"Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
"Ano bakit ang tahimik niyo haa! Sabihin niyo sa akin ngayon, pinagloloko niyo lang ako! Wala ba kayong ibang magawa! Josh! Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang lahat lahat! Ito ba ang dahilan huh? Bakit sinabi mong maayos lang ang lahat, sa tuwing tinatanong ko sayo na parang wala akong maalala. Bakit ka nagsinungaling sa akin, pwede mo naman sabihin ang totoo diba? Gagawin ko rin naman ang lahat para umintindi. Pero, bakit??? Bakit ganito ang malalaman ko ngayon, ang sakit sa dibdib." "Please, Joyce, calm down...." "How??? Paano ako kakalma! Ang sakit niyo! Mga sinungaling!" Tumalikod siya sa amin at akmang aalis na. "Joyce... Wait.." I shout. Napahinto naman siya, ngunit hindi lumingon sa amin. Maya-maya pa, may isang Yaya ang natatarantang biglang dumating na tila'y naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ma'am, ang bata po, dumudugo ang ilong...." Natatakot na boses niya. "Ano????" Tila'y nadagdagan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paanong dumugo ang
"Josh, what are you talking about?""Simple lang naman, Prince. Ito talaga ang hinihintay kung mangyari. At hindi nga ako nagkamali, natupad din ngayon." Tumayo siya at ngumiti sa amin."Alam niyo, natutuwa ako sa inyo. Ginagawa niyo ang lahat para kunin ang mahahalagang bagay sa buhay niyo. Ginagawa niyo ang lahat para ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay. Isa sa mga pagsisising nangyari sa buong buhay ko ang lumayo sa inyo. Nang una, akala ko mahaharap ko ang lahat lahat. Inakala kong magiging maayos lang, pero hindi pala. Ilang taon akong naging mag-isa sa ibang bansa. Hindi ako nakabalik agad dito sa inyo dahil gusto kong pagsisihan ang lahat. Pakiramdam ko noon, parang isa akong duwag na nagtatago at tinatakasan ang lahat. Simula nang na wala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, inisip ko noon na lahat ng nagmamahal sa akin at minamahal ko ay iiwan lang din ako sa huli. Kaya, lumayo ako upang palawakin ang utak ko. Pero, sa kasamaang palad, parang naging isa lang akong malaking du
"Oh, ayan na sa wakas umandar din." Biglaang saad ni Prince, dahilan na nawala ang imahinasyon ko.Inumpisahan ko naman ulit ang pagmamaneho. Mabuti na lang, bumilis ang andar ngayon. Pero, sa dami dami na pinagdaanan namin ngayon. Hindi malayong gabi na kami makakarating kung saanna paroroon si, Josh kasama ang asawa ko at ang anak ko. "Oo nga pala noh, nakalimutan na natin kumain, kaya naman pala ang hapdi ng tiyan ko.""May gana ka pa bang kumain, Alexander? Nakaka-pagod, kaya na kaka-tamad kumain ngayon. Siguro, sa sunod ka na lang kumain, pagkatapos ng lahat.""Alam ko.""Alam mo Alexander, ang sarap bumalik sa nakaraan. Ang walang problema, walang kahit na anong ganitong sakit sa ulo na dapat isipin. Kung maaari nga lang, pipiliin ko talaga ang bumalik sa dating maayos, tahimik at masaya kasama ang kapatid ko. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang 'yon, kasama ko pa sana ang kapatid ko ngayon." Masyadong kumirot ang puso ko. Ngunit, hindi na ako umimik pa at patuloy na l
"Baby, don't cry, nandito lang naman si Mommy, hinding hindi ka pababayaan ng Mommy. Sorry baby, busy ang Dad, kaya wala siya rito now. I love baby." Hinalikan ko ang anak ko sa kanyang noo at pisngi. Pakiramdam ko talaga na gawa ko na rin ito sa iba noon pa."Baby, matulog na ahh, kailangan nang magpahinga nang maaga ang baby, para madaling tumangkad at palaging healthy." Saad ko pa sabay halik sa noo niya ulit.Mabuti na nga lang at madaling tumahan ang anak ko ngayon. Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Ang bait bait niya talagang tingnan.Habang lumilipas ang segundo, minuto, at oras. Tila'y may kung anong takot ang bumabagabag sa damdamin ko. Habang tumatagal parang mas lalong bumibigat. Pakiramdam ko, may darating na kung ano o kung sino. Subalit, hindi ko ito matukoy. Nakakaramdam ako nang takot, kaba at kung ano ano pang nagiging dahilan ng pagkabahala ko. Mahirap intindihin kaya mahirap din itong sabihin. Maya-maya pa, biglang tumunog ang pintuan, dahilan na bigla rin ak