LOGIN
CHAPTER 1:
[ALGERNON]
“Bakit ikaw na inutil ang sumundo sa akin? My God, Algernon!, alam mo naman na pipi ka pero pumunta ka pa talaga dito? Paano ka makikipag-usap sa mga tao kung sakali, ha?! Most of all, mapapahiya ako sa mg friends ko!”
Sa labas ng Xavier University—Dela Salle de Cagayan , salubong na salubong ang mga kilay ni Bethany nang makitang siya ang nakatayo sa tabi ng kotse sa halip na ang nakakatandang kapatid nito na asawa niya.
“Ano pa ang tinatayu-tayo mo riyan? Pumasok ka na dahil baka makita ka ng mga estudyante. Gosh, lumabas ka pa talaga. Ini-stress mo ako! Open the d amn door and get inside!”
Walang nagawa si Algernon kundi pagbuksan ang babae na palingun-lingon sa paligid, Napag-utusan lang naman siya ng asawa niyang si Veronica na sunduin ang kapatid nito dahil may kailangan itong gawin na importante sa kompanya.
“Oh em gee! Isn’t she Bethany, the University Queen?”
Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa driver’s seat ay may lumabas na tatlong babae sa malaking gate.
Mula sa rearview mirror, nakita ni Algernon ang pekeng ngiti ni Bethany nang bahagyang dumukwang ito sa bintana ng kotse. “Hi, girls! What’s wrong?”
“Oh, nothing Bethany,” matamis na sagot ng babaeng may mahabang buhok. Kapagkuwan ay tumuon ang tingin nito sa kanya at namilog ang mga mata. Suminghap at parang matatawa pa. “Bethany, is this your good-for-nothing brother in law? Iyong hindi nakakapagsalita kaya inutil?”
Ang kasama nito ay maarteng suminghap din. “Siya nga! Everyone knows the mute husband of your Ate. Ang baba naman ng standard mo, Girl. Mas maganda pa yata na family driver na lang ang sumundo sa ‘yo.”
“I have no choice, okay? Shut up!” Biglang ibinato ni Bethany ang milktea nito na nakapangalahati na lang ang laman. Nagtilian ang mga babae kaya ibinaling na nito sa kanya ang atensyon. “Ano pang tinatanga-tanga mo? Magmaneho ka na!
Hindi niya pinatulan ang babae bagkus ay kalmadong pinaandar niya ang sasakyan. Pumikit si Bethany kaya akala niya ay tatahimik na. Pero bi-bwelo lang pala!
“Ano ba? Ang bagal mo magmaneho! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka pinakasalan ni Ate gayong ni trabaho nga wala ka. Palamunin at pabigat ka na nga, pipi pa! This is infuriating!” Gigil na sinipa nito ang likuran ng driver’s seat. “Kung ako sa ‘yo, magpapakamatay na lang ako!”
Hindi naman natinag si Algernon. Diretso lang ang tingin sa kalsada kahit naalog yata ang ulo niya sa sipa nito. Dahil sa pananahimik niya, ay mas lalong nainis si Bethany.
“Magsalita ka! Huwag mo akong gawing tanga dito. Sh!t!” natigilan ito bago muling sinipa ang likod ng driver’s seat. “Paano ka nga naman makakapagsalita kung pipi ka. Bwisit!”
Sa wakas ay nanahimik na ang babae kahit salubong na salubong pa rin ang kilay habang matalim na nakatingin sa labas ng kotse na akala mo’y may kalaban na hindi nakikita.
Pipi? Hindi makapagsalita? A d amn mute?! Gustong mapangisi ni Algernon.
Sampung taon niya ng naririnig ang deskripsyon na iyon sa kanya. Wala siyang ideya kung saan nagsimula ang ganong bansag sa kanya. Sa kabilang banda, hindi niya naman masisisi ang mga nasa paligid nya kung bakit ganon ang tingin ng mga ito dahil sampung taon na rin siyang hindi nagsasalita.
Nang mawala ang kanyang mga magulang, ay may lumapit sa kanya na matanda. Sinabi nito na kung gusto niyang mahanap ang kanyang mga magulang ay kailangan niyang magtiis ng mga panghahamak at pasakit sa kanya.
Para sa nakararami, b obo siyang maituturing dahil pinaniwalaan at sinunod niya ang sinabi ng matanda. Masyado kasi siyang nagdadalamhati hanggang ngayon sa mga magulang kaya parang nawalan na rin ng saysay ang buhay niya. Tinuruan siya ng matanda ng pambihirang kaalaman nito—mahika, daloy ng enerhiya… marami pang iba na hindi kapani-paniwala sa mga nakararami.
