PINUNASAN ko ang tumakas na luha sa aking mata habang nakatingin sa apoy na mula sa mga mamamayan kong nasawi, pito sila, tatlo ay mga binatilyo. Nagsisisi ako na nahuli ako sa pagdating upang tumulong, kung nandoon lamang ako simula umpisa ay makakaisip agad ako ng magandang estratehiya upang mabilis na magapi ang mga kalaban.
Ngunit wala na akong magagawa dahil nangyari na iyon at hindi na maibabalik ng pagsisisi ko ang buhay na nawala sa amin. Kailangan ko na lamang tanggapin ito, mabigat man sa aking kalooban.
Lumingon ako kay Matias na kanina pa nakatingin sa akin. Sa lahat ng nilalang dito ay siya ang higit na nakakakilala sa akin kaya alam niya nararamdaman ko ngayon.
"Kailangan nating lumipat muli ng bagong kuta," mahina kong wika na siya lamang ang nakakarinig.
Marahan siyang tumango. "Ganoon na nga. Para sa kaligtasan natin."
Muli akong bumaling sa apoy na may lungkot ang mga mata.
"Umaasa akong hindi na natin pa iiwan ang palasyon
SANDALI akong huminto nang matalo ko ang dalawa, bumaling kay Elana na nanonood sa gilid. Matalim ang tingin niya sa akin kaya nginitian ko siya para mas mainis siya bago ako muling nakipaglaban sa mga alagad niya.Salitan sila sa pagsugod sa akin, mahusay ang iba sa kanila na siyang hindi ko agad napapatumba kaya pinili ko ang mga mahihina upang mabawasan sila. Lumiyad ako nang akmang tataman ng latigo ng isa sa kanila, sa muli nitong paghampas niyon ay hinuli ko ito at malakas na hinatak.Gulat siyang napalapit sa akin, ngumisi ako at ginamit ang buong lakas ko upang sipain siya dahilan upang humagis ito at tumama sa malaking puno, sa lakas ng pagkakasalpok niya dito ay agad siyang nawalan ng malay.Sunod-sunod silang sumugod matapos niyon kaya ihinanda ko ang espada sa ere at mabilis na umikot upang sabay-sabay silang masugatan. Ngumiti ako nang lumayo ang tatlo upang indahin ang natamong sugat. Suminghap ako ng hangin at ako naman ang naunang sumugod.
NAKATINGIN lamang ako sa kaniya habang patuloy siyang nagsasagwan, sakay kami ng maliit na bangka mula sa isang maliit na isla malapit sa kaharian ng Farianio. Ipinasyal niya ako dahil sa magandang tanawin doon, sobra akong naaliw kaya malapit ng dumilim nang makasakay kami sa bangka. At ngayon ay gabi na dahil mabagal ang pagsasagwa niya, ayos lang naman sa akin iyon dahil mas matagal ang oras naming magkasama. Tanghali na noong umalis ako sa aming kuta ngunit alam naman nila na naglilibot lamang ako sa iba't-ibang bayan upang magnakaw kaya hindi nila ako basta hahanapin kung gabihin man ako. Kaya hindi ako nag-aalala habang kasama ko ang ginoong ito. Tumingin siya sa karagatang tila walang hangganan kaya malaya ko siyang pinagmasdan, habang tumatagal ay mas gumagwapo siya sa paningin ko. Sa bahagyang pagkunot ng noo niya ay napangiti ako, kahit anong ipakita niyang reaksyon ay hindi nababawasan ang kakisigan niya. Lalo pa nga yata iyong nadagdagdagan. Nakat
TUTOK ang paningin ko sa mga sugat ni Adrina, at hindi ko gusto ang nakikita kong iyon. Habang tumatagal ay namumuo ang galit ko at iniisip na kung paano akong gaganti sa hangal na babaeng iyon.Hindi ako papayag na sa ganito lamang ito matatapos. Hindi ako papayag na magagawa niya kung anong gusto niya sa amin nang hindi kami pumapalag. Hindi basta nagpapaapi ang isang mandirigma.Siya ang naunang sumugod sa akin kaya nararapat lamang sa kaniya iyon. Wala siyang karapatang gumanti.Bago pa man matapos si Dana sa paglalapat ng mga halamang gamot sa sugat ni Adrina ay lumabas na ako sa silid. Hindi ako napansing umalis ni Adrina dahil nakapakit ito at tila ilang sandali na lamang ay mawawalan na ng malay."Aliara," tawag ni Matias, sumunod sa akin. "Saan ka pupunta?" nagtataka niyang tanong nang makitang hindi ang daan patungo sa aking silid ang tinatahak ko.Huminto ako at blangkong bumaling sa kaniya. "Bakit mo ako sinundan? Magpahinga ka rin sa i
WALANG imik akong naglakad palayo nang makababa mula sa sinakyang kabayo, hinayaan ko na si Matias na ipasok iyon sa kulungan at painumin ng tubig. Tahimik lamang kami buong byahe pag-uwi rito, hindi na siya nagtanong pa ng kahit ano. Marahil ay naramdaman niyang wala ako sa ayos ngayon.Hindi ko alam kung anong iniisip niya nang makita kaming magkasama ni Sevasti at mukhang nagtatalo. Ayokong isipin niya na may kinalaman si Sevasti sa nangyari kay Adrina ngunit ayoko rin namang magsalita tungkol doon.Sana lamang ay hindi na siya magtanong pa tungkol doon bukas. Dahil hindi ko alam kung paanong sasagot.Sa halip na dumiretso sa aking silid ay nagtungo ako sa silid ng magkapatid. Umupo ako sa higaan ni Kera at pinagmasdan si Adrina. Mahimbing ang tulog niya kaya hindi ako gumagawa ng anumang ingay.Mahina akong bumuntong hininga at ibinaling na lamang ang paningin sa kamay kong nakapatong sa hita ko. Hanggang ngayon ay tila nararamdaman ko pa rin ang init
