THE BEAST SERIES: FALLING FOR THE BILLIONAIRE BEAST

THE BEAST SERIES: FALLING FOR THE BILLIONAIRE BEAST

last updateLast Updated : 2026-10-13
By:  maria adelleUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
2Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

One reckless night with a billionaire changed Lexie’s life forever. An orphan struggling to survive, Lexie never expected to become pregnant by Alfie Lewis Richardson, a man whose wealth could buy him anything. With no money to raise her baby, she decides to find Alfie and make him take responsibility for their child. But confronting a billionaire is no easy task, and Lexie refuses to back down. She came for her baby’s future. She never expected to become part of the Billionaire Beast’s world.

View More

Chapter 1

1.

"Sunugin ang lahat ng yan! Lahat ng gamit ng babaeng yun, sunugin!" Hanggang sa kabilang eskinita ay rinig na rinig ko ang pamilyar na boses ng landlady ng bahay na aking inuupahan.

Kagagaling ko lamang sa aking trabaho. Isa akong waitress sa isang bar. I am already an orphan, my parents died when I was just 15. And now, I'm already 25 at sa loob ng sampung taon ay natutunan ko nang mamuhay ng mag-isa. I did everything to survive. Nuong high school ay naging scholar ako para makapagtapos ng pag-aaral. Plano ko pa nga sanang magcollege ngunit hindi ko na ipinilit pa, mas kailangan ko ng pera at pagkain para mabuhay. 

Kaya naman ng makagraduate ako ay kaagad akong naghanap ng trabaho. Hindi man ako nakaapak ng kolehiyo ay matalino naman ako, valedictorian ako nuong grumaduate ako ng high school kaya naman kaagad akong natatanggap sa kung saan man ako mag-apply yun nga lang ay kailangan ko pang pekeen ang edad ko dahil minor de edad pa lamang ako noong mga panahon na iyon.

Naging cashier na ako sa isang karinderya, naging saleslady, sales agent at kung anu-ano pang trabaho ang aking pinasok, maliban na lamang sa pagbebenta ng laman. Oo, nagkaron ako ng relasyon sa mga mayayamang negosyante ngunit hindi ko hinahayaan na makuha nila ang puri ko. Pera lamang ang habol ko sa kanila kaya kahit diring-diri na ako ay tinitiis ko na lamang. I need to do those things upang magkapera. Yes, I am a golddigger, a social climber but who the fuck cares? Sa buhay ngayon, hindi na uso ang pagiging Maria Clara at pagiging inosente dahil sa panahon ngayon, kailangan utak na ang pinapagana, hindi puso.

Wala akong pakialam sa tingin ng ibang tao sa akin. As long as nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw at nabibili ko ang lahat ng gusto ko, I'm okay with it. And besides, I don't need their opinion. Sampung taon akong nabuhay sa mundong ito ng mag-isa, hindi ko kailangan ng mga taong magdidikta sa kung paano ako dumiskarte sa buhay.

May naamoy ako na parang sinusunog na mga damit at nanlaki ang aking mga mata ng makitang ang mga damit ko ang pinapasunog ng walanghiyang landlady ng aking inuupahan.

"Anong ginagawa nyo?!" Ang naibulalas ko habang nakatitig sa aking mga gamit na unti-unti ng tinutupok ng apoy.

Hinarap naman ako ni Aling Sandra na syang landlady.

"Oh? Andito ka na pala? Mabuti naman at naandito ka na. Asan na ang bayad mo sa renta?" Mataray nitong sabi na para bang balewala lamang ang ginawa nitong pagsunog sa aking mga kagamitan.

"S-sandali lang ho. Anong ginagawa nyo sa mga gamit ko?!" Tarantang tanong ko rito.

"Bulag ka ba? Eh di sinusunog! Kaya akin na ang bayad sa renta at kailangan kong magbayad ng tubig at kuryente." Nakalahad pa ang kanyang  mga kamay ngunit hindi ko pinansin iyon. Sa halip ay kumuha ako ng timba na may lamang tubig at ibinuhos sa sinusunog kong mga gamit ngunit huli na ako, sunog na lahat. Tanging abo na lamang ang natira sa mga gamit ko pinaghirapan ko.

"Oh? Anong tinatanga-tanga mo dyan? Akina ang pera! Diba sweldo mo ngayon kaya akin na ang bayad!" Sigaw ulit ni Aling Sandra.

