The Woman Behind Fifty Million

The Woman Behind Fifty Million

last updateLast Updated : 2026-11-25
By:  Chang GoUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Fifty million pesos. That's my final offer." Sa isang iglap, naging auction item si Althea Sarmiento—ang dating heiress na betrayed ng sarili niyang fiancé at madrasta. Matapos mamatay ang kaniyang ama, natuklasan niyang pinagkakaisahan siya nina Marco at Veronica para nakawin ang kaniyang inheritance. Ngunit bago pa siya makalaban, nilagyan siya ng pampatulog at ibinenta sa isang illegal auction. Ang bumili sa kaniya ay si Damian Villareal, isang ruthless billionaire na hindi niya inaasahang magbibigay sa kaniya ng isang deal. "Take care of my daughter, and I'll give you everything you need to take back what's yours." Kailangan ni Damian ng caregiver para sa kaniyang five-year-old daughter na si Lia. Kailangan naman ni Althea ng proteksiyon at kapangyarihang mabawi ang lahat ng nawala sa kaniya. Isang arrangement lang dapat—walang feelings, walang attachment. Pero habang unti-unting nagiging bahagi ng buhay ni Lia si Althea, nagsisimula ring lumambot ang malamig na puso ni Damian. At sa gitna ng revenge, secrets, at growing attraction, unti-unti nilang nakakalimutang contract lang ang dapat na namamagitan sa kanila. Ngunit hindi lahat ay tanggap ang presensiya ni Althea. At nang bumalik ang matagal nang nawawalang asawa ni Damian, isang katotohanan ang yumanig sa mundo niya. "You may take care of my daughter, but don't forget—I'm her mother." She was sold to a billionaire to reclaim her life. But what if, in the process, she falls for the one man she can never truly have?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Limampung milyon!”

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa malamig na railing ng entablado. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakatingin sa mga lalaking nakaupo sa harap. Hindi ko alam kung sino sila, kung ano ang mga trabaho nila, o kung anong klaseng mga babae ang hinahanap nila. Ang alam ko lang, bawat pagtaas ng paddle ay katumbas ng pagkawala ng isa pang bahagi ng dignidad ko.

“Limampung milyon, isang beses!” sigaw ng auctioneer.

Napasulyap ako sa mga pintong nasa likod ng ballroom. Dalawang lalaking nakasuot ng itim ang nakabantay sa bawat gilid. Wala akong paraan para makalabas.

“Pakiusap…” bulong ko. “May pamilya ako. May mga taong naghahanap at naghihintay sa akin.”

Natawa ang lalaking nasa harap na row.

“Kung may naghahanap sa iyo, bakit wala sila rito?”

Napayuko ako. Dahil ang mga taong dapat nagpoprotekta sa akin ay sila mismo ang nagdala sa akin sa lugar na ito. At ang lalaking pinakamamahal ko ay isa sa mga taong nagbenta sa akin.

Tatlong araw bago iyon, nakatayo ako sa harap ng puntod ng aking ama.

“Paalam, Daddy.”

Halos hindi lumabas ang boses ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ilang linggo lamang bago siya mamatay, nag-usap kami tungkol sa expansion ng Sarmiento Holdings. Pinangako niyang sa susunod na taon, ako na ang mamamahala sa isang bahagi ng kumpanya. Pero hindi na dumating ang susunod na taon. Namatay siya dahil sa isang heart attack, ayon sa doktor.

Masyadong mabilis ang lahat. Hindi ako nakapaghanda at wala akong pagkakataong itanong kung bakit biglang nagkaroon ng mga problema sa kumpanya, kung bakit may mga dokumentong hindi niya ipinapakita sa akin, o kung bakit tila may tinatago ang aking madrasta.

“Althea, anak. Umuwi na tayo.”

Si Veronica, ang asawa ng aking ama, ay marahang humawak sa aking balikat.

“Hindi ka pa kumakain. Baka magkasakit ka.”

