Lahat ay kayang gawin ni Chartlotte Fuentes, na kahit sariling katawan ay kaya n'yang ibenta, para lamang gumaling ang kanyang inang may sakit na leukemia. Kasama na roon ang alok ni Alexaiver Martinez. Nagkrus ang landas nila ni Alexaiver Martinez sa kinuha n'yang raket na stag party ng kaibigan ni Alexaiver na ikakasal. Inalok siya ng binata maging personal assistant at sa condo ni Alexaiver siya titira. Purely lust, no string attached. No love. Bawal din malaman ng ibang tao. Kahit magulang pa ng binata at magulang ni Chartlotte. In short, lihim na relasyon lamang ang gusto ng binata. Subalit sa tagal nilang nagsama ni Alexaiver, hindi napigilan ni Chartlotte mahulog at umibig sa binata. Sino nga ba ang hindi maiinlove rito? Siya lang naman si Alexaiver Martinez, the elusive and most handsome in showbiz entertainment industry. Isa sa anak ng business tycoon na nagmamay-ari ng isa sa sikat na TV station ng bansa. Kaya nagpasya si Chartlotte na iwanan ang binata kahit na ito ang magiging dahilan ng kabiguan niya.
Lihat lebih banyakChartlotte
Kabado akong kumatok sa office ng attending doktor ni mommy. Pinatawag niya ako ngunit hindi niya sinabi kung anong pag-uusapan namin. “Tok! Tok!” “Come in,” sagot sa loob. Mariin kong pinikit ang aking mata. Humugot din ako ng hangin sa dibdib ko para kumalma. Relax lang self. Ngayon pa ba susuko, almost six months na si Inay rito sa ospital. Kayang kaya ko kung ano man ang ibabalita ni doktor sa akin. Pinaupo niya ako. Nakayuko ako at sa kamay ko nakatingin animo doon ako humuhugot ng lakas loob. May pagkurot pa nga ako sa balat ko dahil kinalampag ng kaba ang dibdib ko. “May good news ako sa iyo Ms. Fuentes,” paabitin niyang sabi. Nag-angat ako ng tingin at masayang napangiti. Hindi rin ako makapag-antay kung anong good news na sasabihin niya sa akin. "Dok ano po iyon?" excited na medyo kabado kong tanong. Napangiti pa nga si doktor Falmer sa aking reaksyon. “Mayroon ng donor ang Inay mo,” “Wow talaga po?" ani ko at walang pagsidlan ng sobrang saya. Sa wakas gagaling na si Inay at soon makalalabas na siya ng ospital. Hindi na ako kakabahan sa pag-iisip sa maaring mangyari sa kaniya. “But…” He said. Natigilan ako. Ang saya kanina ay nalusaw sa labi ko. “Ano po ang problema dok?” bigla akong sinalakay ng kaba. “Tatapatin na kita Ms. Fuentes. May kamahalan ito. Lalo na malaking pera ang hinihingi ng donor.” “M-magkano po ang k-kailangan kong malikom dok?” halos pabulong ko na lang na tanong. “Maghanda ka ng two million—” “Po…” bulalas ko. Kahit siguro isang buwan na twenty-four hours akong mag-duty sa parlor hindi ako kikita man lang ng one hundred thousand. Nanlulumo napayuko ako ngunit hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Para sa Inay kakayanin at gagawa ako ng paraan. “Hanggang kailan po ang palugit dok?” “Next week, Ms. Fuentes,” saad nito kinalaglag ng balikat ko. ------------ Nanginig ang kamay ko pagkatapos akong lagyan ng makapal na make-up ni ate Hilda. Nasa Ventage hotel kami para sa gagawin na stag party mamayang alas-otso ng gabi. Thirty minutes na lang mag-u-umpisa na ang party. Book lang daw sila at wala silang idea kung sinong ikakasal. Tanging manager lang nila sa Elite Club ang nakakaalam. Confidential daw kung anong pangalan ng nag-book sa kanila para din sa privacy ng customer. “Sure ka ba Lotte itutuloy mo ito?” puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata