Share

The Final Chapter

KITA ni Lily mula sa bintana na seryoso ang pinag-uusapan nina Drew at Mr. Walton.

Lumapit sa kanya si Danica. “By the way, sis. Heto ‘yong pinabili mo sa ‘kin,” anito at saka inabot ang supot sa kanya na dinukot mula sa bag.

“Did you tell Orion?”

Umiling si Danica.

“Good! Kapag sinabi mo kay Orion sigurado ako na sasabihin niya kay Drew.”

“Bakit nga ba ayaw mong sabihin kay Drew, eh, asawa mo ‘yon?” ani Danica na nakakunot ang noo.

“Ayoko kasing ma-pressure siya. Isa pa, gusto ko munang makasiguro.”

Umikot ang mata nito. Abala sina Lauren at Kori sa anak ng mga ito. Sina Orion, Finn at Brett ay kasalukuyang naroon sa tabi ng pool at nagkukuwentuhan kasama ng kanyang ama.

Pumuslit si Lily sa silid nilang mag-asawa. Nakasunod sa kanya si Danica. Nitong mga huling araw ay sumasama ang pakiramdam niya sa umaga. Nagkaroon pa ng pagkakataon na hilong-hilo siya sa amoy ng sasakyan habang papasok at isinuka niya rin iyon sa opisina.

Hinugot niya ang pregnancy
Feibulous

Thanks everyone!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status