“Ma, gusto ko munang manatili rito, iwan niyo na muna ako.”

Hindi ko siya tunay na ina, pero halos sampung taon na siyang bahagi ng pamilya namin. Noong una, mabait siya sa akin. Hindi ko kailanman naisip na may dahilan para pagdudahan siya.

“Hindi na mababago ang nangyari,” sabi niya. “Kailangan nating magpatuloy.”

Tumango ako, pero bago kami umalis, napansin kong may kausap siyang lalaki sa malayo. Nang makita niya akong nakatingin, mabilis siyang tumalikod.

Hindi ko iyon pinansin. Hindi ko alam na iyon ang unang pagkakataong dapat akong maghinala.

Kinabukasan, agad akong pumunta sa opisina ng aking ama. May ilang dokumentong kailangan kong ayusin para sa board meeting kinabukasan. Habang binubuksan ko ang drawer ng kaniyang mesa, may nakita akong folder na may label na SHARE TRANSFER DOCUMENTS.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit may mga dokumentong inililipat ang shares ng kumpanya kaya naman binuksan ko iyon.

At tuluyang nanlamig ang katawan ko nang makita ko na nakalagay ang pangalan ni Veronica bilang bagong may-ari ng malaking bahagi ng shares ng Sarmiento Holdings. May pirma rin ng aking ama pero ng suriin ko, hindi iyon ang pirma niya.

Kabisado ko ang sulat-kamay ng Daddy ko. Ilang beses ko nang nakita ang kaniyang mga pirma sa mga dokumentong pinapadala niya sa akin. Ang nasa papel ay halatang ginaya lamang at pineke.

“Hindi ito maaari…”

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Marco.

“Marco, kailangan kitang makausap. May nakita akong mga dokumento sa opisina ni Daddy.”

“Anong mga dokumento?”

“May transfer ng shares kay Veronica. Hindi tama ang pirma. Sa tingin ko, may nagpepeke ng mga papeles.”

“Nasaan ka?”

“Sa bahay. Puwede ka bang pumunta?”

“Okay, just wait me there.”

Makalipas ang halos dalawampung minuto, dumating si Marco. Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Veronica, ang aking madrasta.

“Marco?” Naguguluhan akong tumingin sa kanila. “Bakit magkasama kayo?”

“Althea, we need to talk,” sabi ni Veronica.

Ipinakita ko ang mga dokumento.

“May nagpeke ng pirma ni Daddy. Kailangan natin itong ipasuri. Hindi puwedeng basta ilipat ang shares niya nang hindi—”

“Hindi na kailangan,” putol ni Marco.

Napatingin ako sa kaniya.

“What?”

“Althea, tumigil ka na. Wala ka nang magagawa.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Huminga siya nang malalim, saka tumingin kay Veronica. Hinawakan ni Veronica ang kaniyang kamay. At sa harap ko, ngumiti sila.

“Matagal na kaming may relasyon, Althea,” sabi ni Marco.

Parang hindi ko maintindihan ang narinig ko.

“May relasyon… kayo?”

“Hindi ko na kayang magpanggap,” sabi niya. “Hindi kita mahal.”

Napailing ako.

“Nooo. That’s not true.”

“Ang totoo, kailangan ko lang ang pera ng pamilya mo. At ngayon, wala nang dahilan para manatili ako sa iyo.”

Napatingin ako kay Veronica.

“Ma?”

Nawala ang pekeng lambing sa mukha niya.

“Don't call me Mama.”

“Bakit? Ano'ng ginawa ko sa inyo?”

Tumawa siya nang mahina.

“Wala kang ginawa, Althea. Sadyang napakadali mong manipulahin at napakatanga niyo.”

Napaatras ako.

“Paano ninyo nagawa ito kay Daddy?”

“Your father was too trusting,” sagot niya. “At ikaw, masyadong naïve.”

“Hindi ninyo maaaring kunin ang kumpanya! May legal process! May board of directors!”

“May mga taong nasa board na pumirma na,” sabi ni Marco. “Wala ka nang kontrol.”

