Umupo ito sa maliit na lamesa at inimuwestra ang nagbabagang lagusan sa lupa. May mga maliliit na butil ng baga ang sumasayaw sa hangin.
Napaatras ako dahil sa samu’t saring pakiramdam na namumutawi sa’king kaloob-looban.
“Way to hell ang tawag sa lagusang iyan. Kung magagawa mong makapasok sa loob ng hindi dumadaing ay papayagan kitang mag-aral sa paaralang iyon,” ani nito sa malamig na tinig.
Napalunok ako sa kaisipang tumatakbo sa’king utak. Gaano laya ito kainit? Kung magagawa ko bang makapasok, makalalabas pa ba ako?
Walang pag-aalinlangang hinakbang ko ang aking mga paa. Gusto kong humiyaw sa labis na init. Ngunit nilabanan na lamang ito dahil ayokong biguin ang kagustuhan kong makapasok sa paaralan.
Sa bawat paghakbang ng aking paa ay bumibigat ito. Tila nakatali ang aking mga binti sa napakabigat na bato. At mas lalong dumiin ang aking pagkakapikit ng humaplit sa’king likuran ang isang boltahe ng kuryente.
“Ahh!” hiyaw ko.
Malakas na ibinagsak ni Tanda ang baston na ikinauga ng lupa. Lumikha ito ng malalaking bitak.
“Magpapatuloy ka pa ba?” tanong niya.
Tumango ako at mariing ikinagat ang ibabang labi ko. Muli akong naglakad at biglang napahinto ng may matulis na bagay ang tumarak sa’king braso. Naghatid ito nang panlalamig sa’king katawan. Hindi ko magawang maigalaw ang aking mga paa at ganoon rin ang aking kamay.
“Konsentrasyon Pillow. Konsentrasyon ang tutulong sa iyo upang malagpasan ang init sa gitna ng lamig. Ang pagbalewala sa hagupit ng kidlat ang magpapatuloy sa iyo sa paglalakad.”
Nagtagis ang ngipin ko sa bawat paglapat ng boltahe ng kuryente sa’king likuran at binti. Tila anumang oras ay mawawalan na ako ng balanse. Ngunit hindi ako dapat sumuko! Kakayanin ko ito!“Isipin mo kung gaano ka kadesididong umalis sa poder ko. Isipin mo kung gaano mo kagustong maglakbay ng mag-isa.”
Ano nga ba ang gusto ko? Gusto ko nga bang iwanan si tanda? Gusto kong lumabas sa mundo ng ako lamang mag-isa.
“Ngayon, ihakbang mo ang kaliwang paa mo,” ani niya.
Sinubukan kong ihakbang ang kaliwang paa ko ngunit hindi ko magawa. Nawindang ako ng makitang nagyeyelo na pala ito habang ang kanang paa ko ay nagliliyab.
Kasabay n'on ay ang pagdidilim ng paligid.
“Willow, anak?” turan ng isang tinig at tumakbo sa kung saan.
Napalinga ako sa paligid. Nasa isang masukal na bahagi ako nang kagubatan. May nakapulang kimono ang tumatakbo papasok sa madilim na mabagi. Kusang gumalaw ang aking paa at tumakbo. Sinundan ko ito hanggang sa makarating sa isang makinang na kastilyo.
“Tanda? Nasaan ka?” ani ko habang nagpatuloy sa paglalakad.
Pumasok ang babae sa kastilyo na agad pinigilan ng mga kawal. Nanginig ako sa takot. Ang mga bangkaw ng kawal ay tumusok sa braso ng babae.
Hindi ito makikitaan ng sakit. Tuwid lang itong tumayo at sinakal ang isang guwardiya. Pinaslang nito ang bawat madadaanan niya. Hindi ko magawang makagalaw. Pinagmasdan ko lamang siyang patayin ang lahat.
Nang masigurong wala nang hahadlang sa dadaanan niya ay pumasok ito sa gintong pinto. Kusa na namang humakbang ang aking paa at sinundan siya.
Nakikipagtalo ito sa isang babaeng nakaputi. Bukod tangi ang kagandahan ng dalawa. Pilit kinukuha ng nakapulang kimono ang batang babaeng may kahel na buhok. Pilit siyang itinatago ng babaeng nakaputi sa likuran nito.
