Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya.
"Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.
Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.
Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.
Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin.
"Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit
“Rolean Academy!” a man with black cloak shouted. “No boring classes to attend!” sigaw nito at pilit na nilalapitan ang mga taong pilit naman siyang iniwasan. Napakurap ako ng magawi ang kaniyang tingi sa akin at ang bughaw nitong mata ay diretsyong ang tingin sa aking mata. Naglakad ito patungo sa ’kin. Napalunok ako habang dahan-dahang umihip ang hangin sa gawing kanan ko. Sumabog sa ere ang kahel kong buhok habang tinatangay ng hsngin ang mga hibla nito sa magkabilang panig ng aking katawan. “Wanna come? You are from mortal realm? Aren't you?” tanong pa nito. Tumango lang ako bilang tugon dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Inabot nito ang sa ‘kin ang isang gintong papel. “Here, your parents, guardian etc. They need to sign this if you are interested to enrolled.” Nakangiting wika nito at naglakad na palayo. Hindi ko man lang nagawang makapagsalita o naitanong man lang ang pangalan niya dahil bigla na lamang itong nagla
Umupo ito sa maliit na lamesa at inimuwestra ang nagbabagang lagusan sa lupa. May mga maliliit na butil ng baga ang sumasayaw sa hangin.Napaatras ako dahil sa samu’t saring pakiramdam na namumutawi sa’king kaloob-looban.“Way to hell ang tawag sa lagusang iyan. Kung magagawa mong makapasok sa loob ng hindi dumadaing ay papayagan kitang mag-aral sa paaralang iyon,” ani nito sa malamig na tinig.Napalunok ako sa kaisipang tumatakbo sa’king utak. Gaano laya ito kainit? Kung magagawa ko bang makapasok, makalalabas pa ba ako?Walang pag-aalinlangang hinakbang ko ang aking mga paa. Gusto kong humiyaw sa labis na init. Ngunit nilabanan na lamang ito dahil ayokong biguin ang kagustuhan kong makapasok sa paaralan.Sa bawat paghakbang ng aking paa ay bumibigat ito. Tila nakatali ang aking mga binti sa napakabigat na bato. At mas lalong dumiin ang aking pagkakapikit ng humaplit sa’king likuran ang isang boltahe ng ku
Ilang beses akong napalunok at hindi magawang iaalis ang paningin sa pagkain. Tiyak kong uunahin ay ang kulay gintong rolyo ng gulay. Binilang ko ang layo nito sa mula sa bawat pagitan ng bawat potaheng na sa plato.Ini-imagine ko ang bawat pagnguya ng aking ngipin sa bawat rolyo ng pagkain na sa lamesa.“Maupo ka at isaulo ang bawat posisyon ng pinggan. Memoryhahin mo ang nasa kaliwa’t kanang pagkain at ipasok mo sa iyong kokote ang mga pangala’t amoy ng mga ito.”Agad ko namang tinitigan ang mga ito.“Mula sa hugis, amoy, lasa at kung saan ito nakalagay ay memoryahin mo sa gitna ng madilim na espasyo ng lugar na ito,” tila isang hipnotismong ani ni tanda.Natutuwang pinasadahan ko nang tingin ang bawat plato. Sinunod ang sinaad ni tanda, minimeryo ang pwesto ng bawat isa. Sa panlasa ay sigurado naman akong agad ko itong malalaman.“Easy!” buong pagmamayabang kong wika.
