Larkin POVSinunod ko na si Don Yanu. Tahimik na akong nagmamasid sa paligid. Tanging huni ng mga ibon ang naririnig ko dito habang nasa itaas ako ng malaking puno sa gubat sa likod ng mansiyon ni Nolan. Mula rito, tanaw na tanaw ko ang buong lawak ng estate nila. Ang puting mga pader, ang matataas na gate, ang hardin na sobrang pulido at ang training area na malapit sa likod ng property.Hindi ako pumasok doon para gumawa na ng gulo. Hindi pa sa ngayon.Ngayon, nagmamasid lang ako. Pinag-aaralan ko ang galaw ng mga tao sa loob. At higit sa lahat, gusto ko lang... gusto ko lang makita ulit si Khaliyah.Tatlong buwan na ang lumipas mula noong huli ko siyang nakita. Tatlong buwan kong iniisip kung okay lang ba siya, buhay pa ba siya, nabuntis na ba siya ni Nolan. Hindi ko alam kung anong hitsura niya ngayon, kung kamusta na siya. Pero hindi ko inasahang sa araw na ito... makikita ko siya ulit.Natanaw ko siya kaya napangiti ako.“Damn,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kaniya
Khaliyah POVNapapangisi ako kasi lahat ng lakad nilang mag-ama, kasama na ako. Lahat ng ginagawa nila, alam ko na, lahat ng malilibag nilang trabaho at gawain. Marami na nga rin akong nasaksihan na mga taong pinatay nila. Nung una, hindi ko pa kaya pero nung tumagal ay nasanay na ako. Pero ang sakit makakita ng ganoon, lalo na’t alam mong may pamilyang malulungkot sa pagkawala ng miyembro nila.Nasa meeting naman kami ngayon, siyempre, biglang puri ako palagi ni Amedeo, oo, sinasama na rin nila ako sa mga secret big meeting nila about sa business.Tahimik ang loob ng malawak na conference room sa loob ng gusaling pagmamay-ari ng pamilyang Salvatore. Ilang segundo lang ang dumaan pero parang ang tagal ng katahimikan habang nag-iikot ang mga tingin ng mga miyembro ng board, naroon din si Amedeo na seryosong nakamasid sa laptop sa harapan. Nasa kanan ko si Nolan, habang nasa kaliwa ko ang isa sa mga head ng logistics. Lahat sila, abala sa pakikinig kay Nolan habang nagsasalita ito tungk
Larkin POVSa loob ng tatlong buwan, parang naging ibang tao na ako. Ang dating Larkin na halos patayin at pagtulungan ng mga tauhan ni Nolan, ngayon ay isa nang kinikilalang mandirigma sa ilalim ng kampo ni Yanu Vanguardia. Hindi ko rin inakala na darating sa puntong ito ang buhay ko. Pero simula nang magkalayo kami ni Khaliyah, pinili kong huwag nang maging mahina. Nagpalakas talaga agad ako matapos akong gumaling sa mga pagkapilay ko.“Impressive, Larkin,” ani Yanu habang nakatayo sa harap ng training ground. “You learn fast. Faster than anyone I’ve seen.”Napatingin ako sa mga kamay kong may sugat pa, na may bahid ng dugo mula sa huling hand-to-hand combat training namin. Hinihingal pa ako pero tumango lang ako bilang sagot. “Thank you, sir. I’m just doing what I must.”Tinapik niya ang balikat ko. “Hindi ka lang basta tauhan ko ngayon. You’re one of us.”Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko roon. Masaya? Ikinararangal? O lalong nalulungkot sa dahilan kung bakit ako nandito.
Khaliyah POVKanina pa ko kinakabahan, pero ayokong ipahalata. Suot ko ang all-black fitted combat outfit na nirekomenda pa ni Bak. Nakapusod ang buhok ko, wala akong suot na alahas at nakasapatos ako ng pang-training na ginamit ko nitong mga huling buwan.“Are you ready?” tanong ni Amedeo na nasa bleachers sa gilid ng training ground sa likod ng manisyon. May hawak siyang basong may lamang whiskey. Malamig ang mata niya habang nakatingin sa akin. Parang tinitignan niya kung may ibubuga na ba talaga ako.Tumango ako habang diretso ang tindig ko. Dapat makita ni Amedeo na malakas na ako. “Ready na po.”Nasa tabi niya si Nolan. Nakakunot ang noo nito, halatang tutol sa laban. Pero hindi siya nagsalita. Alam niyang hindi na niya ako mapipigilan. Ito ang araw na mapapatunayan kong hindi lang ako palamuti sa tabi niya—na may kakayahan din ako. Tapos na kasi akong magpakitang-gilas sa mga negosyo nila, na talaga namang malaki ang naitulong ko. At, oo, napuri rin ako doon ni Amedeo. Kaya dit
Khaliyah POVTatlong buwan na ang lumipas simula noong huling beses kong makita si Larkin. ‘Yung itsura pa na wasak at halos duguan, tapos tinaboy ko pa siya.Hindi ko alam kung nasaan na siya, kung ligtas ba siya o kung iniinda niya pa rin ang mga salitang binitiwan ko. Pero ang isang bagay na sigurado ako, sa loob ng tatlong buwang ito, nagbago na ang takbo ng mundo ko—at nagawa kong paikutin ang mundo ni Nolan ayon sa gusto kong mangyari.“Hindi pa rin ba siya lumilitaw? Hindi tayo makasal-kasal dahil kulang ang pirma niya para sa divorce paper,” sabi ni Nolan kanina habang kasabay kong nag-aalmusal.Umiling lang ako at kunwaring walang pakelam. “Ewan ko ba, feeling ko namatay siya nung mabugbog ng mga tauhan mo noong nasa baguio tayo.”Tumango siya, ngumiti at hinalikan ang kamay ko. “Huwag kang mag-alala. Soon. Magiging akin ka rin sa papel.”Nginitian ko siya, pero sa loob-loob ko, diring-diri pa rin ako. Habang hindi kami ikinakasal, wala rin siyang karapatan sa akin. At dahil
Larkin POVNgayong araw ang pagsesemento ng bali ko. Lahat ng gastos, si Don Yanu ang sumagot. Ayos na ayos din ang buhay ko sa manisyon niya. Hindi bilang tauhan ang turing sa akin, parang special pa. Sa almusal, tanghalian at dinner, kasabay ako nila Don Yanu at ng iba pa niyang matataas na tauhan. Talagang, pinagkatiwalaan nila agad ako na para bang maganda ang mga kinukuwento ni Yanna sa kanila na about sa akin.Habang nasa kuwarto ako at nakahiga, bumukas ang pinto ng kuwarto. Niluwa nito si Don Yanu.“This time, Larkin, hindi ka na puwedeng magpa-check up sa mga ospital. Tatawag na lang tayo ng private doctor mo. Sa ngayon kasi, pinaghahahanap ka na mga tauhan ng Salvatore upang patayin ka.”Tumango naman ako. “Ayoko na rin muna pong magpakita sa kanila habang hindi pa ako malakas. Ayos lang din na magtago muna po ako.”“Tama, ganiyan nga. At sa oras na gumaling ang pilay mo, mag-ready ka sa matitinding training mo. Kung gusto mong mabawi si Khaliyah at kung gusto mong mapabagsa