LOGINSi Arnold Divaz ang namumuno sa kanila.Mga tauhan sila ni Ernesto.Dahan-dahang binawi ni Amara ang hakbang na akmang gagawin niya.Lumingon si Divaz at yumuko nang magalang kay Nardo."Sir, utos po ni Boss, hayaan niyo pong umalis si Miss Amara."Hindi alam ng lahat na mahigit isang oras lang ang nakalilipas, nakausap at nakontak na pala ni Amara si Ernesto.Walong taon nang ayaw ni Ernesto na maging manugang siya.Siyempre, siya ang taong pinakagustong makalayo at makawala siya piling ni Nardo.Tinitigan siya ni Nardo nang may lamig sa mga mata."Umalis ka."Lalong yumuko si Divaz."Sinabi po ni Sir, kayo po ay..."Pero lalong tumindi ang nakakatakot na aura ni Nardo, kaya napahinto at napatahimik na lang bigla si Divaz.Kahit na dating pinuno ng pamilya si Ernesto, sa mga nakaraang taon, si Nardo na ang may hawak ng tunay na kapangyarihan.Ang gusto niyang mangyari, mangyayari. Ang gusto niyang manatili, mananatili. Paano pa siya mapipigilan ng isang Assistant lang na katulad ni A
"Hindi niya isinama ang bata." kalmadong boses na sabi ni Manuel.Tumawa nang mapang-uyam si Mistica."Magaling talagang umarte ang babaeng 'yan. Alam niyang kapag isinama niya ang bata, aamin na rin siya sa kasalanan niya. Kaya iniwan na lang niya dito at aalis muna siya. Sayang lang... akala niya ba makakabalik pa siya?"Hinding-hindi niya hahayaang umalis si Amara. Sinira na nito ang buhay niya... tapos aalis lang nang ganun-ganun lang? Imposible!Hanggang panaginip nalang!"Dad, gumawa ka ng paraan! Puntahan mo at patayin mo si Amara!"Gulat na gulat si Manuel sa kanyang narinig at dali-daling lumapit para isara ang pinto ng kwarto."Baliw ka ba?!""Oo, nababaliw na ako! Sobra na ang kahihiyan na dinanas ko!" Sagot ni Mistica.Hinding-hindi niya matatanggap ang kahihiyan na ito.Dapat mamatay si Amara.Nag-alala si Aida at agad itong pinayuhan."Kakalabas lang ng isyu, huwag kang padalos-dalos. Kahit gusto mo talagang gumanti... kailangan mong magpigil muna ngayon." malumanay niya
"Amara, may lakas ka bang loob makipagsugalan sa akin?" muling tanong ni Nardo.Paano kung... hindi niya magawa?Matalino si Amara. Alam niya ang mangyayari.Alam niyang kung mabibigo siya at hindi makaalis ngayon... ibig sabihin noon ay tuluyan na siyang nasa ilalim ng kontrol ni Nardo. Wala na siyang karapatang humiling ng divorce, at hinding-hindi na siya nito hahayaang umalis kailanman.Humakbang palapit si Nardo. At nang umatras siya, bigla itong umakbay at hinapit ang bewang niya para hindi na ito makalayo pa."Kapag hindi ka nakaalis, mananatili ka rito at magiging asawa mo ako nang tuluyan."Bumaba ang tingin niya at sinalubong ang maganda at pamilyar na mukha ng babae."Ang ganda mo, Amara. Hindi ko kayang makitang may ibang lalaking humahawak o lumalapit sa babaeng kasing ganda mo."Dahan-dahang itinaas ni Amara ang tingin at tinaasan siya ng kilay. Inilapat niya nang marahan ang palad sa dibdib nito."Ibig sabihin... nahihibang ka sa ganda ko?"Kahit tatlong taon na silang
Hindi pa man tuluyang nawawala ang boses niya ng biglang may tumunog.Marahas na isinara at kinandado mula sa labas ang pinto ng kwarto!"Madam, nandiyan po ang mga Morales!"May mga tauhan si Karl na nakabantay sa labas at agad na nakita ang pagbaba ni Nardo mula sa elevator."Mga Morales? Ilan sila?" tanong ni Amara."Apat po." agad na sagot ng tauhan.Naku! Ibig sabihin... hindi lang si Nardo ang dadating, kasama na rin ang matanda at ang iba pa.Hindi naniniwala si Amara na nagkataon lang at sabay-sabay silang dumayo para bisitahin lang ang bata.Kunot-noo si Ella."May nalaman kaya sila? Baka... Alam na nila ang totoo?"Napakagat na lang si Amara sa kanyang labi."Hindi ko alam. Mike, Miko, magtago muna kayo dalawa. Ako na ang haharap at makikipag-usap sa kanila."Halos sabay na lang iyon sa pagtuntong niya sa pinto.Mabilis na nagtago ang dalawang bata, pumasok sila sa banyo at doon nagtago."Amara."Nang marinig ang boses ng matanda, dahan-dahang humarap si Amara nang kalmado.
