LOGINCHAPTER 2
[INTERCHAPTER]
KALMADONG naglakad si Algernon palapit sa pang-isahang couch para sana umupo nang bigla siyang sininghalan ni Isabelle.
“Huwag kang umupo agad. Batiin mo ang bisita!”
Itinuturing ni Algernon na parang sariling ina si Isabelle kaya tinatanggap niya ang mga pagsinghal at sita nito. Nasa isip niya rin na kahit papano ay malaki ang utang na loob niya sa pamilyang Chua.
Maangas na tumayo ang bisita at tumigil mismo sa harap niya. Mas matangkad si Algernon rito ngunit talagang inaangasan siya na parang tahimik na sinasabing mas magaling ito sa kanya.
“I’m Calix,” mayabang nitong wika.
Malamig na nakatingin lang si Algernon.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa sadya ko rito. Una, gusto kong makilala kung sino ba ang pinakasalan ng childhood sweatheart ko. Pangalawa, depende sa maoobserbahan ko kung magdidisisyon ba ako ng tamang gagawin sa kasal niyo ni Veron.”
Humahalakhak sa loob si Algernon. Hindi naman siya nasabihan na kailangan palang pagdisisyunan ng ibang tao ang kasal niya kay Veron?
“Kaibigan ko na si Veron mula pagkabata. Kailangan kong masiguro na kaya siyang alagaan ng napangasawa niya. Tita Bel, hindi naman po kayo magagalit, hindi ba?” sabi pa ni Calix.
Bahagyang sinulyapan ni Algernon sina Isabella at Bethany. Titig na titig ang dalawa sa kanya—basa niya sa mga mata nito na parang may napansin nakakaiba sa kanya ngayon.
“Silence means yes, Dude!” Ikiniling-kiling pa si Calix sa mismong mukha ni Algernon ang ulo, kulang na lang ay mahalikan siya ng tarantado. “Isang tingin ko pa lang sa ‘yo, hindi na kita gusto. Hindi na ako pabor na ikaw ang napangasawa ni Veronica.”
Nang-iinsulto ang ngisi nito nang umisang hakbang paatras.
“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Veron kung bakit ka niya pinakasalan. Pero kung may kaunting hiya ka pa natitira sa katawan, ikaw mismo ang makikipaghiwalay sa kanya dahil iyon ang makakabuti. Ang lalaking kailangan ni Veron ay dapat makatulong sa kanya. Malinaw na hindi ikaw iyon dahil ni trabaho nga aya wala ka. Ganito na lang, bibigyan kita ng One hundred Thousand Pesos para makipaghiwalay sa kanya at tuluyang mawala sa buhay ng pamilyang Chu.”
Wala pa rin imik o kahit anong emosyon ang mababasa sa mukha ni Algernon. Kaya kumunot ang noo ni Calix. Akala yata nito ay magwawala siya pero ang katulad nito ay hindi niya pagsasayangan ng oras. Humakbang si Algernon ng isang beses, humakbang paatras si Calix,
“A-Anong tinitingin-tingin mo? Isang pipi at walang kwenta ka lang naman kaya huwag mo akong bibigyan ng malamig na tingin na parang inaangasan mo ako. Hindi ba’t ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo? Tapos ngayon, buhay naman ni Veron ang sinisira mo?”
Panay pa rin ang galit na sigaw nito sa mukha niya ngunit atras naman nang atras kahit nakatingin lang naman siya.
“Ito ang sinasabi ko sa iyo, Piping Lalaki! Ngayong bumalik na ako, hindi ako tatayo lang habang pinapanood si Veron na miserable dahil ikaw ang asawa niya. Malapit ka na niyang hiwalayan. Kapag nangyari iyon ay tutulungan ko si Veron na makarating sa tuktok ng tagumpay habang ikaw ay mananatili kang pipi at inutil na tatanghod sa amin.”
