Share

104

Penulis: Totoy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-10 15:27:17

PAGKATAPOS mag-ayos ng mga gamit si Naomi at Grayson at makapagpalit ng damit, lumabas din agad sila ng silid at dumeretso sa restaurant ng resort para kumain. Pasado alas-onse na rin kasi ng hapon nang makarating sila sa lugar at hindi na nga sila nakapag-stop over dahil sa nangyari kanina.

Nadatnan nilang nandoon na ang lahat at nakahanda na rin ang masasarap na pagkain para sa pananghalian. Karamihan ng nasa hapag ay puro sea food at hindi maiwasang matakam ni Naomi dahil isa iyon sa mga paborito niya.

"Come here, kumain na tayo," nakangiti ani Levie sa kanila.

Ngumiti siya at nanatili namang walang reaction si Grayson bago sila umupo sa magkatabing upuan. Ramdam naman niya ang mga tingin ni Owen at Ivy na nasa tapat nila. Katabi naman niya si Nonoy.

"Kumusta ang byahe, Grayson bakit parang natagalan kayo?" usisa ni Christopher nang makaupo sila.

Nagkatinginan sila ni Grayson pero umiwas din ito at nilingon ang ama. "Marami pa kaming dinaanan," simpleng sagot nito.

"Sige na, tara n
Totoy

sumama ang pakiramdam ng otor ninyo kaya po dalawang araw na walang update. salamat po sa pang-unawa at sa suporta. ingat po kayo palagi.

| 6
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
cupkeyks
get well otor para madami ng update next time
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • After Divorce: I Married A Stranger    104

    PAGKATAPOS mag-ayos ng mga gamit si Naomi at Grayson at makapagpalit ng damit, lumabas din agad sila ng silid at dumeretso sa restaurant ng resort para kumain. Pasado alas-onse na rin kasi ng hapon nang makarating sila sa lugar at hindi na nga sila nakapag-stop over dahil sa nangyari kanina.Nadatnan nilang nandoon na ang lahat at nakahanda na rin ang masasarap na pagkain para sa pananghalian. Karamihan ng nasa hapag ay puro sea food at hindi maiwasang matakam ni Naomi dahil isa iyon sa mga paborito niya."Come here, kumain na tayo," nakangiti ani Levie sa kanila.Ngumiti siya at nanatili namang walang reaction si Grayson bago sila umupo sa magkatabing upuan. Ramdam naman niya ang mga tingin ni Owen at Ivy na nasa tapat nila. Katabi naman niya si Nonoy."Kumusta ang byahe, Grayson bakit parang natagalan kayo?" usisa ni Christopher nang makaupo sila.Nagkatinginan sila ni Grayson pero umiwas din ito at nilingon ang ama. "Marami pa kaming dinaanan," simpleng sagot nito."Sige na, tara n

  • After Divorce: I Married A Stranger    103

    MAS BINILISAN pa ni Grayson ang pagmamanheo ng sasakyan at ganoon din ang itim na kotseng sumusunod sa kanila. Kita ni Naomi na kinakabahan din ito pero mas nangigibabaw ang galit nito. Kanina pa nga itong mura nang mura. "Champagne, ok ka lang ba diyan?" nag-aalalang tanong niya dahil nakailang beses na silang binangga ng kotse mula sa likod. Tiningnan niya si Nonoy na nagising na rin dahil sa pag-uga ng sasakyan. "Nonoy." "Ok lang ako, ate Naomi." Hinawakan nito si Nonoy at pinahigpitan ang seatbelt nito. "Sino ba sila? Bakit nila tayo sinusundan?" natatakot na tanong nito. Si Nonoy naman ay nagtataka sa nangyayari habang pinaglalaruan nito ang mga daliri. "Hindi ko alam kung sino sila at oras na malaman ko kung sino sila, hindi nila magugustuhan ang gagawin ko sa kanila," banta ni Grayson. Para silang nasa isang car race dahil sa bilis ng takbo ng kotse pero hindi pa rin nila matakasan ang humahabol sa kanila. Rinig na rinig ang pagkaskas ng gulong sa daan. Hindi na nga niya al