Kapalit ng pagtuturo nitong iyon ay ang pagiging pipi niya sa loob ng sampung taon. Kabilin-bilinan ng matanda na kapag nagsalita siya, ay siguradong mamamatay siya. Akala ng nakararami ay naging pipi siya dahil sa trauma ng pagkawala ng kanyang mga magulang. Hinayaan na lang ni Algernon na ganon ang isipin ng mga ito kaysa baliw ang maging tingin sa kanya kapag sinabi niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan.
Sampung taon na pipi siya, hinamak at pinasakitan… Sampung taon…
At ngayong araw mismo ay ang huling araw ng sampung taon na iyon. Sa isiping iyon, hindi napigilan ni Algernon ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. Humugot siya ng malalim na hininga nang maramdaman ang pagragasa ng enerhiya sa kanyang mga ugat dahil sa eksaytment.
Finally!, f ucking finally! Mawawala na ang karima-rimarim na ‘pipi’ na bansag sa kanya.
Tinapakan ni Algernon ang silinyador ng kotse para makauwi na at magawa niya ang ritwal na itinuro ng matanda. Pagkaparada na pagkaparada ay agad bumaba si Bethany. Iwinawagayway pa nito ang kamay sa sariling mukha na parang nagtitiis ng amoy ng kasama sa loob ng kotse.
Walang pakialam si Algernon sa kamalditahan ng babae. Diretso siya sa pangalawang palapag ng Villa ng mga Chua dahil mas naging agresibo ang enerhiya na dumadaloy sa kanyang mga ugat at kalamnan dahil na rin sa huling araw ngayon ng sampung taon.
Hindi niya hahayaan na mapunta lang sa wala ang sampung taon niyang pagtitiis. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay dinampot niya ang pentelpen at inekisan sa kalendaryo ang petsa ngayon.
Pagkatapos ay hinila niya ang damit pahubad mula sa likod, umupo sa marmol na sahig at pinagkrus ang mga binti. Humugot siya ng malalim na hininga at ipinikit ang mga mata para gawin ang ritwal na itinuro sa kanya ng matanda.
[INTERCHAPTER]
“CALIX, Iho! Dapat sinabi mo na darating ka para nakapaghanda ako!” Sa malaking Living room ng Villa ng mga Chua, masaya ang boses ng byenan ni Algernon na si Isabella Chua nang salubungin nito ng beso ang bagong dating na si Calix Esquivel.
“Hello, Tita. Nice to see you.”
Ang ina ni Calix ay amiga ni Isanelle kaya kaibigan din ito ni Veronica mula pagkabata.
“Halika! Halika, Iho. Nagpahanda sana ako ng maraming pagkain at inumin para sa pagdating mo.”
“Tita Belle, hindi na kailangan. Kadarating ko pa lang galing Canada at dumaan lang talaga ako rito para makita ka at kumustahin na rin lalo na si…” tumikhim ito at niluwagan ang suot na necktie at matamis na ngumiti. “…Veronica. Kung hindi siguro ako nag-aral abroad, baka kami ang nagkatulayan at nagpakasal.”
Nauwi sa ngiwi ang malaking ngiti ni Isabelle. Maya-maya pa ay awkward itong tumawa. Mula pagkabata y kilala niya na si Calix kaya alam niya na matalino ito at talagang gustong pakasalan ang anak niyang si Veronica.
Pero hindi nangyari dahil ang babaeng iyon ay nagpumilit na pakasalan si Algernon na walang kwenta. Nakakainis!
Ano bang nakita ni Vernonica kay Algernon? Kung ikukumpara ang piping iyon kay Calix ay walang-wala.
“Tita, dahil galing akong abroad ay bumili ako ng mamahaling regalo para kay Veron,” wika nito matapos sumimsim sa fresh juice na hinanda ng kasambahay. Inilibot nito ang tingin sa paligid. “Nasaan pala siya.”
“Nasa kompanya pa si Veron ko. Mamaya pa siguro uuwi pero tatawagan ko siya at sasabihin ang magandang balita na bumalik ka na!”
Halata sa mukha ni Calix ang pagkadismaya kaya hindi niya magawang ngumiti ulit ng malaki.
“Dinig ko, wala raw trabaho ang asawa ni Veron, Tita. Totoo ba iyon? Na palamunin niyo siya rito sa bahay?” ngumisi si Calix at umiling. “Gusto kong makilala ang pinakasalan ni Veron. May kakilala ako na mga may matataas na posisyon sa pabrikang malapit dito. Pwede ko siyang tulungang maghanap ng trabaho.”
