Share

Kabanata 5

“Tell me we’re not in Casa Evangelista right now!”

Gulat na gulat pa rin si Selene habang paulit-ulit nitong ginagala ang kanyang mga mata sa paligid at paminsan-minsan pa ay nangingiti ito. 

Matagal na mula nang una siyang makarating sa lugar na iyon, mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Kaya naman nang makumpirma nga niyang naroon sila sa Casa Evangelista ay abot-tenga ang ngiti ng dalaga.

Kilala ang nasabing lugar sa tablea menu nito kung kaya’t kakailanganin mo pang magpareserve ng maaga para lang makapunta at ma-accomodate ng buong staff. Ilang beses na ring naitampok ang lugar sa telebisyon at mga magasin dahil na rin sa ganda ng interior design nito. Minimalist with a Pinoy touch. May flower garden din sa east wing nito na siyang dinadayo ng mga guest at turista. 

Ito siguro ang dahilan kung bakit nasabi ni Marion na homey vibe rin ang lugar na pupuntahan nila. Speaking of the devil, nakatingin lang sa kanya ang binata habang nakasunod ito sa likuran niya. 

“It’s been years! Nandito pa rin ‘yung iconic Filipiña painting!” bulalas ni Selene nang mapansin ang isang malaking painting sa bukana ng naturang lugar. Agad n’yang kinuhaan ng larawan ang artwork. “Look, Marion, the three ladies represent the country, and see the banners na iwinawagayway nila? That’s—”

Different issues in the society,” sagot ni Marion at tinuro ang painting. “Tungkol sa women empowerment ang painting. Luz, Visayas and Minda stands for motherhood, sensuality and nature. ‘Yang mga banners sa hawak-hawak nila, it symbolizes their eagerness na ipaglaban ang kanilang karapatan.”

Tila natameme naman si Selene sa narinig na paliwanag ng binata. Ito ata ang unang beses na may naka-appreciate at nakaintindi ng mensahe ng painting from the opposite sex at hindi n’ya namalayang nakangiti na pala ito the whole time. 

“Halika na sa loob, baka gutom ka na.” pag-aaya naman ni Marion sabay kuha muli sa kamay niya at pumasok na ang dalawa sa loob. 

Hindi lang classic restaurant ang Casa Evangelista. Parang nagbalik ka rin sa nakaraan sa unang libot mo sa lugar. Aakalain mong binisita mo ang sikat na tahanan ni Dr. Jose Rizal sa Laguna, o kaya naman pinasok mo ang Intramuros dahil sa disenyo nito. Bagay na bagay din ang jazz music na maririnig mo sa loob. 

“Pa’no mo nalaman ‘tong lugar?” tanong ni Selene nang makaupo na sila ni Marion.

Maganda ang pwesto nila kung kaya’t sigurado s’yang ‘di lang tiyan niya ang mabubusog kundi pati ang mga mata n’ya. 

“Matagal nang nirekomenda sa’kin ng kaibigan ‘ko ang lugar na ‘to. Alam mo naman, laging busy at puno ang schedule ng mga artista. Bihira lang makapag-me time. Naisip ‘ko, bakit ‘di ko subukang puntahan ngayon. Tutal naman e libre ang sched ‘ko.”

Tumango-tango ang dalaga. “How about the painting?”

“Nabanggit ‘yung painting sa isa sa mga art courses ‘ko nung college,” sagot ni Marion at sumandal ito sa upuan. “Ernesto Alcaraz made a series of painting about women. Ang alam ‘ko, ‘yung Filipiña is dedicated to the owner of Casa Evangelista. Kaya naman bago mamatay si Alcaraz, nakalagay sa last will and testament na i-donate rito ‘yung painting.”

Seryosong-seryoso si Marion habang nagpapaliwanag, akala mo ay iniinterview s’ya ng media. Alam na alam n’ya ang sasabihin na para bang ito ang buhay n’ya. Ang kaibahan nga lang, hindi tungkol sa next project o TV guesting ang pinag-uusapan nila. 

Heto sila ngayon, magkaharap habang hinihintay ang inorder nilang pagkain at pinag-uusapan ang buhay ng sikat na pintor. Para sa mga artistang kagaya nila, iilan na nga lang ba ang nakaka-appreciate ng ganitong set-up? 

Para kay Selene, it’s the little things in life that matter.

“Alam na alam mo ‘yung story behind the painting, ha? Quite impressive.” puri ni Selene sa binata na siyang dahilan upang tumawa ito. “And I mean it. Baka isipin mo naman, half-assed lang ‘yung sinabi ‘ko.”

“Wala naman akong sinabi, but okay.” pabirong tugon ni Marion. “Eh ikaw? Paano mo natuklasan ang lugar na ‘to?”

Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Selene sa tanong na iyon. 