Kasabay nang pagbagsak ng mga bulalakaw ang paglabas ng lalaking may metal na kasuotan. Natigilan ang nakapulang kimono at mistulanh nanigas sa kinatatayuan niya. Itinutok ng ginoo ang sandatan nito sa babae.
Hindi nanlaban ang ginang bagkus ay dumaloy ang mga luha nito. Hindi makikitaan ng anumang takot ang ginang kanina habang nakikipagsagupaan sa mga kawal. Ngunit sa sandaling maglapat ang tingin nila ng ginoo ay tila isang batang naligaw.
“Pillow! Gumising ka! Gumising ka!” sigaw ni tanda.
Napakurap-kurap ako at agad na nangamba ng maramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan.
“Tu..tubig!” namamaos kong hiyaw.
Sabik na sabik akong mapatakan ng malamig na tubig. Para akong nasa gitna ng disyerto. Napakainit, nakatutuyo ng sistema.
Imbes na bigyan ng tubig mga matatalim na tingin ang inihandog ni tanda sa'kin.
“Anong nakita mo!?” tila isang napakalas na kulog ang tinig nito. Bahagya pang umuga ang lupa.
Hinawakan ni tanda ang aking braso at tila papel na ihinihagis sa pader. Malakas akong napadaing ng lumapat ang aking likuran sa matigas na bato.
“Immm!” impit kong hiyaw.
Tumulo ang mainit na pulang likido sa aking noo. Tila umusli ang aking mga buto sa likod. Pinilit konh iminulat ang aking talukap nagsasarado dahil sa sakit.
Isang kristal na nilalang ang nasa harapan ni tanda ngayon. Ang asul at puting usok ang bumuo sa kaanyuan nito. Dumagdag sa pagkinang niya ang maliliit na bagang bumabalot sa kaniyang likod.
“Hindi niya maaaring matunghayan ang lahat!” sigaw ni tanda.
Inaasahan kong magtatalo ang dalawa ngunit prenteng umupo lamang ang nilalang na iyon sa lagusan. Tila hindi niya alintana ang galit sa bumabalot kay tanda.
“Isang kapangahasan ang labagin ang sariling patakaran pangino—”
“Ititikom mo ang iyong bibig o sisirain ko ang lagusang iyan?!” pagputol ni tanda sa sasabihin nito.
Agad namang bumaling ang ulo ng kausap niya sa’kin. Nahintakutan ako sa lamig ng boses ni tanda. Mas nadarama ko pa ang nangangalit niyang tinig kay sa sa’king na nanakit kong katawan.
“Hanggang kailan mo siya pro-protektahan? Kailangan ka rin sa sarili mong mundo kamahalan,” ani ng nilalang sa harapan ni tanda.
Lumingon sa’king direskyon si tanda. “Hanggang sa kaya na niyang protektahan ang sarili niya.”
Tumayo ang kausap niya at akmang lalapit sa’kin nang humarang ang baston ni tanda sa kaniyang dibdib. Napataas ang kamay nito at tumigil.
Sa isang iglap unti-unting nagbabago ang anyo niya. Naging isang napakagandang lalaki ito. Ang katawan nito ay puno ng maningning na bato na naglalaro sa kaniyang kasuotan. Pilit kong inaaninag ang mukha nito ngunit hindi ko magawa. Dahil na rin siguro sa panghihina kung kaya’t nanlalabo ang aking paningin.
“Tama na ang ilusyon, Pien. Makababalik ka na sa loob. Salamat sa paghatid sa kaniya pabalik,” ani ni tanda.
Napakamot sa ulo ang binata at mabilis na lumukso sa lagusan. Kinurap ko ang aking mabibigat na talukap dahil sa walang kahirap-hirap nitong pagpasok sa loob.
Paano niyang nagawa iyon ng hindi nahihirapan? Halos ikamatay ko paglapit sa lagusang iyon samantalang ang binatang kausap ni tanda ay normal lamang na lumukso sa loob n’on.
Sa lalim ng aking pag-iisip, hindi ko naramdamang nasa harapan ko na si tanda. Napaangat ako nang tingin sa kaniya. Matiim lamang niyang akong tinitigan at inangat sa ere.