Naramdaman kong nanginginig ang buong katawan ko.

“Ilalabas ko ang lahat. Ipapasuri ko ang mga dokumento. Hindi kayo makakalusot.”

Napangiti si Veronica.

“Hindi ka na magkakaroon ng pagkakataon.”

Inabot niya ang isang basong tubig na nasa mesa.

“Uminom ka muna. Mukhang hindi ka makahinga.”

“Hindi ko kailangan.”

“Althea, huwag kang magdrama.”

Hinawakan ni Marco ang balikat ko.

“Uminom ka. Kailangan mong kumalma.”

Dahil sa matinding pag-iyak at pagkahilo, hindi ko napansin ang kakaibang lasa ng tubig at ilang minuto lamang ang lumipas, nagsimulang lumabo ang paningin ko.

“Marco… bakit…”

Nanghihina ang mga tuhod ko. Sinalo niya ako, pero hindi para tulungan akong tumayo.

“Dadalhin ka namin sa isang lugar.”

“Pakiusap… tulungan ninyo ako…”

Nakita kong nagkatinginan sila.

“Dalhin na iyan,” sabi ni Veronica.

Ang huling narinig ko bago tuluyang mawalan ng malay ay ang boses ni Marco.

Pagmulat ko, masakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Nasa isang silid ako na hindi ko alam kung saan iyon. Nakasuot ako ng damit na hindi akin, at wala ang cellphone ko.

“Nasaan ako?”

Sinubukan kong tumayo, pero agad akong nahilo. Bumukas ang p***o at may dalawang lalaki ang pumasok.

“Tumayo ka. May naghihintay sa iyo.”

“Anong lugar ito? Nasaan si Marco?”

Hindi sila sumagot. Hinila nila ako palabas ng silid at dinala sa isang ballroom. May mga lalaking nakaupo, may mga babaeng nakasuot ng magagarang damit, at may mga taong nag-uusap na parang nasa isang ordinaryong party lamang sila.

Pero nang makita ko ang entablado at ang mga babaeng nakatayo roon, doon ko naunawaan.

Hindi ito party. Isa itong ilegal na auction.

“Pakiusap, hindi ako dapat narito!” sigaw ko.

Hindi ako pinansin ng mga lalaki, bagkus ay inakyat nila ako sa entablado at itinulak sa gitna.

“Ladies and gentlemen,” masiglang sabi ng auctioneer, “we have a special item tonight. A beautiful young woman from a prominent family. Unfortunately, her family circumstances have changed.”

Napalunok ako.

“Please…”

“Let the bidding begin!”

“Five million!”

“Eight million!”

“Ten million!”

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

“May mga taong naghahanap at naghihintay sa akin! Hindi ninyo maaaring gawin ito!”

Nagtawanan ang ilang lalaki.

“Twenty million!”

“Thirty million!”

“Forty million!”

Naramdaman kong wala na akong pag-asa. Hanggang sa may isang lalaking nakaupo sa pinakahuling bahagi ng ballroom ang tumayo.

Hindi siya katulad ng ibang bidders. Hindi siya nakangiti. Hindi siya nakikipag-usap sa mga katabi niya.

Nakatayo lamang siya, malamig ang mga mata, at nakasuot ng itim na suit.

“Fifty million, final offer.”

Tumahimik ang buong ballroom. Napatingin ang auctioneer sa kaniya.

“Fifty million! Any other bidder?”

Walang sumagot kaya bumagsak na ang martilyo.

“Sold!”

Napalunok ako habang lumalapit ang mga tauhan sa akin. Ang lalaking bumili sa akin ay hindi man lamang ngumiti. Tumingin siya sa akin, saka sinabi ang dalawang salitang hindi ko inaasahang maririnig.

“Bring her.”

At sa unang pagkakataon, naisip ko…

Paano kung ang lalaking bumili sa akin ay mas mapanganib kaysa sa mga taong nagbenta sa akin?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status