Tumigil siya sa paghakbang paabante kaya tumigil din ito. Bumalik ang tapang sa boses at nagsalubong ulit ang mga kilay nang parang nang-uusig nang lumingon kay Isabelle.
“Tita, paanong pinayagan niyo si Veron na pakasalan ang inutil na ito? Kapag nagawa niyong paghiwalayin ang dalawa, sisiguruhin ko na bukas na bukas rin ay ipapahanda ko ang engrandeng kasal namin ni Veron.”
Nang sulyapan naman ni Algernon si Isabelle ay mukhang wala talaga itong balak ipagtanggol siya o kahit tumutol man lang.
“Bakit ganyan ka makatingin, ha?” Tinulak siya ni Calix sa isang balikat. “Iniisip mo bang nababaliw na ako? Kahit sino, ay mas pipiliin ang mayamang manugang kaysa sa katulad mong hampaslupa. Basura ka kumpara sa akin kaya mananatili kang nasa talampakan ko!”
Wala pa rin imik ang kalmadong si Algernon.
Kabaliktaran ni Calix na nag-aalburuto na dahil kung tingnan siya ng Piping ito ay parang hindi siya dapat pinag-aaksayahan ng oras. Siya?!, si Calix Pelez, nagaral sa abroad, galing sa mayamang pamilya ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras?!
Anong pinagmamalaki sa kanya ng Piping Algernon na ito? Sinalubong niya ang mata ni Algernon para mas lalong maliitin ngunit lihim siyang natigilan. Bakit parang nagbabanta ang mata nito—hindi, parang walang takot at may nagbabadyang panganib.
Teka nga! P unyeta. Bakit natakot siya sa isang katulad nito? Napahiya siya sa sarili kaya mas nag-alburuto ang bumbunan niya. Dinaklot niya ito sa kwelyo,
“G ago ka! Isa ka lang inutil kaya huwag mo akong tingnan ng ganyan. Ni hindi ka nga makapagsalita kaya ang kapal ng mukha mo na pangaraping maging parte ng pamilyang Chua. Kapag hindi ka kusang lumayas sa villa na ito, ako mismo ang kakaladkad sa ‘yo palabas.”
Hindi pa rin kumilos ang p utanginang inutil kaya hinila niya sa kwelyo para totohanin ang sinabi niya. Subalit, hindi niya makaladkad! Nagngalit ang ngipin ni Calix. Pikon na piko na talaga. Bigla siyang umikot para patamain ang kamao sa panga ni Algernon.
“Calix!” sigaw ni Bethany.
Sabay-sabay silang natigilan nang nasalo ni Algernon ang kanyang kamao. Anong—bakit hindi siya makagalaw nang hinihila niya ang kamay? Namumula ang na ang mukha ni Calix habang pinipilit na kumawala sa pagkakahawak ni Algernon.
“P utangina!, bitawan mo ako!” sigaw niya rito, halos maglabasan na ang mga ugat sa kanyang leeg. “You’re just a useless f ucking mute!”
“Mute?”
Natahimik ang buong living room. Namimilog ang mga mata ng mag-inang Chua. Hindi ba nabibingi lang sila? Tumaas ang sulok ng labi ni Algernon, mas humigpit pa ang pagkakahawak sa kamao ni Calix at muling nagsalita.
“Pipi? Walang kwenta?”
Singhapan sina Isabella at Bethany,
“N-Nakakapagsalita ka?” nauutal na tanong ni Bethany. Ilang sandali lang ay nagsalubong ang mga kilay nito. “Nakakapagsalita ka pala pero nagpapanggap na pipi? You’re sick, Algernon! Niloloko mo ang ate ko! Niloloko mo kaming lahat!”
