Iniwan na nga ako ni Grocha sa may pangpang. Sa gitna ng kadiliman ay lumiwanag ang ibinigay sa aking regalo ni Olfor. Ito ang nagbigay daan sa aking upang matagpuan ang isang maliit na daanan. Naglakad ako papasok sa makitid na halaman. Tinanaw ko muna sa malayuan ang asul na tarangkahan na kung saan si David at Argus ay na roon. Hindi ko lubos maisip na malayo pa rin ang lalakbayin ko bago marating ang paaralan.
"Lumapit ka upang tuluyang makapasok sa iyong paaralan," rinig kong turan ng kung sino.
Sinuyod ko ang bawat sulok ng kadiliman upang mahanap ang tinig na iyon. Ngunit wala akong makita. Tinahak ko na lamang ang daan ng hindi lumilingon sa aking likod. Pakiramdam ko ay kanina pang may sumusunod sa akin. Ilang minuto pa ay narating ko na ang nagliliwanag na lagusan.
Nag-aalangan man ay pumasok na lamang ako. Labis akong napasinghap ng magbago ang paligid. Napapikit-pikit pa ako dahil hindi ako makapaniwalang na sa loob na agad ako ng paaralan. Sa aking harapan ay may isang kahong kulay dugo.
Napalinga ako sa paligid. Ang mga mag-aaral sa lugar na ito ay nagkakagulo. Ang iilan ay duguan, ang iba ay wala nang buhay. Anong klaseng paaralan ito? Bakit tila sumasabak sila sa digmaan?
"Maligayang pagdating," usal ng isang babaeng kulay puti ang buhok.
Nakasuot ito ng asul na kawangis ng kalangitan sa gabi.
"Ito ang punyal na magsisilbing susi sa iyong unang pagsusulit," wika niya at ibinigay sa akin ang punyal.
Nang abutin ko ito ay tila may sarili itong buhay na hiniwa ang aking daliri. Napadaing ako sa labis na hapdi. Gusto kong bitawan ang punyal ngunit mas lalo lang humihigpit ang pagkakapit ko roon.
"Ang iyong dugo ang magsisilbing susi sa kahong iyan. Nakapaloob sa kahon ang lahat ng iyong lihim na maingat mong itatago. Ang dugo mo magiging selyo upang hindi malaman ng iba ang iyong kahinaan," dagdag pa niya.
Pinagmasdas ko ang ginang kung may bahid bang biro ang tinuran niya. Blangko lamang ang ekspresyon niya.
"Matuto kang protektahan ang sarili mo. Walang ibang gagawa noon kung hindi ikaw lamang."
Inalis niya ang pagkakabuhol ng laso at kinuha ang aking kamay na nagdurugo. Piniga niya ang dulo ng aking daliri upang ipatak ang aking dugo sa maliit na botilya sa gitna ng kahon.
"Kung hindi mo na sisiguro sa iyong sarili ang pagpasok sa paaralang ito ay dapat hindi mo nilisan ang mapayapa mong buhay," wika niya habang kinukumpas ang mga daliri sa aking kamay.
Tama nga si tanda. Kailangan kong mag-ingat dahil hindi basta basta ang paaralang papasukan ko.
"Paalala ko lamang sa iyo. Don't let anyone know your little secret's."
Nakangiti nitong kinuha ang magkabila kong kamay. Inilapat niya ito sa gilid ng kahon.
"AHHHHHHHHHH!" hiyaw ko ng may maliliit na matutulis na bagay ang tumusok sa mga palad ko.
"Welcome to Rolean Academy. Ngayon pa lang ay iwaglit mo na sa isip mo ang takot, Pillow," usal niya at diniinan ang pagkakahawak sa aking kamay.
Halos mapatid ang litid ko sa kasisigaw. Dama ko ang kakaibang pakiramdam sa kaloob-looban ko. Tila may gustong kumawala sa aking likuran. Parang may kung ano sa aking didbdib na gustong lumabas. Habang umiikot at naglalabas pasok ang matutulis na patalim sa palad ko ay nag-iinit ang buo kong katawan. Tila sinisilaban ako. Ang kahel kong buhok ay mas lalong tumitingkad.
"Anak ka nga niya," turan niya at inalis ng walang pag-imporma ang aking palad sa kahon.
Hinihingal na napaluhod ako sa lupa. Dumidilim ang paligid habang pilit kong kinakalma ang aking paghinga.
Mariin kong ikinagat ang aking ngipin sa pang ibaba kong labi. Nahihilo ako sa labis na pagsakit ng aking ulo. Kung umpisa pa lamang ito ng paghihirapan ko sa loob, tanda, sunduin mo na ako. Nalalasahan ko ang sarili kong dugo sa aking labi. Ngunit kahit papano ay naibsan nito ang hapding bumabalantay sa aking palad.