HUMINTO ako mula sa pagtakbo at nagtago sa likod ng malaking puno nang makita ang tatlong nilalang dito sa gitna ng kagubatan, sa itsura ng mga ito ay alam kong kami ang pakay.Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sumusukong paslangin kami. Mga hangal talaga."Narito na naman sa Kozania ang hangal na ito," inis kong bulong.Wala akong panahon para sa kanila ngayon kaya hinintay kong makalampas sila bago ako muling tumakbo patungo kay Matias.Bumagsak ako sa lupa nang makaramdam ng kirot sa aking kanang binti, naitukod ko ang kanang braso na siyang sumalo ng bigat ko dahilan upang magkasugat ito at tila napilayan pa.Napapikit ako sa sakit kasabay nang mahina kong pagdaing. Sa pagdilat ay tiningnan ko ang nangyari sa binti ko. Isang palaso lamang naman ang nakatarak sa binti ko!Muli akong dumaing sa sakit, nag-aalab ang mga mata sa galit."Sino ang hangal na gumawa nito?!" galit kong wika. Nilingon ang banda kung saan narinig ko ang y
PASINGHAP akong bumangon, bumagsak ang isang basang tela mula sa noo ko. Pinunasan ko ang nararamdamang pawis sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit hinahahabol ko ang hininga ko, tila pagod ang katawan ko kahit galing naman ako sa pagtulog.'Pananginip lamang ba ang nangyari sa akin sa kagubatan? At ang pagkakahuli kay Matias?' tanong ng isip ko.Bahagya akong gumalaw at nang maramdaman ang pagkirot sa binti ko napagtanto kong hindi panaginip iyon, sa halip na dumaing sa sakit ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat.Hinuli ng mga kawal si Matias dahil sa bintang na siya ang pumatay kay Elana!"Magpahinga ka muna, Aliara. Hindi pa ayos ang kalagayan mo," seryosong wika ng tinig sa tabi ko, si Adrina. Agad akong napatingon sa kaniya na nakaupo sa kaharap kong higaan. Ngayon ko lamang napansin kung nasaan ako, sa silid ng magkapatid. "Hindi pa tuluyang gumagaling ang mga sugat mo dahil hindi kita mapagaling ng maayos sa kalagayan ko ngayon."Madilim na
NAKATITIG ako sa malaking palasyo ng Farianio, maliwanag sa loob nito at buhay na buhay. Ang sinag ng bilog na buwan ay nagdedepina ng kalakihan at karangyaan nito. Hindi maipagkakaila na maunlad ang kahariang ito.Ibinaling ko ang paningin sa bilog na buwan dahil sumasakit ang mata ko sa palasyong ito. Sa tuwing makikita ko ang bawat bahagi nito ay hindi maiwasang hindi ko maisip ang hangal na si Henicio, kung paano niyang inagaw ang kaharian ko at ginamit para lamang mapunta sa kaniya ang kapangyarihang tinatamasa ngayon. Matapos niyang magtagumpay na maagaw ang trono ng Farianio ay pinabagsak niya ang Kozania.Maraming buhay ang kinuha niya para lamang makuha ang bagay na hindi naman para sa kaniya. Pinagtaksilan niya ang kaniyang kaharian ngunit ngayon ay masagana siyang nabubuhay. Hindi iniisip ang mga naging kabayaran ng lahat, ang paghihirap naming mga Kozanian.Marahil ay nakalimutan na iyon ng lahat ngunit ako hinding-hindi makakalimot. Nakatatak
"BINIBINI! Binibini!"Agad akong napadilat dahil sa boses na iyon, nabitawan ko rin ang hawak na espada dahil sa pagkagulat. Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato sa harap ng aming kuta, nakatulugan ang pagbabantay.Tumingin ako sa langit kung saan nasa ere pa rin si Vivi, napatakip ang isa kong kamay sa mata nang masilaw ako sa liwanag. Nang pumikit ako kanina ay madilim pa, mukhang napatagal ang pagpikit ko."Ano iyon, Vivi?" kunot-noo kong tanong. Kay aga ngunit nambubulabog siya. Maging ang kasama kong nagbabantay na si Suri ay nagtatakang nakatingin dito."Si Matias! Si Matias!" aniya dahilan upang manlaki ang mga mata ko. Napatayo ako at saglit na napatingin kay Suri, pareho rin ang reaksyon.Mas mataas na lumipad si Vivi, umikot-ikot muna sa ere bago tinahak ang daan paalis.Muli akong tumingin kay Suri at nagsalita, "Gisingin mo ang iba nating kasamahan at sabihin na sundan ako patungo sa Farianio.""Masusunod, Binibini."