Share

109

Author: Totoy
last update Last Updated: 2025-05-14 16:01:01
"I-IVY?!" gulat na ani Luna nang makita nila si Ivy na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Kinabahan siya sa maaring narinig nito. Kanina pa ba ito roon? Anong mga narinig nito sa pinag-usapan nila ni Luna?

"Sinasabi ko na nga ba, alam kong nagsisinungalin ka sa aming lahat, Naomi." Ngumisi ito at matalim silang tiningnan ni Luna. "I know it, matagal ko nang nararamdaman na nakakaalalala ka na at nagpapanggap ka lang sa harap naming lahat." Ngumisi ito. "At ngayon na alam ko na ang totoo, malalaman ng lahat ang kasinungalin at pagpapanggap mo," banta nito.

Napalunok siya at kinakabahang napatingin kay Luna.

"A-anong pinagsasabi mo, Ivy? Ano na namang kahibangan ang naisip mo? Wala pang naalala si Naomi, ni hindi nga niya maalala lahat ng kasamaang ginawa mo sa kaniya," balik ni Luna. Ngumisi ito.

"Sinungalin! Narinig ko ang pinag-usapan ninyo tungkol sa pagpapanggap ni Naomi para imanipula niya kaming lahat," giit nito. "Now, I know the truth, Naomi at hindi mo na ako malilinlang
Totoy

enjoy po! tenkyu sa pagbabasa. ingat po palagi.

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mar IA
hahaha nakakatawa SI ivy ok Yan Naomi galingan mo Ang acting ......
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hahaha ang galing ni Naomi, galingan mo pa Naomi para lalong manggigil c Ivy
goodnovel comment avatar
Liza Paballa
ang galing2 m tlga author sna lagi my update wla pligoy ligoy ang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorce: I Married A Stranger    114

    "I-I'M SORRY, ate Naomi," paghingi ng paumanhin ni Champagne sa kaniya habang nasa silid sila. Kakatulog lang ni Nonoy. Nakaupo siya sa gilid ng kama nito habang hawak niya ang palad nito."Hindi mo kasalanan, Champagne dahil hindi mo naman ginusto ang nangyari," aniya at pilit ngumiti. "Marahil tama si Ivy, responsibilidad ko si Nonoy dahil kapatid ko siya at ako ang may pagkukulang kaya nangyari sa kaniya iyon." Bakas ang lungkot at guilt sa kaniyang mukha.Nilapitan siya ni Grayson. "Naomi, wala kang kasalanan sa nangyari kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente iyon at walang may gustong mangyari iyon," anito."Tama si Grayson, hija hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Ang mahalaga ngayon, ligtas na si Nonoy,' segunda ni lola Marina at ngumiti para i-comfort siya."Hindi mo kasalanan dahil alam ng Diyos kung gaano mo kamahal ang kapatid mo, Naomi," ani Luna na halata ang simpatiya sa kaniya."Naomi, pasensiya ka na rin

  • After Divorce: I Married A Stranger    113

    PARANG si Naomi at Grayson lang ang nasa dagat dahil pakiramdam niya'y solo nila ang lugar. Nagtatawanan sila habang nagsasabuyan ng tubig."G-Grayson, stop," aniya na halos hindi na makamulat dahil sa maalat na tubig na tumatama sa kaniyang mukha. "I-I surrender." Huminto siya sa pagsaboy ng tubig pero nagulat siya nang lumapit ito sa kaniya, hinapit nito ang baywang niya at kapagkuwa'y binuhat siya."Got yah!" nakangiti ani Grayson at naglakad ito papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat. Nagulat siya at agad napahawak sa batok nito."A-anong gagawin mo?" natatakot na sabi niya. "Hindi ako marunong maglangoy, Grayson," agad na sabi niya dahil baka ibaba siya nito sa malalim.Natawa ito. "Hindi ka marunong maglangoy?" Umiling siya. "Kaya huwag mong subukang dalhin ako sa malalim," banta niya. "Lagot ka sa akin kapag dinala mo ako doon.""Well, that's exciting."Nanlaki ang mga mata niya. "G-Grayson!" "Why? Are you scared?""I can't swim, Grayson.""And? I'm here, I can teach you h