  • After Divorce: I Married A Stranger    102

    "OK KA lang ba?" basag ni Grayson sa katahimikan habang lulan sila ng sasakyan nito patungo sa private beach resort kung saan sila magbi-vacation ng apat na araw. Medyo malayo ang lugar dahil kanina pa silang bumabyahe pero mukhang malayo pa rin sila. Nakatulog na nga si Champagne at Nonoy.Kanina pa kasing tahimik si Naomi."Kaya mo ba ako inalok na magkaroon ng posisyon sa kompanya dahil kay Ivy? Dahil in-offer ni tita Levie sa kaniya ang posisyon?" seryosong tanong niya. For some reason hindi siya natuwa sa nalaman dahil pakiramdam niya'y naging bala lang siya ni Grayson para mapigilan ang mga kaaway nito na maisahan ito at hindi naman talaga nito gustong ibigay iyon sa kaniya, wala lang itong ibang choice.Kumunot ang noo nito. "Dahil ikaw ang higit na may karapatang magkaroon ng posisyon sa company dahil parte ka ng pamilya. Isa pa, alam kong may hidden agenda si tita Levie kaya gusto niyang bigyan ng posisyon sa kompanya si Ivy at hindi ko iyon pwedeng hayaan. Hindi pwedeng iban

  • After Divorce: I Married A Stranger    101

    "HMM! PARANG nitong mga nakaraang araw, napapansin kong mas nagiging malapit ka na kay Naomi, ah," nakangiti komento ni Vincent habang nagmamaneho ito ng sasakyan ni Grayson. "Huwag mong sabihin sa akin na dahil lang iyon kailangan mo siyang alagaan dahil wala siyang maalala," dagdag pa nito.Walang naging reaction sa mukha niya. "She's my wife, Vincent," maikling sagot niya."I know she's your wife...sa papel pero parang sa nakikita ko sa iyo, na-e-enjoy mo na ang pagiging asawa ni Naomi. You're acting like a real husband to her," sabi pa nito na tila pa natutuwa.Did he enjoy being Naomi's husband o dahil lang iyon sa gusto niyang tulungan ito? Kahit siya'y hindi rin maintindihan kung bakit pakiramdam niya'y gusto na niyang palagi itong kasama. Naiinis siya at nagagalit kapag nakikita niya ito na kasama o kahit mapalapit man lang kay Owen. Nagseselos ba siya o dahil galit lang siya kay Owen at alam niya ang motibo nito kay Naomi?No'ng nakita niya si Naomi at Owen sa garden, noong g

  • After Divorce: I Married A Stranger    100

    "NAOMI!" Napahinto si Naomi at lumingon sa tumawag sa pangalan niya at nakita niya si Owen. Kalalabas lang niya ng silid at pababa na sana dahil naghihintay na ang lahat sa labas. Ngayon na kasi ang vacation ng pamilya sa isang beach resort malayo sa lungsod. "Owen, akala ko ay nasa baba ka na," aniya. "C-can we talk?" seryosong sabi nito. "Talk about what?" balik niya. "Narinig ko na tatanggapin mo na raw ang alok ni Grayson na posisyon sa kompanya." Nanatili itong nakatingin sa kaniya at hindi niya mabasa ang iniisip nito. Marahil sinabi na ni Levie sa kapatid nito ang tungkol doon. "Why? Dapat ba hindi ko tanggapin ang posisyong inaalok sa akin ni Grayson?" Bahagya itong kumiling. "N-no, that's not what I mean. N-nagulat lang ako na tinanggap mo ang posisyon sa kabila ng kalagayan mo. Wala kang maalala kaya naisip ko kung paano ka makakapagtrabaho sa kompanya. But, I'm here. Kung kailangan mo ng tulong, I'm willing to help." Ngumiti ito. Pinakatitigan niya ito. Hindi niya p