“Anong iniisip ng maliit mong utak?” tanong niya sa malalim na boses.
Nanghihinang ibinuka ko ang nanunuyo kong labi. Ba-bakit wala akong boses? Napakahapdi ng aking lalamuna na halos ikapilit ko.
“Nanunuyo ang lalamunan at labi mo dahil sa paglamon ng ilusyon sa iyo. Mabuti na lamang at agad kang nakuha ni Pien sa kalagitnaan ng iyong pagdedeliryo.”
Parang papel niya akong iwinasiwas sa himpapawid. Inupo ako nito sa maliit na bangko at hinawi ang magulo kong buhok patungo sa gilid ng aking tainga.
“Alam kong nanghihina ka sa sandaling ito. Ngunit, ang pagsasanay ay nararapat na ituloy at hindi maaaring itigil sa sandaling na umpisahan.”
Hinampas, iwinasiwas, at halos patayin ako sa pagsasanay na ito. Ipagpapatuloy ko pa ba o ititigil ko na?
Nanlaki ang aking mata ng maliwanag ang palad ni tanda. Inilapat niya ito sa aking ulo. Sumisid sa aking kalamnan ang kakaibang pakiramdam. Ang bawat himaymay ng aking katawan ay tila naglalaban sa loob ng aking balat.
Tila pinapawi ng liwanag na ito ang bawat sakit at kirot na sumisikdo sa’king katawan. Tumikhim ako upang subukang malaman kung kaya ko na bang magsalita o kung may boses namamumutawi sa’king labi.
“Nakasalalay ang kinabukasan mo sa pagsasanay na ito.”
Ibinaba niya ang kaniyang palad at naglakad sa Way to hell. Napaawang ang aking labi nang makitang naghuhugas ito ng kubyertos sa lagusan. Inilapit ko ang aking ulo upang pagmasdang
mabuti ang ginagawa niya.
Sa pagkamangha ay agad akong napatayo. Inihakbang ko ang aking paa palapit sa direksyon niya. Gusto kong makompirma kung tama ba ang nakikita ko. May mga tubig ma tumatalamsik sa lagusan!
Nang makalapit ay agad kong itinampisaw ang aking daliri. Sa kasamaang palad ay hinampas ni tanda ang lagusan at napunta ang tubig sa’king mata. Napahiyaw ako sa labis na sakit. Tila binudburan ng sili ang aking mga mata!
“Ahhh! Tanda! Balak mo ba akong bulagin?!”Natatarantang iminulat ko ang aking mata. Mahabaging bathala! Wala akong makita! Napakadilim ng paligid! Napakasakit ng mata ko!
Pilit kong inaaninag ang aking mata. Wala akong makita!“Ta..tanda?”
Isang manipis na bagay ang tumarak sa’king braso. Nakalimutan ko naman na hindi pwedeng banggitin ang salitang tanda.
Hindi ito sumagot kaya mas lalo lamang akong natakot. Pilit akong naglakad at kinampay-kamypay ang aking mga kamay. Isang pukpok ang gumising sa natataranta kong diwa.
“Gising, Pillow! Ang mga mata mo ay nakapikit lamang! Dahil sa labis na pagkataranta ay pansamantalang hindi gumana ang bahagi ng iyong utak at hindi mo nagawang imulat pa ang iyong mata!”
Huminga ako ng ilang ulit bago kumalma ang aking isip. Napagtanto ko nga na ako’y nakapikit lamang. Sa pagmulat ng aking mata ang nakahaing masasarap na putahe ang agad kong natunghayan. Ulala! Naglaway ako sa pagkaing nakahain sa lamesa.
Ilang beses akong napalunok at hindi magawang iaalis ang paningin sa pagkain. Tiyak kong uunahin ay ang kulay gintong rolyo ng gulay. Binilang ko ang layo nito sa mula sa bawat pagitan ng bawat potaheng na sa plato.Ini-imagine ko ang bawat pagnguya ng aking ngipin sa bawat rolyo ng pagkain na sa lamesa.“Maupo ka at isaulo ang bawat posisyon ng pinggan. Memoryhahin mo ang nasa kaliwa’t kanang pagkain at ipasok mo sa iyong kokote ang mga pangala’t amoy ng mga ito.”Agad ko namang tinitigan ang mga ito.“Mula sa hugis, amoy, lasa at kung saan ito nakalagay ay memoryahin mo sa gitna ng madilim na espasyo ng lugar na ito,” tila isang hipnotismong ani ni tanda.Natutuwang pinasadahan ko nang tingin ang bawat plato. Sinunod ang sinaad ni tanda, minimeryo ang pwesto ng bawat isa. Sa panlasa ay sigurado naman akong agad ko itong malalaman.“Easy!” buong pagmamayabang kong wika.
