LOGINCHAPTER 3
Simula nang pinakasalan niya si Algernon, tanggap na ni Veronica na wala talagang kwenta ang lalaki. Hindi na rin naman bago sa kanya na pagsalitaan ito ng ganon.
“Oh my God!, nagmamarunong pala talaga gayong pabigat sa pamilya ng asawa. Marunong manggamot? What kind of sh!t is that?”
Ang daming bulung-bulungan sa paligid kaya panipis nang panipis ang pasensya ni Veronica.
“Wala akong pakialam sa mga personal niyong problema. Basta ngayon, kung hindi niyo mapapagaling ang mga tumubo sa mukha ko, ihanda niyo na ang Fifty Million! Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong palalayasin ko kayonhg lahat dito sa Southville City!”
Hindi pwede! Dugo’t pawis ang pinuhunan niya para makalipat sa isa sa pinakamalaking siyudad sa Pilipinas. Hindi pwedeng magsimula ulit sila sa umpisa!
“Veron,” tawag sa kanya ng asawa niya. Ngunit nanatili siyang bingi habang nag-iinit ang gilid ng mga mata. “Hindi siya magagamot kung hindi natin susubukan. Hindi natin kaya ang 50 million.”
Napaisip sandali si Veronica. May punto ang sinabi ng asawa niya. Ano pa bang ikakalala ng sitwasyon na ito? Kapag nagamot ni Algernon ang babae, maayos ang lahat. Kung hindi at wala silang gagawin, magbabayad ng 50 million.
Unti-unting binitawan ni Veronica ang pagkakapit sa asawa. Tumango ito sa kanya at nagsimulang humakbang palapit sa kapatid ng gobernador. Subalit, humarang ang Mommy at kapatid niya.
“Ano ba, Algernon? Pinapahamak mo talaga ang pamilyang Chua. Hindi ka nag-aral ng medisina at mas lalong wala kang lisensya bilang dermatologist,” sigaw ni Bethany rito.
“Algernon, kung gusto mong mapahamak, ikaw lang! Huwag mong idamay ang anak ko. Kung magpupumilit ka na gamutin ang kapatid ng gobernador ay ikaw mismo ang magsabi sa kanya at sa mga tao rito na sarili mong disisyon iyan at hindi kami kasali.”
Hindi pinansin ng asawa niya ang pinagsasabi ng mga ito. Ang totoo ay naghahanda na talaga siya na mapahiya ng husto. Ano ba kasing ginagawa ni Algernon? Pagdating nila sa bahay, makikita talaga nito! Sesermunan niya talaga ng masasakit na salita.
“Hello, Miss. I’m Algernon. Susubukan ko na gamutin ka. Bago ang lahat ay galing mismo sa akin na walang kinalaman ang pamilyang Chua sa gagawin ko.” Nagtaas pa ng kaliwang kamay ang asawa niya na parang nanunumpa.
Napahilamos na lang siya ng sariling palad sa mukha. Bigla, ay nakonsensya siya dahil siguradong mapapahamak lang si Algernon. Pero nahimasmasan din siya agad at pinagalitan ang sarili. Hindi niya kailangan makonsensya dahil si Algernon naman ang nagmamarunong.
Ngayong nakakapagsalita na ito ay nagpapansin agad. Ang yabang!
Tama lang na sinolo nito dahil para talagang hindi damay ang pamilyang Chua sa kahihiyaan at pag-iinitan ng makapangyarihang pamilya ng Pulitiko. Mas mabuti siguro na magdivorce na sila no Algernon!
CHAPTER 5
[ALGERNON]
“Sige! Gusto kong makita kung hanggang saan ang yabang mong iyan. May mga pulis naman dito kaya kapag lumala itong sakit ko, ipapahuli agad kita!” wika ng babae kay Algernon.
“Walang problema,” sagot naman ni Algernon at lumingon sa asawa niyang inis at hiyang-hiya na parang gusto siyang itakwil. “Veron, may bilihan ng mga halamang gamot, dalawang kanto ang layo mula rito. ‘Herbs and More’ ang pangalan. May mga tanim sila na pinagbibili. Pwede ka rin bang bumili ng mortar at pestel sa Wilcon Depot?”