ni Ate Hilda. Sa mga kapitbahay namin palayaw nila sa akin ay Lotte. Single mom si ate Hilda at kapitbahay namin namamasukan sa Elite Club bilang dancer. Hindi lingid sa mga kapitbahay ang trabaho niya kaya nga tampulan ng tsismis si ate Hilda. Pero para sa akin mabuti babae si ate Hilda. Alin ang mas marumi. Iyong nililibak o iyong nanlilibak na hindi alam kung anong hirap na pinagdadaanan ni ate Hilda, para maitaguyod lang ang tatlong anak, dahil sumakabilang bahay ang asawa nito na dapat siyang bubuhay sa ate Hilda at mga anak nito. May mama pa si ate na matanda na. Para sa akin hindi dapat pinagtatawanan ang taong nagsisikap para sa pamilya. Iba-iba ang diskarte para mapunan ang panggastos sa araw-araw. Swerte na lang kung pinanganak na mayaman pero kung sino pa ang tambay sila pa ang malakas mam-bully akala mo may ambag sa ate Hilda. “Kaya ko ito ate Hilda, para sa Inay ko,” basag ang boses ko ng sabihin niyon sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok ko may awa nakalarawan sa kaniyang mata. Nginitian ko siya para ipakitang wala siyang dapat ipag-alala sa akin. Tipid niya akong na nginitian. Twenty pa lang ako ngayon pero daig ko pa ang may sampu ng anak sa sobrang kayod. Simula ma-diagnose si Inay sa Leukemia at six months na ring nasa hospital. Manicure pedicure sa umaga. Sa gabi kapag may cater iyong kapatid ng bestfriend ko naraket ako. “Ang bata mo pa Chartlotte para maranasan ito. Sana gumaling na si Lian. Para makabalik ka na sa pag-aaral mo. Sa totoo lang kaya ako'y nagsisikap para sa mga anak ko. Ayaw kong manahin nila ang trabaho ko. Makatapos lang sila mag-aral. Titigil na ako sa trabaho ko," saad ng ate Hilda. “Alam ko po ate. Kaya nga naiinis ako sa mga kapitbahay natin na tsismosa tss,” irap ko pa. Ngumiti si ate Hilda. “Sus hinahayaan ko lang sila mapaos sa katsismis sa akin. Hindi naman ako mababawasan sa mga sinasabi nila. Sila pa ang magkakasala sa Diyos dahil mga chismosa.” Napangiti ako. Ang strong talaga ng personality ni ate Hilda. Sa edad n'yang forty two para lang siyang thirty eight. Marunong kasi siya mag-alaga ng katawan at sexy si ate Hilda. "Ate salamat pinayagan mo ako ang sumayaw ngayon," "Basta makatutulong sa iyo walang anuman." Dapat si ate Hilda ang sasayaw sa stag party na ito ngunit sa pakiusap ko pumayag siya. Noong una nagdalawang-isip pa. Kasi nga ang bata ko pa raw para sa trabahong ito. Para sa akin kahit na benta ko pa ang katawan ko kaya ko para lang mabayaran ang donor at operasyon ni Inay para siyang tuluyang gumaling. Dapat nga one hundred thousand lang ibabayad kaya lang nagpataas ako kaya five hundred thousand ang bayad ngayon. Sinagad na nga nakiusap si ate Hilda sa manager. Kung p'wede kausapin ang magreregalo ng stag party dahil importante ang paggamitan. Mabuti madaling kausap iba talaga kung mayaman. Barya lang ang five hundred thousand. Humihingi pa ako ng ibang appointment sa ate Hilda. Pinilit ko nga ulit kaya lang ako ang nakiusap kaya ako na lang ang tatrabaho sa bawat booking niya ngayon kung mayroon man. May four days pa naman ako kaya pa. Tiwala akong mabubuo ko ang two million. Sumilip ang organizer sa k'warto kinaroroonan namin. Hudyat mag-u-umpisa na. Dadalhin na ako sa VIP room na kinuha para sa stag party ng groom. "Good luck, Lotte. Dito lang kita aantayin hanggang matapos," bulong ng ate Hilda. "Sige po ate Hilda." Hiyawan