lapitan ang binata at hawakan ito. Galit siya at hindi niya kayang magpatawad sa mga oras na iyon pero gusto pa rin niyang iparamdam sa asawa ang comfort at ang ideyang nandoon pa rin siya sa tabi nito sa kabila ng maraming nangyari.Sapo naman ni Christopher ang ulo nito habang tahimik na tumutulo ang luha dahil sa nangyari sa ina nito. Kita ang galit at sama ng loob nito na may halong guilt at pagsisisi sa sarili.Suminghap siya. "D-dahil hinayaan ninyong pumasok sa buhay ninyo ang mga taong totoong may masamang motibo at patalikod kayong inaatake habang tila anghel