Share

Five

Author: AveryHayz
last update Last Updated: 2023-06-25 17:50:49

" Yumi hija, gusto mo bang sumama magmalling?" Tinig iyon ni Aling Pacing. Matandang dalaga na namamahala sa bahay bakasyunan nila sa Tagum city. Ang lugar kung saan siya tumira sa nakalipas na anim na taon. Ginawa niya iyong mini flower farm. Sa nakalipas na dalawang taon ay nagawa niyang mapalago ang flower farm sa tulong ni Aling Pacing at mga apo nito. Nakasanayan na niyang mamuhay ng simple kasama ang mga taga roon. And she adapted their lifestyle.

" Hindi na po muna aling Pacing. Mas gusto ko pong tumao dito sa flower farm natin. Kayo na lang po muna ang magmalling nila Ana."Magalang sa sagot niya ito.

" Sigurado ka bang okay ka lang rito, hija? " Paniniguro nito.

" Opo aling Pacing. Kaya ko na rito tumao, saka nandiyan naman si Cris at Tato sila ng bahala magkarga ng mga flower pots natin sakali mang may bumili." Nakangiti niyang sagot sa matanda.

" Kung iyan ang gusto mo hija, sige maiwan ka na namin."

" Sige po, mag-iingat po kayo."

Kanina pa nakaalis ang maglola nang dumating si James.

" Flowers for you magandang dilag." Nakangiting iniabot sa kanya ng lalaki ang pumpon ng osas. Napasimangot siya.

" James, flowers na nga ang tinitinda namin tapos magdadala ka pa nito. Sa susunod sana toblerone at cadburry naman. " Pagloloko niya sa masugid niyang manliligaw na katabi lamang ng bahay niya.

" Okay next time, hon." Napataas kilay si Yumi. Tinampal niya ito sa balikat.

" Hoy anong hon? Hindi pa nga kita sinasagot hon hon ka na diyan." Napangiti ang binata.

" Ang sungit talaga ng my loves ko. "

" Sira ka talaga. " Hinayaan na niya ang lalaki. Dalawang taon na itong nanliligaw sa kanya. Isa itong balo at may anak sa namayapang asawa nito. Gwapo si James iyon nga lang ay hindi tumibok ang puso niya rito. Hindi na niya hinayaan pa simula noong masaktan siya ng labis-labis sa nag-iisang lalaking iniibig niya.

" Pabili po ng fifty pots of red roses, Miss. " Natigil siya sa pagmumuni-muni nang may customer na dumating.

" Sige po, saan po ba ilalagay ang mga pots? "

" Sa pick up ko hija. " Sagot ng medyo may ed na lalaki. " Magkano ba lahat?"

" Bali two hundered pesos po kada isang rose pot, aabot po siya ng ten thousand sir."

" Napakamura ng tinda mo hija kaya nga binabalik-balikan ko ito. Kung gusto mo may irerekomenda ako sa'yo? Suki ko siya sa pagla- landscape. "

" Talaga po sir? " Namilog ang mga mata ni Yumi. Hindi makapaiwala.

" Ito hija ang phone number ni Mrs. Florendo. Mahilig iyan sa mga bulaklak at halaman. " Tinanggap ni Yumi ang kaheta. Binasa ang nakasulat na pangalan. Stacey Florendo ang nakasulat. Matapos maibulsa sa suot na pantalon ang kaheta ay agad ng inasikaso ni Yumi ang customer.

" Maraming salamat po uli sir." Paalam ni Yumi sa lalaki. Matapos iyon ay agad niyang dinayal ang numero sa kaheta. Tiyempo namang may sumagot agad.

" Hello." Ani ng nasa kabilang linya.

" Hello po, si Yumi po ito ng Yumi's Zen Garden. Gusto ko lang po sanang makausap ni Mrs. Stacey Florendo? " Magalang niyang wika.

" Actually, I am Stacey Florendo. What can I do to you Yumi?"

" Pasensya po sa istorbo ma'am pero ibinigay po sa akin ni Mr. Rosales ang number niyo. Gusto niyo po raw ng maraming klase ng bulaklak. Supplier po ako ng ibat-ibang klaseng bulaklak at halamang mga gamot, baka po gusto niyong subukan? Mura lang po ang presyo namin ma'am. " Natawa ang babae sa kabilang linya.

" Sige, saan ba ang location niyo?"

" Nasa Tagum po ang flower farm namin ma'am. Welcome po kayo dito palagi."

" Sige hija, subukan kong puntahan ang farm niyo bukas ng umaga."

"Salamat po ma'am." Excited niyang wika sa babae.