Napatalon talon ako at parang may sariling buhay ang katawan kong sumasayaw ng mag-isa na walang musika. Hinawakan ko pa ang saya ng aking roba at nakangiting umikot ikot. Napawi ang ngiti sa'king labi ng mapagtanto na hindi na ako ang may kontrol sa katawan ko.“Munting binibini. Lapit, lumapit ka..” wika ng isang tinig sa may puno.Pilit kong pinipigil ang aking katawan ngunit ayaw nitong sumusunod sa'king kagustuhan. Natataranta na ako sa takot. Patuloy lang sa pag-ikot at pagsaliw sa hangin ang aking katawan. Hindi ko alam ang gagawin ko’t ang dapat kong isipin.“Konsentrasyon, Pillow..” mula sa kung saang tinig.Napawi ang aking takot ng mapag-sino ang boses na iyon. Agad akong pumikit at inisip kong anong gusto ko.“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..” paulit ulit kong us
Sa apat na araw na pamamalagi ko sa tabi ni Olfor, ang puno na nagturo sa akin ng pamumuhay sa labas ng ang aking kinagisnang lugar ay napakadami na akong natutunan. Hindi pa la madaling mamuhay ng mag-isa kaya siguro ganito na lamang ang pagtutol ni tanda sa akin na umalis at mag-aral. Ayon din kay Olfor mas lalong marami kang nalalaman mas malaki ang tiyansang mapahamak ka. Kung hindi matibay ang pananalig mo sa iyong sarili mas makabubuting wala kang kaibiganin kapag na sa loob ka na ng paaralan.Na alimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Olfor."Pillow, gumising ka! Kailangan mong maalis ngayon din!"Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis akong dumaosdos sa kaniyang mga sanga. Kaya ko nang bumaba ng walang kahirap-hirap dahil sa ilang araw na pagtuturo niya sa akin."Anong problema, Olfor?" tanong ko sa kaniya na papungas-pungas pa."Ang mga kalahok sa Rolean Blood plus ay naghahanap ng maaari nilang maging alipin para sa gaganaping
Iniwan na nga ako ni Grocha sa may pangpang. Sa gitna ng kadiliman ay lumiwanag ang ibinigay sa aking regalo ni Olfor. Ito ang nagbigay daan sa aking upang matagpuan ang isang maliit na daanan. Naglakad ako papasok sa makitid na halaman. Tinanaw ko muna sa malayuan ang asul na tarangkahan na kung saan si David at Argus ay na roon. Hindi ko lubos maisip na malayo pa rin ang lalakbayin ko bago marating ang paaralan."Lumapit ka upang tuluyang makapasok sa iyong paaralan," rinig kong turan ng kung sino.Sinuyod ko ang bawat sulok ng kadiliman upang mahanap ang tinig na iyon. Ngunit wala akong makita. Tinahak ko na lamang ang daan ng hindi lumilingon sa aking likod. Pakiramdam ko ay kanina pang may sumusunod sa akin. Ilang minuto pa ay narating ko na ang nagliliwanag na lagusan.Nag-aalangan man ay pumasok na lamang ako. Labis akong napasinghap ng magbago ang paligid. Napapikit-pikit pa ako dahil hindi ako makapaniwalang na sa loob na agad ako ng paaralan. Sa aking
Ang bawat pagsaguyod ng bangko sa sahig ay naghahatid ng panlalamig at pagtaas ng aking balahibo."Pawn, Cyptus," puno ng paggalang na wika nilang lahat.Wala akong ibang nagawa kung hindi ay bumangon na lamang. Hindi ko kaya ang matinis na tunig na paulit-ulit nilang ginagawa. Pakiramdam ko ay mahihiwalay ang mga ngipin ko sa aking gilagid. At ang presensya ng kanilang pinuno ay naghahatid ng kakaibang epekto sa aking katawan. Tila sinasambit ng malamig nitong himig na "tatayo ka o matutulog ka habang buhay."Inangat ko ang aking katawan sa pagkahihiga. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Kadiliman ang sumalubong sa aking balintataw. Hindi ko mapag-sino ang mga na sa paligid ko."Why we should choose you?" ani ng isang baritonong tinig.Hindi ko sigurado kung ano ang sinaad niya. Gayoong ang wika niyang gamit ay hindi ko tiyak. Sinubukan kong aninagin ang na sa paligid. Ang mga malalabong bulto nila sa kadiliman ay pilit kong kikitain hangga
