Chartlotte Napakabilis ng araw. Ngayong hapon na ang patungo na kami sa bahay nila Alexaiver, sa magulang niya. Kanina pa ako kinakabahan na excited. Marami kasi akong what if na iniisip. Wala lang, baka mamaya hindi ako tanggap ni ma'am Brenda. Kasi nga nilayo ko sa kanila ang apo nila na mahigpit daw ang mga Martinez, pagdating sa kanilang mga apo. Hindi papayag na hindi sila kilalanin. Ayaw nila hindi sila ipakilala lalo na ang lolo ni Alexaiver na si chairman Rowan Martinez. Sana lang wala ito pero parang malabo ang aking hinihiling. Kapag daw kasi may salo-salo nandoon daw ang lahat ng mga Martinez maging ang mga kabiyak ng mga ito. Hindi gaya sa mga anak ko na tuwang-tuwa pa sa lakad naming ‘to. Tanghali pa gusto ng mga magbihis. E, hapon pa dahil hapunan ang salo-salo sa bahay ng magulang ni Alexaiver. Nasa sala na ang kambal, kasama ni Alexaiver. Inuna ko silang bihisan samantalang ako. Tatlong palit ko na ito ng damit hindi ako mapakali kung anong isusuot ko. Sa hul
Chartlotte Aalis na ako sa pagkakandung kay Alexaiver, mahigpit naman niya akong ginapos sa baywang ko. Naningkit ang aking mata may pagbabanta sa kaniya. Inaasar pa ako nito ayaw akong bitiwan. “Martinez isa! Malapit na mga bata bitiw na," kasi hinapit niya ako palapit sa kaniya. “Dalawa, tatlo, hindi ako takot na makita nila,” nakataas ang kilay na sagot niya sa ‘kin. Kaya pinalo ko siya sa dibdib niya ngunit humalakhak lang ito at mabilis akong hinalikan sa labi ko. "Lilipat na ako sa upuan," paalala ko. Ngunit kaya pala dahil ayaw akong payagan dahil siya pala ang walang kahirap-hirap na ibinaba niya ako sa tabi niya. “Maintindihan nila, lalo na bunso. Kasi gusto nga ni Amhella magkaroon ng kapatid,” “Manahimik ka nga Alexaiver,” namumula ang pisngi ko sinaway ko siya. “Ayaw mo?” Napalabi ako. Mahalay ang isip ko sa sinabi ni Alexaiver. Charlotte, ano ba ang tinatanong niya na ayaw mo. Magka-baby ba ulit o ano? Ganun kasi ang dating sa akin. “Ayaw mo ba love ng bab
Chartlotte “Kanina ka pa?” naabutan ko si Alexaiver nakaupo sa sofa pero nakayuko siya at nakahawak sa likod ng ulo niya ang dalawang palad niya animo malalim ang iniisip niya. Pagkarinig sa pagtulak ko ng pinto. Nag-angat siya ng tingin nakangiti. “Bago lang, love. Halos magkasunod lang tayo. Tapos na ba kayo mag-usap ni Inay Lian?” tanong niyang seryoso. “Yup?” saad ko at binilisan kong lumakad palapit sa kaniya. Pilya akong napangiti dahil sa aking naiisip na gawin. Lalo na ng napatda ito dahil naisip kong umupo sa hita niya pinupulupot ang isang braso sa batok niya. “Ha, bakit?” maang maangan pa ako. Mariin siyang napapikit. Pagdilat namumula ang tainga. Sus kinilig yata ang daddy ng kambal nahihiya pa. Bumungisngis ako nang dalawa na ang braso ko nakayakap sa kaniya, bumigat ang paghinga niya. Humarap pa akong nakaupo sa hita niya. Dahil ako ang unang nakaisip ng kalokohan pinanindigan ko na lang dahil may pilyang ngisi sa labi niya. Paano naka walking short ako nakab
