Share

Chapter 46

KINAUSAP namin ni Trina ang organizers. Pumayag sila na kunin na ang paintings ko. Nahiya tuloy ako dahil isang malaking opportunity ang mapabilang dito pero parang hindi ko pa naappreciate.

"Sayang, Gwen..." ani Trina.

"That's okay. I'm fine with what I have now. May offer ako doon sa three towers at nabili rin ang Los Angeles," nagpatuloy ako sa paglalakad.

Kahit na patungo kami kung nasaan Sina André kanina, mas kampante na ako ngayon. Aalis na ako. Uuwi sa condo at magpapahinga. I would be more comfortable with André.

Papalapit kami sa kung saan Sina mommy, Katelyn, André, at iba pang mga businessman. Kinakabahan ako ngunit hindi na tulad sa kabang naramdaman ko noong una.

Nahagip ako ng paningin ni mommy. Dalawang beses niya akong tiningnan bago napagtantong ako iyon

"Gwen!"

Nabulabog ang munting pagtitipon nila dahil sa pagtawag ni mommy sa akin. Silang lahat ay napatingin sa akin ngunit nanatili ang mga mata ko kay mommy. Nilahad ni mommy ang kanyang kamay para salubungin ako.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thank you for the update author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status