"Hush now, Pillow. Pansamantalang sakit lamang iyan," usal niya.
Hindi ko alam kung bakit matatalim ang titig na ipinukol ko sa kaniya. Tila may bumubulong sa akin na hanapin ang punyal at itarak din ito sa ginang.Pilit kong nilalabanan ang bawat bulong ng aking isipan. Hindiko kayang gawin iyon sa kahit na sino.
May mga ipinaliliwanag ito sa akin ngunit okyupado ang aking isipan ng mgamatitinis na bulong. Hanggang sa maramdaman kong pagpunit ng aking laman sa may palapulsuhan.
"Ito ang magiging proteksyon mo laban sa sumpa ng iyong ina," ani niya.
"A-anong ginagawa mo? Ba-bakit hi-hi-hindi ako makahinga!" sigaw ko sa kaniya na sinukilian lamang nito ng mapanuyang ngisi.
"Sleep now, Pillow!" wika nito sabay kumpas ng kaniyang daliri.
"Welcome to Rolean Academy, Pillow. Your first task was completed. Congratualtions!" turan niya na may malapad na ngisi. Unti-unting nanghina ang aking katawan hanggang sa lumabo ang aking paningin.
Pinilit kong patatagin ang nanlalambot kong tuhod ngunit bumibigat ang aking talukap. Kinurap-kurap ko ang akingmata upang manatiling dilat. Kinaway pa nito ang kaniyang kamay hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
"Wake her up, Tyler!" rinig kong wika sa kung saan.
Pinakinggan ko lamang ito. Mukhang may nagtatalo sa aking paligid. Hindi ko iminulat ang aking mata. Patuloy lang ako sa pakikinig ng pinag-uusapan nila.
Ayaw kong imulat ang aking mata dahil may posibilidad na isa na naman itong panibagong suliranin. Kailangan kong mag-ingat. Ayaw kong masurpresa na naman sa panibagong pakulo ng paaralang ito.
"She's a newbie! A wanabe! We should becareful!" usal pa ng isa sa wikang hindi ko batid.
Pinigilan ko ang sarili ko na lumikha ng kahit na anong ingay o galaw. Ultimo ang paghinga ko ay limitado.
Ang paaralang ito ay puno ng misteryo. Kailangan kong mag-ingat kong gusto kong makalabas ng buhay. Ang padalos dalos na desisyon ang maghahatid sa akin sa kapahamakan. Hindi na ako magtataka kung bakit pilit akong pinipigilang pumasok ni tanda sa paaralang ito. Ang pagpasok sa Rolean Academy ay katumbas ng kamatayan.
Ang buong katawan ko ay na nanakit. Pakiramdam ko ay buong araw akong binugbog. Kahit hindi ko naman pa la pigilang gumalaw ay hindi talaga ako makagagalaw. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang paglalabas masok ng manipis at matalim na karayom sa aking palad.
"Kio! Ikaw na ang gumising sa kaniya!" sigaw ng isang babae sa aking ulonan.
Dinig ko ang pag-ingos ng isang lalaki sa aking gilid. Nakapagtataka ang paglabas ng mga imahe sa aking balintataw habang nakapikit. Tila ipinakikita ng aking bisyon ang ginagawa ng na sa paligid ko.
Tinapik ako nito. "Hey!" usal nito. "What's her name again?"
"Pillow!" sabat naman nito.
Nawa'y lahat maalam sa pangalan. Tinapik nitong muli ang aking balikat. Gusto kong dumaing dahil sa pagsikdo ng sakit sa lakas ng pagtapik nito. Napaka bigat ng kamay niya. Dama ko rin ang bakal sa daliri nitong bahagya pang tumusok sa aking balat.
Nanatili lang akong tahimik at nagkunyareng natutulog. Kailangan kong maging matalino dahil baguhan pa lamang ako. Sa pagkatatanda ko ayon kay Olfor Blood Plus Contest ang isinasagawa ngayon. Kung hindi ako magiging alerto gagawin akong alipin ng mga makasasalamuha ko.
Batid ko rin ang walang habas na pagpatay ng mga estudyante dahil sa natatanging sikreto ng bawat isa. Iyon lamang ang tanging paraan upang magkaroon ng kapangyarihan ang mahihinang estudyante sa paralang ito. Ang pumatay ng kapwa mag-aaral ay ang daan upang makalahok sa malalakas na mag-aaral.
Kung iyon lamang ang tanging paraan upang mabuhay dito sa Rolean ay mas pipiliin kong kitilin ang sarili kong buhay.
Lumangitngit ang isang matinis na bagay sa paligid. May papalapit na yabag akong naririnig sa paligid.
"Get up! I'm not a saint little girl! So, get up before I'll make you prayed to all the saint that you knew!" malamig na turan nito.