Casspien's PovNapaka-sarap ng aking pagkaiidlip sa itaas ng malaking puno. Inunan ko aking magkabilang braso at mapayapang dinama ang hanging dumarampi sa aking balat."New target ng Cuensesa SBH ang newbie under sa Gauzian Hood. Wala raw itong katangian ng isang guardian. Nakapagtataka kung bakit ito napili ni Olfor upang magrepresenta para sa Golden Forest," puno ng inggit na wika ng isang babaeng kulot ang buhok.Napabuntong-hininga na lamang ako habang nag-uusap sila. Ang mga babae nga naman. Sila sila rin ang nag-iinggitan. Muli kong ipinikit ang aking mata at sinubukang ibalik ang sarili sa pagkahihimbing. Kaso naka-iirita ang mga bulungan nila. Dinaig pa ng matitinis nilang boses ang huni ng mga bubuyog."Well, I can't wait to saw her bloody body for this upcoming Blood Plus.""I think she wans't aware what's school she popped in, Lipton."Tumagilid ako ng higa dahil hindi ko na magawang bumalik sa pagkatutulog. Wala bang balak
"Sa pagbabalik ng pinuno niy ano na lamang ang sa sabihin niya? Anong mukha ang ihaharap ninyo sa kaniya?" "Huwag niyo siyang biguin. Huwag niyong sayangin ang mga pagsasakripisyo niya sa inyo." Nag si tahimik silang lahat, tanging paghikbi lamang ang madidinig sa buong paligid. "Na saan ang quick bomb?" tanong ko. Walang sumagot sa kanila at alam kong hindi rin nila tatangkaing sumagot sa akin. Dahil pagsagot sa akin habang galit ay parang pagtanggap sa nalalapit mong kamatayan. "Na saan?" paguulit ko. Nanatili silang tahimik kaya mas lalo akong nairita. Hinilot ko ang aking sentido at nanlilisik ang matang pinakatitigan sila. Akmang kwe-kwelyuhan ko ang pinakamalapit sa aking miyembro ng may papalapit na palaso akong naaninag. Mabilis ko itong iniwasan at ibinaling ang katawan sa likuran. Kasabay ng pagpihit ko ay ang pagdaing ng isang miyembro. "Pa..pawn," usal nito. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino an
Pillow's Pov Ang hirap ng buhay sa kabihasnan na hindi sakop ng inosenteng kaisipan. Ang maparito sa lugar na ito ay hindi nino man pangangarapin. Halos hindi ko magawang imulat ang aking bata. Tila may nakadagan na mabigat na bagay na siyang nagdududlot ng pagsasara nito. Ang mga braso't aking balikat koay namamanhid, gayoon rin ang aking puso, nawalan ito ng pakiramdam dahil sa nawasak na tiwala. Ang pagtitiwala sa sino man sa loob ng paaralang ito ay hindi magdudulot ng magandang resulta. Simula sa araw na ito walang sino man ang sa aki'y makapananakit pa. Mag mula sa oras na ito ang bawat pagpatak ng aking dugo'y katumbas ng libong kamatayan. Kung hindi ako mahina't kulang ang kaalaman siguro'y walang makapananakit sa akin. Walang sino man ang manghahamak sa katulad ko. Ang lahat ng embolbado sa sinapit kong pagdurusa'y triple ang aking ibabalik. Bawat pagluha, bawat pawis, at bawat dugo'y buhay ang ipapalit ko. Tatanawin kong ma