Agam ng Kahapon

Agam ng Kahapon

By:  Ukiyoto Publishing  Completed
Language: English
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
18Chapters
3.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

Édition

Agam ng Kahapon Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

No Comments
18 Chapters

Una

                 Halumaling  PAWIS na pawis, tila nasa loob ako ng isang kubol na ‘di iniikutan ng kahit anong presensiya ng hangin, sumisiksik at pinipilit makisama sa kakayahan ng isang sisidlang limitado ang liwanag upang maaaninag nito ang kapaligiran at tila sabay-sabay umaangat ang hamog mula sa aming mga katawan. Lahat kaming apat na yaon ay nagkukumpulan sa sisidlan na iyon habang hawak ang isang palarang nakatupi nang pahaba at niluluto ang ilalim nito na siyang naglilikha ng puting usok sa ibabaw na tila diyamante para sa mga gaya kong hayok dito. Bawat isa sa amin ay nilalanghap ang bagay na yaon na parang mga biik kung humigop upang direktang ipasok ito sa mga utak namin na awang na at dapat nang lagyan ng krudo upang umandar ulit ang mundo. Tila, naghahapunan kami sa kawalan, pansamantalang gumagawa ng sariling mga teatro na kami ang siya
Read more

Pangalawa

                Haplos  NAUNA pang magsiga ng kahoy si Mila bago pa ang tilaok ng mga tandang sa kanilang kapitbahay. Lumulutang ang usok ng mga panggatong upang lutuin ang aalmusalin ng kanyang mga kapatid. Pagkatapos magluto ay agad niyang isinaladsad ang mga bulaklak ng sampaguita na kanyang ilalako sa simbahan mamaya, Sariwa ang mga ito at mamasa-masa pa ng tubig buhat nang dalhin ito ni Mang Rudio kaninang alas-dos ng madaling araw. Agad din niyang ginising ang dalawang maliliit na kapatid upang maligo at maghanda sa kanilang pagpasok. Dinala ni Mila ang yupi-yuping takore upang isalin sa timba nang mamatay ang lamig nito at tinulungang maligo ang bunsong pupungay-pungay pa habang ang isa'y nag-aayos ng kanilang almusal. Sabay-sabay silang nagbitaw ng panalangin at kumain.Tatlo na lamang silang magkakasama sa kanilang munting barong-barong, ang kanilang
Read more

Pangatlo

                Lahaw  TUMATAKBO siyang umuwi sa kanilang tahanan, mabilis pumasok sa kanyang silid at isinara ang pinto. Umupo sa sulok at nagtakip ng kanyang  tenga habang umaaligid ang maiitim na mga anyong bumubulong sa  kanya. “ Jayson, Jayson, mabaho! “Jayson ampon!Jayson tanga!Umiikot sa kanyang pandinig ang mga salitang ito mula sa mga itim na nilalang na nagsasayawan sa kanyang paligid. Nagtitimpi siyang pilit habang mariin na pinipikit ang mga mata at tinatakpan ang mga tainga upang  hindi ito makita’t makarinig. Ilang saglit pa’y naglaho na ang mga anyong yaon at muling tumahimik ang silid. Marahan niyang inalis ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga at dahan-dahang iminulat ang mga mata, pinagmasdan ang kapaligiran at muli siyang tumingin sa bintanang bukas gaya ng nakagawian, sumasabay sa tahimik na pagkakataon habang natulo
Read more

Pang-apat

               Babae  “Nahulog ako sa mga bulaklaking mga bigkas, mala-langit na pangako na hindi ko napansin sa huli ay inuuod na tangkay at nabubulok na petalya na  siya nang kumanlong sa akin habang buhay."HINDI na naman ako mapakali, ramdam ko ang takot sa aking katawan, nanginginig pa ako habang di alam ang gagawin. Nakatingin sa pintuan at balisa sa bawat tunog na naririnig ko. Kahit napakalakas na ng ikot ng bintilador, tagagtag ang aking pawis sa kung anong pwedeng mangyari pagdating niya. Ilang oras palang nakalilipas mula ng bagsakan niya ako ng telepono, pinagtatalunan namin ang aking pag-alis saglit upang mamalengke at inakusahang pinuntahan ko daw ang tindero ng karne na si Pareng Kudo na gusto ko daw talaga noon pa man. Buti at wala ang aking anak at nasa kanyang Lola dahil kung hindi ay masasaksihan niyang muli ang mga pangyayari. Napatingin ako
Read more

Pang-Lima

               Pula  HINDI ko na mabilang kung ilang araw at gabi ko nang nakakapiling ang mga matatayog na sanga at damong aking hinihigaan at inuupuan, mga basang lupa at putik na tila nagiging parte na ng aming mga hapong mga katawan. Nagiging bahagi kami ng mundong itong na nasa kasulok-sulukan ng kagubatan at sa nakalululang tuktok ng kabundukan ng Sierra Madre na minsan ng naging alamat sa mga kwento ng kakamanghang pagkilala rito. Isang mahabang kabundukang nilikha umano ng mga kakaibang elemento at pinamamahayan ito ng mga kakila-kilabot  na mga nilalang na siyang naghahari harian umano ng mahabang panahon at sa aming kaisipa'y sumasabit dito ang pagkamangha sa lugar na yaon. Naging panang-galang ang kabundukang ito laban sa mga delubyong bagyong sumusubok tahakin ang sentrong kapitolyo ng bansa kabilang na ang maynila, naging mapagpalang kamay na siyang
Read more