Ang kasiyahan na kanyang nadama ay naglahong bigla nang makatanggap ng tawag mula sa mommy niya.

" Mom, is something wrong? " Umiiyak ang mommy niya.

" Anak, ang kuya Nathan mo."

" Bakit po? Anong nangyari kay kuya? " Binundol ng kaba ang dibdib niya.

" Nawawala ang kuya mo dalawang araw na ang nakalipas."

" Mom, baka po nagbakasyon lang. Ang tanda na kaya ni Kuya Nathan. Alam na niya ang ginagawa niya." Nakahinga siya ng maluwag ang dalaga.

" Nagpunta si Jacob dito kanina, ang sabi niya tinanan ng kuya Nathan mo si Jillian! "

" What!? " Gulat niyang bulalas.

" Galit na galit siya anak. Ilabas daw namin ang kuya mo." Napahagulhol ang ina sa kabilang linya.

Wala siyang ideya kung ano ang dapat isagot sa ina. Matagal na panahon na rin ang lumipas. Buong akala niya ay wala ng ugnayan ang pamilya niya sa mga Mercado. Iyon pala'y nagkamali siya. Her kuya Nathan defended her. Kahit na hindi siya nagsalita tungkol sa nangyaring eskandalo noon sa party ni Jacob ay hindi siya pinilit nito. Supportive ito sa desisyon niyang lumayo ng Manila.

" We need you here, anak. Nag-aalala ako sa kuya mo at baka kung ano ang gawin niya kay Jillian."

" Mom, hindi naman natin alam kung totoo ang sinasabi ni J-Jacob. Baka po haka-haka niya lang iyon." Hindi siya naniniwala na magagawa iyon ng kuya Nathan niya.

" Basta umuwi ka na muna ng Manila, anak. We'll wait for you here."

" S-Sige po mom." Malungkot na ibinaba ni Yumi ang telepono.

¤¤¤¤¤

" Mag-iingat ka doon hija. " Ani Pacing sa dalaga. Tipid na ngumiti si Yumi rito.

" Opo, mag-iingat din po kayo rito. " Humalik at yumakap siya sa babae.

" Paalam po ulit. " Wika niya nang humiwalay kay Pacing.

Matapos nilang mag-usap ng kanyang mommy kahapon, napilitan siyang magpabooked ng flight ngayong araw. Papunta siyang Davao City Airport at dahil twelve pm ang oras ng flight niya ay maaga siyang gumayak. Isang oras din ang biyahe kasama pa ang isang oras na traffic.

Habang sakay ng eroplano, she had mixed emotions. Ano ba ang naghihintay sa kanya sa Manila? Teenager pa siya noong huling tuntong niya roon. Kailangan niyang maging handa sa muling pagkikita nila ng lalaking iniiwasan niyang makita. Going back in Manila bring back the bad memories she had in the past na gusto na sana niyang kalimutan.

Wala siyang energy habang bumababa ng eroplano at tinatahak ang arrival area ng NAIA. Ang sabi ng mommy niya ay may susundo sa kanya sa airport. Hindi nga lang ang mga ito.

Sandali siyang yumuko para kuhanin ang cellphone sa sling bag at nang mag-angat siya ng mukha ay nasalubong niya ng tingin ang taong iniiwasan niya. May hawak itong placard sa kamay. Nakasulat ng buo ang pangalang ' Yumi Rodriguez '. Kinabahan agad siya. Bigla niyang binawi ang tingin rito at nagkunwang hindi ito napapansin. Sa halip ay lumihis siya ng daan. Ito pala ang tinutukoy ng mommy niya.

' Kainis naman si mommy! ' Naisip niya.

Yukong-yuko siya habang naglalakad ngunit may biglang humawak sa braso niya.

" Ako ang sundo mo, miss. " Napapikit siya at napakagat-labi. Kailan ba niya makakalimutan ang timbre ng boses nito? She tried to shrugged her shoulder. Ngunit mahigpit itong nakahawak sa kanya dahilan para tingnan ito.

" Let me go! " Asik niya sa lalaki.

" Akala mo ba hindi kita napansin kanina? Pwes, nagkakamali ka. " Agad tinampal ni Yumi ang kamay ng lalaki.

" Mister, hindi kita kilala kaya bitawan mo ako. " Pagsusuplada niya.

" Talaga lang ha. " Bigla na lang siyang binuhat nito na parang sako.

" Ano ba! Ibaba mo nga ako! " Pagwawala niya. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao.

" Help! Help me! " Pagsisigaw niya sa mga tao. Hilaw na ngumiti ang lalaki. Saka sumenyas.

" Wag po kayong makialam. Na miss ko lang po ang asawa ko. Ganito din po kami maglambingan, di ba sweetheart? " Sabay palo ng puwit ni Yumi.