mga lalaki ng buksan ang kahon na kinaroroonan ko. Hindi nila ako makikilala dahil may maskara ako kalahati sa pisngi ko. Nilapitan ko ang nasa unahan na table at doon ako unang sumayaw. Gusto ko pa umiyak dahil pinisil noong isang lalaki ang magkabila kong pang-upo. Pati lantad baywang ko hinaplos. Halata rito babaero pero alam ko hindi ito ang ikakasal. "Miss sayawan mo rin ang groom," wika ng lalaki na medyo mabait tinuro ang katabi nilang table. Gusto pa umangal ng bastos na lalaki ngunit walang nagawa ng pagkaisahan siya ng kasama sa table. Ito nga ang sinabi ni ate Hilda. Iba-iba ang makasasalamuha ko sa party. May mabait mayroon din daw balasubas at ito na nga tama siya. Kailangan ko raw magdala ng pasensya at lakas loob dahil nasa isip ng iba mababang uri itong trabaho pinasok ko. Sinunod ko ang utos nila. Thirty minutes ko lang naman gagawin ito kayang-kaya. Pagkatapos nito kakalimutan ko ang nangyari para sa Inay ko. Ngumiti ako sa naghihiyawan na lalaki ng umpisa akong gumiling sa groom. Tingin ko rin sa groom mabait dahil sa katabi n'ya ako pinasayaw. Loyal sa bride? Edi wow at sana all na lang. Tinuruan ako ni ate Hilda, paano ang mapang-akit na sayaw. Palakpakan sila ngunit ako nanliit ako sa aking sarili. Lalo iilan sa kasama nila manyakis madalas ako hipuan sa hita at pang-upo ko. Mga binata kaya sila o may mga asawa na. Kahit alin doon wala naman akong pakialam dahil bayad ako at malaki ang hiningi kong bayad. "Pre! Tingnan n'yo si Alexaiver. Ang seryoso nakatitig sa chika babe," may isang sumigaw. Pasimple kong hinanap ang tinutukoy nila. Saglit kumunot ang noo ko parang pamilyar siya. Saan ko nga ba ito nakita. Nagtama ang titig namin. Tunungga nito ang hawak na beer habang nakatitig sa akin. Natigilan ako sumikdo ang dibdib ko sa labis na kaba. Bakit ito lang ang nagbigay ng kaba sa akin. Muntik pa akong matulala. Mabuti hiyawan kaya hindi ako nagpahalata saglit akong tumigil. Nahulaan ko iyon ang Alexaiver, na tinutukoy nila. Dahil matiim ang titig sa akin. Sa lahat kasi ito lang ang seryoso. Ewan kung galit o ano mahal ang tawa? Kung hindi lang siguro ako naka suot ng maskara. Hindi ko kakayanin ang matagal tumitig sa lalaki. "Woah! Miss, doon naman kay, Alexaiver," saad ng lalaki kasama sa table ng groom. Gusto ko nga singhalan dahil pinalo ako sa puwet ko tang-na niya. Kung hindi ko lang kailangan nabayagan ko ito. May kalakasan ang palo nito tiniis ko lang inayos ko pa rin ang trabaho ko. "Pre babae iyan," sinaway siya ng katabi ngunit ngumisi lang. Lasing na yata namumula na rin ang pisngi. Hindi ko pa nagustuhan ang sagot nito. "Bayad natin iyan kaya may karapatan tayo kahit anong gawin diyan," pagyayabang pa nito. Sinaway lang ng groom kaya tumahimik. Nagtungo ako sa sinasabi nilang Alexaiver. Sa totoo lang nanginginig ang mga binti ko sa bawat titig nito ng nasa harapan niya ako sumayaw ng sexy dance. Napansin ko dumilim ang mukha nito ng sa kandungan na niya ako sumayaw. Gumiling giling ako sa ibabaw niya. Nanigas ang katawan ko ng hawakan n'ya ako sa baywang ko. Ang init ng kamay nito nakahaplos sa magkabila kong baywang. Damang dama ko sa balat ko ang palad niya. Suot ko ba naman ay pang belly dancer. Halter pangtaas lantad ang makinis kong baywang. Sa skirt naman ang iksi masyado. Kinaya ko lang ito isuot dahil kailangan. Idiniin niya ang akin sa harapan niya napalunok ako. Ramdam ko matigas siya