Share

CHAPTER 6: Weak

DUMATING si Lauren sa tirahan ni Drew kasama ang apat na taong gulang na anak ilang minuto matapos umalis ng kanyang asawa para sa opisina. Si Lily ang nag-welcome sa kaibigan nito.

“Hi!” anito.

Bahagyang nabigla si Lily nang halikan siya ni Lauren sa pisngi bago ipakilala ang cute na bata.

“Anak namin ni Finn. Baby, kisss your Tita Lily.” 

Ngumuso ang batang lalaki at lumapit sa kanya. Muli, hindi pa naranasan ni Lily ang ganito. Kahit na 48-oras pa lang niyang nakilala si Lauren, naramdaman niya ang pagiging pamilyar at pagkakaibigan nito sa kanya.

“Narito kami para sunduin ka. By the way, how are you?” ani Lauren. 

“Ayos lang ako. P-pasok muna kayo,” aniya. Bahagya siyang naasiwa dahil hindi pa siya nakatanggap ng bisita sa buong buhay niya. Ano ang gagawin niya? Paano niya ie-entertain ang kaibigan ni Drew? 

‘Lily, dinalaw ka pa niya rito para siguruhin na ayos ka lang.’

“Tsk! Ayos ka lang ba rito?” Napangiwi ang babae nang mapuna ang mga gym equipment na halos sumakop sa kabuuan ng tirahan nila ni Drew. 

“Ayos lang ako. G-gusto mo ba ng kape or juice?” tanong ni Lily. 

Dahil wala pa siyang bisita sa buong buhay niya, bahagya siyang naasiwa. Wala siyang kaibigan. Paano niya haharapin si Lauren bilang host ng tahanan na iyon? Paano siya nakakasigurado na magiging komportable ang babae sa kanya? Pinatuloy niya ang mag-ina sa dining area. 

“Juice na lang.” 

Napansin niya na nagsimulang mangulit ang anak nito sa ilang gym equipment kaya siya napangiti.  

“Baby, behave, okay?” ani Lauren. 

“Yes, mommy!”  

Nagsalin siya ng inumin para sa dalawa niyang bisita. “Pasensiya na kayo sa mga gamit. Sa susunod na punta n’yo, sisiguruhin ko na maayos na itong bahay.” 

Napangiti ang babae. “Pasensiya na rin kung naabala ka namin. Ayokong magmukhang tsismosa or nangingialam sa buhay n’yong mag-asawa, gusto ko lang masiguro na maayos kayo ni Drew dahil hindi maganda ang naganap noong kasal n’yo. Bigla na lang kayong nawala sa pagtitipon.” 

Naisip niyang nag-aaalala lang ito sa kanyang lagay. “Ako nga dapat ang magpasensiya. Naglaan ka ng oras para kumustahin kami. I really appreciate it. Pero maayos naman ang pakikitungo niya sa ‘kin buong maghapon kahapon. Lumabas kami at namili ng ilang gamit sa silid ko.” 

“Silid mo?” Naulinigan niya ang katanungan kay Lauren.  

“Ah…” Napakamot si Lily sa kanyang leeg. Siguradong naguguluhan si Lauren kung bakit may tinutukoy siyang kwarto na tila iba sa silid ni Drew. “Binigyan niya ako ng oras para ihanda ang sarili ko.” 

“That's great to hear! Hindi mo siya magugustuhan kung hindi mo siya makikilala nang lubos. Drew is arrogant and conceited, but he's a nice guy; just be patient with him.” 

Hindi niya masabi sa babae na si Drew nga kung tutuusin ang may mahabang pasensiya sa kanilang dalawa. 

“You said before that he doesn't trust women,” ani Lily. May tiwala ba sa kanya si Drew? 

Muling napangiwi Lauren. “Hindi ko dapat sinabi ang tungkol doon… Hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga babae, pero niloko kasi siya noong huling naging girlfriend niya. Inakusahan niya ng rape si Drew para makahuthot ng pera.” 

Nanlaki ang mata niya. Bahagya siyang natakot lalo na nang marinig ang salitang ‘r*pe’. 

“It happened four years ago. Walang naniniwala na gagawin iyon ni Drew kaya wala kang dapat na ipag-alala. Para hindi malagay sa kahihiyan ang Pamilya Walton, pinatahimik na lang niya ang babaeng iyon sa pamamagitan ng pera. Ang hitad, halatang iyon talaga ang pakay niya. Matapos iyon, madalas na magkaroon ng isyu ang asawa mo na nakabuntis ng babae, sexual harassment sa opisina at kung ano pa. Because Drew had a bad reputation and was therefore an easy target, they were all aiming for him.” 

Bahagya siyang naawa sa lalaki. Iyon ba ang dahilan kaya mas ginugusto nito na umupa na lang ng babae kaysa ang makipagrelasyon?  