Mas lalong napasimangot si Isabella. Kahit ang bait-bait ni Calix na hahanapan nito ng trabaho ang piping asawa ng anak niya, nakakahiya pa rin ng sobra dahil parang nanghihingi ng pabor ang pamilyang Chua. Sa isiping iyon, ay na-alburuto siya at sumigaw.
“May bisita tayo! Hindi ka man lang ba bababa at babati? Gusto mo pa talagang sunduin ka na parang VIP? Aba!, mahiya ka naman.”
Subalit, walang kahit anong pagkilos sa kwartong kinaroroonan ni Algernon.
“Ma, ano bang ingay ‘yan,” sa halip ay ang anak niyang si Bethany na nasa first floor ang kwarto ang lumapit sa kanila. “Nag-aayos ako ng mga gamit kaya hindi ko alam na may bisita palang langaw—ang ibig kong sabihin, ay may dumating na bisita.”
Pinandilatan niya si Bethany. Si Calix naman ay akmang babatiin si Bethany ngunit ang m aldita niyang anak ay inunahan ito.
“Ako na ang tatawag kay Algernon.”
“Sabihin mo sa kanya na bumaba agad dito. Kailan pa siya naging walang modo?”
Pagkaalis ni Bethany ay nagsalita si Calix. “Tita, huwag na kayoing masyadong magalit. Alam naman natin na hindi basta-basta mapapawalang-bisa ang kasal. Disidido si Veronica na pakasalan si Algernon kaya wala tayong magagawa.”
Umasim ang kanyang mukha sa ideyang iyon. Ang dating sa kanya, kung hindi siya nagpumilit na i-arrange marriage si Veronica sa kasal, ay hindi sana magkakaroon ng pagkakataon si Algernon na makasal kay Veron. Siya talaga ang sinisisi sa lahat ng mga kamalasan na ito kaya ang natitirang kaunting bait niya sa manugang ay naglaho,
Pigil naman ang ngisi ni Calix. Balak niya talagang pakasalan si Veron pero kinailangan niyang pumunta muna sa abroad para sa pag-aaral niya. Nakakabwisit na sinamantala ng kung sino mang poncio pilato ang sitwasyon.
Gusto niyang makilala ang Piping asawa ni Veron para maipakita kung gaano siya kalamang rito. At gusto niya rin ipamukha kay Isabella na palpak ang mga disisyon nito noon. Puno ng malisya ang kanyang mga mata at nilalaro sa isip kung paano ipapahiya ang asawa ni Veron. Tahimik lang siya na nakatingin sa may hagdan, inaabangan ang inutil.
Sa kabilang banda, napaparolyo ang mata ni Bethany habang paakyat ng hagdan, Ayaw niya kay Algernon pero mas lalong ayaw niya sa Calix na iyon na parang langaw na palaging aali-aligid sa ate niya.
“Algernon, pinapababa ka ni Mommy,” malakas niyang sabi sa labas ng nakasarang p***o ng kwarto. Ngunit, makalipas ang ilang segundo ay wala pa rin nagbubukas ng p***o kaya nainis na naman siya. “Bakit hindi ka sumasagot? Anong klaseng ugali ‘yan?”
Gigil na pinihit niya ang seradura para lamang manlalaki ang mga mata at umawang ang mga labi. Anong trip ng lalaking ito na n*******d habang naka-Indian Sit sa sahig.
Teka, hubad?
“Ah! Manyak! Lintik kang manyak ka!” galit na tungayaw niya nang mapagtanto ang nakikita. Histerikal na hinila niya pasara ang p***o. “Algernon, nababaliw ka na ba? N*******d ka sa bahay namin at hindi mo man lang ni-lock ang p***o. Pinapababa ka ni Mama dahil may bisita tayo. Bilisan mo riyan!”
Pagkasabi niyon ay namumula ang kanyang mga pisngi nang nagdadabog na naglakad palayo. Mas lalo siyang nabwisit dahil parang sirang-plaka sa utak niya ang imahe ng katawan ni Algernon. May abs at ma-muscle.
Ngayon niya lang nalaman na may ibubuga rin pala ang katawan ng lalaking iyon. Palagi kasing nakasuot ng maluwang at kupas na damit kaya akala niya patpatin. Pero iba ang nakita niya kanina, parang batak sa gymn at—hindi ! hindi! Ayst! Nakakainis!
“Oh, nasaan na ang magaling na lalaking iyon?”
“Pababa na, Mom,” sagot niya at saka umupo na sa pang-isanghang couch na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang langaw.
[ALGERNON]
KAHIT biglang sumulpot si Bethany, hindi iyon nakaapekto kay Algernon. Natapos niya ang ginagawang ritwal at nang magmulat ng mga mata ay napansin niya ang itim na mga tinta na nakabalot sa kanyang katawan.