Kumuha siya ng papel at ballpen na nasa front desk at isinulat ang ilang pangkaraniwang halamang gamot katulad ng akapulko at aloe vera.
“Sigurado ka ba dito?” nag-aalinlangan na tanong ng asawa niya.
“Tumatakbo ang oras,” seryosong sagot niya kaya walang nagawa ito kundi mabilis na lumabas at sumakay ng kotse.
“Miss—”
“Seyara. My name is Seyara Rodriguez,” pakilala nito sa sarili.
“Miss Rodriguez, walang problema ang ginamit mong produkto ng VLK Cosmetics. Hindi pangkaraniwan ang kutis mo kaya nagreact ang ilang ingredients ng cosmetic na nabili mo na hindi naman nangyayari sa nakararami.”
“Are you saying that it was my skin’s fault?”
“Tama!” tango niya. Nagsimulang magsalubong na naman ang mga kilay ng babae kaya mabilis niyang dinugtungan. “Katulad ng sabi ko, kakaiba ang kutis mo. Ang kutis na kutis mo ay katulad ng mga maharlika sa Brunei, Thailand at iba pa.”
Nawala ang kunot nitong noo at napahawak sa sariling mukha. Ngumuso pa, nagpipigil na ngiti. “Ang bolero mo, ha!”
“Nagsasabi ako ng totoo, Miss Rodriguez.”
Bahagyang namula ito ngunit hindi na nakapagsalita pa dahil bumalik na agad si Veronica. Kinuha niya agad ang bitbit nito at dinurog ang ilang halaman sa mortar o Almires. Kapagkuwan ay tahimik siyang nag-usal ng ritwal na itinuro sa kanya ng matanda.
Ilang sandali lang ay inabot niya kay Seyara ang dinikdik na mga dahon. “Ipahid mo sa mga rashes at pimples mo. Sampung minuto lang, mawawala na ang mga iyan.”
“Is that it? Pinaghalo-halong halamang gamot lang na nilagyan ng simpleng tubig? Ha ha ha, akala mo ba tanga ang lahat ng tao?" puno ng panunuya ang boses ni Calix.
Hindi ito pinansin ni Algernon dahil ano bang alam ng pangkaraniwang tao? Ang katulad niyang maalam sa daloy ng enerhiya, feng sui, mga ritwal at iba pa… ay hindi pinag-aaksayahan ng oras ang mga pangkaraniwang tao.
“This is safe, Miss. Ipapakulong mo ako kapag hindi gumana,” wika niya kay Miss Seyara Rodriguez.
“Fine!” Kinuha nito sa kanya iyon at dahan-dahan ipinahid sa mukha. Wala pa rin siyang imik habang patuloy ang panglalait ni Calix.
“Tingnan nga natin kung paano magagamit si Miss Rodriguez sa basurang ibinigay mo? Ihanda mo na ang sarili mo, Tukmol dahil mabubulok ka sa kulungan.”
Pigil hininga ang mga naroroon. Ang iba ay literal na inorasan pa ang gamit ang cellphone. Mabilis na lumipas ang sampung minuto na ngaw-ngaw nang ngawngaw si Calix habang ang mga Chua naman ay hindi makapagdisisyon kung maaawa, maiinis o mamangha sa kanya.
“Miss Rodriguez, pwede mo ng hugasan ang mukha mo,” marahan niyang sabi. Hindi man lang nag-abala na sulyapan si Calix.
“Ang yabang talaga ng tukmol na ‘to. Ipinapahiya ang sarili. Sige, angas-angasan ka ngayon, kulong ka mamaya. Hahaha! Kapag nakulong ka, huwag na huwag kang hihingi ng tulong sa mga Chua na makalaya dahil ikaw mismo ang nagsabi na wala silang kinalaman sa kagaguhan mo.”
Maya-maya pa ay bumalik si Miss Rodriguez sa harap nila. Nagpupunas ito ng malinis panyo sa mukha. Singhapan ang mga naroroon nang unti-unting ibinaba nito ang panyo.
“Oh my God! This is a miracle. Nawala nga ang mga rashes at pimples ni Miss Seyara Rodriguez!”
“Oo nga! Ang galing ng asawa ni Miss Veronica. At parang mas kuminis pa ang kutis ng kapatid ng gobernador.”