" Hindi po-. " Gusto pa sanang magprotesta ng dalaga pero tinakpan na ng lalaki ang bibig niya.

" Ibaba mo sabi ako! " Bulyaw ni Yumi rito. Pabagsak siyang isinilid ni Jacob sa kotse nito. Akma siyang bababa nang magsalita ito.

" Sige, kapag bumaba ka diyan hahalikan kita sa lips! " Banta nito. Umurong ang tapang niya. Hindi siya makakapayag.

" Halikan mong sarili mo! " At bumaba ng kotse ngunit nagkamali siya dahil bigla siyang hinila pabalik ng lalaki at ikinulong sa mga bisig nito. Walang pakundangang sinakop nito ang labi ng dalaga. Giving her a punishing kiss. Bagaman kakaiba ang halik na iginawad nito sa kanya ay hindi mapigilan ni Yumi ang magpupumiglas.

Hindi siya pwedeng mahulog muli sa lalaki. She hated him to the bone.

Hindi niya maramdaman ang tamis ng halik na ibinigay nito sa kanya dahil marahas iyon. Kapwa sila humihingal.

Isang lagapak sa pisngi ang naramdaman ni Jacob. Gulat siyang napatingin sa dalaga.

" Wala kang karapatang gawin iyon sa akin! " Nanginginig ang katawan ng dalaga sa galit na nadama.

AveryHayz

Hello, sana magustuhan niyo rin ang kwento ni Jacob at Yumi.

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Six (Ending)

    Maaga pa, pero gising na si Jacob.Nakayakap siya kay Yumi habang natutulog pa ito — payapa ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo na para bang nananaginip pa. Ang buhok nitong nakakalat sa unan, at ang hininga nito’y marahan, tuloy-tuloy.He smiled to himself. Hindi niya inakalang darating ang araw na ganito — ang paggising na may yakap, hindi ng pangarap, kundi ng katotohanan.Mula sa ibaba, narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto ng mga bata."Mom! Dad!" Napangiti si Jacob. Si Jabez. "I'm coming in!" patuloy pa nito.“Uh-oh,” bulong niya, sabay halik sa noo ni Yumi. “The little bosses are awake.” Dinig niya din ang iyak ng sanggol.Napadilat si Yumi, at bago pa man siya makareact, bumukas na ang pinto ng kwarto nila.“Mom! Dad!” Masiglang tumakbo si Jabez papunta sa kama. “We’re hungry!”Nagkatinginan sina Jacob at Yumi — parehong puyat pero nakangiti.“Okay, okay,” tawa ni Jacob. “Let me cook something. Pancakes sound good?”“Yeaaaah!” sigaw ni Jabez.Bumangon si Jacob at humal

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Five

    Mainit ang hapon pero mas mainit ang ulo ni Jacob nang dumating siya sa harap ng opisina kung saan pansamantalang nagwo-work si Nancy. Hindi na niya kayang palipasin pa. Hindi na siya makakatulog nang payapa hangga’t hindi niya ito kinakausap ng harapan.Bakas sa mukha niya ang seryosong determinasyon — wala na ang dating malambot na Jacob kapag si Nancy ang kaharap.Pagkapasok niya sa lobby, natanaw niya agad ang babae. Nasa isang table sa café area ng gusali, may hawak na tablet habang nakatingin sa screen. Tahimik. Maayos ang bihis. Pero paglapit ni Jacob, agad itong tumingin — na parang alam na nitong darating siya.Ngumiti si Nancy. Mapait. Malandi. Malamig.“Wow. Hindi pa ba sapat na iniwan mo ako? Sisiraan mo pa ako ngayon?”Hindi ngumiti si Jacob. Diretso ang titig.“Ano’ng sinabi mo kay Yumi?”Diretso. Walang paligoy.Pumikit si Nancy sandali, saka ngumiti nang sarkastiko.“Wala naman akong sinabing masama. Sinabi ko lang ang totoo.”Tumagilid ang ulo niya, parang inaasar.“N

