Share

Kabanata 65

"BINIBINI! Binibini!"

Agad akong napadilat dahil sa boses na iyon, nabitawan ko rin ang hawak na espada dahil sa pagkagulat. Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato sa harap ng aming kuta, nakatulugan ang pagbabantay.

Tumingin ako sa langit kung saan nasa ere pa rin si Vivi, napatakip ang isa kong kamay sa mata nang masilaw ako sa liwanag. Nang pumikit ako kanina ay madilim pa, mukhang napatagal ang pagpikit ko.

"Ano iyon, Vivi?" kunot-noo kong tanong. Kay aga ngunit nambubulabog siya. Maging ang kasama kong nagbabantay na si Suri ay nagtatakang nakatingin dito.

"Si Matias! Si Matias!" aniya dahilan upang manlaki ang mga mata ko. Napatayo ako at saglit na napatingin kay Suri, pareho rin ang reaksyon.

Mas mataas na lumipad si Vivi, umikot-ikot muna sa ere bago tinahak ang daan paalis.

Muli akong tumingin kay Suri at nagsalita, "Gisingin mo ang iba nating kasamahan at sabihin na sundan ako patungo sa Farianio."

"Masusunod, Binibini."<

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status