Malaki ang ngiti at nagniningning ang mga mata ni Seyara nang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.
“You’re really awesome. Hindi ako makapaniwala na ang katulad mo ay may alam sa ganito. I mean, may alam ka sa mga kutis ng royal blood gayong sinasabi nila na palamunin ka at walang trabaho. Nacu-curious ako sa ‘yo, ha. I’m very interested. I feel like, you’re somewhat a secret genius.”
Simpleng ngumiti lang si Algernon.
“May alam ka rin ba sa panggagamot ng ibang sakit?”
Umayos ng tayo si Algernon at tinaasa ang tingin na parang nakikipagnegosasyon. “Depende sa sakit.”
“Well, nandito lang talaga ako sa Cagayan—here in Southville to be specific dahil nandito ang isa sa pinakamalaking ospital sa Asia. My dad is gravely sick. Pinatingin na namin siya sa iba’t ibang malalaking hospital sa Pilipinas at Abroad pero wala kaming napala. May nagsasabi na subukan namin ang sinaunang panggamot. Do you know ancient medicine?”
Humalukipkip si Algernon. Tinitimbang kung dapat niya bang paglaanan ng oras ang bagay na ito.
“Listen, magamot mo man siya o hindi, magbabayad ako ng consultation f*e. Kung magamot mo siya, dadagdagan ko ang bayad. I’ll give you 5 million If at least he gets better. Kahit hindi tuluyang gumaling, babayaran kita. Kapag talagang gumaling, bibigyan kita ng 50 million.”
Nagsinghapan ulit ang mga narororoon. Ang pamilyang Chua ay natulala ng tuluyan dahil isang taon na revenue iyon ng kompanya ng mga ito.
“Okay. Susubukan ko,” simple niyang wika sabay kiling ng ulo.
“Algernon!” Si Veronica na halos umusok na ang ilong at marahas na hinila siya sa braso. “Tanga ka ba? Bakit ka pumayag? Hindi ka doktor para sulosyunan ang sakit ng kahit sino. Hindi joke ang paggamot ng malubhang sakit kaya huwag mong ikukumpara iyon sa paggamot mo ng rashes at pimples. Buhay ang nakataya sa sakit ng Daddy ni Miss Seyara.”
“Alam ko. Huwag kang mag-aalala, titingnan ko lang at saka ako magdidisisyon kung kaya ko ba o hindi.”
“God!” hindi makapaniwalang tumawa ito at humawak pa sa sariling noo. “So, sa tingin mo ang galing-galing mo na dahil nakapaggamot ka lang ng simpleng problema sa balat? Sige! Puntahan mo ang Daddy ni Miss Seyara. Kapag may nangyaring hindi maganda, huwag na huwag kang tatakbo pabalik sa amin para humingi ng tulong.”
Pagkasabi niyon ay nagdadabog na lumayas si Veronica. Kibit-balikat naman si Algernon at muling binalingan ng tingin ang naghihintay na si Miss Seyara.
“Uhm, kung pwede, ngayon na tayo pupunta sa Southville Medical Hospital. Nandoon ngayon si Dad kasi may full body check up siya.”
“Sure, Miss,” tango niya naman at sumabay na paalis kay Miss Seyara.
[VERON]
“MAUNA na kayong umuwi. Susundan ko lang sila sa hospital,” wika no Veronica sa mga kasama habang nakatanaw ng tingin sa papalayong kotse ni Miss Seyara Rodriguez.
Malaki ang naitulong ni Algernon ngayong ar kaya inuusg siya ng kanyang konsensya. Kung hindi siguro ginawa ni Algernon ang kanina ay baka nagmamakaawa na siya kay Miss Rodriguez na kaawaan siya at ang kanyang pamilya.
Hindi niya gustong mapahamak ang asawa niya!
“Veron!” tawag ni Calix sa kanya.
Bahagyang napakunot noo si Veron dahil parang galit ito at kulang na lang ay singhalan siya.
“What?”
“May kotse ako. Ihahatid kita,” sabi nito. Hindi na siya tumanggi dahil baka mawala niya ang dalawa kapag naghintay pa siya ng Taxi. Pagkasakay niya sa kotse ni Calix ay pansin niya agad ang dilim ng mukha nito. “Bakit mo pa susundan si Algernon? Wala namang kwenta ang lalaking iyon.”