  • After Divorce: I Married A Stranger    099

    "A-ANO PONG ibig ninyong sabihin?"Sa tagal ni Naomi sa mansyon ng mga Alcantara, wala siyang narinig na kahit ano tungkol sa mommy ni Grayson at sa relasyon ng ama nito."Grayson knows everything at naiintindihan ko rin kung bakit galit na galit siya sa akin and I admit my mistakes, may kasalanan ako and somehow I deserve his grudge towards me." Bumuntong-hininga si Christopher. "The truth is, I don't love Chelsea, Grayson's mom but she loved me so much sa puntong handa niyang gawin makuha lang ako and she did. Nakuha niya ang gusto niya, I married her because she got pregnant."Nas naguluhan siya sa narinig at hinayaan niyang magkwento si Christopher."Habang lasing ako noon, nilagyan niya ng gamot ang pinainom niya sa akin at biglang nag-init ako noon dahil sa gamot na nilagay niya. Dahil kami lang dalawa sa kwarto, may nangyari sa amin at alam kong ginusto niya iyon. After that night, she came to me at buntis na siya so I had no choice but to marry her dahil masisira ang reputasyo

  • After Divorce: I Married A Stranger    098

    NAGULAT si Naomi nang makita niyang pumasok si Levie sa kwarto ni Nonoy. Nagulat din ang kapatid niya at tumayo mula sa pagkakaupo habang naglalaro at lumapit sa kaniya para tumago sa likuran niya. Hanggang ngayon, takot pa rin si Nonoy kay Levie.Ngumiti si Levie at tiningnan si Nonoy. "Don't be afraid of me, Nonoy wala namang gagawin ang tita Levie," sabi nito na bait-baitan. "You just misunderstood me dahil mabait naman ako at nagulat lang din ako sa nangyari noon kaya nasigawan kita. But we can be friends naman since we're family now," sabi pa nito.Sa loob niya gusto na niya itong sagutin para matigil na ang pagpapanggap nito dahil mas naiinis lang siya dahil sa kasinungalin nito. Ano pa nga bang aasahan niya kay Levie? Best actress ito sa larangan ng pag-arte at pagsisinungalin."Bakit po kayo nandito? May kailangan po ba kayo?" seryosong tanong niya."Gusto lang sana kitang makausap," sabi nito na parang kung sinong mabait ang nasa harap niya. Tiningnan niya si Moning. "Moning

  • After Divorce: I Married A Stranger    097

    "I'M TRYING to help you, Naomi kaya gusto kitang bigyan ng posisyon sa company because in this family, you need power, a position para hindi isang asawa lang ang tingin sa iyo ng lahat, na may kakayahan ka rin to hold a position in the company bukod sa pagiging asawa ko," paliwanang ni Grayson kay Naomi nang makabalik sila sa silid nila. Hindi nga niya alam kung makakatulong ba sa kaniya ang pagkakaroon ng posisyon sa kompanya gayong wala naman siyang alam sa pagma-manage ng kahit anong posisyon sa kompanya ng mga Alcantara. "What's wrong with being your wife, Grayson? Dapat ko rin bang patunayan sa lahat na dahil asawa ako ng mayamang lalaki at parte na ako ng negosyanteng pamilya, dapat na ring may patunayan ako sa lahat?" Bumuntong-hininga si Grayson. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. You don't have anything to prove as my wife, Naomi. It has nothing to do with you being my wife. What I'm trying to say is, you need a position in the company because it will protect you. Kailan

  • After Divorce: I Married A Stranger    096

    "BAKIT INIIWASAN mo ako, Naomi?" direktang tanong ni Grayson kay Naomi nang makarating sila sa silid nilang mag-asawa. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya na para bang tatakbo siya kapag ginawa nito iyon.Umiwas siya ng tingin dahil natatakot siyang salubungin ang mapanuri nitong tingin sa kaniya."I-I'm not avoiding you, Grayson," sabi niya."Obviously, you're avoiding me, Naomi. Look at me now, tumingin ka sa mga mata ko kung talagang hindi mo ako iniiwasan. Lately, pakiramdam ko lumalayo ka sa akin at sa hindi ko malamang dahilan naiinis ako sa ginagawa mo," inis nitong sabi.Hindi siya sumunod sa sinabi nito dahil alam niyang baka maging marupok siya at mahulaan nito ang totoo. Hindi nga niya magawang tumingin man lang sa mga mata nito dahil parang bang pag ginawa niya iyon ay hindi na siya makakawala pa."H-hindi nga kita iniiwasan, b-baka nagakakataon lang na may ginagawa ako o sadyang wala ako sa mood na kumausap ng kahit sino dahil ang daming thoughts na gumugulo sa i

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status