NAKATITIG ako sa malaking palasyo ng Farianio, maliwanag sa loob nito at buhay na buhay. Ang sinag ng bilog na buwan ay nagdedepina ng kalakihan at karangyaan nito. Hindi maipagkakaila na maunlad ang kahariang ito.
Ibinaling ko ang paningin sa bilog na buwan dahil sumasakit ang mata ko sa palasyong ito. Sa tuwing makikita ko ang bawat bahagi nito ay hindi maiwasang hindi ko maisip ang hangal na si Henicio, kung paano niyang inagaw ang kaharian ko at ginamit para lamang mapunta sa kaniya ang kapangyarihang tinatamasa ngayon. Matapos niyang magtagumpay na maagaw ang trono ng Farianio ay pinabagsak niya ang Kozania.
Maraming buhay ang kinuha niya para lamang makuha ang bagay na hindi naman para sa kaniya. Pinagtaksilan niya ang kaniyang kaharian ngunit ngayon ay masagana siyang nabubuhay. Hindi iniisip ang mga naging kabayaran ng lahat, ang paghihirap naming mga Kozanian.
Marahil ay nakalimutan na iyon ng lahat ngunit ako hinding-hindi makakalimot. Nakatatak
"BINIBINI! Binibini!"Agad akong napadilat dahil sa boses na iyon, nabitawan ko rin ang hawak na espada dahil sa pagkagulat. Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato sa harap ng aming kuta, nakatulugan ang pagbabantay.Tumingin ako sa langit kung saan nasa ere pa rin si Vivi, napatakip ang isa kong kamay sa mata nang masilaw ako sa liwanag. Nang pumikit ako kanina ay madilim pa, mukhang napatagal ang pagpikit ko."Ano iyon, Vivi?" kunot-noo kong tanong. Kay aga ngunit nambubulabog siya. Maging ang kasama kong nagbabantay na si Suri ay nagtatakang nakatingin dito."Si Matias! Si Matias!" aniya dahilan upang manlaki ang mga mata ko. Napatayo ako at saglit na napatingin kay Suri, pareho rin ang reaksyon.Mas mataas na lumipad si Vivi, umikot-ikot muna sa ere bago tinahak ang daan paalis.Muli akong tumingin kay Suri at nagsalita, "Gisingin mo ang iba nating kasamahan at sabihin na sundan ako patungo sa Farianio.""Masusunod, Binibini."
MARAHAN kong idinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang maliwanag na paligid, ang mga nagsasayawang dahon sa ilalim ng puno kung nasaan ako. Naramdaman kong nakahiga ako sa madamong lupa. Mukhang nasa gitna ako ng kagubatan, sakto ang lugar na ito kung nais mong magpahinga. At sa itsura ng kalangitan ay nalaman kong hapon na.Ngunit agad akong napabangon nang maalala ang huling nangyari bago ako napunta sa lugar na ito. Dinala ako ng mga sanga ng puno rito, at dalawang lahi lamang ang kilalang may ganoong kapangyarihan. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagdala sa akin dito, maging ang intensyon niya kung bakit niya ito ginawa.Marahil ay para iligtas ako? Ilayo sa kapahamakang nais kong gawin? Hindi ko alam.Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit.Mabilis akong tumayo at pinagmasdan ang paligid. Walang kahit na isang nilalang akong nakikita, ako lamang mag-isa rito. Sa masaganang puno at mga buhay na buhay na halamang nakikita ko
MARAHAN akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng palasyo, suot ang purong itim na kasuotan sa tuwing mayroon kaming lulusubin o kakalabanin. Hindi ko na inabala pang takpan ang mukha ko dahil makikilala rin naman ako ng mga nilalang na sadya ko sa lugar na ito. At hindi matatapos ang gabing ito na hindi ko sila napapaslang.Malapit na akong makarating sa silid ni Henicio nang makita ko ang dalawang kawal kaya agad akong nagtago sa madilim na bahagi at pirming lumapat sa pader. Mahinang nakahinga ng maluwag nang lampasan lamang nila ako.Muli akong naglakad at napahinto nang makasalubong ang isang grupo ng mga kawal. Inis ako bumuga ng hangin dahil nakita na nila ako. Bakit ba napakarami pa ring kawal dito kahit malalim na ang gabi?! Hindi ba natutulog ang mga ito?!"May nakapasok!""Habulin ninyo!""Wag hayaang makatakas!""Kamalasan!" mahina kong asik. Tumakbo ako palayo at lumiko sa isa pang pasilyo, at hangga't may nakikita akong pasilyo a
NGINITIAN ko lamang siya at mabilis na gumalaw upang makipaglaban sa kaniyang mga kawal. Nang matalo ko ang ilan ay tumakbo ako patungo sa malapit na pader at tumapak dito upang makatalon ng mataas, sa muli kong pagsugod ay nakatutok ang talim ng aking espada sa mga ito. Saktong tumarak sa dibdib nang isa, agad ko itong binawi dahilan upang bahagyang kumalat ang kaniyang dugo. Ngumisi ako at muling humarap sa iba pa na determinadong mapaslang ako, nakikitaan man ng pag-aalinlangan ay walang habas na hinahampas sa akin ang kanilang mga espada na siya ko namang nasasangga. Ginagantihan ko sila ng pagsugod sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon, iikot kapag iiwas, ginagamit ko rin ang siko, paa at ang malaya kong kamao sa pakikipaglaban sa kanila para mas madali silang matalo. Sa bawat paghampas ko ng espada sa iba't-ibang direksyon ay nag-iiwan ito ng sugat sa mga kalaban. At sa ilang sandaling lumipas ay kalahati na ng bilang nila ang napatumba ko. Saglit akong humi
