Share

Pang-Lima

last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-12 10:24:46
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pula

 

 

HINDI ko na mabilang kung ilang araw at gabi ko nang nakakapiling ang mga matatayog na sanga at damong aking hinihigaan at inuupuan, mga basang lupa at putik na tila nagiging parte na ng aming mga hapong mga katawan. Nagiging bahagi kami ng mundong itong na nasa kasulok-sulukan ng kagubatan at sa nakalululang tuktok ng kabundukan ng Sierra Madre na minsan ng naging alamat sa mga kwento ng kakamanghang pagkilala rito. Isang mahabang kabundukang nilikha umano ng mga kakaibang elemento at pinamamahayan ito ng mga kakila-kilabot  na mga nilalang na siyang naghahari harian umano ng mahabang panahon at sa aming kaisipa'y sumasabit dito ang pagkamangha sa lugar na yaon. Naging panang-galang ang kabundukang ito laban sa mga delubyong bagyong sumusubok tahakin ang sentrong kapitolyo ng bansa kabilang na ang maynila, naging mapagpalang kamay na siyang nagliligtas ng buhay sa ganuong paraan, matikas at subok, hindi patitinag kaya kami narito ay hindi upang subukan ang anumang lamang lupang naninirahan dito o kanyang alamat kundi hanapin ang mga buto't lamang nagsusumiksik sa kanya upang takasan ang isang digmaang di nila kailanman kayang labanan ng harapan.

Balot ng hamog ang paligid ng gubat habang unti-unting sumisilip ang liwanag ng haring araw. Basang basa ako sa aking pagkakaupo matapos ang magdamagang pagbuhos ng ulan simula kagabi. Nagsisimula naring maging abala ang ilang tropa sa kanilang mga gawain, napansin ko mula sa punong kinauupuan ko ang isang gagambang humahabi ng kanyang sapot at minsan-minsang paginum sa ilang patak ng tubig na lumantay dito at ilang mga insektong nadagit na handa niyang gawing agahan ng mga oras na iyon, at ang pag gapang ng ilang mga hantik sa mga patay na sanga tungo sa di malamang daan.  Sikronismo ang galaw ng tropa, tila may sinusunod kaming hakbang, batid sa mga mukha ng tropa ang pagod ng ilang linggong paglalakbay sa gubat buhat ng ibaba kami mula sa himpapawid tapos ay naglayag sa pamamagitan ng gomang bangka at naglakad kami ng ilang di mabilang na kilometro, mga daang di nadadaanan ng tao, mga daang tila kami lang ang unang tumuklas at tila naging mga mananakop sa mga bakawang birhen na di kailanman nakapitan ng kahit anung buhay na gumambala sa kanila.

Lima lamang kami ng aking kasama ang pulis sa grupo, lahat sila ay nabibilang sa katihan ng bansa at mga kilalang mga mandirigmang Musang, tila hindi sila ang nakikibagay sa kagubatan kundi ang gubat mismo, o marahil sa puno sila at angkop ang kanilang mga kaalaman tanan ng matagal na karanasan sa pakikipaglaban at ang gubat na ito ang kanilang teatro. Pero naniniwala akong kami ay pantay-pantay at may kanya kanyang kakayahan sa iba't ibang bagay. Naghahanda kami sa isa pang paglalakbay, natapos magpulong ang aming pinuno at ibinalik ang hawak na mapa sa kanyang bulsa at sumenyas ito na simulan na muli ang paglalakad. Diko man nakikita ramdam ko sa aking pandigmang sapatos na ito ay babad sa basa, nakakaramdam narin ako ng hapdi at paltos mula rito pero di ito alintana upang magpatuloy. Wala kang maririnig sa gubat kundi ang mga huni ng ibat ibang mga ibon, kulisap at mismong hingal na lumalabas sa iyong baga, nagtitipon tipon lahat ito sa hangin at lumilikha ng kakaibang harmonya,  dito ako natutong hindi magsalita ng mahabang panahon, iniipon ang mga salitang naisasalin namin sa pamamagitan na lamang ng mga kumpas o senyas ng mga kamay at mga pangungusap sa aming mga katawan. Muli naming hinarap ang kapal ng gubat at ang mala- hiwagang bundok na ito. Ramdam ang bigat ng aking mga dala, at pag gapang ng mga pawis sa aking katawan, bigla ko naaalala ang panaginip ko nung isang gabi na ako daw ay tinamaan ng bala sa likod, ginising ako ng bangungot na iyon, bigla kong hinawakan ang aking riple at niyakap at muling ipinikit ang mga mata. Sa di kalayuan ay napansin ng aming lead scout na mayroong ilat ilang metro lamang ang layo nito at may bakas ng daang tao. Tanaw kong naguusap ang ilan naming kasama ng biglang may pumutok na mga baril mula sa itaas na bahagi tungo sa aming direksiyon.

