Khaliyah POVPagbaba ko ng hagdan, sinalubong ako ng dalawang rogue assassin. Alam kong magagaling ang mga ito dahil halata sa mga galaw nila. Ngunit mas mabilis ako at mas magaling ako. Umikot ako sa kanan, tinuhog ko ang unang lalaki sa tagiliran gamit ang blade ko, sabay sipa naman sa mukha ng pangalawang kalaban. Habang nawalan siya ng balanse, sinunggaban ko siya sa leeg at binaril sa sentido. Ayon, bagsak agad ang tanga.Napaisip tuloy ako, kung hindi pala ako agad nagising, baka tuluyan na akong natulog habangbuhay, kasi tiyak na papasukin din ako ng kalaban doon. Baka, habang mahimbing ang tulog ko, may bigla na lang bumaril sa ulo ko.Sa wakas, nakalabas na rin ako ng mansiyon.Pagdating ko roon, amoy na amoy ko ang pulbura sa hangin. Sa bawat sulok nakita kong may bakbakan. Sumabog ang isang granada sa ‘di kalayuan. Yumanig tuloy ang lupa. Ngunit hindi ako natigilan nun para makipaglaban.“Ate Khaliyah!” sigaw ni Yanna habang umiikot ang whip niya sa leeg ng isang kalaban, s
Khaliyah POVMadaling-araw nang magising ako sa ingay na nagaganap sa labas ng manisyon. Nung una ay inakala kong panaginip lang ang lahat. Pero, hindi dahil malakas na ang mga putukan ng baril na naririnig ko. Sunod-sunod. Malalakas. Halos sabay-sabay pa.Napabalikwas na tuloy ako ng bangon. Wala na rin si Larkin sa tabi ko. Nasa labas na siguro siya at nakikipaglaban.Tama ang hinala nila Larkin at Papa Yanu. Gaganti agad si Amedeo dahil pinakamamahal niyang anak ang nawala.“Tangina, hindi ko hahayang maubos kami rito, kailangan ko ring kumilos,” bulong ko habang tumatayo na.Pinipigil kong manginig ang mga kamay ko habang nagmamadaling magsuot ng battle gear, armor suit, combat boots at utility belt. Ikinabit ko ang mga bala sa holster, sinalpak ang handgun sa tagiliran ko, at isinuot ang tactical gloves. Sa bawat pirasong armor na nailalagay ko, parang mas lalo akong tumatapang kasi, alam kong marami akong bala o sandata bago sumabak sa matinding labanan.Nakuha ko na rin ang sho
Khaliyah POVPara akong batang nahuling gumala nang hindi nagpapaalam, ganoon ang pakiramdam ko habang nakaupo sa harap ni Papa Yanu. Matanda na ako, may asawa na rin, pero heto ako ngayon, nakayuko habang pinapagalitan niya ako na parang wala pa ako sa wastong edad.“Oo, maganda naman ang nangyari sa ginawa mong pagsugod nang mag-isa, Khaliyah, pero paano kung may masamang nangyari sa ‘yo? Paano kung nabagok na naman ang ulo mo?”Ang sunod-sunod niyang tanong habang seryosong nakatingin sa akin. Nakakainis pakinggan o kung iisipin ang ginagawa ni papa, pero okay lang. Hindi ako magagalit o magtatamopo.Saka, wala rin naman akong masabi. Hindi ko rin kasi kayang makipagtalo, alam kong mali rin naman ako. Mali na hindi ako nagsabi sa kanila. Mali na nagplano akong mag-isa. Mali na inisip kong kaya ko lahat, pero kinaya ko naman talaga. Sadyang kabado lang sila sa ginawa ko.Alam kong pinapayagan naman niya akong lumaban, pero ‘yung sarili kong diskarte? ‘Yung hindi man lang ako nagsabi
Khaliyah POV“Oh, kumusta pakiramdam sa unang araw ng training?” tanong ko kay Levi matapos ang unang buong araw ng training niya. Kinausap ko rin talaga sina Rafe at Yanna, na kung maaari, pahirapan ng husto si Levi. Huwag kakong baby-hin para hindi masanay na puro madali lang ang gagawin sa training.“Grabe, feeling ko, hindi ako makakalakad ng maayos bukas,” sagot ni Levi na tila latang-lata ngayon. “Kaya, mauna na muna ako sa guest room, gusto kong magpahinga muna, parang mamamatay ako ngayon sa sobrang lata,” sabi pa niya.Natatawa at napapailing na lang sina Rafe at Yanna nang makitang halos hindi na makalakad ng maayos si Levi.Napansin kong parang wala si Khaliyah. Naisip ko na baka nasa kuwarto lang, kaya pumunta ako roon para ma-check kung natutulog ba siya. Pero pagpunta ko roon, wala, kahit sa banyo ay wala. Kinabahan na ako roon, iba kasi ang naiisip ko. Tila sinamantala ni Khaliyah na busy kami, para makaalis siya ng solo.“Mateo,” tawag ko sa isa sa mga security guard h
Khaliyah POVTahimik na naman ang buong mansyon. Wala sina Larkin, Rafe at Yanna. Pero ang alam ko, busy sila sa pagte-training kay Levi. Okay ‘yun, gusto ko ring matuto ang kaibigan ni Larkin sa pakikipaglaban, makakatulong din siya sa amin. Isa pa, gusto rin siyang mapasok ng asawa ko sa pagiging tauhan ni papa. Nang sa ganoon, kumita na rin si Levi, na ang sabi ay tila tinakwil na ng sarili niyang pamilya.Habang busy sila, nagkaroon naman ako ng pagkakataong lumayas nang mag-isa lang. Aba, busy sila, kaya dapat gumawa rin ako nang pagkaka-busy-han ko.Mag-isa lang akong umalis ng mansiyon. Walang backup, walang kahit anong bodyguard or security, sagabal lang sila sa magiging lakad ko. Wala rin akong dala kundi dalawang baril na nakaipit sa magkabilang tagiliran ko.“Ma’am Khaliyah, saan po kayo pupunta?” tanong pa sa akin ng security guard sa gate ng manisyon.“Diyan lang, may bibilhin lang,” maikling sagot ko. Hindi na siya nagtanong pa, kaya umalis na ako.Gabi naman na. Mas mad
Khaliyah POVWala pa si Larkin, hindi pa siya bumabalik simula nung pumunta siya sa LJS Street para magbigay ng tulong kina Ipe, Poge at Uda. Sana nga, tanggapin nila at maayos na maibigay ni Larkin, kasi, naisip ko na baka umiwas lang sila at tuluyan nang matakot na makasama kami.Habang wala pa si Larkin, nag-crave ako bigla sa pizza. Aayain ko sana sina Rafe at Yanna, kaya lang ay mukhang may lakad sila, wala kasi sa mansiyon, tahimik ngayon dito.Siguro naman ay pauwi na si Larkin, kaya tamang-tama lang kung magpapa-deliver ako ng pizza. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang mga pizza. Limang kahon ng pizza ang in-order ko.Kaya heto ako, nakataas na ang paa sa center table, habang nanunuod ng TV.Wala naman akong pinapanuod, gusto ko lang naka-open ang TV para nalilibang din ako. Maya maya, biglang lumabas ang breaking news.“Isang lalaki ang natagpuang duguan at halos wala nang malay sa madilim na bahagi ng Road 7 sa Maynila. Kinilala ang biktima na si Mayor Khalix Da