Chartlotte “Eehem!” “Oh, anak ikaw pala. Nasaan si Alexaiver tulog din ba kasama ng mga bata?” Ngumiti ako at pumasok sa tindahan niya. Inilibot ko ang aking mata sa buong sulok ng tindahan ng Inay. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa loob ng tatlong taon ito ang naabot ni Inay. Making tindahan. “Inay, siguro naman po sasabihin mo na sa ‘kin saan ka kumuha ng pinagpagawa ng bahay natin?” ngisi ko at tumabi rin ako ng upo sa kaniya. Malalim siyang bumuntonghininga. Pinagmamasdan niya lang ako pareho kaming nawalan ng kibo dahil nag-aantay rin ako ng isasagot niya sa 'kin. “May tumulong sa ‘yo diba? Inay, magsabi ka na kahit na wala kang kibo halata ko na,” saad ko sa kaniya. Hinawakan ni Inay ang kamay ko at pinisil niya iyon. Umirap ako alam ko na ang ibig n'yang sabihin. Oo na, hirap siya sa ‘kin magsabi ng totoo. “Nay!” kunwari galit na ako. “Oo na anak magsasabi na ako,” aniya pagkatapos hinaplos ang buhok ko tipid siyang nakangiti. “Si Alexaiver ang nagpaayo
Chartlotte “Ingat kayo mga mare,” hinatid ko sila sa labas pagdating ng alas-dos ng hapon. “Magkita tayo ulit bago ang birthday ng kambal. Magsasabi ako pagkatapos kong ihatid ang padala nila mommy sa mga lolo,” muli kong sabi. “Sagutin mo na si sir Alexaiver, para naman hindi ka na bumalik ng Guernsey. Tama na mare, ang pabebe maraming araw at buwan na ang nasayang n'yo ni boss,” saad pa nila. “Pag-iisipan ko nga bakit ba kayo ang excited!” inirapan ko pa silang dalawa. Bumungisngis lang si Jade at Naomi biniro ko kurutin sa tagiliran nila tumawa lang naman. “Sige na ba-bye na. Mag-text kayo ha, kapag nakarating na kayo sa bahay n'yo.” “Noted mare. Sige na balik ka na sinusundo ka na ni sir Alexaiver,” bulong ni Jade, tumingin sa likuran ko kaya ako'y lumingon. Malapit na si Alexaiver. Natagalan kasi kami sa bahay nila Prince. Nakipag kwentuhan pa kami sa tita ni Prince. Pinameryenda rin kami at nagpaunlak naman matagal na rin kasi akong hindi naka pasyal sa kanila. Kaya hindi
Chartlotte“Dadalhin ko lang muna sa k'warto ang mga anak natin para maayos kayong makapag-usap,” bulong ni Alexaiver, pagkatapos tumayo na rin at dinala sa lababo ang ginamit n'yang mug. Uminit ang pisngi ko pagbalik tumayo sa likuran ko at hinalikan niya ako sa pisngi, tumingin ang tatlo kong kaibigan sa ‘kin, may panunudyo sa kanilang mga mata napairap ako sa kanila.“B-bahala ka...ahmm salamat,” saad ko nag-iwas din ako ng tingin kasi nanatili siya sa likuran ko, pinatong pa ang magkabila niyang palad sa balikat ko kaya naman ang dibdib ko ang lakas ng tibok.“Wala rin naman akong gagawin, love. Wala rin akong trabaho hanggang bukas. Kaya sa inyo ng mga bata ang buong oras ko.”“O-okay,” sagot ko dahil parang minamasahe niya ang balikat ko sa paraan ng hawak niya. Tumingin ako sa dalawang bata. Tapos na rin naman sila makipag kulitan sa mga Ninang nila okay na rin ang naisip ni Alexaiver, siya muna bantay kasi nga hindi rin ako maka bwelo kapag narito si Alexaiver pinanonood kami