"Kalaban sa harapan! “–sigaw ng aming pinuno.

Sinubsob ko ang aking ulo sa lupa at pinipilit itago ang katawan at isiksik dito. Hinanap ko kung saan nangagaling ang putok Nang matanaw ko ay nakita ko ang kislap ng kanilang baril, binabagbagan ang mga tropang nasa ibaba, napansin kong nasa delikadong posisyon kami, agad kong nilagyan ng bala ang aking M203 at itinutok sa itaas ng bigla akong pigilan ng isang tropa at sinabing baka tamaan ang tropang nasa aming harapan. May ilang balang dumaplis sa aking tabihan dahilan upang matalsikan ng putik at maliliit na bato ang aking mukha, nakita ko rin sa aking tabi ang isang musang na halos ibaon ang katawan sa lupa dahil sa sobrang sindak sa putukan, bigla kong naalala yung kanyang mga kwento na nakikipagsayawan daw siya sa mga bala sa gitna ng mga labanan sa mindanao, ibang-ibang sayaw ngayun ang kanyang inilalarawan sa aking nagulantang na mga mata.

Nang makapuwesto na ang tropa ay inutusan kami ng aming pinuno na gumanti ng putok, at nagsimula na kaming makipagpalitan at gumanti, masasabi mong nakakatakot at nakakabinging salubong na bagbag ng mga bala ang umalingawngaw sa gitna ng gubat na yaon. Sunod-sunod na dagundong at pagsabog ang aming iginanti sa kanila, tila ito ang sinasabing sumpa ng panginoon ng digmaan na si Ares, kung saan nakakakilabot at nakakabinging ingay ng mga walang pag-asa at tunay na nagwawasak ng anumang buhay na madadaanan nito. Kasabay nito ang panaka-nakang hiyaw at pakiusap sa kabila ng kanilang pagsuko, mga tinig halos ng kababaihan kaya nung kami ay huminto sa putok ay dahan-dahan kaming gumapang paakyat sa kanilang posisyon, dipa nakakalapit ang tropa ay narinig namin ang mabibilis na kalampag ng mga taong nagsisitakbuhan sa ilog at pawang mga kababaihan at kung saan ay hinayaan na lamang nang tropa. Tinanaw ko ang pangyayaring iyon, at nakita kong sumubsob ang isang babaeng amazona na walang damit pang itaas, at napahinto saglit ng ako ay kanyang makita. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sobrang takot at panginginig ng kanyang katawan, nasa pagitan siya ng edad disi sais pataas, maiitim ang mga babang mata at may kapayatan, nakatingin lamang ito sakin ng may takot, at may sandaling tumitingin sa aking riple, isinenyas ko ito at agad siyang kumilos at muling tumakbong papalayo. Nasaksihan ko kung paano ang isang gaya niya ay tumatakbo ng balot ng takot sa kanyang pagkatao, tagos at yakap pati ang kanyang kaluluwa kung saan halos di maikilos ang mga tuhod at napapsubsob na parang nanakawan ng katinuan matakasan lang ang lugar na iyon. Nalungkot ako para sa kanyang hinaharap, nalungkot ako para sa kanyang mga magulang na labis na nag aalala at malaman ang kinahantungan ng kanilang anak na namumuhay na mas mahirap pa sa mga unggoy. Hindi ako natinag tingnan ang kanyang paglayo, naramdaman ko ang galit sa kanya ng samahang inaniban, na siyang gumagamit sa kanila para sa isang huwad na pinaglalaban, mga paniniwalang ibinabalot sa isang katotohanang dinadaan sa pagmamalabis at lumikha ng mga pangyayaring hindi umaangkop sa dapat managot sa mga ilang kamalian na nangyayari sa bansa at itinutuon sa pamahalaan ang lahat ng sisi upang ito ay ibagsak at ipasok ang kanilang paniniwala at mamuno rito.

Tinawag ako ng aking kasama upang simulan ang  paghahalugad ng mga mahahalagang dokumento at tumambad samin ang sari-saring mga babasahing laban sa gobyerno, mga gwadernong sekretong mga plano, mga ilang parapernalyang may kinalaman sa mga kandidatong pilitiko, mga alintuntunin ng samahan at mga aral ukol skomunismo at digmang bayan, ilang mga armas, damit, gamot at watawat. Tinipon tipon namin ang mga ito upang pag-aralan at gawing mga ebidensiya sa sentrong opisina, at sinunog ang ilang mga bagay upang dina mapakinabangan.

