Share

Chapter 5

Author: Trexgedy
last update Last Updated: 2021-10-07 08:13:08

Sa apat na araw na pamamalagi ko sa tabi ni Olfor, ang puno na nagturo sa akin ng pamumuhay sa labas ng ang aking kinagisnang lugar ay napakadami na akong natutunan. Hindi pa la madaling mamuhay ng mag-isa kaya siguro ganito na lamang ang pagtutol ni tanda sa akin na umalis at mag-aral. Ayon din kay Olfor mas lalong marami kang nalalaman mas malaki ang tiyansang mapahamak ka. Kung hindi matibay ang pananalig mo sa iyong sarili mas makabubuting wala kang kaibiganin kapag na sa loob ka na ng paaralan.

Na alimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Olfor.

"Pillow, gumising ka! Kailangan mong maalis ngayon din!"

Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis akong dumaosdos sa kaniyang mga sanga. Kaya ko nang bumaba ng walang kahirap-hirap dahil sa ilang araw na pagtuturo niya sa akin.

"Anong problema, Olfor?" tanong ko sa kaniya na papungas-pungas pa.

"Ang mga kalahok sa Rolean Blood plus ay naghahanap ng maaari nilang maging alipin para sa gaganaping patimpalak. Hindi ka nila maaaring makita sa'king tabi. Magmadali ka't umalis na."

Pumulupot ang ilang baging sa aking katawan at ininangat ako nito sa himpapawid. Sa pamamagitan ng baging ni Olfor ay nakatawid ako sa kabilang ibayo ng lawa.

"Ngayon ang magandang panahon upang harapin mo ang ang iyong kapalaran. Nawa'y ang kabutihan ang manaig sa puso, Pillow," ani niya habang nakangiti.

Bumitaw ang baging sa aking baywang. "Hanggang sa muli nating pagkikita, hija," dagdag pa nito bago maging isang normal na puno na lamang.

Nais kong maluha sa tinuran niya hindi ko gusto ang pamamaalam nito. .Takbo't lakad ang ginawa ko hanggang sa mabundol ako sa isang matiponong katawanan. Aatakihin ko sana ngunit may pulang piring ito sa kaniyang mga mata. Bulag ba siya? Bakit na sa gitna ito ng gubat?

"Naliligaw ka ba?" tanong ko sa kaniya at mabilis siyang hinila sa likod ng isang malaking puno. Rinig ko ang paglagaslas ng mga dahon ilang milya mula sa kinaroroonan namin. May mga papalapit na mga yabag akong naririnig sa paligid.

"Ikaw marahil ang naliligaw bini-" Tinakpan ko ang bibig nito ng may mga nakapulang roba akong naaninag mula sa pangatlong puno.

"Nakita niyo ba si pinuno?"

"Hindi, marahil ay nagliwaliw na naman ito sa kungbsaan," segunda pa ng isa.

"Halika na at baka mahuli tayo sa pangalawang siklo," turan pa ng isa.

Nang makaalis ang mga ito ay agad niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. Umismid ito sa akin at marahas na hinigit ang palapulsuhan ko.

"Kapangahasan ang nagawa mong ito, babae."

Tinapakan ko ang paa niya na naging dahilan upang mabitawan niya ako. Malakas siya para sa katulad niyang bulag.

"Ikaw, ha! Dapat pasasalamat ang lalabas d'yan sa bibig mo. At huwag kang umasta na tila'y kaya mong labanan ang tatlong nilalang na iyon," ani ko at binawi ang aking kamay.

Maglalakad na sana ako palayo ng magsalita ito.

"Sa Rolean ba ang tungo mo? May marka ka bilang bagong mag-aaral. Ang pag-iisa sa gitna ng patimpalak ay lubhang mapanganib sa'yo binibini."

"Paano mo nalaman? Paano mo-"

Hindi ko na nagawa pang ituloy ang mga sasabihin ko dahil biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ng maiinit na daliri na humigit sa katawan ko. Sa isang iglap ay na sa harap na kami ng malawak na katubigan, pinagsikalop nito ang aming mga palad at ang isang kamay niya ay lumapat sa aking mga mata. Naging malamig ang buong paligid habang ang mainit nitong hininga ay nadarama ko sa aking tainga. Ang pagtibok ng puso niya ay rinig na rinig ko. Ang mabibigat nitong paghinga at malakas na pagpitik ng kaniyang puso ay tila musikang naglalabas pasok sa aking tainga.

"Ready to enter the school of guardian?" tanong nito sa lengwaheng hindi ko tiyak kung ano.

Unti unti niyang inalis ang kaniyang kamay sa aking mata. Sa pagmulat ko ay tumambad sa aking ang madilim na paligid. Makapal ang habog na pumapalibot sa nag nining-ning na mala kastilyong paralan. May dalawang higanteng nakabantay sa kulay asul na tarangkahan. Napakaganda ng lugar na ito. May mga insektong nagsisiliparan.

"The guardian of the phropecy and guardian of hell," turan nitong muli.