Napakuyom ang aking mga kamao. Nagtatagis din ang aking mga bagang. Walanghiya din naman tong matandang to, pagkatapos ng ginawa niya, may gana pa siyang singilin ako?

"Wala akong ibabayad ni sinkong duling sa inyo!" Malamig kong saad habang binibigyan siya ng matatalim na tingin ngunit parang balewala lang ito sa kanya. Sa halip ay pinameywangan niya ako at tinaasan ng kilay na mas lalong nakapagpakulo ng aking dugo.

"Aba't! Ang kapal din ng pagmumukha mo! Bayaran mo ako, ngayon din! Alam kong marami kang pera. Marami ka namang matatandang mayayaman na nasisilo hindi ba? Kaya wag ng maraming satsat! Bigyan mo na ako ng pera saka ka lumayas dito!" Kung kanina ay nagtitimpi pa akong wag siyang sigawan, ngayon ay gustong-gusto ko na siyang pagsasampalin at sabunutan.

This old woman has still the guts na insultuhin ako pagkatapos ng ginawa niya. Well, hindi ako papatalo. Tutal eh totoo rin naman ang sinabi niya so bakit ko pa ikakaila? Bakit hindi ko na lamang ipagmalaki.

"Oo. Maraming matatandang mayaman akong nasisilo. Alam mo kung bakit? Dahil maganda ako. Bata at sariwa. Unlike you na matanda na, kulubot ang mga balat, walang ngipin at mataba pa. Kaya nga siguro yang asawa mo, naghahanap na ng iba dahil hindi ka na nya masikmura. If I know, naiinggit ka lang naman sakin kasi lamang na lamang ako sayo. Kaya mo nga ako pinag-iinitan hinda ba? Dahil naiinggit ka sakin." Pangungutya ko sa kanya dahilan para umusok ang ilong niya sa galit.

I am grinning from ear to ear dahil alam kong nagtagumpay ako sa pang-iinis ko sa kanya ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niya na ginawa. Sinugod sya ako at kaagad akong

G sinabunutan.

"Walanghiya kang babae ka! Wala kang galang sa mga matatanda. Ang dapat sayo, mamatay! Wala kang kwentang babae!" Aniya saka hinila ang aking buhok.

Ramdam ko ang sakit. Pakiramdam ko ay malalagas na ata ang mga buhok ko. Ngunit hindi ko naman hahayaan na saktan niya ako ng ganito nalang. Ni minsan sa buhay ko ay wala akong hinayaan na apihin ako.

Gumanti din ako ng sabunot sa kanya ngunit hindi pa man nakakapit ang aking mga kamay sa buhok niya ay may pumigil na sa mga kamay ko. Sumali na pala ang mga kapitbahay namin at mukhang pagtutulungan pa ako.

"Hawakan ninyo ang babang iyan. Turuan natin ng leksyon ang babaeng to!" Sigaw ni Aling Sandra at agad naman na tumalima ang mga kaibigan niya na kapitbahay rin namin.

Hinila nila ako hanggang sa mapahiga ako sa lupa. Hinawakan nila ang aking magkabilang kamay pati nadin ang mga aking mga paa dahilan para hindi ako makagalaw. Nagpupumiglas ako ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala sa higpit ng pagkakahawak nila.

"Bitawan nyo ko! Ano ba! Bitawan nyo ko sabi!" Sigaw ko ngunit pinagtawanan lamang nila ako.

"Ito ang nararapat sayo. Masyado ka kasing matapang eh. Akala mo naman kung sino kang reyna eh madumi ka namang babae." Sabi naman ng isang kapitbahay namin na hawak ang kaliwa kong kamay.

Nanlaki ang aking mga mata ng kumandong sa akin si Aling Sandra saka walang babala akong sinabunutan ulit. Pinagkakalmot din niya ang aking mukha, napadaing ako sa sakit ng maramdaman ko ang sugat na dahil sa pagkalmot niya.

"Ito ang dapat sayong babae ka! Ang dapat sayo ay sinusunog ang kaluluwa sa impyerno dahil masama kang babae!" Sigaw niya habang walang tigil sa pananakit sa akin.

At nanlaki na lamang ang aking mga mata ng bigla nalang niyang pinunit ang aking blusa dahilan para tumambad ang aking mga dibdib na tanging kulay itim na bra na lamang ang nakatakip. Para namang nakakita ng isang magandang palabas ang mga kalalakihan na lumapit sa aming kinaruruonan.