“Go to h ell!” sigaw ni Calix sabay dampot ng lampara para basagin iyon sa ulo ni Algernon. Subalit, bago pa niya magawa ay inisang daklot na ni Algernon ang kanyang leeg. Pakiramdam niya ay mawawalan siya agad ng hininga sa mga oras na iyon,
“A-Anong ginagawa mo? Bitawan…bitawan mo ako…” Nabitawan ni Calix ang hawak na lampshade at sinubukang alisin ang mala-bakal sa tigas na kamay. Ngunit, kahit anong pwersa niya ay hindi niya maalis-alis kaya tanging kalmot ang nagawa niya sa braso nito.
“Algernon, itigil mo ‘yan! Kapag napatay mo siya, makukulong ka! Labag sa batas ang manakit!” taranta na si Isabelle.
Kumunot naman ang noo ni Algernon nang malamig sulyapan ang kanyang byenan. Labag sa batas? Kaninang babasagan siya ng lampara ni Calix ay hindi nito sinaway.
Tumunog ang cellphone ni Isabelle kaya hindi siya nakaangal rito. Maya-maya pa ay namilog ang mga mata ng byenan niya.
“A-Ano? Hinuli si Veronica?”
Hinuli? Mabilis niyang binitawan si Calix pero markado niya na ang lalaki. Kapag hindi ito tumigil sa kakayabang sa kanya ay talagang tutuluyan niya.
Naunahan siya ng tarantado paglapit kay Isabella. Aktong asawa ni Veronica ang t angina!
“Tita, anong nangyari kay Veron?” tanong nito habang hinihimas ang leeg na sinakal niya,
“May nangyariu sa kompanya. Nandoon daw ang mga pulis para hulihin ang anak ko!”
“Pulis? Tita, may mga kakilala ako sa pulisya. Sasama ako sa inyo, kakausapin natin sila. Siguradong magiging maayos si Veron kapag nakita nila ako.”
Lumabas ang tatlo kaya sumunod naman agad si Algernon. Singhal agad ang inabot niya kay Isabella. “Dito ka lang sa bahay! Bakit ka pa sasama, wala ka naman pakinabang doon. Baka gumawa ka pa ng gulo at maging pabigat. Dadalhin mo na naman sa kahihiyan ang pamilyang Chua!”
Alam ni Algernon na hindi siya tanggap ng pamilyang Chua dahil ang pagpapakasal nila, ay ipinilit lang ni Veron at hindi pumayag ang mga magulang nito. Lalong aayawan siya dahil p utanginang Calix na ito ay pinagmukha pa siyang masama.
Pero pagbali-balikatarin man ang mundo ay aaswa niya pa rin si Veron. Kapag may problema ito, kailangan nandoon siya. Makatulong man o hindi. Nang makaalis ang kotse ni Calix ay mabilis siyang lumabas ng gate at pumara ng Tax. “Sa VLK Cosmetics!”
[VERONICA]
Samantala, nagkakagulo ang mga tao sa lobby ng gusali ng VLK Cosmetics. Dinig ang nakakarinding paghestirikal ng boses ng isang babae na nakasalampak sa marmol na sahig.
“Sinira mo ang mukha ko!” sigaw nito sabay duro kay Veronica Chua na nakatayo sa harap nito.
“Miss, calm down,” mahinahong sabi ni Veronica. Subalit, mas lalo lamang naghestirikal ang babae.
“Dahil sa mga make up na binebenta ng kompanya niyo, ay pangit ako. Ang dami kong tagyawat na dati naman ay wala! Ipapakulong kita. Kakalmutin ko ang mukha mong iyan!”
Nabulung-bulungan na ang mga tao sa paligid. Dapat maayos ang cosmetic na binebenta ng kompanya niya kaya bakit nagkaganito.
“Humingi ka ng tawad sa akin, lumuhod ka at bayaran mo ako ng 50 million bilang kompensasyon!”
Nagpigil ng inis si Veronica. Fifty milyon? Nababaliw na ang babaeng ito. Saan siya kukuha ng ganon kalaking halaga? Kahit ibenta niya siguro ang mga ari-arian ng pamilyang Chua ay hindi pa rin magkakasya.
