NAKATINGIN lamang ako sa kaniya habang patuloy siyang nagsasagwan, sakay kami ng maliit na bangka mula sa isang maliit na isla malapit sa kaharian ng Farianio. Ipinasyal niya ako dahil sa magandang tanawin doon, sobra akong naaliw kaya malapit ng dumilim nang makasakay kami sa bangka.
At ngayon ay gabi na dahil mabagal ang pagsasagwa niya, ayos lang naman sa akin iyon dahil mas matagal ang oras naming magkasama. Tanghali na noong umalis ako sa aming kuta ngunit alam naman nila na naglilibot lamang ako sa iba't-ibang bayan upang magnakaw kaya hindi nila ako basta hahanapin kung gabihin man ako. Kaya hindi ako nag-aalala habang kasama ko ang ginoong ito.
Tumingin siya sa karagatang tila walang hangganan kaya malaya ko siyang pinagmasdan, habang tumatagal ay mas gumagwapo siya sa paningin ko. Sa bahagyang pagkunot ng noo niya ay napangiti ako, kahit anong ipakita niyang reaksyon ay hindi nababawasan ang kakisigan niya. Lalo pa nga yata iyong nadagdagdagan.
Nakat
TUTOK ang paningin ko sa mga sugat ni Adrina, at hindi ko gusto ang nakikita kong iyon. Habang tumatagal ay namumuo ang galit ko at iniisip na kung paano akong gaganti sa hangal na babaeng iyon.Hindi ako papayag na sa ganito lamang ito matatapos. Hindi ako papayag na magagawa niya kung anong gusto niya sa amin nang hindi kami pumapalag. Hindi basta nagpapaapi ang isang mandirigma.Siya ang naunang sumugod sa akin kaya nararapat lamang sa kaniya iyon. Wala siyang karapatang gumanti.Bago pa man matapos si Dana sa paglalapat ng mga halamang gamot sa sugat ni Adrina ay lumabas na ako sa silid. Hindi ako napansing umalis ni Adrina dahil nakapakit ito at tila ilang sandali na lamang ay mawawalan na ng malay."Aliara," tawag ni Matias, sumunod sa akin. "Saan ka pupunta?" nagtataka niyang tanong nang makitang hindi ang daan patungo sa aking silid ang tinatahak ko.Huminto ako at blangkong bumaling sa kaniya. "Bakit mo ako sinundan? Magpahinga ka rin sa i
WALANG imik akong naglakad palayo nang makababa mula sa sinakyang kabayo, hinayaan ko na si Matias na ipasok iyon sa kulungan at painumin ng tubig. Tahimik lamang kami buong byahe pag-uwi rito, hindi na siya nagtanong pa ng kahit ano. Marahil ay naramdaman niyang wala ako sa ayos ngayon.Hindi ko alam kung anong iniisip niya nang makita kaming magkasama ni Sevasti at mukhang nagtatalo. Ayokong isipin niya na may kinalaman si Sevasti sa nangyari kay Adrina ngunit ayoko rin namang magsalita tungkol doon.Sana lamang ay hindi na siya magtanong pa tungkol doon bukas. Dahil hindi ko alam kung paanong sasagot.Sa halip na dumiretso sa aking silid ay nagtungo ako sa silid ng magkapatid. Umupo ako sa higaan ni Kera at pinagmasdan si Adrina. Mahimbing ang tulog niya kaya hindi ako gumagawa ng anumang ingay.Mahina akong bumuntong hininga at ibinaling na lamang ang paningin sa kamay kong nakapatong sa hita ko. Hanggang ngayon ay tila nararamdaman ko pa rin ang init
HUMINTO ako mula sa pagtakbo at nagtago sa likod ng malaking puno nang makita ang tatlong nilalang dito sa gitna ng kagubatan, sa itsura ng mga ito ay alam kong kami ang pakay.Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sumusukong paslangin kami. Mga hangal talaga."Narito na naman sa Kozania ang hangal na ito," inis kong bulong.Wala akong panahon para sa kanila ngayon kaya hinintay kong makalampas sila bago ako muling tumakbo patungo kay Matias.Bumagsak ako sa lupa nang makaramdam ng kirot sa aking kanang binti, naitukod ko ang kanang braso na siyang sumalo ng bigat ko dahilan upang magkasugat ito at tila napilayan pa.Napapikit ako sa sakit kasabay nang mahina kong pagdaing. Sa pagdilat ay tiningnan ko ang nangyari sa binti ko. Isang palaso lamang naman ang nakatarak sa binti ko!Muli akong dumaing sa sakit, nag-aalab ang mga mata sa galit."Sino ang hangal na gumawa nito?!" galit kong wika. Nilingon ang banda kung saan narinig ko ang y
PASINGHAP akong bumangon, bumagsak ang isang basang tela mula sa noo ko. Pinunasan ko ang nararamdamang pawis sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit hinahahabol ko ang hininga ko, tila pagod ang katawan ko kahit galing naman ako sa pagtulog.'Pananginip lamang ba ang nangyari sa akin sa kagubatan? At ang pagkakahuli kay Matias?' tanong ng isip ko.Bahagya akong gumalaw at nang maramdaman ang pagkirot sa binti ko napagtanto kong hindi panaginip iyon, sa halip na dumaing sa sakit ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat.Hinuli ng mga kawal si Matias dahil sa bintang na siya ang pumatay kay Elana!"Magpahinga ka muna, Aliara. Hindi pa ayos ang kalagayan mo," seryosong wika ng tinig sa tabi ko, si Adrina. Agad akong napatingon sa kaniya na nakaupo sa kaharap kong higaan. Ngayon ko lamang napansin kung nasaan ako, sa silid ng magkapatid. "Hindi pa tuluyang gumagaling ang mga sugat mo dahil hindi kita mapagaling ng maayos sa kalagayan ko ngayon."Madilim na