Sinundan ko ang tinititigan niya. Siguro ay ang dalawang bantay sa tarangkahan ang tinutukoy nito. Nakatayo lamang ang mga ito at tila mga estatwa. Ang isa ay may gintong pakpak na nagbibigay ng liwanag sa paligid. Ang isa naman ay may kahel na buntot na pinalilibutan ng mumunting alitaptap.

"Hanggang dito na lamang ako. Ikaw na ang bahala sa susunod mong destinasyon," usal ng lalaking may piring.

Nawala ito na parang bula. Gusto kong sigawan ito na huwag akong iwan ngunit nagpakita siya sa malayo at umiling. Hinabol ko ang papalayo niyang bulto ngunit hindi ko na ito mahanap pa. Takot ang nangibabaw sa buo kong katawan. Kung gaano kaganda ang lugar na ito ganoon din ang takot na madarama mo dahil sa taglay nitong kariktan.

Ngayon ko lamang naramdaman ang lamig na bumabalot sa aking talampakan. Hindi ko magawang maaninag ang aking mga paa dahil sa habog na bumabalot sa lupa. Hindi ko tiyak kung lupa nga baa ang aking kinatatayuan, may malamig na likido kasing dumadampi sa aking paa.

"Maligayang pagdating."

Napatingala ako sa dalawang bantay na ngayon ay nakatitig na sa akin. Napaatras ako sa sobrang takot. Inilahad nila ang kanilang kamay sa akin na tila paanyaya..

"Ako si David, ang taga pagbantay ng propesiya. Ang pagpasok mo sa paaralang ito ay magdudulot ng malaking trahedya, sa isang pag-ibig na noon at magpakailan pa man ay ipinagbabawal maraming buhay ang makikitil dahil sa nakaraang hindi pa rin magawang bitawan. Ang propesiyang mayroon ka ay ikaw at ako lang ang naka-aalam. Huwag mong ipagsasabi upang hindi lumaganap ang kadiliman."

Matapos nitong magsalita ay naging isang bato na lamang ito. Para ba sa akin ang mga inilahad niya?

"Ako si Argus, ang taga bantay ng lagusan sa kailaliman ng lupa. Ang pagpasok mo sa paaralang ito ay magbubuhat ng panibagong gulo sa sanlibutan. Ang tama at mali ay hindi mo magpipilian. Kagustuhang makamit ang hustisya ang maghahatid sa iyo sa madugong labanan."

Halos mag si tayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa lamig at lakas ng boses nito. Katulad ni David ay naging isang bato na lamang din siya, nanginginig na napaupo ako. Nakakakilabot na lugar. Puro bato at hamog ang nakikita ko. Ang asul na paaralan ay mas lalong kuminang. Ang lamig. Binalot ako ng hamog at mula sa malayo ay natatanaw akong may paparating. Madilim ang pinagmulan nito kaya hindi ko maaninang kung ano iyon. Nahintakutan ako at hindi ko magawang gumalaw.

"Pillow! Na rito ba ang nag-ngangalang Pillow?" tanong ng isang maliit na himig. Umalingaw-ngaw ang boses nito sa kadiliman.

Hanggang sa papalapit na ito sa akin. Sa ka ko lamang napagtantong isang bangka pala iyon. Ang bangkero sa bangka ay tila limang taong gulang na bata. May mahaba itong tainga at kulay berdeng sumbrero.

"Grocha!" sigaw nito ng makita ako.

Napatalon ako sa takot. Nahampas ko ba ang tubig sa aking paanan dahil sa labis na pagkagulat. Tumalon ito sa tubig at sa isang kisap-mata ay naka-upo na ito sa tabi ko.

"May apat na minuto ka pa upang pag-isipan ang iyong desisyon," ani nito.

"Si-sino ka?" nauutal kong tanong.

"Grocha, ako si Grocha. Ako ang maghahatid sa'yo sa school of Guardian," wika niya na tila matagal na kaming magkakilala.

"Gro-grocha?"

"Grocha! Hindi Gro-grocha! Halika na at marami pang bagong mag-aaral akong susunduin!"

Sa isang pitik ng daliri niya ay naisakay niya na ako sa bangka. Hindi basta bastang nilalang si Grocha. Maykapangyarihan din siya kagaya ni Olfor. Batid ko iyon habang umaandar ang bangka. Namamanghang sumilip ako sa katubigan, may mha mumunting nilalang ang nabubuhay roon. Gumalaw ang regalo ni Olfor sa akin ng sandaling hawakan ko ang tubig.

"Saan mo nga pa la nakuha ang gintong dahon sa iyong kwintas?"

"Kay Olfor," mabilis kong sagot.

"Nabuhay muli si Olfor?" tanong nito na may bahid na takot.

"May sinabi ba siya sa'yo?" tanong nitong muli. Umiling na lamang ako dahil ayaw kong sagutin ang mga tanong niya.

"Nawa'y ma protektahan ka ng regalo ni Olfor sa iyong kapalaran," ani nito at tumigil sa pagsagwan.