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Four

    Napatingin si Yumi sa kanya. “Bakit ako? Anong kailangan mo sa akin?”“Dahil gusto kong maintindihan mo,” sagot ni Nancy, may bakas ng pagkapagod sa tinig. “Na hindi ko balak sirain ang pamilya mo… pero hindi ko rin mapigilang umasang may natitira pa sa amin ni Jacob.”Hindi sumagot agad si Yumi. Umupo siya sa harap ng maliit na mesa sa terrace at tumango kay Nancy. “Umupo ka kung gusto mo.”Tahimik silang dalawa. Ilang segundo lang, pero parang ang bigat ng hangin.“Hindi kita kaaway, Nancy,” mahinang sabi ni Yumi. “Pero hindi rin ako titigil para protektahan ang pamilya ko.”“Gano’n mo ba siya kamahal?” tanong ni Nancy, halos pabulong. “Kahit alam mong minahal niya rin ako noon?”Tumingin si Yumi sa kanya, diretso.“Minahal ka niya, oo. Hindi ko ‘yan kailanman ipinagkaila. Pero ako ang pinili niya. Hindi ko siya pinilit kusa niyang pinanindagan ang mga anak ko."Napayuko si Nancy. Itinago ang biglang pagtalim ng mga mata. 'Hindi maaari. Hindi siya makakapayag!'“Nancy,” patuloy ni Y

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Three

    Mainit ang hapon. Nakapambahay lang si Yumi habang nag-aayos ng mga laruan sa sala. Katatapos lang matulog ng bunso, at si Jabez ay nasa likod-bahay kasama si Jacob, abala sa pagtuturo ng pagtanggal ng damo sa paso.Tahimik ang bahay. Payapa.Hanggang sa may marinig si Yumi na humintong sasakyan sa tapat ng gate.Inilapit niya ang sarili sa bintana, bahagyang sinilip kung sino ang dumating. Doon niya nakita ang isang babaeng pamilyar — naka-ayos, may dating. Si Nancy.Napakurap si Yumi. Hindi niya inaasahang darating ito. Mas lalong hindi sa ganitong biglaan, at hindi sa mismong pintuan nila.Ilang segundo lang, narinig na niya ang katok. Isa. Dalawa. Malumanay, pero may bigat.Dahan-dahang binuksan ni Yumi ang pinto.“Nancy?” mahina niyang tanong, may halong pagkalito.“Hi,” maikling sagot ng babae, nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. “Sorry kung biglaan. Galing ako ng Davao. Naisip kong dumaan.”Napahawak si Yumi sa gilid ng pinto. “Anong sadya mo?”Hindi kaagad sumagot si Na

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Two

    Hapon na. Ang araw ay unti-unting lumulubog sa likod ng mga ulap, at ang liwanag nito'y pumapasok sa sala ng bahay nina Jacob at Yumi, nagbibigay ng ginintuang glow sa buong paligid.Sa sahig ng sala, nakalatag ang makapal na playmat. Doon nakaupo si Jacob, naka-short at t-shirt, nakasandal sa sofa habang hawak ang kanyang sanggol na nakabalot sa malambot na kumot. Sa tabi niya, nakasalampak si Jabez, abala sa pagsasalansan ng mga laruan. Nakakatuwa ito dahil natutoto na itong magsalita ng tagalog.“Daddy, tingnan mo oh!” masiglang sabi ni Jabez habang pinapakita ang ginawa niyang tower gamit ang mga blocks. “Itong part na ‘to, kwarto ni baby! Tapos dito ako, may slide papunta sa kwarto niya.”Jacob chuckled, pinisil ang pisngi ng panganay.“Wow. May slide pa talaga si baby ha. Sigurado akong matutuwa siya diyan.”Pagkatapos ay tumingin siya sa munting sanggol na mahimbing pa rin ang tulog. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito gamit ang hintuturo. Napangiti siya.“Anak, ito ang kuy

  • Akin Ka Na Lang, Please   Thirty One

    Matapos ang honeymoon, mas naging malambing si Jacob kay Yumi — mas maingat, mas mapag-alala, mas tahimik pero naroon lagi. Hindi niya sinasabi ang "mahal kita," pero ramdam ni Yumi sa bawat haplos, sa bawat kilos, na unti-unti, may namumuong lalim sa pagitan nila.Isang umaga, maaga pa lang ay gising na si Yumi. Naka-upo siya sa may bintana, may hawak na baso ng gatas habang pinakikiramdaman ang marahang paggalaw ng sanggol sa sinapupunan niya. Tahimik ang paligid. Ang liwanag ng araw unti-unting pumapasok sa loob ng bahay.Pagkalipas ng ilang minuto, narinig niya ang mga hakbang ni Jacob. Gising na rin ito. Habang tulog pa ang panganay nilang anak na si Jabez.May dala itong kumot at vitamins niya. “Maaga ka na namang nagising,” aniya habang marahang isinapin sa mga binti niya ang kumot.“Hindi na rin kasi ako makatulog,” sagot ni Yumi, bahagyang ngumiti. “Minsan si baby, minsan naiisip ko lang… ang bilis ng mga nangyayari.”Lumuhod si Jacob sa harap niya at marahang hinawi ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status