Napatalon talon ako at parang may sariling buhay ang katawan kong sumasayaw ng mag-isa na walang musika. Hinawakan ko pa ang saya ng aking roba at nakangiting umikot ikot. Napawi ang ngiti sa'king labi ng mapagtanto na hindi na ako ang may kontrol sa katawan ko.“Munting binibini. Lapit, lumapit ka..” wika ng isang tinig sa may puno.Pilit kong pinipigil ang aking katawan ngunit ayaw nitong sumusunod sa'king kagustuhan. Natataranta na ako sa takot. Patuloy lang sa pag-ikot at pagsaliw sa hangin ang aking katawan. Hindi ko alam ang gagawin ko’t ang dapat kong isipin.“Konsentrasyon, Pillow..” mula sa kung saang tinig.Napawi ang aking takot ng mapag-sino ang boses na iyon. Agad akong pumikit at inisip kong anong gusto ko.“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..” paulit ulit kong us
Sa apat na araw na pamamalagi ko sa tabi ni Olfor, ang puno na nagturo sa akin ng pamumuhay sa labas ng ang aking kinagisnang lugar ay napakadami na akong natutunan. Hindi pa la madaling mamuhay ng mag-isa kaya siguro ganito na lamang ang pagtutol ni tanda sa akin na umalis at mag-aral. Ayon din kay Olfor mas lalong marami kang nalalaman mas malaki ang tiyansang mapahamak ka. Kung hindi matibay ang pananalig mo sa iyong sarili mas makabubuting wala kang kaibiganin kapag na sa loob ka na ng paaralan.Na alimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Olfor."Pillow, gumising ka! Kailangan mong maalis ngayon din!"Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis akong dumaosdos sa kaniyang mga sanga. Kaya ko nang bumaba ng walang kahirap-hirap dahil sa ilang araw na pagtuturo niya sa akin."Anong problema, Olfor?" tanong ko sa kaniya na papungas-pungas pa."Ang mga kalahok sa Rolean Blood plus ay naghahanap ng maaari nilang maging alipin para sa gaganaping
Iniwan na nga ako ni Grocha sa may pangpang. Sa gitna ng kadiliman ay lumiwanag ang ibinigay sa aking regalo ni Olfor. Ito ang nagbigay daan sa aking upang matagpuan ang isang maliit na daanan. Naglakad ako papasok sa makitid na halaman. Tinanaw ko muna sa malayuan ang asul na tarangkahan na kung saan si David at Argus ay na roon. Hindi ko lubos maisip na malayo pa rin ang lalakbayin ko bago marating ang paaralan."Lumapit ka upang tuluyang makapasok sa iyong paaralan," rinig kong turan ng kung sino.Sinuyod ko ang bawat sulok ng kadiliman upang mahanap ang tinig na iyon. Ngunit wala akong makita. Tinahak ko na lamang ang daan ng hindi lumilingon sa aking likod. Pakiramdam ko ay kanina pang may sumusunod sa akin. Ilang minuto pa ay narating ko na ang nagliliwanag na lagusan.Nag-aalangan man ay pumasok na lamang ako. Labis akong napasinghap ng magbago ang paligid. Napapikit-pikit pa ako dahil hindi ako makapaniwalang na sa loob na agad ako ng paaralan. Sa aking
Ang bawat pagsaguyod ng bangko sa sahig ay naghahatid ng panlalamig at pagtaas ng aking balahibo."Pawn, Cyptus," puno ng paggalang na wika nilang lahat.Wala akong ibang nagawa kung hindi ay bumangon na lamang. Hindi ko kaya ang matinis na tunig na paulit-ulit nilang ginagawa. Pakiramdam ko ay mahihiwalay ang mga ngipin ko sa aking gilagid. At ang presensya ng kanilang pinuno ay naghahatid ng kakaibang epekto sa aking katawan. Tila sinasambit ng malamig nitong himig na "tatayo ka o matutulog ka habang buhay."Inangat ko ang aking katawan sa pagkahihiga. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Kadiliman ang sumalubong sa aking balintataw. Hindi ko mapag-sino ang mga na sa paligid ko."Why we should choose you?" ani ng isang baritonong tinig.Hindi ko sigurado kung ano ang sinaad niya. Gayoong ang wika niyang gamit ay hindi ko tiyak. Sinubukan kong aninagin ang na sa paligid. Ang mga malalabong bulto nila sa kadiliman ay pilit kong kikitain hangga
Casspien's PovNapaka-sarap ng aking pagkaiidlip sa itaas ng malaking puno. Inunan ko aking magkabilang braso at mapayapang dinama ang hanging dumarampi sa aking balat."New target ng Cuensesa SBH ang newbie under sa Gauzian Hood. Wala raw itong katangian ng isang guardian. Nakapagtataka kung bakit ito napili ni Olfor upang magrepresenta para sa Golden Forest," puno ng inggit na wika ng isang babaeng kulot ang buhok.Napabuntong-hininga na lamang ako habang nag-uusap sila. Ang mga babae nga naman. Sila sila rin ang nag-iinggitan. Muli kong ipinikit ang aking mata at sinubukang ibalik ang sarili sa pagkahihimbing. Kaso naka-iirita ang mga bulungan nila. Dinaig pa ng matitinis nilang boses ang huni ng mga bubuyog."Well, I can't wait to saw her bloody body for this upcoming Blood Plus.""I think she wans't aware what's school she popped in, Lipton."Tumagilid ako ng higa dahil hindi ko na magawang bumalik sa pagkatutulog. Wala bang balak