"Hanggang dito na lamang ang pagsama ko sa iyo. Ikaw na ang bahala sa susunod mong destinasyon. Nawa'y ang kabutihan ang manaig sa puso mo Pillow," saad pa niya bago tuluyang magpaalam.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mario Cabatic
magandang kwunto.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Against The Rules   Chapter 19

    Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya."Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin."Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin."Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit

  • Against The Rules   Chapter 18

    Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid."Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun

  • Against The Rules   Chapter 17

    Habang na sa himpapawid kami'y hindi ko maiwasang mapasulyap at ilabas ang aking kamay sa may bintana upang hawakan ang mapuputing usok na tinatawag nilang ulap."Pillow, huwag mong inilalabas ang iyong kamay. Baka makita at maamoy ng hungry fish ang iyong aroma at salakayin tayo," saway ni Death sa akin."Hungry Fish?" tanong ko at ipinasok ang aking kamay sa isang maliit na lampara. Nilalamig ako dahil sa dulot na kakaibang enerhiya ng mga ulap sa aking balat."Hungry Fish, sila ang mga isinumpang sirena sa karagatan. Pinarusahan sila at ginawang taga bantay at taga linis ng kalangitan. Sila ang pumapawi sa mga bagyo't sama ng panahon. Ngunit ang iilan sa mga hungry fish ay matitigas ang mga ulo.""Sila pa mismo ang nagpapalakas ng buhawi't mga masasamang klima sa mundo ng mga tao," saad ni Dicky na kasalukuyang umiinom ng tsa-a."Kung gaanoon sila ang dapat sisihin sa mga buhay na nawawala dahil sa paghugupit ng masamang

  • Against The Rules   Chapter 16

    Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Napakabanayad ng musika, habang ako'y na natili lamang na nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Naaaliw na tinitigan ko ang bawat galaw nila. Pakiramdam ko ay sumasayaw na rin ang aking katawan sa pamamagitan lamang nang pagtitig ko sa kanilang masayang mukha. Huminga ako ng malalim at pinihit ang katawan sa kabilang direksyon. Ginagap ng aking mata kung na saan ang aking mga kasama. Ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw. Huminto ang tugtog gayoon din ang paggalaw ng mga tao. Nangyari na ito, bulong ng aking isipan. Nanigas ako sa gitna ng madilim na kapaligiran. Habang malamig na umiihip ang hangin sa aking gawi'y nakararamdam ako ng kakaibang saya. Dinadala ng hangin ang isang pamilyar na amoy na nunuot sa aking ilong. Alam ko kung kanino ito nang gagaling. Nagsipagtayo ang aking balahibo ng makaramdam ng mainit na bagay na lumapat sa aking leeh. "Hindi kita nagawang isayaw, binibini" bulong nito sa aking

  • Against The Rules   Chapter 15

    Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng may piring na mata. Ang bawat kabutihang maibibigay ng kahit na sino'y may kapalit at hindi dapat pagkatiwalaan.Kinakabahan man ay pagkatitiwalaa ko si Dicky. Babalikan ako nito. Kung hindi niya man ako babalikan ay hindi na ako magtitiwala."Mamili ka ng nais mong kasuotan, binibini."Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Kumabog ang aking dibdib dahil sa kaisipaang na rito ito upang gabayan ako."Nagkita tayong muli, binibi" ani niya na may ngiti sa labi. May pula pa rin itong piring sa mata.Hindi ko nagawang magsalita dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng malakas na kabog sa aking dibdib. Ang mga ngiti nitong kawangis ng ngiti ni Pawn Cyptus."Mr. Crushio ang nais kong isuot ng dilag na ito ay kawangis ng perlas na kasuotan," turan niya at tumalikod na. Dumaan ito sa may bintana. Bago ito tuluyang maka-alis ay sa wakas nagawa ko nang magsalita.

  • Against The Rules   Chapter 14

    Ito ang unang araw ng aking paglabas sa bahay pagamutan ng Gauzian. Nagulat si Dicky ng makitang mabilis na naghilom ang aking mga sugat at pilat. Sinuri pa nitong muli ang aking balat. "DIcky," malamig na wika ni Pawn na ikinaigtad niya. "Nagtataka-" "Halika na!" Nanatiling tikom ang bibig ni Kianna dahil sa presensya ni Dicky. Hindi sila nagkikibuan. Marami akong nakikitang mga interesanteng kagamitang sa bawat pamilihan. Ang sabi sa akin ni Kianna ay ililibot ako ngayon ni Pawn Cyptus sa pamilihan upang pag-usap ako ng mga makakakita. Tinanong ko si Kianna kung para saan, ang sagot naman nito'y malalaman ko rin daw sa tamang panahon. Hindi na lang ako nagtanong pa. Nag-ayos na lamang ako ng mga gamit ko na ibinigay ni Dicky. Magagamit ko raw ang mga ito sa sino mang magtatangka sa aking buhay. Sa ikatlong araw naman gaganapin ang pagsasanay. Kailangan kong makapasa upang malihis ang mainit na mga mata ng ibang Hood. Para rin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status