Share

11

Maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Ayaw ko sanang bumangon kaso tanghali na. Nakatanggap ako ng text galing kay Tita Daniella, pumasok daw ako sa store. Kailangan ko na pa lang magresign as cashier.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, siguro naman nakaalis na si Jared. Hindi ako kagaya noong mga nakainom tapos sasabihin na wala silang naalala, ako, tandang-tanda ko!

Pagdating ko sa kusina, halos kapusin ako ng hininga dahil nakita ko si Jared na nagluluto. Aalis sana ako ng tawagin ako nito.

"Jessabelle!" Sigaw nito at maya-maya lang ay pumasok si Jessa sa kusina.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kanya. Napakamot naman 'to ng ulo.

"You two. Ano ang pumasok sa isip nyo at nagbar kayong dalawa?" Nakakatakot na humarap sa akin sa amin si Jared. Sisermonan nya pala kami.

"K-Kasi naman kuya, you left her. We celebrate." Nakayukong sagot nito.

"Do you think gawain ng matinong babae 'yan?! Jessabelle?! Paano kung napahamak kayo?" Halos dumagundong na ang bahay dahil sa sigaw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status