“Walang kwenta na gumamot sa loob ng sampung minuto? I don’t think so,” aniya naman.
Umigting ang panga nito at nagsalubong ang mga kilay bago pinaharabas ang kotse sa kalsada.
“Nakatsamba lang siya! Sinwerte kaya ganon. Fine, pumunta tayo sa ospital. Tingnan natin kung si-swertehen pa ba siya sa pagpapagaling kay Mr. Rodriguez. Ipapakita ko sa ‘yo na hindi mo siya dapat pinakasalan. Kapag pinakulong siya ng mga Rodriguez dahil sa magiging kapalpakan niya, makipag-divorce ka na sa kanya para hindi madamay ang pamilyang Chua.”
CHAPTER 3Simula nang pinakasalan niya si Algernon, tanggap na ni Veronica na wala talagang kwenta ang lalaki. Hindi na rin naman bago sa kanya na pagsalitaan ito ng ganon.“Oh my God!, nagmamarunong pala talaga gayong pabigat sa pamilya ng asawa. Marunong manggamot? What kind of sh!t is that?”Ang daming bulung-bulungan sa paligid kaya panipis nang panipis ang pasensya ni Veronica.“Wala akong pakialam sa mga personal niyong problema. Basta ngayon, kung hindi niyo mapapagaling ang mga tumubo sa mukha ko, ihanda niyo na ang Fifty Million! Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong palalayasin ko kayonhg lahat dito sa Southville City!”Hindi pwede! Dugo’t pawis ang pinuhunan niya para makalipat sa isa sa pinakamalaking siyudad sa Pilipinas. Hindi pwedeng magsimula ulit sila sa umpisa!“Veron,” tawag sa kanya ng asawa niya. Ngunit nanatili siyang bingi habang nag-iinit ang gilid ng mga mata. “Hindi siya magagamot kung hindi natin susubukan. Hindi natin kaya ang 50 million.”Napaisip sandali s
CHAPTER 2[INTERCHAPTER] KALMADONG naglakad si Algernon palapit sa pang-isahang couch para sana umupo nang bigla siyang sininghalan ni Isabelle. “Huwag kang umupo agad. Batiin mo ang bisita!” Itinuturing ni Algernon na parang sariling ina si Isabelle kaya tinatanggap niya ang mga pagsinghal at sita nito. Nasa isip niya rin na kahit papano ay malaki ang utang na loob niya sa pamilyang Chua. Maangas na tumayo ang bisita at tumigil mismo sa harap niya. Mas matangkad si Algernon rito ngunit talagang inaangasan siya na parang tahimik na sinasabing mas magaling ito sa kanya. “I’m Calix,” mayabang nitong wika. Malamig na nakatingin lang si Algernon. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa sadya ko rito. Una, gusto kong makilala kung sino ba ang pinakasalan ng childhood sweatheart ko. Pangalawa, depende sa maoobserbahan ko kung magdidisisyon ba ako ng tamang gagawin sa kasal niyo ni Veron.” Humahala
CHAPTER 1:[ALGERNON] “Bakit ikaw na inutil ang sumundo sa akin? My God, Algernon!, alam mo naman na pipi ka pero pumunta ka pa talaga dito? Paano ka makikipag-usap sa mga tao kung sakali, ha?! Most of all, mapapahiya ako sa mg friends ko!” Sa labas ng Xavier University—Dela Salle de Cagayan , salubong na salubong ang mga kilay ni Bethany nang makitang siya ang nakatayo sa tabi ng kotse sa halip na ang nakakatandang kapatid nito na asawa niya. “Ano pa ang tinatayu-tayo mo riyan? Pumasok ka na dahil baka makita ka ng mga estudyante. Gosh, lumabas ka pa talaga. Ini-stress mo ako! Open the d amn door and get inside!” Walang nagawa si Algernon kundi pagbuksan ang babae na palingun-lingon sa paligid, Napag-utusan lang naman siya ng asawa niyang si Veronica na sunduin ang kapatid nito dahil may kailangan itong gawin na importante sa kompanya. “Oh em gee! Isn’t she Bethany, the University Queen?” Hindi pa siya tuluyan