Minsan nang naging espesyal sa kanya ang Casa Evangelista dahil ito na lamang ang lugar na nagpapaalala sa pinagsamahan nila ng kanyang dating nobyo. Ngunit ito rin ang lugar na nagpapaalala sa masakit na katotohanan na matagal na silang tapos nito.

Huminga nang malalim si Selene bago ito sumagot. “Dito kami nagkakilala ni Jared.”

“I’ll assume na siya ‘yung ex-boyfriend mo?”

Tumango ang dalaga.

“Sorry. ‘Di ‘ko naman alam—”

“It’s okay. Nagtanong ka lang naman and I just answered it.”

Hindi kumibo si Marion. Bakas din ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito. 

“Marion?”

“Yes, Selene?” sagot ng binata habang nakatingin sa mga mata niya. “May kailangan ka pa ba?”

“Bakit mo ‘ko dinala rito?”

“Tinatanong pa ba ‘yan? I thought I made myself clear. Sinabi ‘ko sa’yo kanina na naisip ‘ko lang na i-try ‘to dahil na rin sa suggestion ng kaibigan ‘ko. Isa pa, gusto rin kitang i-spoil kahit papa’no.” 

“Okay. So what’s the deal at bigla atang nag-iba ‘yang timpla ng mukha mo?” nakataas ang kilay ni Selene at tila pilit n’yang pinapaamin ang kausap. “Don’t even deny it, kumukunot ang noo mo.”

“It’s not!”

“Ang defensive mo.”

“Pwede bang manahimik ‘ka na lang, Selene. Shit, bakit ang kulit mo?” napasapo na lang si Marion sa ulo niya habang nakatingin sa dalaga habang pinagtatawanan s’ya nito. “Hey, what’s funny? Sa tingin mo nakakatawa ‘ka?”

Tumatawa pa rin si Selene habang umiiling-iling ito. Wala naman talagang nakakatawa sa sitwasyon nila, ngunit para makaganti lang rito, sinusubukan n’yang ubusin ang pasensya ni Marion. At mukhang tumatalab na nga ito. 

“Wala naman akong sinabing nakakatawa ako. Gusto ‘ko lang namang malaman kung bakit nakabusangot ka d’yan na para kang inagawan ng candy.” pang-aasar pa nito. 

Inirapan s’ya ni Marion. “Pwede ba, manahimik ka na lang. I just want peace!”

“Peace mo mukha mo. We’ll be living under the same roof kaya ngayon pa lang, you have to deal with me, Altamirano. That’s the least thing you can do.”

Sinamaan s’ya ng tingin ng lalaki. 

“What’s on your mind?” nakangiting tanong ni Selene na paminsan-minsan ay nagpa-pout pa. “Or should I say, anong tumatakbo d’yan sa utak mo? Baka gusto mo namang i-share?”

“Wala akong dapat i-share dahil pinahahalagahan ‘ko ang privacy ‘ko. Kumain ka na nga lang!” tila nagta-tantrums na sagot ni Marion na siya namang dahilan upang ngumiti ang nagsisilbi ng inorder nila. 

Nasa mid-50s na siguro ang serbidora. May iilang puting buhok na ang makikita sa naka-bun niyang buhok. Suot-suot nito ang uniporme ng nasabing kainan. Felicia ang nakalagay sa name tag nito. 

“Naku, sorry po at nakakaistorbo kami sa ibang customers,” nahihiyang humingi ng paumanhin si Seline sa matanda. “Medyo napalakas lang po ang usapan namin ng boyfriend ‘ko.”

Boyfriend. Kapwang nanlaki ang mga mata nila Selene at Marion nang mapagtanto ang sinabi ng dalaga. Agad namang tinunton ng kanyang mga mata ang direksyon ng lalaki, lihim itong natatawa at nagawa pang kumindat sa kanya. The nerve of this guy!

Natawa na lang ang matanda at muling ngumiti sa dalawa bago ito tumalikod at umalis. 

“Ang saya mo ‘no?” sarkastikong tanong ni Selene nang mapansing humahagikhik ang binata. 

“Sabi ng mommy ‘ko, mas nakakahaba raw ng buhay kapag may asawa kang may sense of humor. Siguro naman aabot ako ng 90-anyos kapag ikaw ang kasama ‘ko.” hirit naman ni Marion na naiiyak na sa katatawa. 

“Gano’n? Sabi naman ng papa ‘ko, hindi na raw ako aabot ng 60-anyos kung may asawa akong sakit sa ulo. Pero sa nakikita ‘ko sa’yo, ‘di ka lang sakit ng ulo, sakit ka pa sa mata.”

Katahimikan.

“‘Di bale nang sakit ng ulo at mga mata mo, pero hindi ng puso mo.” 

Tila nabilaukan naman si Selene sa narinig. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status