Share

FIVE

CELESTE

"What the fuck, Celeste? Bakit ngayon mo lamang sinabi?!" Reklamo ni Kelly habang nagvavacuum. 

"Sa halip na magreklamo ka, bilisan mo na lamang ang kilos mo," saway ni Clio. Umirap naman si Kelly at ipinagpatuloy ang paglilinis. Muli akong tumingin sa suot kong wrist watch.

"We still have twenty five minutes. Mag-ayos na kayo," I announced. Tumango naman sila at ibinalik na ang mga cleaning materials.

Jarvis is a neat freak. Ayaw niyang makakakita ng kalat o dumi. Knowing him, ang una niyang bibisitahin ay ang dorm namin upang icheck kung madumi ba o hindi. Ugh, he's so weird!

Mabilis akong nagpalit ng uniform dahil kanina pa naman nakapagpalit ang tatlo. Nang maayos ko na ang aking sarili ay agad rin akong lumabas ng kuwarto. Naabutan ko naman ang tatlo na nakaupo sa dining table at umiinom ng coke.

"I'm tired," reklamo ni Kelly. Umupo ako sa tabi nila at nagsalin rin ng inumin.

"Are you alright?" tanong ko kay Clio na kanina pa tahimik.

"Of course," she answered and gave me a nod.

"Are you sure?"

"Oo naman. Bestfriend ko 'yun eh." Muli akong bumuntong hininga at uminom sa inumin ko.

Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng ilang ulit na katok. Nagkatinginan kaming apat dahil alam na naman namin kung sino iyon. Dumako ang tingin ko kay Clio at tinanguan niya naman ako kaya't tumayo na ako at binuksan na ang pintuan.

"Uy Louisse!" He greeted before hugging me. Napangiwi naman ako sa higpit ng yakap niya.

"Bitiw," reklamo ko. Agad naman siyang bumitaw at pumasok sa loob.

"Uy kumusta kayo? Long time no see ha!" Muli akong napangiwi sa lakas ng boses niya.

"Para kang tito na umuwi galing ibang bansa," puna ni Ashanti. Umupo si Jarvis kasama ang nga kaibigan ko at nagsalin na rin ng inumin. Walang hiya talaga.

"Kumusta kayo? Puro pa rin ba damo ang kinakain mo, Kelly?" Sumimangot si Kelly at mahina namang natawa si Clio. Noon kasi ay palagi nilang pinagtutulungang asarin si Kelly. Napailing na lamang ako at bumalik sa puwesto ko kanina.

"Ashanti, may pasalubong ako sa'yong kape." Ngumiti naman si Ashanti at binigyan ng thumbs up si Jarvis. Tumawa naman ito at umiling. Dumako naman ang mata niya kay Clio na kanina pa tahimik.

"Uy Clio pre, bakit ang tahimik mo yata?" Tanong niya kay Clio. Nag-angat naman ng tingin si Clio at ngumiti.

"Wala lang sa mood," she answered.

"Alam niyo kayo ha, hindi niyo ba ako namiss?" Umirap ako at muling uminom. Nang matapos akong uminom ay humarap ako sa kaniya at taka naman siyang tumingin sa akin.

"Hindi," sagot ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Nakakatampo ka na ha, Louisse."

"Isa pang tawag mo sa akin ng Louisse, sasampalin talaga kita Jarvis Callum," banta ko. Bumuntong hininga siya at tumayo.

"Tara sa cafeteria, mukhang wala naman kayong pagkain dito," aya niya. 

"Excuse me?" 

Humarap siya sa akin at malokong ngumiti. "May pagkain kayo?" Umirap ako bago umiling.

"Tara na sa cafeteria," dagdag niya. Nagkatinginan kaming muling apat at wala kaming nagawa kung hindi sumunod na lamang. 

"Are you alright?" Bulong ko kay Clio habang naglalakad kami. Binigyan niya lamang ako ng isang tango bago bumuntong hininga.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa cafeteria. As usual, puno ng tao ang loob dahil dinner time na. Hindi naman kami kumakain palagi dito kapag dinner kasi nga maraming tao at nagluluto naman ako o si Ashanti. 