lalo na ang suot ko ay sobrang iksi lumilis na iyon kita na ang singit ko. Kaya madali lang ako nahipuan kanina. Tinanong naman ako ni ate Hilda, kung kaya ko ang ganitong suot. Kasi ito talagang ang sinuot niya kapag sasayaw. Noong una lihim akong umayaw no choice pumayag na lang. Kinindatan ko siya kahit hindi ako sigurado kung nakikita niya ang mata ko. Pero kung pagbabasehan ko sa paraan ng titig. Tila nakikita n'ya kung paano ako tumitig. Tumiim ang titig sa akin. Ngumiti hinahalikan ang leeg ko kaya napalunok ako. Lalong nagsigawan ng hindi ako pakawalan ni Alexaiver. Malapit na oras kaya nakisabay na lang ako. "Pre! Type ni Alexaiver iyong babae." "Ipauubaya ko na," narinig ko sabi ng isa. Marami pa kantiyaw ngunit hindi ko nalang pinansin hanggang matapos ang oras at sinundo na ako ng organizer.Chartlotte Parang naging maliit ang espasyo ng buong k'warto ni Inay dahil sa pagdating ni Alexaiver. Alam ko naguguluhan ang Nanay ko sa biglang pagsugod nito. Malamang 'yan. Sino ba hindi? E, ngayon lang nakita si Alexaiver. Patunay ang titig ni Inay nangingilatis kay Alexaiver. Ako naman sobrang kinabahan baka kung anong masabi niya sa Nanay ko I swear babayagan ko siya kapag ginawa niya iyon. Kilala kaya siya ni Inay? Sa sexy Meg salon. Laging open ang TV nila. Kung kilala siya ni Inay kanina pa siya tinawag sa pangalan o ayaw lang ni Inay sabihin ngayon nag-aantay na ako ang magsabi sa kaniya. Pero alam ni Inay boss ko gumastos sa operasyon niya. Dahil inulan niya ako ng tanong nasukol ako. Nagtapat nalang sa parte lang na magiging boss ko siya kaya sinagot ang gastos. Naniwala naman siguro si Inay dahil wala ng maraming tanong ngunit saglit nanahimik at ang ngiti niya sa akin humingi ng pasensya dahil nagkasakit siya. Pero paano nga Chartlotte wala ka rin sinabi alam mo
Chartlotte “Alexavier, wait!” mariin kong ipinikit ang aking mata ang lakas din ng kalabog ng dibdib ko. Sana mapagbibigyan ako sa aking hihilingin. “Chartlotte, what is that?” banas ang boses. Hindi pala agad akong nakapagsalita ano ba naman ‘to. “A-Alexaivier….ahmm p'wede bang humingi pa ulit ng two days na palugit? Please ayaw ko iwanan ang Inay sa hospital gayong bagong opera lang siya.” Narinig ko ang marahas niyang paghinga sa kabilang linya. Humigpit ang hawak ko sa phone ko animo doon ako humuhugot ng lakas at pag-asa na papayag siya. “Panibagong alibi?” tila napilitan akong sagutin.. Napalunok ako. Sino ba naman ako para maniwala siya. Oo nga pala iba ang pagkakakila niya kaya iyon ang isasagot ni Alexaiver. “Nagsasabi ako ng totoo. Kaya ako pumayag sa kasunduan natin dahil kailangan ng Inay ng malaking pera.” “Damn! Saan ang hospital na ‘yan Chartlotte?” “Sa Makati Med—” bastos pinutol na agad ang tawag nito. Bumuntonghininga ako binalik sa bulsa ng pants k
Chartlotte “Bayot, hindi mo ako naiintindihan. Inalok niya ako kahit magkano bibigyan niya ako ng pera pero may kondisyon na ibinigay.” “Ano?” Humugot ako ng hangin para magpakalma. Tama bang ibahagi ko kay Prince, ang pag-uusap namin ni Alexaiver? Pero baka mabuang naman ako sa kakaisip kung wala man lang ako mapagsabihan. Noon hindi pa naospital si Inay. Wala akong nililihim dito. Ngayon iba na. Ayaw kong magsabi sa Inay ko baka lalong lumala ang sakit niya. Lalong ayaw ko ma-guilty si Inay rito sa gagawin ko ay para sa kaniya. “Kahit magkano bibigyan n'ya ako ng pera. Ngunit sa kaniya na ako maninirahan. Bayot may isa pa siyang kondisyon. Ako na ang magiging assistant at sekrtaya niya. Ang hirap noon bawat lakad niya kasama ako.” “Ay bet ko iyan Inday Chartlotte. Sana ako na lang,” sagot ni Prince. “Hays seryoso ako bakla ha? Alam mo na parang nakakaano. S'yempre may jugjugan mangyayari kasi magiging live-in partner kami. Kaibahan lang ayaw niya ipaalam sa iba. Secret n