Nilingon ni Veron ang mga kasama niya sa kompanya. Sabay-sabay nagsiyuko ang mga ito na parang iniiwasan na mapatingin sa kanya. Mayaman ang babaeng nagrereklamo kaya walang naglalakas-loob na kampihan siya.
“Veron!”
Napalingon si Veron sa pamilyar na boses.
“Mom?” gulat niyang wika nang makalapit ito. “Anong ginagawa niyo rito?”
“Tinawagan ako ng katrabaho mo. Anong nangyayari?”
“I clearly have no idea. Ginagamit din naman ng ibang customer ang cosmetic na ginamit niya pero siya lang ang naging ganito,” sagot niya.
“Nanay ka niya?” Dinuro ng babae ang Mommy niya. “Nakita mo ang ginawa sa akin ng anak mo? Kung ayaw niyong ipakulong ko ang babaeng iyan, bayaran niyo akoi ng fifty million.”
“Fifty Million?” bulalas ng Mommy niya.
Si Calix naman ay napailing-iling . “Miss, nabanggit ni Veronica na maraming gumagamit ng cosmetic na ginamit mo pero ikaw lang ang nagkaganito. Hindi ba’t parang nakakapagtaka naman.”
“Sinasabi mo bang sinungalin ako?!” singhal ng babae sabay tayo. “Na sinasadya ko na magka-allergy para makakuha ng pera sa inyo, ha?!”
“Ganito na lang, magkompromiso tayo. Kakilala ko ang mayor ng Southville City. Kapag pinalampas mo ito, sisiguruhin ko na masasabihan ko si Mayor na tulungan ka sa mga kailangan mo.”
“Who the h ell are you? Mayor? Anong gagawin ko sa Mayor?” Mapanglait na hinagod ng tingin ng babae si Calix. “Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang kapatid ng Gobernador ng buong siyudad na ito!”
What? Oh my God! Iba ang pulitika sa Southville. Malaking pangalan ang Gobernador ng siyudad. Ang Mommy niya rin ay namutla. Napatingin pa ito kay Calix na parang asong bahag ang buntot na umatras. Umismid ang mommy niya kay Calix bago ibinalik ang tingin sa kanya.
“Lagot kayong lahat sa kapatid ko! Alam niyo kung gaano siya kaimpluwensya. Mapapasara ang kompanya niyong ito!”
“Miss—” hindi niya na naituloy ang sasabihin nang marinig ang baritonong boses. Umawang ang bibig ni Veronica nang malingunan ang kanyang asawa.
“Miss, kung papayag ka, pwede ko bang suriin ang pimples mo sa mukha? Sinisiguro ko sa ‘yo na malalaman natin ang dahilan kung bakit nagkaroon ka ng mga ganiyan.”
“N-Nakakapagsalita ka na?” kulang ang ‘gulat’ bilang deskripsyon sa nararamdaman niya.
“Akala mo kung sino? Algernon, huwag ka ngang epal. Anong alam mo sa mga ganitong bagay?” ismid ni Calix sa asawa niya. “Isang taon kang palamunin at pabigat sa pamilyang Chua tapos ngayon sasabihin mo na mareresolba mo ang problemang ito? Ni wala kang trabaho.”
Singhapan ang mga nakarinig. Bahagyang napahiya naman si Veron dahil alam niyang tinitingala siya ng mga ka-opisina. Pero marami ang nadismaya na pumili siya ng walang kwentang lalaki.
“Hoy, Algernon! Kung gusto mong ipahamak ang sarili mo, isipin mo naman sana kami. Damay ang pamilyang Chua dahil asawa ka ni Ate. Tumigil ka na nga sa pagdudunong-dunungan mong ‘yan!” singhal ni Bethany.
Hinawakan ni Veron si Algernon sa braso at bahagyang hinila saka nagngngalit ang ngipin na nagsalita ng mahina. “Algernon, please! Umuwi ka na muna. Huwag mo naman akong mas pahiyain dito.”
“I can heal her, you just have to trust me.”