Nakatindig ako habang tinatanaw ang apoy na siyang nagwawasak ng mga ito, nakatingala ako hanggang langit kung saan tungo ang usok at iniisip kung hanggang kailan paba matatapos ang habulan na parang mga daga't pusang nagaalimpuyo sa isang malawak na kahon na puno ng mga balakid na yumayakap sa lipunan at politka ng bansa. Para bagang, may pagkakataong nagkakasalubong na ang Pusa at Daga pero wala itong gagawin at kinabukasan ay kapwa makikipagbuno sa dahil gusto ng isa o ng di inaasahang desisyon na kaya dapat may gawin ang bawat isa. Nakapanglulumong isipin at pagmasdan ang mga tulad nilang isinasakripisyo ang buhay para sa partido samantalang ang kanilang mga pinuno ay nananalasa sa luho at sinasangkapan ang kanilang pagiging kabataan at kahirapan upang makakalap ng mga pondo para sa isang pekeng rebolusyon.

Nakakapagod samin pero alam kong mas nakakapagod sa mga taong ito na lumalampuyos sa hirap ng gubat para sa paniniwalang rebolusyon na inaakala nilang aahon sa kanila sa buhay. Inaasa ko na lamang na sa bawat hirap at pagdurusa nila dito sa nakakamanghang kabundukan ng mga pinaniniwalaang mundo ng mga ibat ibang elemento ay magawa nilang magmuni-muni, habang nakatingin sa liwanag ng buwan, sa bawat pagkislap ng mga bituin, sa bawat buhos ng mga ulan, sa bawat sinag na pumapaso sa kanilang balat at higit sa lahat ay sa mga alaala ng kanilang mga mahal sa buhay na kanilang tinalikuran sa ngalan ng baluktod na idelohiyang kanilang ipinaglalaban.

Ako ang huling kumilos upang umalis sa lugar na yaon, sa huling pagkakataon ay muli akong lumingon, sa nasusunog pang mga materyales, habang hawak ko ang maliit na watawat na pula, inihagis ko ito sa isang parteng nasusunog at tumindig sa huling pagkakataon.

"Naway, ang mga kabataang iyon ay maging tunay na kapaki- pakinabang sa hinaharap at hindi kailanman magiging alamat na lamang o maging bahagi nito tulad ng malawak at nakamamanghang kabundukan ng Sierra Madre."

Tumalikod ako at nagpatuloy sundan ang linya ng tropa papalayo sa lugar na kailanman ay magiging kasaysayan na lamang at alaala.

 

Wakas.

 

Base sa mga totoong kaganapan.

Pcpl. Dranrebb Banac

PNP Regional Mobile Force Battalion.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Agam ng Kahapon   About the Author

    About the AuthorIpinanganak siya noong Hunyo 18, 1983, nagkamuwang sa magulo at abalang lungsod ng Maynila. Nakapag-aral ng Elementarya at Hayskul sa Sta. Mesa sa Maynila. Taong 2000 ay nanirahan sa lalawigan ng Kabite. Nagtapos sa kursong Kriminolohiya at naging lisensiyadong Kriminologo, sa kasalukuyan ay may masayang pamilya, kapiling ang butihing may bahay at tatlong mga mabubuting mga anak. Naninirahan sa lungsod ng Dasmarinas. Nagsisilbi bilang isang Public Servant sa papel na tagapagpatupad ng batas. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang lipon o koleksiyon ng mga tula at ito ang una sa dalawa niyang librong inilathala. Patuloy na magsusulat at ipakilala pa ang mga kuwento ng nakakarami sa pamamagitan ng malayang pagsusulat.Facebook Page: https://www.facebook.com/Manunudla-Blog-106343067862828/Wattpad: @manunudla

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-pito

    Dagdag na kuwentoSERYE(Bonus Story)UMAGA ng sabado ay may natuklasan na namang bangkay ng tao sa di gaanong kalayuan mula sa amin, agad akong bumangon at tinawagan ang aking kaibigan na si Tonton upang mapuntahan namin ang nasabing bangkay. Pagdating namin doon ay pungkulan ang mga taong nakikiusyoso, naroon na ang mga taong barangay at mga pulis upang mag imbestiga.Tanaw namin ni Tonton mula sa aming pwesto ang nasabing patay, nakabuka ang dibdib nito at wala ang mismong puso. Nakaraang linggo lang ay may natagpuan ding bangkay sa kabilang barangay kung saan ito naman ay nakabigti sa puno ng niyog ni Mang Teban, pang walo na ang taong ito sa mga natatagpuang patay sa aming bayan.Ayon sa mga bali-balita ay sangkot daw sa ilegal na droga kaya pinatay, pero malabo ito dahil isa sa mga natagpuan ay isang pastor na kaibigang matalik pa man ng aking magul