Parang dinudurog at natakpan ang pagkatao niya. Sobrang bigat ng kahihiyan na bumalot sa buong pagkatao niya, tila ba ipinipilit at kinuskos ang mukha niya sa sahig.Tiningnan ni Amara si Mistica.Kailangan pa talagang umabot sa ganito... kitang-kita naman talagang takot na takot ang pamilyang Barreto sa kapangyarihan ng mga Morales.Pagkatapos ipayukod ang anak, humarap si Manuel sa Matanda na puno ng pagsisisi at hiya."Lolo, patawarin niyo po kami. Kasalanan ko po ito... hindi ko napalaki nang maayos ang anak ko kaya siya nakagawa ng ganitong malaking pagkakamali. Humihingi po ako ng tawad sa inyo.""Hindi ako ang dapat mong hingan ng tawad," malamig at walang emosyon na sagot ng matanda.Agad na lumingon at yumuko si Manuel kay Amara."Miss Amara... patawarin niyo po sana ang anak ko. Ako na po ang humihingi ng tawad sa inyo. Patawad sa lahat ng inyong dinanas at napagdaanan mo."Tinaasan lang siya ng kilay ni Amara.Talagang marunong makisama at mabilis umayon ang lalaking ito.H
Madilim at mabigat ang mukha ni Nardo. Puno ng lamig at kawalanang pakialam ang mga mata at ni hindi kumilos para pigilan ito.Lumingon naman siya sa mga magulang niya, pero kasabay noon ay dumapo rin ang tingin ng Matanda sa kanila, isang tingin na tila nanghahamon: Subukan niyong humarang...Hindi nangahas humarang si Manuel sa pamilyang Morales. Gusto man sanang tumakbo at tumulong ni Aida, pero hinila at pinigilan lang siya ng asawa.Alam nila kung ano ang mas matimbang... ang mapahiya sandali, o ang maging kaaway ng makapangyarihang pamilyang Morales habambuhay.Nanginginig at umiiyak na tumingin si Mistica sa kanila, puno ng pagmamakaawa ang mga mata."Mommy, Dad... tulungan niyo ako... tulungan niyo ako please..." Ayaw na ayaw niyang lumuhod at yumukod. Sobrang kahihiyan ito para sa kanya, lalo na at maraming nakatingin at saksi.Matagal na katahimikan bago bumuntong-hininga nang malalim si Manuel at dahan-dahang humakbang palapit sa anak.Nang makita itong lumapit, may gumuho
Napunta ang tingin ni Nardo sa namamagang mukha ni Mistica, na namumula dahil sa sampal. Malinaw na bakas ang marka ng kamay patunay na hindi nagpigil ang taong nanampal.Dumulas ang malamig na tingin ni Nardo kay Amara. Ang kanyang tinig ay kasinglamig ng yelo.“Bakit mo siya sinampal?” malamig na
Mabagal at mahinahon ang tinig ng matanda, at kahit na parang isang pag-uusap lamang, wala itong puwang para sa pakikipag-ayos sa pandinig ni Amara.May hangganan ang pagmamahal ng matanda.Ang mga inapo ng pamilya Morales ang kanyang pinakamahalagang hangganan.Maaari siyang bayaran ng malaking ha
“Ahh, kasi...” pilit na naghanap ng maipapaliwanag si Amara. “Wala kasing ilaw, hindi ko makita. Kaya hinahanap ko na lang sa pamamagitan ng paghipo.” aniya.Bahagyang napapikit si Nardo, pinapaliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kanya.Samantala, kinakabahang pinaglaruan ni Amara ang ka
Sa pagkakataong ito, tatlong munting bata ay matagumpay na nakarating sa hotel gamit ang taxi.Sa isang tungko ng hagdang-hagdang, nakaupo si Miko na may seryosong ekspresyon. Mahusay at mabilis niyang operasyon ang ginagawa sa maliit na computer sa kanyang harapan, ipinapakita ang kanyang kahusaya