Rinig ko ang pagsaguyod ng isang bagay sa sahig. Sabayan pa ng paglamig ng ihip ng hangin.
"Bring me that chair."
Ang pagsayad ng bangko sa sahig ay naghatid ng pangingilo ng aking ngipin. Parang sinasadyang ikiskis ang bagay na iyon upang mapabalikwas ako ng upo.
Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya."Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin."Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin."Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit
Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid."Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun
Habang na sa himpapawid kami'y hindi ko maiwasang mapasulyap at ilabas ang aking kamay sa may bintana upang hawakan ang mapuputing usok na tinatawag nilang ulap."Pillow, huwag mong inilalabas ang iyong kamay. Baka makita at maamoy ng hungry fish ang iyong aroma at salakayin tayo," saway ni Death sa akin."Hungry Fish?" tanong ko at ipinasok ang aking kamay sa isang maliit na lampara. Nilalamig ako dahil sa dulot na kakaibang enerhiya ng mga ulap sa aking balat."Hungry Fish, sila ang mga isinumpang sirena sa karagatan. Pinarusahan sila at ginawang taga bantay at taga linis ng kalangitan. Sila ang pumapawi sa mga bagyo't sama ng panahon. Ngunit ang iilan sa mga hungry fish ay matitigas ang mga ulo.""Sila pa mismo ang nagpapalakas ng buhawi't mga masasamang klima sa mundo ng mga tao," saad ni Dicky na kasalukuyang umiinom ng tsa-a."Kung gaanoon sila ang dapat sisihin sa mga buhay na nawawala dahil sa paghugupit ng masamang
Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Napakabanayad ng musika, habang ako'y na natili lamang na nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Naaaliw na tinitigan ko ang bawat galaw nila. Pakiramdam ko ay sumasayaw na rin ang aking katawan sa pamamagitan lamang nang pagtitig ko sa kanilang masayang mukha. Huminga ako ng malalim at pinihit ang katawan sa kabilang direksyon. Ginagap ng aking mata kung na saan ang aking mga kasama. Ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw. Huminto ang tugtog gayoon din ang paggalaw ng mga tao. Nangyari na ito, bulong ng aking isipan. Nanigas ako sa gitna ng madilim na kapaligiran. Habang malamig na umiihip ang hangin sa aking gawi'y nakararamdam ako ng kakaibang saya. Dinadala ng hangin ang isang pamilyar na amoy na nunuot sa aking ilong. Alam ko kung kanino ito nang gagaling. Nagsipagtayo ang aking balahibo ng makaramdam ng mainit na bagay na lumapat sa aking leeh. "Hindi kita nagawang isayaw, binibini" bulong nito sa aking
Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng may piring na mata. Ang bawat kabutihang maibibigay ng kahit na sino'y may kapalit at hindi dapat pagkatiwalaan.Kinakabahan man ay pagkatitiwalaa ko si Dicky. Babalikan ako nito. Kung hindi niya man ako babalikan ay hindi na ako magtitiwala."Mamili ka ng nais mong kasuotan, binibini."Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Kumabog ang aking dibdib dahil sa kaisipaang na rito ito upang gabayan ako."Nagkita tayong muli, binibi" ani niya na may ngiti sa labi. May pula pa rin itong piring sa mata.Hindi ko nagawang magsalita dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng malakas na kabog sa aking dibdib. Ang mga ngiti nitong kawangis ng ngiti ni Pawn Cyptus."Mr. Crushio ang nais kong isuot ng dilag na ito ay kawangis ng perlas na kasuotan," turan niya at tumalikod na. Dumaan ito sa may bintana. Bago ito tuluyang maka-alis ay sa wakas nagawa ko nang magsalita.
Ito ang unang araw ng aking paglabas sa bahay pagamutan ng Gauzian. Nagulat si Dicky ng makitang mabilis na naghilom ang aking mga sugat at pilat. Sinuri pa nitong muli ang aking balat. "DIcky," malamig na wika ni Pawn na ikinaigtad niya. "Nagtataka-" "Halika na!" Nanatiling tikom ang bibig ni Kianna dahil sa presensya ni Dicky. Hindi sila nagkikibuan. Marami akong nakikitang mga interesanteng kagamitang sa bawat pamilihan. Ang sabi sa akin ni Kianna ay ililibot ako ngayon ni Pawn Cyptus sa pamilihan upang pag-usap ako ng mga makakakita. Tinanong ko si Kianna kung para saan, ang sagot naman nito'y malalaman ko rin daw sa tamang panahon. Hindi na lang ako nagtanong pa. Nag-ayos na lamang ako ng mga gamit ko na ibinigay ni Dicky. Magagamit ko raw ang mga ito sa sino mang magtatangka sa aking buhay. Sa ikatlong araw naman gaganapin ang pagsasanay. Kailangan kong makapasa upang malihis ang mainit na mga mata ng ibang Hood. Para rin