"Ang daming tao, Jarvis. Magpadeliver nalang tayo," reklamo ko. 

Umiling siya sa akin at inakbayan ako sa balikat. Napairap naman ako. 

"Mamaya pa dadating kapag nagpadeliver," sagot nito at hinila ako. Muli akong umirap at hinayaan na lamang siya. 

"Jarvis?" Napatigil kami sa paglalakad nang may tumawag kay Jarvis. May nakakakilala sa kaniya dito? 

Taka kaming tumingin sa kung sino ang tumawag sa kaniya. It was Dane.

"Magkakilala kayo?" 

Tumango naman si Jarvis at hinila ako sa direksyon nina Dane. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Markus na nakaupo at kumakain. Nang mapansin niya sigurong tinitingnan ko siya ay tumingin rin siya sa akin. I gave him an apologetic smile when I noticed that he's not wearing his glasses.

"Long time no see," bati ni Dane. 

"Iwan ko muna itong apat ha, bibili lang ako ng pagkain." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Jarvis. Pinanlakihan ko siya ng mata na ayaw kong maiwan kasama sina Markus pero tinawanan lamang ako nito. 

"Upo kayo." I smiled awkwardly at Dane before sitting on a vacant seat. Umupo na rin ang tatlo. 

"Pahingi," rinig kong sabi ni Ashanti. Kumuha siya ng isang wings ng manok sa plato ni Dane at kinain iyon. Napailing na lamang si Dane at uminom sa inumin niya.

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" Bumuntong hininga naman ako dahil sa tanong ni Kelly kay Zev. 

"Sure ka ikaw ang tinitingnan ko? Tss, ugly," sagot naman ni Zev. 

"Excuse me? I'm pretty!" Inis na sabi ni Kelly. Umiling lamang si Zev at nagpatuloy na sa pagkain.

"Kelly, stop," suway ko. Umirap naman siya bago nag-iwas ng tingin kay Zev. Kita ko naman ang pag-iling ni Zev at nagpatuloy na lamang sa pag-kain.

Maya-maya pa ay dumating na si Jarvis. May kasunod siyang ilang helpers dahil hindi niya kayang dalhin ang pagkain naming lima.

"Anong meron? Bakit tinulungan nila ako noong sinabi kong para sa inyong apat itong pagkain?" Takang tanong niya matapos umalis 'yung mga tumulong sa kaniya.

"Hindi mo alam?" tanong ni Ashanti.

"Alin?"

"Hindi mo pa pala sinasabi sa kaniya, Celeste?" tanong naman sa akin ni Clio. I just shrugged my shoulders before starting to eat my meal.

"We're part of the Rank Five," I answered.

"Really? Good for you." I just nodded and continue eating. 

"Bakit ka nga pala umuwi, Jarvis?" Tumigil akong muli sa pagkain at tumingin kay Jarvis upang hintayin ang sagot niya sa tanong ni Kelly.

He cleared his throat before speaking. "Uhm... I was expelled," he answered.

My mouth gapped and my eyes widened upon hearing what he said. 

"What the fuck?" I exclaimed.

"Tss, calm down." 

Inabutan naman ako ni Ashanti ng tubig na agad ko namang ininom. 

"Do you mind if I ask kung bakit ka na-expell?" tanong ni Kelly. 

"I failed my exam." Muntikan na akong masamid sa sinabi niya at gulat na tumingin sa kaniya.

"Are you dumb?!" 

"In love? Yes." Natahimik kami dahil sa sagot niya. In love?

"Wait, bakit napunta sa love ang usapan? Am I a slow witted or what?" Takang tanong ni Kelly.

"Paano ka bumagsak?" Hindi sinagot ni Ashanti si Kelly at sa halip ay muling nagtanong.

"My girlfriend stole my notes," prenteng sagot niya. Uminom pa siya ng tubig na animo'y hindi seryoso ang pinag-uusapan namin.

"Hindi ka man lamang nag-aral kahit kaunti? Damn Jarvis, ang mahal ng tuition doon!" 