Pang-anim

                 Lilim Sa Dapit-Hapon  DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pinto, sumaglit ang katiting na liwanag mula sa labas at marahan ko itong inagapan at isinara habang tumitingin sa isang mahinang buhay na nakaratay sa kama ng karamdaman. Tahimik akong tumungo at nagmasid sa malungkot at madilim-dilim na silid, dinig ko ang panaka-nakang patak sa suwero at payapang hangin na kanyang inilalabas. Lanta na ang bulaklak sa mesa at ilang tuyot na prutas na nagmistulang altar at ilang piraso ng mga biskwit na nakahandusay sa paligid nito. Katabi nito ang ilang mga papel, resibo at mga kasulatang patungkol sa ahensiya ng gobyerno upang makangalap ng salaping pang-tustos sa kanyang kalagayan.Sa wakas at napagmasdan ko siya nang malapitan, nakapikit ang mga lubog na matang lumalarawan ng mahaba at napakatagal na digmaan na kanyang hinarap. Bakat ang kanyang
Read more

Pang-pito

                Ang Pinto  SA simula palang ay napapansin ko na ang kakaiba sa kanyang mga ikinikilos, mga katahimikan na lumilikha ng isang maingay na alingaw ngaw na bumabasag sa aking mga tengang nasasabik sa kanyang mga salita. Madalas sarado ang pintuan ng kanyang kwarto, hindi ko man lang narinig maski ang lagitgit nito. Ang dating masayahin at pala-ngiting anak ay napalitan ng mga salubong na kilay, at kadalasang kayamutan, nangyayari ito sa tuwing maghahanap kami ng sagot minsan sa mga kumustahan sa bahay habang nakukuha namin ang oras niya. Nakababang mga mata, at tipid na mga salita, tumitindig na parang isang pinuno sa kung anu man ay 'di naman alam.Masayahin siyang bata bago pa man mangyari ang lahat ng kaganapan, pinalaki namin siyang isang prinsesa, oo isang prinsesa, yakap ko siya nuon sa aking mga bisig habang inaawitan ng mga himig na sa ami
Read more

Pang-walo

                 Poseur Buyer  NATANAW ko siya sa di kalayuan. Naaninag ko ang imahe ng kanyang katauhan, imahe ng isang nilalang na pilit sumisiksik sa pugad ng mga aninong anghel. Ilang saglit pa ay iniabot na niya ang isang plastik na may puting butil na kinababaliwan ng mga tulad niya, hudyat iyon upang simulan ko nang gawin ang ipinagkatiwala sakin ng batas...ang supilin ang mga nalululong at nagpapakalat ng puting butil na ito. sinumulan kong takbuhin ang direksyon nila, tila isang langit at lupang distansiyang nagbibigay ng pagitan sa amin, sinumulan kong humiyaw at ipakita sa kanilang hilaw na pandinig na ako ay isang pulis.Sa pagkakataong iyon, nagsimula na rin siyang gambalain ng kanyang gising na gising na ulirat, ikinilos sa mabilis na paraan ang kanyang mga paa palayo at sinimulang alisin ang kanyang pagkatao sa kinaroroonan niya, nagmist
Read more

Pang-siyam

              Tikom Na Hiyaw  NANLILISIK ang mga mata, nagkikiskisan ang mga ngipin habang nakatitig sa kanyang kapatid, ilang saglit pa'y muli niya itong nilusob ng buong lakas, may kasamang nakakatakot na hiyaw at nakipagbuno siya, habang ang kanyang kapatid ay halos wala ng lakas sa kakasalag sa lahat ng kanyang pag atake. Sa di maunawaang dahilan ay di magawang mapigilan ang gaya niya ng kahit tatlong katao na dominado ng kalalakihan. Habang nakikipagbuno sa kapatid at habang hawak ng dalawang lalaking kapitbahay, makikita sa kanyang mga mata ang pagod at kawala sa kasalukuyang katinuan at napipilitang umayon sa galaw ng katawan na inuutos ng kanyang utak na gawin sa kadahilanan na nasa iba siyang mundo.Ganito ang imahe sa araw-araw na sitwasyon sa tuwing siya ay inaatake ng kanyang sumpong. Sabi nila, siya ay na-engkanto sa 'di malamang dahilan, maaring siya ay tumuk
Read more

Pang-sampu

                Hanggang Kailan  KAGAYA ng nakasanayan, nauna na akong magising bago ko pa marinig ang ilang katok mula sa aming pintuan, alas- dos na ng madaling araw iyon nang tingnan ko ang aming orasan, pinagbuksan ko ang aking mister na halatang pagod na pagod at puyat na puyat mula sa magdamagang operasyon. Tinanong niya agad ang mga bata at sinabi kong maayos naman sila at mahimbing ang mga tulog. Inalis niya ang kanyang suot na jacket at umupo sa sala, kumilos ako upang ipagtimpla siya ng kape at gaya ng nakasanayan, ayaw niyang kumain, sadyang pagod lang siya.. Habang nagtitimpla, tinanong ko muli siya,"Bakit sa kabila ng ginagawa niyo eh kayo pa rin ang mali at kinakasuhan hindi ba kayo na nga 'tong nanghuhuli ng mga kriminal pero kayo naman ang idinidiin?"Eto yung natuklasan kong napasama ang grupo nila sa mga kinasuhan ng kanilang mismong hin
Read more
DMCA.com Protection Status