Khaliyah POVBuong hapon akong naglalakad paikot-ikot sa kuwarto ko. Sa bawat sulok ng bahay, may mga tauhan ni Papa. Kahit saan ako sumilip—mula sa mga bintana, sa may likod-bahay, sa maliit na balkonahe—may nakabantay. Nakasando lang sila pero kitang-kita ang baril na naka-holster sa baywang nila. Para akong nakakulong. At talagang may pa-baril pa, mukhang handa rin talaga si papa na ipabaril ako, huwag lang akong makatakas.Sinu-sure nilang hindi talaga ako makakatakas, para sure na sure na ligtas na rin si papa sa pagkaka-utang niya, tang-ina.“Shit talaga,” bulong ko sa sarili ko habang napapatingin sa doorknob. Kumakabog ang dibdib ko sa inis at galit. “Hindi ako hayop para ikulong nang ganito.”Narinig ko mula sa ibaba ang boses ni Papa Khalix. Nasa sala siya, pero sa lakas ng boses niya, rinig ko kahit nasa taas ako. May kausap siya sa telepono.“Yes, Boss Amedeo. Tonight. He should come tonight. Para makapag-set na tayo ng date. The sooner, the better,” sabi niya. Tumigil ako
Khaliyah POVPagkababa pa lang namin ng sasakyan sa harap ng malaki naming bahay, agad akong sinalubong ng mukha ng mama Natalia ko. Nakaka-miss ‘yung bahay namin pero ‘yung mga tao dito, ewan ko.Tinignan ko si Mama Natalia, halatang puyat ito, nakakunot ang noo at pulang-pula ang mga mata sa pag-aalala. Totoo kayang nag-aalala siya? Mabilis siyang lumapit sa akin, para bang yayakapin ako, pero hinarang ko ang kamay niya. Hindi ako pumayag na magawa niya ‘yun. Baka kasi part lang ‘yun nang pagiging plastic niya. Gumaganito lang siya ngayon kasi alam niyang maliligtas ko na si papa.Umiling ako at dumiretso sa loob. Naupo ako sa gitna ng sala, sa malambot na puting sofa na hindi ko na halos maalalang ginamit ko noon. Magkasalubong ang kilay ko. Gusto kong umiyak pero mas nangingibabaw ang galit sa dibdib ko.“Everyone out,” utos ng papa ko sa mga armadong tauhan niya. Isa-isang lumabas ang mga ito sa sala, hanggang sa kaming tatlo na lang ang natira.Tahimik na sa loob. Tanging tiktak
Khaliyah POVTanghaling-tapat nun. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa tolda na maliit dito sa silong ng bahay. Naisip kong igawa nang maiinom ang mga staff ko kaya pumunta ako sa kusina. Sayang naman ang oras kaya sinabay ko na ang pagluluto ng ulam. Hawak ko ang sandok at iniikot ang kumukulong ginataang manok na pang-tanghalian ng mga staff ko. Ito rin kasi ang ulam na nire-request nila kahapon kaya pinagbigyan ko na.“Boss Khaliyah, ang bango niyan ah,” ani Poge habang dumaan sa likuran ko. Kinuha na niya ang malamig na juice na ginawa ko. Inutos ko kasi na kunin na niya para makainom na sila ng malamig ng maiinom.Ngumiti ako. “Siyempre, kapag ako ang nagluto, sure na masarap.”Pero bago pa man ako makasagot ulit, bigla na lang akong may narinig na malalakas na yabag sa labas. Sunod-sunod ‘yon na parang... parang maraming paa na sabay-sabay na naglalakad. Doon palang ay kinabahan ako.Nagtatakbo kasi sina Beranichi papasok dito sa loob.“May mga armadong lalaki,” sabi niya na
Larkin POVHalos araw-araw na akong tinuturuan ni Yanna ng mga diskarte—mga technique sa suntukan, depensa at bilis ng galaw. Sina Bak at Bok naman, sa halip na puro asaran, seryoso kung magturo ng mga style ng pakikipaglaban na hindi ko pa nararanasan dati. Kahit nakakapagod, ang sarap sa pakiramdam. Ramdam ko na unti-unti akong nag-iiba.Isa pa, mas napapalapit pa ang loob ko kay Bok at Bak. Ngayon, ramdam kong kaibigan na ang turing nila sa akin kaya kahit pa paano, nalilibang ako sa pagtatrabaho ko sa puder ni Nolan.Kaya ngayong araw, kahit medyo pagod ako, sumama ako kina Boss Nolan at Yanna. Walang pasabi kung anong lakad ang mayroon ngayon, basta sabi lang ni Yanna ay isasama kami ni Boss Nolan sa lakad nito ngayong araw.Tahimik lang ako habang nasa likod ng sasakyan. Si Yanna ang nagmamaneho, habang si Boss Nolan ay abala sa pagtingin sa tablet niya. Tila may binabasa siyang report. Wala akong alam kung saan talaga kami pupunta. Ganito na ang magiging trabaho ko. Personal bo
Khaliyah POVMalakas na ang boses ni Rica sa labas ng bahay kaya kabadong-kabado na ako. Sure akong dinig na dinig na rin siya ng ibang kapitbahay namin. At hindi na ako natutuwa kasi delikado na itong ginagawa niya.“Khaliyah! Nandiyan ka ba? Alam kong ikaw ‘yan! Alam kong diyan ka nakatira!”Napamura ako sa isip. Ayaw niya talagang tumigil. Mabilis akong lumabas at hinila siya papasok sa loob ng bahay. Halos mapatili siya sa gulat nang magpakita na ako.“Hindi ka na dapat nangingialam pa, Rica!” sabi ko pagdating namin sa loob ng bahay.“I just wanted to make sure you’re alive, Khaliyah!” sagot ni Rica habang inaayos ang buhok niyang nasabunutan ko sa pagmamadaling hilahin ko siya. Nainis na rin kasi ako.Pagsara ko ng pinto, hinawakan ko agad ang kamay niya.“Please, Rica... please. Huwag mo akong isumbong. Huwag mong sabihin kung nasaan ako. Kung galit ka man sa akin o nagawan kita ng kasalanan dating, okay, sorry na. Pero please... huwag mo akong ituturo sa pamilya ko.”“Hey, Kha
Khaliyah POVTulala akong nakaupo sa sofa habang nakatitig sa TV screen. Mainit pa ang kape ko sa kamay, pero hindi ko na maalalang huling higop ko rito. Nasa balita ngayon ang pagkasunog ng isang malaking gusali sa Maynila—pag-aari raw ito ng pamilya ni Nolan.“Isa sa pinakamalaking gusali sa business empire ng pamilyang Salvatore ang halos tupukin ng apoy. Maraming sugatan at kinukumpirma pa ang bilang ng mga nasawi,” ani ng reporter sa TV habang ipinapakita ang video ng nasusunog na building, makapal na usok at nagkakagulong tao sa paligid.Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi dahil masaya ako sa kapahamakan ng ibang tao, pero dahil sa wakas, parang may bumabalik sa kanila. Karma. Justice. Ewan ko. Basta, parang may boses sa loob ko na nagsasabing…Ayan, may hangganan din pala ang kapangyarihan ng mga Salvatore.Pagkatapos kong manuod ng balita, agad kong kinuha ang cellphone sa lamesita. Tinawagan ko na si Larkin. Isang ring pa lang, sinagot na niya ito agad.“Mahal, Khaliyah,” bat