  • After Divorce: I Married A Stranger    112

    "HUH? GUSTO mong isuot ko iyan?" gulat na sabi ni Naomi ng ipakita sa kaniya ni Luna ang manipis at kapirasong tela. "Sapat ba iyan para takpan ang katawan ko?" Napangiwi siya sa gustong mangyari ni Luna.Maliligo kasi sila sa dagat.Bumuntong-hininga si Luna at inirapan siya. "You need to wear this, Naomi dahil sayang naman 'yong magandang dagat kung hindi mo ipakikita 'yang maganda mong katawan. Papayag ka bang si Ivy lang ang rarampa at magpapakita ng katawan?""P-pero alam mong hindi ako nagsusuot ng kapirasong tela," aniya.Matalim siya nitong tinitigan. "Kapirasong tela? Swimsuit ito, Naomi." Binuka niya iyon at mas napangiwi siya. Two-piece swimsuit, Halter bikinis iyon kaya naman siguradong lalabas ang kaluluwa niya roon. "Ang arte, huh!""Halos makita na ang kaluluwa ko riyan, Luna. N-no hindi ko kayang suotin iyan," giit niya."At magpapatalo ka na lang kay Ivy? Look, you're beautiful, maganda ang katawan mo at may malaki kang hinaharap kaya hindi dapat iyan ikinahihiya," pa

  • After Divorce: I Married A Stranger    111

    NADATNAN NI Naomi na nakahain na ang pagkain sa dalampasigan, sa mahabang lamesa. May mga seafood, gulay, karne at kung ano-ano pang pagkain ang nakalatag sa hapag. May bonfire sa gitna ng puting buhangin na patuloy na nag-aapoy at kahit pa paano'y nagbibigay ng init sa malamig na simoy ng hangin. Nandoon na rin ang lahat at mukhang siya na nga lang ang hinihintay. "Oh! Naomi, mabuti naman at nandito ka na, ipatatawag na sana kita kay Grayson," ani lola Marina. Ngumiti ito sa kaniya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" "Opo, lola." Tiningnan niya si Grayson, lumapit ito sa kaniya. "Ok na ba ang pakiramdam mo? Kaya mo na?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya. Ngumiti at tumango siya. "Ok na ako, Grayson hindi mo na kailangang mag-alala." Kita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang matatalim na tingin ni Ivy habang seryoso lang ang tingin ni Owen sa kaniya na para bang may gusto itong sabihin sa kaniya. "Oh! Martin, you're here," masayang sabi ni Christopher. Napalingon siya at nakita

  • After Divorce: I Married A Stranger    110

    DAHAN-DAHANG iminulat ni Naomi ang mga mata niya at napangiwi. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matatagalan ang pagpapanggap na wala siyang malay. Mabuti na lang at nandoon si Luna para tulungan siyang hindi masyadong mahalata ng mga nandoon."N-Naomi, okay ka na ba?" kunyaring nag-aalalang ani Luna na nasa tabi lang niya. Nakita niyang nakatingin sa kaniya ang lahat. Wala roon si Owen at Ivy."A-ate, gising na ikaw. Nag-aalala si Nonoy," malungkot na sabi ng kapatid niya at niyakap siya nito.Marahan niyang hinimas ang likod nito. "I-I'm sorry kung nag-aalala ka sa ate. Ok na ako Nonoy at hindi mo na kailangang mag-aalala," aniya at ngumiti."Thanks, God you're fine now." Nakahinga naman ng maluwag si lola Marina at nawala ang labis nitong pag-aalala."Ok na ba ang pakiramdam mo?" kapagkuwa'y tanong ni Grayson habang nakatingin lang sa kaniya. Kinakabahan siya dahil tila ba sinusuri siya nito. Nahalata ba nito ang pagpapanggap niya? Siguradong malalaman nito ang totoo kapag

  • After Divorce: I Married A Stranger    109

    "I-IVY?!" gulat na ani Luna nang makita nila si Ivy na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Kinabahan siya sa maaring narinig nito. Kanina pa ba ito roon? Anong mga narinig nito sa pinag-usapan nila ni Luna? "Sinasabi ko na nga ba, alam kong nagsisinungalin ka sa aming lahat, Naomi." Ngumisi ito at matalim silang tiningnan ni Luna. "I know it, matagal ko nang nararamdaman na nakakaalalala ka na at nagpapanggap ka lang sa harap naming lahat." Ngumisi ito. "At ngayon na alam ko na ang totoo, malalaman ng lahat ang kasinungalin at pagpapanggap mo," banta nito. Napalunok siya at kinakabahang napatingin kay Luna. "A-anong pinagsasabi mo, Ivy? Ano na namang kahibangan ang naisip mo? Wala pang naalala si Naomi, ni hindi nga niya maalala lahat ng kasamaang ginawa mo sa kaniya," balik ni Luna. Ngumisi ito. "Sinungalin! Narinig ko ang pinag-usapan ninyo tungkol sa pagpapanggap ni Naomi para imanipula niya kaming lahat," giit nito. "Now, I know the truth, Naomi at hindi mo na ako malilinlang

