Share

Kabanata 58

SANDALI akong huminto nang matalo ko ang dalawa, bumaling kay Elana na nanonood sa gilid. Matalim ang tingin niya sa akin kaya nginitian ko siya para mas mainis siya bago ako muling nakipaglaban sa mga alagad niya.

Salitan sila sa pagsugod sa akin, mahusay ang iba sa kanila na siyang hindi ko agad napapatumba kaya pinili ko ang mga mahihina upang mabawasan sila. Lumiyad ako nang akmang tataman ng latigo ng isa sa kanila, sa muli nitong paghampas niyon ay hinuli ko ito at malakas na hinatak.

Gulat siyang napalapit sa akin, ngumisi ako at ginamit ang buong lakas ko upang sipain siya dahilan upang humagis ito at tumama sa malaking puno, sa lakas ng pagkakasalpok niya dito ay agad siyang nawalan ng malay. 

Sunod-sunod silang sumugod matapos niyon kaya ihinanda ko ang espada sa ere at mabilis na umikot upang sabay-sabay silang masugatan. Ngumiti ako nang lumayo ang tatlo upang indahin ang natamong sugat. Suminghap ako ng hangin at ako naman ang naunang sumugod.<

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status