“Nawala na,” wika niya sa sarili. Iyon ang unang beses na napakinggan niya ang sariling boses sa loob ng sampung taon. Paos at tila isang lumang cassette tape na daan0daang beses nang pinatugtog kaya kakaiba at nakapangigilabot na pakinggan.
Algernon is sure it will be back to his normal deep voice. Nasisiyahan na tumaas ang sulok ng kanyang labi, nagnining sa galak ang mga mata. Muli niyang isinuot ang damit at saka bumaba. Narinig ni Algernon ang boses sa malaking living room.
“Tita, talaga bang ganito ka-dominante si Algernon sa bahay na ito?” nanunuyang tanong ng lalaki sa ibaba.
Mas naging madilim ang mukha ng byenan niyang si Isabella. Akmang tatayo sana para akyatain siya nang makitang nakatayo na siya sa ibaba ng hagdan. Dumako ang tingin sa kanya ng bisita. Nangmamaliit na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at nangungutyang ngumisi.
“Tita, isang tingin ko pa lang sa lalaking ito, hindi na karapat-dapat kay Veron.”
CHAPTER 3Simula nang pinakasalan niya si Algernon, tanggap na ni Veronica na wala talagang kwenta ang lalaki. Hindi na rin naman bago sa kanya na pagsalitaan ito ng ganon.“Oh my God!, nagmamarunong pala talaga gayong pabigat sa pamilya ng asawa. Marunong manggamot? What kind of sh!t is that?”Ang daming bulung-bulungan sa paligid kaya panipis nang panipis ang pasensya ni Veronica.“Wala akong pakialam sa mga personal niyong problema. Basta ngayon, kung hindi niyo mapapagaling ang mga tumubo sa mukha ko, ihanda niyo na ang Fifty Million! Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong palalayasin ko kayonhg lahat dito sa Southville City!”Hindi pwede! Dugo’t pawis ang pinuhunan niya para makalipat sa isa sa pinakamalaking siyudad sa Pilipinas. Hindi pwedeng magsimula ulit sila sa umpisa!“Veron,” tawag sa kanya ng asawa niya. Ngunit nanatili siyang bingi habang nag-iinit ang gilid ng mga mata. “Hindi siya magagamot kung hindi natin susubukan. Hindi natin kaya ang 50 million.”Napaisip sandali s
CHAPTER 2[INTERCHAPTER] KALMADONG naglakad si Algernon palapit sa pang-isahang couch para sana umupo nang bigla siyang sininghalan ni Isabelle. “Huwag kang umupo agad. Batiin mo ang bisita!” Itinuturing ni Algernon na parang sariling ina si Isabelle kaya tinatanggap niya ang mga pagsinghal at sita nito. Nasa isip niya rin na kahit papano ay malaki ang utang na loob niya sa pamilyang Chua. Maangas na tumayo ang bisita at tumigil mismo sa harap niya. Mas matangkad si Algernon rito ngunit talagang inaangasan siya na parang tahimik na sinasabing mas magaling ito sa kanya. “I’m Calix,” mayabang nitong wika. Malamig na nakatingin lang si Algernon. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa sadya ko rito. Una, gusto kong makilala kung sino ba ang pinakasalan ng childhood sweatheart ko. Pangalawa, depende sa maoobserbahan ko kung magdidisisyon ba ako ng tamang gagawin sa kasal niyo ni Veron.” Humahala
CHAPTER 1:[ALGERNON] “Bakit ikaw na inutil ang sumundo sa akin? My God, Algernon!, alam mo naman na pipi ka pero pumunta ka pa talaga dito? Paano ka makikipag-usap sa mga tao kung sakali, ha?! Most of all, mapapahiya ako sa mg friends ko!” Sa labas ng Xavier University—Dela Salle de Cagayan , salubong na salubong ang mga kilay ni Bethany nang makitang siya ang nakatayo sa tabi ng kotse sa halip na ang nakakatandang kapatid nito na asawa niya. “Ano pa ang tinatayu-tayo mo riyan? Pumasok ka na dahil baka makita ka ng mga estudyante. Gosh, lumabas ka pa talaga. Ini-stress mo ako! Open the d amn door and get inside!” Walang nagawa si Algernon kundi pagbuksan ang babae na palingun-lingon sa paligid, Napag-utusan lang naman siya ng asawa niyang si Veronica na sunduin ang kapatid nito dahil may kailangan itong gawin na importante sa kompanya. “Oh em gee! Isn’t she Bethany, the University Queen?” Hindi pa siya tuluyan







