That Gigolo Turned Out to be a Billionaire

That Gigolo Turned Out to be a Billionaire

Oleh:  Kayla SangoBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
100Bab
13Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Plano lang ni Helga Louisse Palma na ipamukha sa ex niya na okay na siya — kaya nag-hire siya ng escort para plus one sa party. Simple, di ba? Pero hindi niya inasahan na ang “escort o gigolo” ay si Damian Caius Avelino, isang bilyonaryong CEO na hindi lang gwapo, kundi sanay din sa drama at sinabayan pa ang plano niya. Bigla rin silang naging trending online bilang new couple, at kahit ang pamilya ni Damian kumbinsido na sila nga. Wala na si Helga choice kundi sumabay sa palabas at maging fiancée ni Damian. Ang problema? Habang tumatagal ang palabas, hindi na acting ang kilig na nararamdaman ni Helga. Pero handa ba siyang magtiwala ulit, o isa na namang heartbreak ang naghihintay sa kanya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Totoo bang ginagawa ko ‘to?

Naglalakad ako pabalik-balik sa labas ng malaking ballroom ng Manson Hotel, isa sa pinakamagarang lugar sa buong siyudad, at pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na tama ang plano ko. Umupa ako ng isang gigolo para magpanggap na fiancé ko? God forgive me, pero wala na talaga akong choice.

Yung ex-fiancé ko ikakasal na. At hindi kung kanino lang, kundi sa dati kong best friend. Oo, doble ang sakit, para bang promo na buy one, take one sa betrayal na hindi ko man lang alam na pinasok ko. Kung merong reward system para sa mga tanga, baka sapat na ang points ko para makuha ng isang sampal at isang one-way ticket pababa sa bangin.

Puwede ko namang hindi pansinin ang kasal. At yun din ang gusto ko sana. Pero tumawag pa mismo si Mariel! Ang intention niya malinaw, gusto niya akong pagtawanan at pahiyain. Kaya sabi ko pupunta ako. At mas malala, sinabi ko pang may fiancé akong sobrang gwapo at mayaman.

“Rich?” natawa pa siya, parang hindi makapaniwala.

“He’s an heir to one of the biggest companies in the country,” sabi ko habang nagsisinungaling.

“I can’t wait to meet him,” sagot niya.

Kinabukasan, kumalat na agad ang balita. Wala pang 24 hours mula nang dumating yung invitation pero lahat ng common friends namin alam na pupunta ako sa kasal. At ang mas masakit? Alam na rin nilang may dala akong fiancé na milyonaryo daw.

Ngayon, wala nang atrasan. Wala na akong lusot. Kailangan kong pumunta. At dahil pupunta ako, hindi ako puwedeng magpakita na mag-isa at talunan. Kailangan kong magpanggap na ibang tao.

Madalas ko nang gawin ang pagpapanggap pagdating sa ex ko. Ilang taon din akong nagkunwari na hindi ko napapansin yung ibang pabango sa damit niya pag umuuwi siya. Na hindi ko naririnig yung palusot niya. Na hindi ko nakikita yung mga tinginan nila ni Mariel pag akala nila hindi ako nakatingin.

Naalala ko pa ang suot kong damit, yung tunog ng ulan sa labas, at yung bigat ng katahimikan sa apartment ni Mariel nung pumasok akong hindi nagpapaalam. Malakas na ang kabog ng dibdib ko nang itulak ko ang pinto. At doon ko sila nakita.

Yung lalaking dapat mahal ko, nakahiga sa sofa sa pagitan ng mga hita ng best friend ko.

“Dexter?”

Napatigil silang dalawa. Huminga lang siya nang malalim at natawa pa, parang walang konsensya.

“Helga… This wasn’t going to last anyway.”

Parang nagbara ang dibdib ko.

“This…?”

“Helga, honestly… You’ve always been so boring,” sabi ni Mariel.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Ngumiti lang siya ng sarkastiko, habang inaayos ang buhok niya.

“You’ve always tried too hard to be perfect. To be the ideal girlfriend, the perfect friend, the reliable one. But let’s face it, you were never special.”

Diretso yung tama sa akin, parang suntok sa kaluluwa. Ang best friend ko at ang fiancé ko, sabay pang humahamak sa akin.

“No one will ever choose someone like you, Helga,” tuloy niya. “You’re just meant to be the extra in other people’s stories.”

