Mag-log inSumapit na ang gabi.Tahimik ang buong silid. Tanging ang mahinahon at pantay na paghinga ng lalaking katabi niya ang maririnig.Nakahiga si Aera nang patagilid, nakasubsob ang mukha sa balikat ni Ethan. Nakayakap ang isang braso nito sa baywang niya.Kakagaling lang nilang maligo, at kapwa pa nila dala ang banayad na amoy ng kanilang body wash ang paborito niyang kombinasyon ng cedarwood at citrus.“Hindi ka makatulog?” mahinang tanong ni Ethan. Malalim at malumanay ang boses nito.“Medyo lang,” tapat na sagot ni Aera habang bahagyang gumagalaw sa kanyang mga bisig upang humanap ng mas komportableng pwesto. “Ang dami ko lang iniisip.”Mula sa buhok niya, dahan-dahang lumipat ang kamay ni Ethan sa likod niya. Marahan siyang tinapik nito, parang inaalo ang isang bata.“Ano ang iniisip mo?”“Ang tungkol sa kasal,” sagot niya. “At sa wedding gown.”Narinig niya ang bahagyang pagyanig ng dibdib nito. Natatawa ito.“Ang bilis mo namang mag-isip tungkol doon,” may halong ngiti nitong sabi.
Kinabukasan habang kumakain sila ng almusal, biglang ngumiti si Ethan at nagtanong.“Gusto mo bang magdaos tayo ng kasal?”Kakasabi pa lang ni Aera.“Pareho naman tayong busy. Sa totoo lang, okay lang kahit hindi na tayo magdaos ng kasal,” nang biglang kumunot ang noo ng lalaki.Mula sa may pintuan, lumipat na sila sa sala.Nakaupo si Aera sa maliit na upuan sa may entrada, habang nakaluhod sa harap niya si Ethan at dahan-dahang inaalis ang kanyang sapatos.Nang marinig ang sinabi niya, sandaling natigil ang lalaki bago siya tumingala.“Bakit mo naman nasabi iyan?”Naging alangan si Aera at bahagyang iniurong ang paa.“Eh totoo naman. Kakaayos pa lang ng Dela Cruz Atelier, tapos ang dami mo ring inaasikaso sa kumpanya mo. Ang daming paghahanda sa kasal—venue, bisita, damit, programa... Naiisip ko pa lang, napapagod na ako.”Pinilit niyang gawing magaan ang tono ng boses niya.“At kasal na naman tayo. Hindi naman mahalaga ang yun bonggang kasal, ‘di ba?”Hindi agad sumagot ang kanyang
Kinabukasan, sa sentrong bahagi ng lungsod, may bahagi roon na puno ng mga boutique shop ng iba’t ibang designer.Tahimik ang lugar sa hapon ng Martes, malayo sa ingay ng karaniwang weekend.Ipinarada ni Aera ang kanyang sasakyan sa kanto at naglakad papasok sa naturang lugar.Ang bridal shop na hinahanap niya ay nasa pinakadulo ng lugar, sa loob ng isang tatlong palapag ng isang gusali. Puti ang dingding, itim ang wrought-iron railings, at sa tabi ng pinto ay may simpleng tansong plaka na may nakaukit na pangalan. “White Dream.”Isa ito sa pinakasikat at pinaka prestihiyoso bridal couture shop sa lungsod, na madalas piliin ng mga kilalang personalidad at celebrities.Pagbukas niya ng pinto, marahang tumunog ang wind chime.Tahimik ang loob, at sa hangin ay may banayad na halimuyak ng liryo.Ang unang palapag ay isang display area, kung saan mahigit sampung wedding gowns ang nakahanay sa ilalim ng malambot na ilaw. Bawat isa ay tila isang obra maestra.“Welcome po.”Lumapit ang isang
Alas-tres ng hapon, kakaunti lang ang mga tao sa coffee shop.Pagpasok ni Aera, agad niyang nakita si Chriztle.“Pasensya na, na late ako,” sabi ni Aera habang lumalapit at umuupo sa tapat nito.“Hindi, maaga lang talaga akong dumating,” sagot ng babae sabay ngiti. Totoo at magaan ang ngiting iyon walang bakas ng awkwardness o pilit na pagpapanggap na inaasahan ni Aera.Pumunta muna saglit si Aera sa counter para umorder ng Americano. Habang naghihintay, pareho silang tahimik na nakaupo.Pagdating ng kape, tila nag hihintay sila kung sino ang unang magsasalita hanggang sa si Chriztle na ang bumasag sa katahimikan.“Ako na ang mauunang bumati sa’yo,” kalmado ang tinig. “Congratulations. Karapat-dapat ka talagang manalo.”“Salamat. Maganda rin ang gawa mo. Sabi ng mga hurado, nahirapan silang pumili.”“Hindi na natin kailangang magpalitan ng mga pormal na salita,” marahang umiling ang babae habang humihigop ng kape.“Tanggap ko ang pagkatalo. Ang serye mong ‘Rebirth’... may isang bagay