Ngumingisi ang mga kalalakihan habang nakatitig sa akin, ang iba naman ay sumisipol-sipol pa.

"Ito ba ang pinagmamalaki mo? Itong katawan mong ilang ulit ng pinagsawaan ng iba't-ibang lalaki? Ito ba?" Sabi ni Aling Sandra habang pinipilit na hubarin ang pang-ibaba kong kasuotan.

Nagpupumiglas ako ngunit sinampal ako ng isang babaeng humahawak sa kanan kong kamay. Sa lakas ng sampal ng babae ay naramdaman kong dumugo ang aking ilong at bahagya pa akong nahilo.

"Tulong. Tulungan nyo ko." Mahina kong pagsusumamo. Umaasa na may maawa sa akin at tulungan ako ngunit agad ding napalis ang pag-asang nararamdaman ko ng sumigaw ang mga taong nakapaligid sa amin na para bang nakakita sila ng isang napakagandang palabas.

At wala na akong nagawa ng tuluyan ng mahubad ni Aling Sandra ang maong na suot ko. Mas lalo namang lumakas ang sigawan na aking naririnig.

"Puta! Ang kinis!"

"Kaya naman pala maraming nahuhumaling sa putang yan dahil hindi lang maganda, sexy pa."

"Tangina pre. Nakakalibog ang babaeng to."

Yan ang mga naririnig ko na dumudurog sa aking puso, hindi lamang sa puso ko ngunit pati na rin sa aking pagkatao. I never imagined na mangyayari ito sa akin. Oo, sanay na ako sa pagpaparinig nila but this one is too much.

I close my eyes at hinintay na lamang na matapos ito. Umaasang pagdilat ng mga aking mata ay tapos na ang lahat ng ito.

Nararamdaman ko na ang pamimigat ng mga talukap ng aking mga mata kaya naman hinayaan ko na ang aking sarili na tuluyan nang lamunin na ng kadiliman.

"Anong plano mo ngayon?" Althea asked.

"Edi magpapatuloy sa buhay! Alangan namang magpakamatay ako dahil lang dun sa nangyari." I answered saka bumuntong-hininga.

"Ano ba kasing nangyari ha? Alam mo, pasalamat ka dumating ako kanina, kundi malamang pinagpipiyestahan na ng mga gagong lalaking yun yang katawan mo." She snorted bago nagsindi ng sigarilyo.

Nang magising ako kanina ay nasa bahay na ako ni Libby. Sabi niya ay bibisita daw sana siya sa akin ng makita niya ang pangyayari. At dahil sa likas siyang basagulera ay ayun, inawat daw nya ang mga walanghiyang umapi sa akin.

Her full name is Althea Ronquillo. Kung sya ay may lahing briton, siya naman ay may lahing amerikano ngunit apelyido pa rin ng nanay niya ang ginagamit niya. Nagkakilala kami dahil sa isa siyang prostitute at doon siya sa malapit sa bar na aking pinagtatrabahuan nag-aabang ng mga customer.

Pareho na kaming ulila sa mga magulang. Althea's dad left them when she was five years old kaya ang nanay na niya ang bumuhay sa kanya ngunit sa kasamaang palad ay namatay na din ang ina niya, isang taon na ang nakalilipas. Her mom died because of colon cancer.

Kaya dahil sa hirap ng buhay ay ito na ang naging trabaho ni Libby. Ngunit kahit ganoon ang trabaho niya ay hindi naman ito naging hadlang para maging malapit kaming magkaibigan.

At isa pa, halos magkapareho lang naman kami. Ginagamit ang mga lalaki upang magkapera, ang tanging pinagkaiba lang namin ay hindi ko hinahayaan na galawin ako ng mga taong nakakarelasyon ko.

"Let's just leave it like that. Basta sinunog nila ang mga gamit ko." Nanlulumo kong sagot.

I can't believe na ganun nalang kabilis na nawala ang lahat ng pinaghirapan ko.

"So, ano ngang plano mo? Wala ka ng kahit ano Lexie. Pinuntahan ko ang loob ng bahay na inuupahan mo ngunit wala ka ng mga gamit dun. Inubos nilang lahat."

Bigla na namang bumalik ang galit na naramdaman ko kanina. Mga wala silang awa! Wala silang itinira sa akin tapos ang mga ito pa ang may ganang saktan ako.

Naramdaman kong unti-unti nang namamasa ang mga mata ko at anytime ay tutulo na ang mga aking mga luha ngunit pinigil ko ito. Tama na ang mga luhang iniyak ko kanina. Hindi ako mahinang tao. Hindi ako mahina.