  • After Divorce: I Married A Stranger    108

    "WHAT ARE you thinking?" marahang tanong ni Grayson habang nakatingin lang si Naomi sa dibdib nito at pinaglalaruan iyon gamit ang daliri niya. Nakaunan siya sa mga bisig nito at nakayakap sa kaniya ang braso nito. Nakasuot na siya ng white na long sleeve habang nakahubad pa rin si Grayson. "Pinagsisisihan mo ba ang nangyari?"Hindi agad siya nakasagot. Hindi naman siya nagsisisi na binigay niya ang sarili sa binata at sa totoo nga, masaya siya sa nangyari at buong puso niyang binigay rito ang kaniyang sarili dahil mahal niya ito. Halos mag-umapaw ang ligayang nararamdaman niya at sana nga ay hindi agad matapos iyon.Umiling siya. "H-hindi, Grayson. Wala akong pinagsisisihan, naisip ko lang bigla ang lahat. Paano kapag naalala ko na ang lahat, ganito pa rin kaya tayo? P-paano kapag bumalik si Ashley?" Bahagya siyang tumingala at tiningnan ito. Seryoso lang ang mukha ni Grayson."Naomi, walang magbabago kahit maalala mo ang lahat at kapag dumating man sa puntong bumalik lahat ng alaala

  • After Divorce: I Married A Stranger    107 [SPG]

    NAMALAYAN na lang ni Naomi na ang bawat masuyong halik na pinagsasaluhan nila ni Grayson ay naging mas malalim, naging mapusok at puno ng init na tila nagwawala sa kanilang mga katawan. Rinig sa apat na sulok ng silid ang tunog ng mga halik na tila ba matagal nilang hinintay. Kahit malamig ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa nakabukas na bintana, na nakaharap sa dalamapasigan, kumakalat pa rin ang init ng tagpong iyon kasabay ng pag-ihip ng hangin at paghampas ng alon sa dagat.Walang gustong bumitaw at tila nagnanais pa sila ng mas higit doon. Napakapit ng mahigpit si Naomi sa batok ni Grayson habang mas dinidiin nito ang sarili sa kaniya at hindi niya alam kung anong pakiramdam ang nabuhay sa kaniya. She's in heat. Pakiramdam niya'y napapaso siya sa sobrang init ng pagdikit ng kanilang katawan pero ang init na iyon ay tila mas nagbibigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam na gusto niya.Halos habol nila ang kanilang mga hininga nang maghiwalay sila sa isa't isa. Natawa na lang

  • After Divorce: I Married A Stranger    106

    "I-I'M SOR—" "No, hindi ka magso-sorry, Naomi," singhal ni Grayson at matalim na tiningnan ang ama. "Dad, you want her to say sorry kahit hindi mo naman nakita ang totoong nangyari?" Ngumisi ito na hindi makapaniwala. "Talaga bang kakampihan mo si Ivy dahil lang sinabi niyang sinaktan siya ni Naomi? I know my wife, kilala ko na ang asawa ko at alam kong hindi niya magagawang saktan si Ivy." "Tama si Grayson, hindi magagawa ng kaibigan ko ang binibintang ninyo sa kaniya. Kilala ko si Naomi at kahit sinasaktan na siya ng ibang tao, hindi siya marunong gumanti kaya alam kong nagsisinungalin si Ivy," sabi ni Luna na lumapit sa kaniya. "Grayson, kuya, 'La, I'm not lying. Kita niyo naman ang nangyari, 'di ba? She's trying to grill my hands," giit ni Ivy na gusot na ang mukha at tiningnan nito ang mga tao sa paligid na tila humihingi ng kakampi. Naikuyom niya ang kamao at gusto na niyang magsalita para ipagtatanggol ang sarili pero kailangan pa niyang magpanggap sa harap ng lahat. "Grays

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status