"ANONG i-ibig mong sabihin?" Halos manginig ang labi niya. "Puro kasinungalingan ang lumalabas sa iyong bibig!" giit pa niya.Umismid ako. "Alam mo ang sinasabi ko, Henicio."Hindi nawala ang pagkagulat niya, sa halip ay tila lalo lamang itong nadagdagan dahil sa kupirmasyon ko. Sino nga ba naman ang makakatanggap ng sinasabi ko ngayon gayong mainit ang dugo namin sa isa't-isa. Siguradong itinatanggi na niya sa kaniyang sarili ang nalaman. Kung pwede nga lang na hindi pakinggan ang sinabi ko ay hindi na niya iyon pinakinggan.At sa nakikita ko sa kaniya ay hindi ko alam kung matatanggap niya nga ba ang bunga nga kaniyang anak sa akin.Gayunpaman ay wala na akong pakialam doon dahil hindi naman totoo ang sinasabi ko, na buntis ako. Kailanman ay walang nangyaring higit pa sa pagitan namin ni Sevasti dahil sa tuwing aabot kami roon ay siya na mismo ang unang nagpipigil.Gusto ko lamang linlangin ang hangal na Heniciong ito nang sa ganoon ay magdalawan
HINDI nagtagal ay nakarating na rin ako sa aming kuta dahil sa taglay kong bilis, tama nga ako na nandoon pa rin ang mga kawal. Halos lahat sila ay nasa unahang bahagi ng aming kuta kaya muli kong ginamit ang taglay kong bilis at nagtungo sa likod na bahagi ng lugar ng hindi nila napapansin. Nagmamadali ngunit maingat kong kinuha ang maraming palaso at isang pana sa lagayan ng mga armas. Halos wala akong naririnig na ingay sa paligid, hindi gumagawa ng anumang kilos ang mga kasamahan ko dahil alam nilang mas lamang ang mga kawal dahil sa bilang nila. At isa pa ay malalim na ang gabi kaya siguradong hindi sila handa sa pagsalakay ng mga ito. Napatingin ako sa gilid nang biglang sumulpot ang isa kong dalagitang kasamahan, si Layla, mukhang nagtatago rin siya at nais kumuha ng armas. Umiling lamang ako upang iparating na huwag siyang gagawa ng anumang ikapapahamak niya. Iminuwestra ko sa kaniya ang hawak upang ipakita ang nais kong gawin sa mga kalaban at itinap
NANG sandaling sumikat ang araw ay tinipon ko ang mga kasamahan ko sa harap ng aming kuta. Kumpleto na ang lahat, ang iba'y nakaupo sa lupa at nagkekwentuhan, habang ang iba ay kuryosong nakatingin sa akin.Umiwas ako ng tingin, kasalukuyan akong nakaupo sa isang malaking troso kaharap nila, nakapatong ang mga siko ko sa hita ko at pinagmamasdan ko lamang ang magkahawak kong kamay. Malalim akong nag-iisip, paulit-ulit na tinatanong sa aking sarili kung tama ba ang lahat ng ito. Tama ba na magdesisyon ako ng ganito?Ngunit sa huli ay napabuntong hininga ako at muling ibinaling ang paningin sa kanila. Para sa kapakanan din naman nila ito kaya hindi na ako mag-aalinlangan pa. Tumayo ako dahilan upang maagaw ko ang kanilang atensyon.Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob bago ako nagsalita, "Pinapalaya ko na kayo," sa pinakamatatag kong boses. Ang totoo ay sumasakit ang damdamin ko sa sinabi ngunit hindi ko na ito babawiin pa. Totoong gusto ko na silang palayain sa b
WALANG hirap kong binubuhat ang isang malaking sako ng prutas patungo sa pamilihan ng Ohayas, ang bayan kung saan ako kasalukuyang naninirahan. Galing ako sa taniman ng prutas kung saan ako nagtatrabaho, ako ang nagdadala ng mga prutas sa pamilihan. Ito rin ang pinili kong trabaho dahil sa kapangyarihan ko, ang kakaibang taglay na lakas.Nakalimutan ko ang isang sakong ito na ilagay sa karitela na dinala ko kaninang umaga sa pamilihan kaya ngayon ay binuhat ko na lamang, nakapatong sa aking balikat. Sa dami ng makakalimutan ay itong pinakamalaking sako pa talaga! Inis akong umismid, nakatingin sa daan. Hindi ko naman talaga ito nakalimutan, alam kong kompleto ang lahat ng dala ko kanina. Ipinahabol lamang ito ni Frida upang pahirapan ako. Siya ang binibining anak ng may-ari ng taniman kung saan galing ang sako at hindi ko alam kung bakit mainit ang kaniyang dugo sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Hindi ko nga siya pinapansin minsan dahil naman kailangan.