"I'll find another way para magkapera ako." Nanlulumo kong sabi kahit ang totoo ay hindi ko talaga alam kung paano ako magkakapera.

Oo at may sinusweldo ako subali't kulang pa rin iyon sa kalagayan ko ngayon. Wala akong kahit ano. Ni damit nga ay wala ako, maski panty ay wala.

Ok sana kung may mapeperahan ako ngayon pero yung matandang mayaman na pineperahan ko ay hindi na nagpapadala ng pera sa akin. Nahuli daw kasi ito ng asawa nito kaya ngayon ay wala na akong makukuhanan ng pera.

"Andito nga pala yung bag mo. Mabuti nalang at hindi nila pinakialam kung hindi ay ubos din ang pera mo dyan." Sabi niya saka ibinigay sa akin ang bag.

"Salamat." Sinsero kong sabi. Binigyan naman niya ako ng isang maliit ng ngiti.

"Wala yun. Ano pa at naging magkaibigan tayo." She said saka tumabi ng upo sa akin.

"Oh? Pano na nga ngayon? Ano ng plano mo?" I rolled my eyes ng marinig na naman ang tanong niya.

"Hindi ka rin naman unli ano? Kanina pa paulit-ulit yang tanong mo eh."

"Eh kasi naman. Wala kang kahit ano. Tanging yang bag mo nalang ang meron ka kaya panong hindi ako magtatanong sayo. Hindi naman sa ayokong tulungan ka. I mean, I can lend you some shirts and all that you need pero hindi naman pangmatagalan. Ni wala nga rin akong pera ngayon." Sabi niya and looked at me worriedly.

Kinuha mo naman ang pera na nasa loob ng aking bag at saka ito ibinigay sa kanya.

"Ito oh, gamitin mo. Wag kang mag-alala. Pag nakasweldo ulit ako sa susunod na linggo, babayaran ko lahat ng magagastos at ginastos mo sakin." I told her ngunit umiling lamang siya.

"Hindi naman ako nagpapabayad eh."

Napabuntong-hininga ako at napahilamos sa aking mukha gamit ang aking mga palad. Damn! Kung sana ay may pera lang ako, hindi ako mamomroblema ng ganito.

"Alam mo, bakit hindi ka nalang sumama sa rakit ko. Mas malaki pa kikitain mo lalo na sariwa ka pa at maganda, mas lamang nga lang ako pero sure ako na pag rumampa ka, naku! Pagpipyestahan ka agad ng mga kalahi ni Adan." Binigyan ko naman siya ng isang matalim na tingin.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na ayoko sa ganyang trabaho." I said at inabala ang aking sarili sa pagkalikot sa aking lumang cellphone.

"At ilang beses ko din bang sasabihin sayo na mas malaki ang kikitain mo dito. At isa pa Lexie, wag ka na ngang umarte dyan. Kasi kung titingnan, halos magkapareho lang naman tayo eh." She said trying to convince me.

And yes, Ilang beses na nga niya akong kinumbinsi na sumama sa raket niya pero ilang beses ko na din siyang tinanggihan. I dont want to be a prostitute for goodness sake! Okay na ang golddigger. Kumbaga sa cancer, stage 3 pa lang ang golddigger habang ang prostitute naman, stage 4 na.

"Magkaiba tayo. Waitress ako at ikaw prosti. See? Magkaiba yun. Spelling palang." I said and rolled my eyes on Althea... Again.

"Gaga! Para namang hindi mo din pinagkikitaan ang mga lalaki kagaya ko. Yun nga lang, virgin ka pa at ako, hindi. Pero ang tingin sayo ng ibang tao, parang prosti na din kaya magkapareho lang tayo." Sagot naman niya and this time, it was her turn to roll her eyes on me.

"Whatever. Basta, ayoko. Period." I said with finality.

Napabuntong-hininga naman siya na para bang nanghihinayang talaga siua na hindi niya ako nakumbinsi.

"Oh sige. Ikaw ang bahala. Basta, pag nagbago ang isip mo, sabihin mo lang sa akin kaagad ha at agad-agad tayong rarampa."

Napailing nalang ako sa kanyang tinuran. Di bale, makakahanap din ako ulit nang mapeperahan ko and I'm gonna make sure na hindi na ulit mangyayari ang mga nangyari kanina.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
2 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status