MasukHirasaya stands out from everyone else in the land of ice because she doesn’t have a gift to control water-related magic. People around her hated her— but little did she know that it was because her existence threatened them. Through the help of her secretive family, a newly found friend, and a boy that came out of nowhere, can she unveil her identity or perhaps a hidden monster that hides within her? Especially when revealing her identity can be the key to the truth behind a world supposed to be gone?
Lihat lebih banyakHirasaya’s POVKanina pa hindi maalis-alis ang ngiti na namutawi sa ‘king labi. Kahit saan ko ilipat ang tingin ay mas nagniningning pa ang aking mata sa mga disenyo at attractions ng paligid. I’m still at Rozenhart, kaso para ring hindi dahil sa dami ng pagbabago. I’ve been experiencing these annual festivities for years but today is just… wow. Today is just especially different.Nakalambitin ang mga blue and white na bandiritas sa bawat parte ng lugar. There were iced statues taking the form of mythological creatures in Rozenhart which were scattered everywhere. Sa pinaka sentro ay malaking water fountain na mala-diyamante kung kuminang sa tuwing nasisikatan ng araw. Pero siyempre ay hindi mawawala ang mga post lamps na nakahilera na sa mga daanan. This will be the last day of the midnight sun, afterall. Pagkatapos nito ay ang pagbungad ng polar night which lasts for months.
Hirasaya’s POVNagmistulang tambayan ko na ang gilid ng bintana dito sa bahay. Pinagmamasdan ko lahat ng kaganapan sa labas at gaya kahapon ay abala pa rin sila sa pag-aayos para sa nalalapit na pagdiriwang. Mahahalata mo talaga ang excitement sa kanilang mga mukha, kabaliktaran ng akin na napupuno ng pangamba.Halos atakihin uli ako sa puso nang may mapadaan na miyembro ng organisasyon. Agad kong binitawan ang kurtina na siyang tanging nagkukubli sa ‘kin mula sa paningin ng mga nasa labas. Kanina pa naman ako nakaupo lang at walang ginagawa pero bakit ay parang daig ko pa yata ang mga nagtatrabaho sa labas sa lakas ng paghingal ko? Tumatagaktak na rin ang pawis ko.I clutched the piece of clothing that was on the part of my chest. Bumibilis uli ang tibok ng puso ko. Ito na nga ang nagsilbing musika ko rito sa bahay na napakatahimik.Pinikit ko ang mata b
Hirasaya’s POV“I didn’t expect the ice tower to be this… empty.”Patuloy lamang na lumilinga si Everess sa paligid habang kanina pa sinisipat ang bawat detalye na nakikita sa pader. Minsan ay lalaki ang mata niya sa excitement. Tapos bigla ring mapapalitan ng disappointment kapag hindi nagfit sa expectations niya ang view.“What kind of nonsense are this? Oh, look! This girl looks like you!” Nagawa pa niyang magbiro at tumawa nang pagkalakas-lakas, ‘e wala namang nakakatawa? The carvings of people on the wall doesn’t even have faces!Nakatanggap ako ng tapik sa likod mula kay Daire. He keeps on switching his eyes between Everess, me, and the only possible hiding spot in this place— under his bedroom. Kahit naman magtago siya ay para namang may gift ang isa sa ‘min na mag-alis ng memorya. 
Hirasaya’s POVAm I missing something?Nakatulala lang ako habang pinapanood ang ilan sa mga nakakatandang miyembro ng organisasyon na nakatayo sa labas ng pinto. Kasama nila sina Papa at Mama na nag-aalalang nakatingin sa ‘kin. Gaya ko ay wala ring kaalam-alam ang ilan sa mga mamamayan na nagawa nang iwanan ang kanilang responsibilidad sa pag-aayos ng nalalapit na annual feast. Nagkumpulan na sila upang makiusyoso sa kung anong ginagawa ng nakatataas na miyembro ng organisasyon sa bahay namin. Lalo na ngayon na ang annual feast talaga ang dapat na pagtuunan ng pansin.Mama locked me in a warm embrace. Siniyayat niya ang mga marka ng natuyong dugo na nabigo akong alisin sa caribou jacket.“Anong nangyayari?” Saka niya nagawang itanong matapos kumalas sa pagkakayakap sa ‘kin.Sumunod si Papa na papasok na sana kung &l






Ulasan-ulasan