Chartlotte “Lotte, ayaw mo ba magpalipas na lang ng umaga kahit mamaya ka na alas k'watro umalis? Alas dos pa ng madaling araw babae ka at walang kasama,” nag-aalala na sabi ng mga kasamahan ko. Inabot kasi ng alas dose ng gabi ang party. Naglinis pa kami sa buong venue kaya inabot ng alas dos kami bago natapos. Masaya naman ako dahil binigyan ako ng two thousand libre pa kami pagkain kaya kere lang. Amin nga lang pamasahe pero at least may maiiwan pa sa akin na one five dahil nag-book ako ng taxi papunta sa ospital. “Ako pa ba! Kaya ko ano? Salamat sa inyo palagi kayong mabait sa akin,” sagot ko sa kanila pilit na ngiti kahit pagod na. “Dahil mabait ka rin naman. So paano ingat ka,” sabay-sabay nilang paalam sa akin. Bumuntonghininga ako lumabas ng venue upang antayin ang taxi. Nag-antay pa ako ng ten minutes bago dumating. “Ms. Chartlotte?” nagtanong si kuya driver ng buksan ko ang pinto. “Opo kuya,” tugon ko tuluyang pumasok sa loob. Inaantok ako ngunit hindi ako na
Chartlotte “Ate Hilda,” yumakap ako ng mahigpit sa kaniya bubulong-bulong. Hindi ko napansin umiiyak na pala ako kung hindi sa mainit na likido pumatak sa pisngi ko. Una luha pa lang sumunod naging hikbi na. “May masama bang nangyari habang nasa loob ka ng VIP?” nag-aalala ito hinaplos ang buhok ko. "Magsabi ka lang kung anong ginawa nila kakausapin ko ang organizer at makakarating sa manager ko," umiling ako pagkatapos umalis ng yakap sa kaniya. “Ate masaya ako at nagawa ko,” sagot ko kaya naman napakamot ng buhok niya. “Ikaw na bata ka akala ko kung ano na!" Napangiti na lang ako niyaya siyang umuwi. Bukas daw ng umaga ibibigay ang bayad sabi ni ate Hilda habang nasa taxi kami pauwi sa lugar namin. Kasi papasok pa siya bukas ng gabi sa Elite at doon naman ibibigay ng manager niya ang bayad para sa akin. Tulala akong nakauwi sa maliit naming tahanan. Siniguro ko na maayos kong na-lock ang pinto bago ako humiga sa maliit kong papag. Noong wala pa sa ospital si Inay. Dalawa
Chartlotte Kabado akong kumatok sa office ng attending doktor ni mommy. Pinatawag niya ako ngunit hindi niya sinabi kung anong pag-uusapan namin. “Tok! Tok!” “Come in,” sagot sa loob. Mariin kong pinikit ang aking mata. Humugot din ako ng hangin sa dibdib ko para kumalma. Relax lang self. Ngayon pa ba susuko, almost six months na si Inay rito sa ospital. Kayang kaya ko kung ano man ang ibabalita ni doktor sa akin. Pinaupo niya ako. Nakayuko ako at sa kamay ko nakatingin animo doon ako humuhugot ng lakas loob. May pagkurot pa nga ako sa balat ko dahil kinalampag ng kaba ang dibdib ko. “May good news ako sa iyo Ms. Fuentes,” paabitin niyang sabi. Nag-angat ako ng tingin at masayang napangiti. Hindi rin ako makapag-antay kung anong good news na sasabihin niya sa akin. "Dok ano po iyon?" excited na medyo kabado kong tanong. Napangiti pa nga si doktor Falmer sa aking reaksyon. “Mayroon ng donor ang Inay mo,” “Wow talaga po?" ani ko at walang pagsidlan ng sobrang saya. Sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen