Chasing Her Heart

Chasing Her Heart

last updateDernière mise à jour : 2025-09-21
Par:  ROWAISHAMMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
Notes insuffisantes
4Chapitres
5Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Childhood love. Diyan nagsimula ang lahat. Akala ko matamis ang unang pag-ibig. Pero ito pala ang magtuturo sa akin na sa buhay ay hindi puro kasiyahan lamang— na ang reyalidad sa mundo ay may kaakibat na paghihirap at sakit. Ibinigay ko ang lahat na kahit ang pangarap kong maging engineer ay isinakripisyo ko alang-alang sa lalakeng minamahal ko. Akala ko ay sapat na iyon para masungkit ko ang puso niya at ipaalala sa kanya ang mga pangakong binitiwan niya. Pero hindi pa pala sapat kahit na pati sarili ko ay ibinigay ko ng buo sa kanya. Walang kulang, labis-labis na pagmamahal. Lumayo ako dala ang bunga ng aking pagmamahal at ng kanyang kapusukan. Hindi ko sinalba ang sarili ko, sinalba ko ang magiging anak ko. Muli, inakala kong nakalaya na ako sa bulag na pag-ibig. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana— nagkita kaming muli sa hindi inaasahang pagkakataon. Wala siyang maalala. Ginamit ko iyon para makapaghiganti. Pero hanggang kailan ko lolokohin ang sarili? Hanggang kailan ako tatakbo para hanapin ang sariling minsang nawala dahil sa aking unang pag-ibig?

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1

"Ikaw ang gagawa ng lahat para sa senyorito."

Nagsasalita si Sir Albert, ang personal assistant ni Senyorito Andrei— ang tagapagmana ng buong Hacienda Hermano at Hermano Group Of Companies. Pero ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa kanya. Binatang-binata na siya.

Magkababata kami. Isang mayordoma ang nanay ko rito sa kanilang hacienda at pinagkakatiwalaan naman ang tatay ko. Nasa likod lang ng hacienda ang bahay namin kaya hindi maiwasang maging kalaro ko siya noon at naging malapit na magkaibigan pa kami kalaunan. Nang magtapos kami sa elementarya ay pinadala siya sa London at doon nag-aral ng high school kasama ang bunso niyang kapatid.

Nagpatuloy rin ako sa pag-aaral pero lagi siyang laman ng isipan ko. Hindi pa naman kasi uso ang mga social media noon, pero nangako siyang susulat— na hindi naman nangyari ni minsan sa loob ng anim na taon. Hindi ko na iyon dinibdib pa at nag-aral na lang nang mabuti. Para may maipagmalaki ako kapag bumalik na siya.

Sa murang edad ay nahulog na ang puso ko sa kanya. Kaya kahit isang manliligaw ay hindi ko pinaunlakan dahil hinihintay ko ang pagbabalik ni Senyorito Andrei. Isa pa ay may pangako kami sa isa't isa bago pa man tuluyang maglayo ang aming mga landas.

Ngayong bumalik na nga siya ay napatunayan kong umiibig na nga ako sa kanya. Ang laki ng pinagbago niya pero nagbago na rin kaya ang pagtingin niya sa akin?

"Mag-aaral ka rin sa Unibersidad de Mateo."

Sa sinabing iyon ni Sir Albert ay nalipat ang tingin ko sa kanya. "P-Po? Pero sa Manila po iyon."

"Ganoon na nga," nakangiting sagot ni Sir Albert. "Sagot na ni Don Melchor ang pag-aaral mo hanggang sa makapagtapos ka. Hindi mo na rin poproblemahin ang allowance mo at kahit anong kailangan mo ay sagot na lahat ni Don Melchor."

Walang duda ang kabaitang mayroon si Don Melchor. Ganoon din ang asawa nitong si Donya Martina. Kahit ang bunsong kapatid ni Senyorito Andrei ay mabait din. Kaya siguro nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa angkin niyang kabaitan noon sa akin.

Pero...

May napapansin ako.

Ni isang beses ay hindi niya man lang ako sinulyapan. Nakatuon ang atensyon niya sa kanyang cellphone. Pansin ko rin na parang matured siyang tingnan kaysa sa edad niya. Parehas lang kaming eighteen na. Pero parang tumanda siya ng limang taon. Ganoon pa man ay hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya.

"Ang trabaho mo ay tulungan si Senyorito Andrei sa pag-aaral niya," dagdag pa ni Sir Albert. "Kaya dapat ay pareho sa kurso niya ang kukunin mo."

Napangiti ako sa loob-loob ko. Parehas kami ng pangarap simula pa noon— ang maging ganap na engineer. Kaya hindi na ako tututol sa bagay na iyon.

"At sa iisang bahay kayo titira."

Doon mas lalong nagdiwang ang puso ko. Sulit naman pala ang anim na taong paghihintay. Hindi man kami nakapag-usap ngayon pero marami pang araw na darating kaya alam kong marami pang araw para sa aming dalawa.

"Ang tanging gagawin mo lang ay siguraduhing maganda ang magiging grado ng senyorito at makatapos siya sa kolehiyo," sabi pa ni Sir Albert bago ako umuwi sa amin.

Pagagandahin ko kahit ang buhay ng senyorito! Napahagikhik na lamang ako.

Isang linggo rin ang lumipas at araw na para lisanin ang bayang sinilangan. Nasa tapat kami ng magarang sasakyan na kanina pa umaandar habang hinihintay ang paglabas ni Senyorito Andrei. 

"Mag-iingat ka roon, anak," maluha-luhang bilin ni Nanay Marisol habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Oo nga, ate," segunda naman ni Gabriel— ang kapatid kong sumunod sa akin na ngayon ay grade ten na sa pasukan. "Manila iyon, ate. Tatanga-tanga ka pa naman kung minsan."

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Nanay at kaagad na hinampas ang braso ni Gabriel. "Nahiya naman ako sa iyo. Sino kayang tanga ang hindi marunong tumawid ng kalsada, ha?"

Napatawa na lang si Nanay habang nagpapahid ng kanyang luha. Naiiyak ako pero hindi ko iyon pinapakita sa kanila. Unang beses itong malalayo ako sa kanila. Hindi lang naman ako pumayag dahil makakasama ko si Senyorito Andrei. Pumayag din ako dahil para sa mga pangarap ko at para sa pamilya ko. Hindi biro ang gastos kapag nasa kolehiyo na. Kahit pa sabihing kaya ko namang makapasok sa mga scholarship, iba pa rin kapag libre na lahat.

"Tama ang nanay ninyo, Katherina," sabi pa ni Tatay Adolfo na halatang seryoso dahil tinawag niya ako sa buo kong pangalan. "Mag-iingat ka lagi roon. Matalino kang bata kaya alam kong makakaya mo ang buhay roon."

"Mag-video call tayo minsan, ate, at nang hindi mag-alala sina nanay at tatay," sambit ni Melody— ang sumunod kay Gabriel, na ngayon ay grade eight na sa pasukan.

"Umuwi ka rin, ate, kapag hindi ka abala sa pag-aaral at kung may bakante kang mga araw," dagdag pa ng bunso naming si Kevin, na nasa huling baitang na sa elementarya sa darating na pasukan.

"We'll visit you every now and then."

Natigil kami sa pag-uusap nang marinig namin ang boses ni Donya Martina na kalalabas lang mula sa loob ng hacienda. Nabaling ang atensyon niya sa amin at nang makita ako ay lumawak ang kanyang pagkakangiti.

Ilang saglit pa ay magkaharap na kami ni Donya Martina. "Ikaw na sana ang bahala kay Andrei, Rina."

"Makakaasa po kayo, Donya Martina," nakangiti kong sagot pero ang mga mata ko ay nakapako kay Senyorito Andrei.

Isang linggo rin simula nang makabalik siya pero ni minsan ay hindi man lang kami nakapag-usap. Sa tuwing nakikita ko siya ay lagi lang siyang nakatutok sa cellphone niya at hindi ko man lang nakitang sumulyap siya sa akin.

"Mag-iingat kayo roon, Ate Rina," sambit ng bunsong kapatid ni Senyorito Andrei na si Senyorita Ava.

"Ikaw rin, Senyorita Ava," nakangiti kong sagot sa kanya at sumulyap muli kay Senyorito Andrei pero hindi man lang nagtatama ang mga paningin namin.

"Sabi ng Ava na lang, eh," nakangusong turan ni Senyorita Ava.

"Let's go."

Dalawang salita pa lang iyon pero sapat na para matameme ang puso ko. Ibang-iba na ang boses niya kaysa noon. Siguro dahil bata pa naman kami. Pero ngayon ay buong-buo na ang boses niya— parang isang hari na nag-uutos sa kanyang sinasakupan.

Dalawang kotse ang dadalhin namin. Ang isa ay si Sir Albert ang magmamaneho at ang isa naman ay kung saan ako sasakay kasama si Kuya Jose na siyang personal driver naman ni Senyorito Andrei.

Sinabi na sa akin ni Sir Albert na kay Kuya Jose sasama dahil sa kanya naman sasama si Senyorito Andrei.

Akma ko nang bubuksan ang pinto ng passenger's seat pero inunahan ako ni Senyorito Andrei. Hindi ako nagulat dahil sa biglaan niyang pagbukas ng pinto. Nagulat ako dahil sa saglit na pagtama ng kamay niya sa kamay ko. Para akong nakuryente. Ang puso ko... kay bilis ng tibok nito.

Hindi ako nagpahalata kahit na pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Nararamdaman kong umiinit na ang mukha ko. Nahihiya akong napayuko at nagsalita. "S-Sige, k-kay Sir Albert na lang a-ako sasama."

Prente na siyang nakaupo kaya hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at akmang aalis na nang biglang magtama ang aming mga mata. Parang hinihila ng mga titig niya ang kaluluwa ko. Ang puso ko... mukhang sasabog na yata ito!

"May bakante pa naman sa likod, diyan ka na lang sumakay. Kaya naman ni Albert mag-isa."

Kaagad akong napaiwas ng tingin. Nakakapaso ang bawat titig niya. Kunwari ay tumingin ako kay Sir Albert at Donya Martina— humihingi ng saklolo.

Pero kapwa lang sila ngumiti at tumango.

Wala na akong nagawa kung hindi sumakay. Hindi ko alam kung sino ang naglagay ng mga gamit dito sa loob ng sasakyan na tanging ang gitnang parte na lang niyon ang pwedeng upuan. Akma kong itutulak sana ang mga pero...

"Ang bagal naman ng kilos, hays! Diyan ka na sa gitna umupo!"

Sa pagkakataranta ko ay dali-dali na akong pumasok sa loob at kaagad na umupo. Ang siste ay nasa gitna nga ako.

"Tayo na, Jose," sabi pa ni Senyorito Andrei at kaagad namang pinatakbo ni Kuya Jose ang sasakyan.

Dati-rati naman ay tinatawag niya pang kuya si Kuya Jose. Matagal na rin itong naninilbihan sa kanila. Matanda siya sa amin ng labing limang taon.

Ganoon na ba kapag nakapangibang bansa? Maraming magbabago? Hindi na siya palangiti kagaya noon. Hindi na siya ang nakilala kong si Senyorito Andrei na kapag nakikita ako ay lalapit sa akin at kaagad akong aakbayan. Pero kahit ganoon pa man ay siya pa rin ang Senyorito Andrei na minamahal ko hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Anim na oras ang byahe galing sa La Esperanza papuntang Manila. At ilang minuto lang simula nang bumyahe kami ay nakatulog na kaagad ako. Eh kaysa namang mailang ako dahil sa presensya ni Senyorito Andrei.

Kaagad na akong bumaba nang makita kong binababa na ni Kuya Jose ang mga gamit namin. Hindi ko na alam kung nasaan si Senyorito Andrei.

"Hindi ito ang bahay ng pamilya Hermano," sabi ni Sir Albert habang papasok kami sa loob ng bahay. "Si Senyorito Andrei ang pumili ng bahay na ito na kabibili pa lang noong nakaraang linggo dahil malapit lang sa university na papasukan ninyo."

Kaya pala wala pang masyadong mga gamit at hindi rin ganoon kalaki.

"Nasa second floor ang kwarto ni Senyorito Andrei, ang library at may dalawang bakanteng kwarto. Nasa third floor naman ang kwarto mo at may isang bakanteng kwarto. Nandito naman sa ground floor ang kwarto ng mga katulong at may dalawang guest room," pagpapaliwanag ni Sir Albert. "Mayroon lamang apat na katulong at kabilin-bilinan ni Donya Martina na hindi ka katulong dito kung hindi personal tutor ni Senyorito Andrei."

Napapatango na lang ako pero ang mga mata ko ay pagala-gala— hinahanap si Senyorito Andrei.

"May intercom na naka-connect sa kwarto mo mula rito sa kusina kaya tatawagin ka na lang kapag oras na ng kain," dagdag pa ni Sir Albert. "Magpahinga ka muna. Marami pang araw para mag-ayos ng mga gamit mo sa kwarto mo. Nakabukas na ang ilaw sa kwarto mo."

"S-Sige po..." tipid kong sagot at kaagad na umakyat papunta sa kwarto ko.

Nagdahan-dahan ako sa paglalakad nang nasa second floor na ako. Nagbabaka sakaling makita ko si Senyorito Andrei pero ni anino niya ay hindi ko man lang nasilayan.

Nasa tapat na ako ng kwarto ko nang may biglang humila sa akin at takpan ang bibig ko. Sa sobrang pagkabigla at taranta ko ay hindi ko namalayang nasa madilim na parte na kami ng third floor.

"I miss you so much."

At doon ko napagtantong si Senyorito Andrei ang humila sa akin. Hindi ko alam pero kaagad ko siyang niyakap at ganoon din siya.

"Akala ko, nakalimutan mo na ang pangako mo sa akin..." bulong ko sa kanya na parang isang batang nagsusumbong.

Sa halip na sagutin ako ay kaagad niya akong hinalikan sa aking mga labi. Dahan-dahan lang sa umpisa. Hindi ko alam kung paano tutugon kaya sinabayan ko na lang ang galaw ng mga labi niya.

Ang tamis ng aking unang halik.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

Pas de commentaire
4
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status