*** 

ALAS-SINGKO Y MEDYA pa lang ay naroon na si Lily sa ibaba ng tahanan ni Drew suot ang jogging pants at cotton shirt. Ngunit hindi niya inaasahan na mas maaga ang lalaki sa kanya.  

Napangiwi ito nang mapansin ang suot niya. Siguro ay dahil mukha siyang walang laman sa kanyang damit. Pinilit siya ni Lauren na bumili ng gym clothes para sa mga babae, ngunit nahihiya siya sa kanyang hubog na hindi nababagay sa magandang damit na nakita nila sa Kori’s shop. Isa pa, ayaw niyang ipakita kay Drew ang nakahihindik na anyo sa kanyang likuran.  

“I will be strict with our training, and I want you to follow my rules, Lily,” anang lalaki. 

Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya.  

“Get ready! We will run outside.” 

Tumango siya. Lumabas sila ng bahay nito at nagsimulang tumakbo. Ilang metro pa lang ay parang mauubusan na ng hangin si Lily.  

“Faster!” sigaw ni Drew.  

Pinilit niyang tumakbo para makahabol kahit halos bumigay na ang kanyang tuhod. Makalipas ang ilang minuto ay ramdam na niya ang pamamanhid ng kanyang binti. Tumatagaktak ang kanyang pawis at mauubusan na siya ng hangin sa kanyang dibdib. Matapos nilang umikot at makabalik sa bahay ay may mga pinagawa pa sa kanya si Drew sa gym nito na naroon sa ibaba ng bahay.  

Kahit gustong sumuko ng kanyang katawan ay hindi siya makapagreklamo.  

“I am doing this for your sake, Lily,” naalala niyang sabi nito. Kung ginagawa nito iyon para sa kanya, sino siya para tumanggi? Ayaw niyang magmukhang walang kuwenta sa mata ng lalaki. 

Nagboluntaryo si Drew na magluto ng pagkain nila. Nang matapos ito ay inabutan siya ng isang malaking plato na halos punuin ng iba’t ibang pagkain. Mabuti na lang at masarap ang mga iyon bukod pa sa pinagod siya nito kaya mayroon siyang ganang ubusin.  

Ang isang araw sa pagitan nila ay naging isang linggo hanggang sa umabot ng isang buwan. Hindi ito nagbibiro na bantayan ang kanyang kalusugan. Nais niyang sumuko dahil hindi biro ang ipinagagawa nito sa kanya. Ngunit mas nilalakasan niya ang loob matapos isipin na mas mahaba ang pasensiya ni Drew para bigyan siya ng ganoong atensiyon. Hanggang sa makasanayan na iyon ng kanyang katawan. 

“Sa susunod na buwan magsisimula ang klase mo. Makakapasok ka na,” napapangiti na wika ni Drew. 

“Thank you!” namumula ang pisngi na tugon niya rito. May isang buwan na rin siyang nag-aayos ng kanilang tirahan at ang tanging natitira na lang ay ang living room. Pinipintahan niya ang isang part ng pader. Noong una ay nag-alala siya, ngunit hindi naman siya nito sinita.  

“‘Nga pala, Pupunta ako sa Italy next week para sa business trip,” ani Drew. 

Napatigil sa pagkain si Lily. Huminto ang kutsara sa harap ng kanyang bibig.  

“May gusto kang ipabili?” dagdag nito. 

“Nothing. I just want you to be safe,” simple niyang tugon bago sinubo ang pagkain. 

‘At saka bumalik ka kaagad para hindi kita ma-miss…’

Nag-init ang kanyang pisngi habang umawang ang labi nito na hindi inaaasahan ang sagot niya. 

“M-may problema?” tanong niya. 

Umiling si Drew at saka ngumiti. “You are different, Lily.” 

‘Different in a good or bad way?’ Hindi pa siya sanay sa atensiyon na ibinibigay ng lalaki. Tuluyan nang nawala ang kanyang takot dito. 

“Please continue your workout training. Mga isang linggo lang ako ro’n. Gusto sana kitang isama. Kaya lang ay hindi pa handa ang passport at visa mo. Don't worry, I'll call a friend to come here and watch over you.”  

“Ayos lang ako. Magiging abala rin ako sa pag-ayos nitong living room,” tugon niya. Halos kalahati na siya sa kanyang ipinipintang pader. It was colorful. 

Napangiti si Drew na naroon din ang direksiyon ng tingin. “Surprise me more, Lily.” 

Pinamumulahan siya muli ng pisngi. Hindi niya bibiguin si Drew. Nag-ring ang cellphone ng kanyang asawa na nakapatong doon sa mesa kaya naputol sila sa usapan.  