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-anim

    Mabuting PusoQuirino Province.Mataas ang puno ng isang prutas at maliliit ang mga sanga nang akyatin ito ng isang bata habang ang kanyang mga kasamahan ay nasa ibaba nito at naghihintay sa mga prutas na ibabato pagkapitas, nabali ang isang manipis na sanga ng maapakan niya ito, nahulog ang ilang prutas at dahilan upang siya ay mapalambitin. Mabilis umakyat si John at iniligtas ang kaibigan. Magiging sundalo daw si John paglaki nito dahil sa ito ay matapang at malakas, tukso ng mga kaibigan niya habang sila ay sabay-sabay na kumakain ng mga prutas at nagtatawanan patungo sa kanilang mga tahanan.Sittio Luuk Pandan, Bongao, Tawi-Tawi.12:30 AM of September 17,2019.(Buddy's Recall)Ramdam ko ang lamig ng gabi, mapapansin ang ilang mga kulisap na nagsasayawan sa ilaw ng posteng nakatirik sa loob ng aming kampo, sa ibaba nito ay a

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-lima

    BayrusNagsimula ang lahat ng makaramdam ako ng pangangati sa aking lalamunan at mawalan ako ng panlasa sa aking mga kinakain, nasundan ito ng pagtaas ng aking temperatura pagkalipas ng ilang araw at nang sumailalim ako sa isang pagsusuri nang pagpahid sa aking lalamunan at looban ng gilagid mula sa ilong, ilang araw ay nagpositibo ako sa isang nakamamatay na sakit mula sa isang uri ng BAYRUS.Naalimpungatan ako at ramdam ang hirap ng aking paghinga habang nakakabit sa aking bibig ang isang suwero, nakikita ko bahagya ang hamog na nililikha ng hangin mula rito na bumubuo sa harapan ng aking mga mata. Ramdam ko sa aking katawan ang sakit at kirot na madalas kong idaing, maging ang aking ubong tila walang katapusan. Habang sumasabay pa ang init ng aking katawan gawa ng lagnat. Inikot ko ang aking paningin, natanaw ko sa 'di kalayuan ang i

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-apat

    Sandali Sa Iba Pang Mga SandaliMAGDIDILIM na nang siya'y makabalik sa kanilang tahanan, sumasabog sa kalangitan ang kahel na siyang tuluyang sumasakop sa patulog nang liwanag nang araw na iyon. Katulad ng dati, tahimik niyang binuksan ang kinakalawang na tarangkahan. Sa sobrang kalumaan nito ay di maiwasang makalikha ng ingay habang binubuksan, ngunit maingat pa rin niyang ginalaw ito at isinara pagkatapos. Sa loob ng kanilang tambalan mapapansin ang napag-iwanang garahe, nagtatayugang mga ligaw na damo at halata ang kalumaan ng bahay, tinatawag ito ng mga taga-roon na bahay ng kastila.Madalas din maging tampulan ng mga kwentong kahindik-hindik ukol sa mga pinamamhayan ng mga lamang lupa't mga kaluluwang namamahay dito. Gawa sa mga kahoy na bintana at butas-butas na kisame, mga inaamag na haligi at nagkakalumot na mga sahig at semen

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-tatlo

    Mga Bakas Mula Sa Kanyang Mga BisigBinubuhay ng aking gunita ang isang sandali na naghahabulan kami ng aking kapatid na babae sa paligid ni Ama at Ina habang sila ay nag-uusap, mapapansin doon ang malungkot na kaganapan. Sa paglalaro ay pinilit kong magtago sa mga bisig ni Ama upang di mahuli ng aking kapatid na babae, sa loob ng mga bisig na iyon nakita ko ang kabuuan ng larawan sa pagitan ng aking mga magulang, isang kabuuan ng paghihiwalay.HINDI ko lubos maunawaan pero alam kong kalungkutan iyon. Muli akong nilipad ng gunita ng hinabol ko si Ama habang palabas sa aming tahanan, nagmistulang tutang naghahabol at lumalaro sa isipan ko ang isang tanong, lumingon si ama at kinaskas ang aking ulohan at kinarga habang may binibigkas ng diko na matandaan kung ano, muli, ay nagpatuloy lumayo hanggang sa mawala ang kanyang pagkatao't imahe sa masikip n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status