NAKATITIG ako sa malaking palasyo ng Farianio, maliwanag sa loob nito at buhay na buhay. Ang sinag ng bilog na buwan ay nagdedepina ng kalakihan at karangyaan nito. Hindi maipagkakaila na maunlad ang kahariang ito.Ibinaling ko ang paningin sa bilog na buwan dahil sumasakit ang mata ko sa palasyong ito. Sa tuwing makikita ko ang bawat bahagi nito ay hindi maiwasang hindi ko maisip ang hangal na si Henicio, kung paano niyang inagaw ang kaharian ko at ginamit para lamang mapunta sa kaniya ang kapangyarihang tinatamasa ngayon. Matapos niyang magtagumpay na maagaw ang trono ng Farianio ay pinabagsak niya ang Kozania.Maraming buhay ang kinuha niya para lamang makuha ang bagay na hindi naman para sa kaniya. Pinagtaksilan niya ang kaniyang kaharian ngunit ngayon ay masagana siyang nabubuhay. Hindi iniisip ang mga naging kabayaran ng lahat, ang paghihirap naming mga Kozanian.Marahil ay nakalimutan na iyon ng lahat ngunit ako hinding-hindi makakalimot. Nakatatak
"BINIBINI! Binibini!"Agad akong napadilat dahil sa boses na iyon, nabitawan ko rin ang hawak na espada dahil sa pagkagulat. Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato sa harap ng aming kuta, nakatulugan ang pagbabantay.Tumingin ako sa langit kung saan nasa ere pa rin si Vivi, napatakip ang isa kong kamay sa mata nang masilaw ako sa liwanag. Nang pumikit ako kanina ay madilim pa, mukhang napatagal ang pagpikit ko."Ano iyon, Vivi?" kunot-noo kong tanong. Kay aga ngunit nambubulabog siya. Maging ang kasama kong nagbabantay na si Suri ay nagtatakang nakatingin dito."Si Matias! Si Matias!" aniya dahilan upang manlaki ang mga mata ko. Napatayo ako at saglit na napatingin kay Suri, pareho rin ang reaksyon.Mas mataas na lumipad si Vivi, umikot-ikot muna sa ere bago tinahak ang daan paalis.Muli akong tumingin kay Suri at nagsalita, "Gisingin mo ang iba nating kasamahan at sabihin na sundan ako patungo sa Farianio.""Masusunod, Binibini."
MARAHAN kong idinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang maliwanag na paligid, ang mga nagsasayawang dahon sa ilalim ng puno kung nasaan ako. Naramdaman kong nakahiga ako sa madamong lupa. Mukhang nasa gitna ako ng kagubatan, sakto ang lugar na ito kung nais mong magpahinga. At sa itsura ng kalangitan ay nalaman kong hapon na.Ngunit agad akong napabangon nang maalala ang huling nangyari bago ako napunta sa lugar na ito. Dinala ako ng mga sanga ng puno rito, at dalawang lahi lamang ang kilalang may ganoong kapangyarihan. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagdala sa akin dito, maging ang intensyon niya kung bakit niya ito ginawa.Marahil ay para iligtas ako? Ilayo sa kapahamakang nais kong gawin? Hindi ko alam.Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit.Mabilis akong tumayo at pinagmasdan ang paligid. Walang kahit na isang nilalang akong nakikita, ako lamang mag-isa rito. Sa masaganang puno at mga buhay na buhay na halamang nakikita ko
MARAHAN akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng palasyo, suot ang purong itim na kasuotan sa tuwing mayroon kaming lulusubin o kakalabanin. Hindi ko na inabala pang takpan ang mukha ko dahil makikilala rin naman ako ng mga nilalang na sadya ko sa lugar na ito. At hindi matatapos ang gabing ito na hindi ko sila napapaslang.Malapit na akong makarating sa silid ni Henicio nang makita ko ang dalawang kawal kaya agad akong nagtago sa madilim na bahagi at pirming lumapat sa pader. Mahinang nakahinga ng maluwag nang lampasan lamang nila ako.Muli akong naglakad at napahinto nang makasalubong ang isang grupo ng mga kawal. Inis ako bumuga ng hangin dahil nakita na nila ako. Bakit ba napakarami pa ring kawal dito kahit malalim na ang gabi?! Hindi ba natutulog ang mga ito?!"May nakapasok!""Habulin ninyo!""Wag hayaang makatakas!""Kamalasan!" mahina kong asik. Tumakbo ako palayo at lumiko sa isa pang pasilyo, at hangga't may nakikita akong pasilyo a