Doon ko na-realize, hindi pala ako kailanman naging sapat para kay Dexter. At baka hindi rin talaga ako magiging sapat para kanino man.

Kaya kung hindi man ako mananalo sa totoong buhay, at least mananalo ako sa panlabas na itsura.

Nag-vibrate ang phone ko, kaya agad ko itong kinuha para basahin ang message.

“I’m late, but I’m on my way.”

Umikot ang mga mata ko. Sa presyo ng bayad ko, hindi niya dapat ginagawa ang ganitong simpleng pagkakamali.

“Helga? Aren’t you going in?” tanong ni Nala, isa sa mga dati kong kaklase, sabay tingin mula ulo hanggang paa, parang nag-aabang na biglang lumitaw ang fiancé ko mula sa manipis na hangin.

“My fiancé is on his way. See you inside,” sagot ko lang.

Pero sa isip ko, napapamura na ako. Nasaan na ba siya?

Bago pa ako makapag-text ulit, biglang namatay ang cellphone ko. Buong araw kasi akong nagtrabaho at hindi ko na-charge.

“Great! Kung may aberya mang mangyari, I’m completely screwed.”

Ilang minuto lang, dumating na siya, ang taong hinihintay ko.

At Diyos ko!

Para siyang kasalanan na naglakad. Matangkad, halos 6’3 ang height, may katawan na parang hinulma sa tamang lugar, naka-itim na suit na perpekto ang pagkaka-ayos at sumisigaw ng power, at may presensya na parang nagpapabigat ng hangin sa paligid.

Ang dark brown na buhok niya, medyo magulo pero yung tipong intentional mess na bagay lang sa sobrang gwapo. Malinis ang balbas, matikas ang panga, at ang mga mata niyang kulay hazel ay sobrang tindi, parang tumagos sa akin.

Pictures lang ng katawan ang nakita ko nung pinili ko siya. At kung maganda na yung katawan, mas nakamamangha yung mukha niya.

Natulala ako, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, awtomatikong lumapit ang mga paa ko. Hinila ko agad ang braso niya at pinagdikit kami.

“You’re late!” sabi ko agad, halatang inis.

Nakunot ang noo niya, halatang naguguluhan, pero hindi siya umatras.

“Sorry?”

“We got no time!” sagot ko agad, deadma sa tono niyang nagtataka. “Quick recap: My name is Helga Palma, I’m 26 years old, and my ex-fiancé is marrying my ex-best friend tonight. I need a ridiculously hot man who can pretend to be an insanely rich heir standing next to me, para hindi ako magmukhang loser of the year.”

Napakurap siya, halatang iniisa-isa yung sinabi ko. At mukhang pinipigilan niyang tumawa.

“Alright… and that insanely hot and rich guy would be…?”

“You, duh.” Nagkunot ako ng noo. “That’s what I’m paying you for, and I'll pay you really well.”

Medyo tumango siya, at ngayon parang mas nag-eenjoy kaysa naguguluhan.

“So I’m getting paid?”

Napabuntong-hininga ako.

“Are you crazy or what? Whatever, I don’t need you to be smart. I just need you to be hot, smile nicely, and pretend you love me for one night. Some hugs, a few kisses, nothing big.”

Doon na siya ngumiti ng sobrang pilyo, puno ng malisya.

“That, I can do.”

Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Ano ba tong lalaki na ‘to, at bakit ganito siya tumingin?

“Great.” Nagpanggap akong kalmado at hinila ko siya papunta sa ballroom. “Let’s go, I can’t be late any longer!”

Habang naglalakad kami sa hallway, bigla akong may naisip.

“By the way, we need to choose your name.”

Tumaas ang kilay niya, halatang naaaliw.

“Choose my name?”

“Of course! You need an heir-type name.”

Kinuha ko yung maliit na listahan na inihanda ng kapatid ko, puno ng mga sikat na apelyido sa bansa.

Natawa siya nang malakas, yung tunog na mababa pero nakakakilabot at nakakaakit.

“Go ahead, pick one.”

Saglit siyang tumigil, tapos ngumiti ulit, parang may iniisip na laro.

“Damian Caius Avelino.”

Bago pa ako makasagot, bumukas na ang pinto. At naroon si Mariel. Napatitig siya, bahagyang nanlaki ang mga mata.

“Avelino…? As in Avelino Winery?”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
100 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status