Ang galing din pala nito mag-english. Nagugulat talaga siya pero nangingibabaw ang pagkainis niya dahil sa pagiging pakialamero nito.
“Alam ko na iniisip mo lang ang kabutihan ko kaya sinasabi mo ang kalokohan na iyan. Pero seryosong bagay ito. Alam kong wala kang kakayahan sa mga katulad nito kaya paanong maniniwala ako sa iyo? Please, bago pa ako magalit sa ‘yo, umalis ka na.”
CHAPTER 3Simula nang pinakasalan niya si Algernon, tanggap na ni Veronica na wala talagang kwenta ang lalaki. Hindi na rin naman bago sa kanya na pagsalitaan ito ng ganon.“Oh my God!, nagmamarunong pala talaga gayong pabigat sa pamilya ng asawa. Marunong manggamot? What kind of sh!t is that?”Ang daming bulung-bulungan sa paligid kaya panipis nang panipis ang pasensya ni Veronica.“Wala akong pakialam sa mga personal niyong problema. Basta ngayon, kung hindi niyo mapapagaling ang mga tumubo sa mukha ko, ihanda niyo na ang Fifty Million! Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong palalayasin ko kayonhg lahat dito sa Southville City!”Hindi pwede! Dugo’t pawis ang pinuhunan niya para makalipat sa isa sa pinakamalaking siyudad sa Pilipinas. Hindi pwedeng magsimula ulit sila sa umpisa!“Veron,” tawag sa kanya ng asawa niya. Ngunit nanatili siyang bingi habang nag-iinit ang gilid ng mga mata. “Hindi siya magagamot kung hindi natin susubukan. Hindi natin kaya ang 50 million.”Napaisip sandali s
CHAPTER 2[INTERCHAPTER] KALMADONG naglakad si Algernon palapit sa pang-isahang couch para sana umupo nang bigla siyang sininghalan ni Isabelle. “Huwag kang umupo agad. Batiin mo ang bisita!” Itinuturing ni Algernon na parang sariling ina si Isabelle kaya tinatanggap niya ang mga pagsinghal at sita nito. Nasa isip niya rin na kahit papano ay malaki ang utang na loob niya sa pamilyang Chua. Maangas na tumayo ang bisita at tumigil mismo sa harap niya. Mas matangkad si Algernon rito ngunit talagang inaangasan siya na parang tahimik na sinasabing mas magaling ito sa kanya. “I’m Calix,” mayabang nitong wika. Malamig na nakatingin lang si Algernon. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa sadya ko rito. Una, gusto kong makilala kung sino ba ang pinakasalan ng childhood sweatheart ko. Pangalawa, depende sa maoobserbahan ko kung magdidisisyon ba ako ng tamang gagawin sa kasal niyo ni Veron.” Humahala
CHAPTER 1:[ALGERNON] “Bakit ikaw na inutil ang sumundo sa akin? My God, Algernon!, alam mo naman na pipi ka pero pumunta ka pa talaga dito? Paano ka makikipag-usap sa mga tao kung sakali, ha?! Most of all, mapapahiya ako sa mg friends ko!” Sa labas ng Xavier University—Dela Salle de Cagayan , salubong na salubong ang mga kilay ni Bethany nang makitang siya ang nakatayo sa tabi ng kotse sa halip na ang nakakatandang kapatid nito na asawa niya. “Ano pa ang tinatayu-tayo mo riyan? Pumasok ka na dahil baka makita ka ng mga estudyante. Gosh, lumabas ka pa talaga. Ini-stress mo ako! Open the d amn door and get inside!” Walang nagawa si Algernon kundi pagbuksan ang babae na palingun-lingon sa paligid, Napag-utusan lang naman siya ng asawa niyang si Veronica na sunduin ang kapatid nito dahil may kailangan itong gawin na importante sa kompanya. “Oh em gee! Isn’t she Bethany, the University Queen?” Hindi pa siya tuluyan