“Sarah?” anang lalaki. “uh? Okay, I'll check…” Nagtungo ang lalaki sa telebisyon na nakasabit sa pader doon sa kusina at binuksan iyon. Lumitaw sa screen ang isang news exclusive kung saan nasusunog ang restaurant na nasa isang corner ng isang mall. Napasinghap si Lily dahil ang mall ay pag-aari ng mga Walton.  

“Nasusunog sa kasalukuyan ang restaurant branch ng Itallian Club—matapos na may sumabog sa loob ng gusali—na matatagpuan sa isang mall sa Mandaluyong. Iniimbestigahan pa ang naganap at pinagmulan ng sakuna,” wika ng babaeng news anchor sa telebisyon.  

“Call a lawyer and let him be the one to speak with the Italian Club’s owner,” narinig niyang sabi ni Drew bago nito pinindot ang end button. 

“Is everything alright?” tanong niya sa lalaki. 

“Everything is great! You don’t have to worry,” anito. May mali sa inaakto nito dahil imbes na mamroblema ay para bang mas masigla pa ang mood ni Drew. Hindi ba’t nasusunog ang mall nito? 

Nanlaki ang mata ni Lily nang ipalabas sa telebisyon si Victor para interview-hin. “Iimbestigahan namin ang nangyari. Sa ngayon ay nagpapasalamat kami dahil wala pa sa restaurant ang ilan sa crew at hindi pa bukas ang restaurant para sa mga customer. Ipinapapasalamat namin na walang nasaktan.”

“S-siya ang may-ari ng restaurant na nasusunog?” tanong ni Lily. 

“Yes!”  

Humigop ng kape nito si Drew. Napatingin siya kay Drew at pagkatapos ay sa telebisyon. Kahit kinakabahan ay naglakas siya ng loob na magtanong sa lalaki. “You… are you the one w-who did that?” 

Malalim siyang tiningnan ng lalaki at saka simpleng sumagot. “Yes.” 

Kinabahan siya para rito. Paano kung mahuli ito? Paano kung makulong ang lalaki? Paano kung balikan ito ni Victor? Paano kung— 

“Hindi ka natutuwa?” tanong ni Drew na nagbago ng tono. 

“Dapat ba akong matuwa?” 

Natahimik si Drew. Of course, what he did is not funny. Maya-maya ay umasim ang mukha nito. 

“You’re weak,” bulong ng lalaki. 

“What?” Parang sinilaban ng galit ang kanyang dibdib dahil sa narinig. Sino ito para sabihin na mahina siya? Hindi nito alam ang kanyang pinagdaanan! 

“I said you’re weak, Lily! I told you I’m a troublemaker! Kung nagsisimula pa lang ako at ganyan na ang reaksiyon mo, paano pa sa susunod?” 

Kumuyom ang kanyang kamao. Lumapit siya kay Drew at saka ito sinuntok sa dibdib. Nabigla man ay naisip niya na walang atrasan. “I’m not weak!” 

He was annoyed, exclaiming, “Tsk! You are! Hindi ko man lang nga naramdaman ang suntok mo!” nang-iinis nitong sabi. 

“I said I’m not weak!” naiiyak niyang singhal. Kasabay ng hampas muli rito.  

“Harder!” he growled. 

Mas pinag-igihan niya ang suntok rito nang maraming beses hanggang sa mamanhid na ang kanyang buto. “I hate you!”  

Naiyak na lang siya, pagkatapos ay mas bumagal ang kanyang suntok dahil may katwiran ito, mahina siya! She’s pathetic and weak! Humagulgol siya na tila naubusan na ng lakas. 

Magaan siya nitong inilapit sa dibdib at pagkatapos ay sinuklay nito ang kanyang buhok. She felt safe inside his arms. Nagbibigay ng seguridad sa kanyang pakiramdam ang bawat paghagod ng mga daliri nito sa kanyang buhok.  

“Shhhh… I’m sorry.” 

“This should be my battle, but I'm too pathetic to fight. Natatakot ako na baka mapahamak ka dahil sa ‘kin. Ayoko na mangyari iyon. Paano kung lumabas sa imbestigasyon na may kinalaman ka sa naganap?” Naalala niya na madalas mapahamak ang mga taong nasa paligid at tumutulong sa kanya.  

“I won't, Lily. And I didn't just do it to cause trouble; I did it because...” 

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mata ng lalaki. Kumabog ang kanyang dibdib dahil sobrang lapit nila nito sa kanya. May mga bagay siyang nais sabihin o kaya naman ay ang mga mata nito na nakikipag-usap sa kanya.  

“Hindi ko rin alam,” anito. Bumaba ang mukha nito para sakupin ang kanyang labi.  

 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
very nice I love it...
goodnovel comment avatar
buj gqab
update po please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status