"Akala ko may stock knowledge ako eh," tumingin siya sa amin bago tumawa. "Ayun, na-stuck nalang siya sa utak ko forever."

Dahil sa tapat ko lamang siya nakaupo ay madali ko siyang nabatukan. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Markus kaya napaayos ako ng upo at sinamaan na lamang ng tingin si Jarvis.

"Ahm... Excuse me." Tumigil sa pagtawa si Jarvis at takang tumingin kay Clio. Tumayo ito at lumabas ng cafeteria.

Dumako naman ang tingin ko sa pagkain niya na mukhang wala namang nabawas. Nagkatinginan kami nina Ashanti at Kelly ngunit kapwa lamang silang nagkibit-balikat.

"Anong problema nun?" bulong ni Jarvis. 

"Susundan ko lang." Tatayo na sana si Jarvis ngunit nauna na kaming tumayong tatlo.

"Kumain ka nalang diyan, mukhang napagod si Clio sa pagpa-practice kaya umuna na," pagdadahilan ko.

"Gano'n ba? Okay," walang muwang niyang sagot at nagpatuloy sa pagkain. Bumuntong hininga naman ako at umiling. 

"Mauna na rin kami," pagpapaalam ko.

"Pero Celeste—" Pinanlakihan ko ng mata si Kelly kaya't wala siyang nagawa kung hindi lumabi. Minsan lamang kasi siya makakain ng 'totoong' pagkain.

"Sabay tayo bukas." Rinig kong habilin ni Dane kay Ashanti. Tumango naman si Ashanti sa kaniya bago bumaling ng tingin sa akin.

"Salamat sa libre, Jarvis. Mauna na kami." Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at tumalikod na. 

"'Uy saan tayo pupunta?" tanong ni Kelly habang naglalakad kami.

"Of course, hahanapin si Clio."

"Huh? Ang laki ng Avalon, Celeste," reklamo nito. Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

"Sa tingin mo saan puwedeng pumunta si Clio?" tanong ko kay Ashanti. 

Ilang segundo itong nag-isip bago sumagot. "It's either sa garden, sa dorm or sa gym," she answered.

"What do you think?" tanong ko naman kay Kelly.

"Masiyadong malamok sa garden dahil gabi na tapos sa dorm naman, alam niyang nasa iisang kuwarto lang tayo kaya hindi siya makakapag-isa. So I therefore conclude na she's in the gym." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. 

Mukhang tama nga ang sinabi ni Kelly nang marinig namin ang pagtama ng bola sa sahig mula sa labas ng gym. Wala namang practice ang varsity ng ganitong oras kaya malamang, si Clio nga ang nasa loob. May susi kasi siya ng gym dahil naging Captain siya ng varsity dati.

"Natatakot na agad ako sa bola," bulong ni Ashanti. 

"Baka matulad ako kay Markus." Sinamaan ko naman si Kelly dahil sa biro niya ang nag-peace sign lamang siya. Umiling naman ako bago pumasok sa loob.

Bumungad sa amin si Clio na walang tigil sa pagbato ng mga bola. Kawawang bola, mukhang sa kanila gustong ilabas ni Clio lahat ng nararamdaman niya. Mukhang naramdaman niya ang presensya namin ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagbato. Nagkalat na rin ang mga bola sa buong court dahil mukhang kanina pa nandito si Clio.

"Clio..." Mahinang tawag ni Kelly at akmang lalapitan si Clio ngunit pinigilan ko siya.

"She needs space right now."

Pinabayaan namin siya na ilabas muna lahat ng galit o sakit na nararamdaman niya at nanood lamang sa kaniya. Hindi siya umiiyak pero kapansin-pansin ang pangingilid ng luha niya. 

Nang sa tingin ko ay humupa na ang nararamdaman niya ay humakbang ako palapit. "Clio," pagtawag ko.

Nang makita niya ako ay tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at napaupo sa sahig. Tears begun rolling from her eyes as she covered them with her hands. 

I bit my lower lip and looked away. 

Maybe they're right. One of the most painful heartache is when the man you love and your bestfriend comes in one package and you lost both.

-----

:)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status