Halos hating gabi na ng makauwi sila ng bahay. Pero hindi pa rin nag pahinga ang mag asawa. Isang ilaw nalang ng desk lamp ang nakabukas sa loob ng study room ni Ethan.Nakaupo si Aera sa likod ng mesa, hawak ang kristal na tropeo. Paulit-ulit niyang hinihimas ang mga salitang nakaukit sa ibaba nito—“Champion ng Big Fashion Show.”Hindi ito panaginip.Nanalo siya.Talagang nanalo siya.Naka-on ang screen ng kanyang cellphone. Nasa contacts siya, at malinaw na nakikita ang pangalang Chriztle.Nakahover ang daliri niya sa call button.Ilang beses niya itong gustong pindutin.Ilang beses din siyang nag-atubiling umatras.Ano ba ang sasabihin niya?“Salamat sa pagbati mo”? Masyadong pormal.“Maganda rin ang gawa mo”? Parang awa ng nanalo sa natalo.“Magkape tayo minsan”? Baka isipin nitong nagmamayabang siya.Sumandal si Aera sa upuan at pumikit.Si Chriztle ay laging matatag, mayabang sa mabuting paraan, mahusay, at hindi marunong sumuko.Pero ngayong gabi, natalo siya.Natalo siya ni A
Pagkasara ng mabigat na pintong kahoy ng judging room, dalawa na lang silang natira sa pasilyo sina Aera at Chriztle.Mula sa malayo ay maririnig ang ingay ng mga manonood na lumalabas na ng venue; huminto na rin ang musika. Masyadong maliwanag ang mga ilaw sa pasilyo, kaya ang kanilang mga anino ay humaba at nagtagpo sa makintab na sahig na marmol.Sumandal si Chriztle sa pader, kumuha ng isang kahon ng mints mula sa kanyang bag, naglabas ng dalawang piraso, at iniabot ang isa kay Aera.“Gusto mo?”“Salamat,” kinuha ito ng babae.Nanatili silang nakasandal sa pader nang magkatabi walang nagsasalita, tahimik lang silang naghihintay.“Kinakabahan ka ba?” biglang tanong ni Chriztle sa isang mahinang boses.Nag-isip si Aera at tapat na sumagot: “Medyo. Pero mas nangingibabaw ang kapayapaan.”“Kapayapaan?” lumingon ang babae sa kanya. “Hindi ka ba curious sa resulta?”“Curious din,” tumango si Aera. “Pero anuman ang maging resulta, ibinigay ko ang lahat ngayong gabi. Wala akong pinagsisis
Napakuyom ng kamay si Zach ng hindi niya namamalayan. Pumuti ang mga buko ng kamay niya sa sobrang gigil niya.Pinigil niya ang galit.“Magpatawag ka agad ng meeting ng mga head ng bawat department. Darating ako sa kumpanya sa loob ng thirty minutes.”“Sir Zach… may mas masama pa po,” alanganing sa
Punong-puno ng tao ang ball room, pero wala siyang nakikita na kakilala niya.Mag-isa lang siya sa labas ng waiting area, at bigla siyang nakaramdam ng lungkot.Sana kasama niya si Aera. Dahil kung kasama niya ito ay siguradong sasamahan siya nito at palalakasin yung loob niya. Magkakaroon ulit siy
“Zach, pasok tayo sa kwarto at doon tayo mag-usap.” bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.Agad naintindihan ni Zach ang ibig sabihin. “Sige.”Yumakap si Serene sa bewang niya, pumikit, at tumingkayad para halikan siya. Sa sobrang lambing nito, pumikit din si Zach at bumigat ang paghinga niya.P
Umuwi si Zach na pagod na pagod, pero wala si Aera sa bahay para salubungin siya.Birthday niya ngayon. Akala niya hihintayin siya nito para sabay silang mag-dinner, pero hanggang ngayon, hindi pa rin umuuwi ang babae.Tiningnan niya ang cellphone pero wala pa ring reply si Aera.Nakunot ang noo ni







